Kabanata 13
Happy 100 Reads! 🎉
13
---
"Ren!" Boses ni Chrispher ang nagpagising sa akin sa malalim na pag-iisip.
Natigilan ako sa paglalakad. Karga at yakap yakap ko pa rin ang bunso niyang kapatid.
"P-pasensiya ka na," hinging paumanhin niya ng tuluyan nang makalapit sa amin.
Humahangos siya at tumutulo pa ang pawis galing noo. Magulo ang basa niyang buhok at nagtataas baba naman ang dibdib. Kulay asul na ngayon ang suot niyang t-shirt at black na pants. Amoy na amoy ko rin ang pabango niyang walang halong ibang amoy.
Nanatili lamang ang titig ko sa humahangos at nakangiti niyang mukha. Sa hindi malamang dahilan ay bumalik ulit sa pandinig ko ang sinabi ni Chacey kanina. Iyon ang bumabagabag sa akin sa halos buong minuto na paglalakad ko papunta sa pwesto namin kanina at sa kuya niya.
Hindi ko lubos maisip na malulungkot at magagalit si Chrispher, dahil palagi siyang nakangiti o di kaya'y seryoso lang. At tama ba iyong narinig ko? Si Berenice ang dahilan? Bakit?
"Ahh..." Pumaling ang ulo ni Chrispher, tipong nagtataka sa pagkakatulala ko. "O-okay ka lang?"
Si Berenice? Kung hindi niya iyon girlfriend ay kaano-ano niya ito? At bakit parang takot ang bata sa kaniya?
Psh. Sino ba namang hindi matatakot e ang sungit sungit ng mukha niya? Feeling ko nga kanina sa restroom ay masasabunutan na ako no'n.
Pero teka... Ano naman ang pakialam ko sa buhay nitong lalaking 'to at ng babaeng 'yon? Basta ba ay hindi nila ako idamay sa problema nila ay okay na ako!
Tumikhim ako at iniling ang ulo. Ginamit ko ang kaliwa kong kamay na nasa likod ni Chacey nakaantabay para tapikin siya ng marahan.
"Chacey?" tawag ko sa bata.
Gumalaw siya at humarap sa akin. Namumungay ang kulay abo rin nitong mga mata. Hindi ko na naman mapigilang mapangiti sa tuwing nakikita ko ang mukha niya. She's so cute and adorable, and seeing her sad awhile ago makes me feel the same way too.
"Nandito na si Kuya," ani ko at sinulyapan si Chrispher. I saw him staring at me, bitting her lower lip, hiding a smile. Ang nakangiti niyang mga mata ay tila nagpipigil.
Chacey looked sideways to see his Kuya. Napangiti siya ng makita ito at agad na binuka ang mga braso para magpakarga ata sa kay Chrispher. Hinayaan ko naman siyang kunin ni Chrispher sa mga braso ko.
"Ah..." Nagkakamot ng ulo si Chrispher habang nahihiyang nakatingin sa akin. "Salamat pala, ah. 'Yong taga-bantay niya kasi... n-naaksidente."
Halos lumuwa ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Ano?!"
Tumango siya at malungkot na hinagod ang likod ng kapatid.
"Nasa hospital, pupuntahan ko pa ngayon pagkahatid ko kay Chacey sa bahay," aniya.
Napakurap ako. "M-may magbabantay ba sa bata doon sa inyo?"
Matamis siyang napangiti. "Maraming magbabantay do'n, don't worry."
Napatango na lang din ako kahit na nagu-guilty at nag-aalala rin ako sa Nanny ni Chacey. Kanina kasi ay pinag-isipan ko pa 'yon ng masama. Hindi ko akalain hahantong sa ganito.
"S-salamat at... pasensiya ka na sa abala—" hindi ko na siya pinatapos.
"Chrispher, hindi iyon abala. Hindi ako ganiyang tao. Tsaka kailangan niyo ng umuwi, baka kung ano ng nangyari sa Yaya niya," bakas ang pag-aalala ko sa boses.
Napangiti siya at tumango. Nakitaan ko pa ng bahagyang pagkislap ang mga mata niya dahilan para kumislot ang nababaliw na bagay sa dibdib ko.
"We have to go," aniya at dahan-dahan ng naglakad. His face suddenly change. Naging seryoso na ito.
"Sama na ako," ani ko. Tumaas baba ang adams apple niya at kagat labing napatango sa akin.
Magkasabay lang kaming lumabas ng skwelahan nila. At hindi ulit nakawala sa paningin ko ang tila nag-iimbestigang titig ng mga tao sa bawat pasilyo na nadadaanan namin. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon dahil may bumabagabag sa aking isipan.
Tumigil si Chrispher sa kaniyang itim na Sedan. Lumiko siya papunta sa backseat at nilagay doon si Chacey na namumungay ang mga mata dahil inaantok na. Nilagyan niya ito ng seatbelt bago siya dumiretso sa driver's seat. Pero tumigil ulit siya at humarap sa akin.
"Ren..." Naglalaro sa mga mata niya ang pangamba. Napalunok ako bago umayos ng tayo.
"Oh? Bakit?" Tanong ko.
He took a deep breath. "M-may gagawin ka ba bukas?"
Agarang nagreact ang isang bagay sa katawan ko dahilan para matigilan ako saglit. Kalaunan ay napaisip ako at napailing. "Wala naman, bakit?"
Sa katawan ko ay may humahalukay na nakakaengganyong bagay.
Lumiwanag ang kaniyang mukha at ngumiti ulit na tikom ang bibig.
"Aayain sana ulit kita bukas. Ahmm... pasyal lang! Wala kasi kaming basketball bukas," palipat-lipat pa ang mga maya niya sa magkabila ko ring mata. May bakas na takot doon at paghihintay.
Pinagmasdan ko pa siya ng ilang saglit bago nagpakawala ng mahinang tawa. Agad na naglaho ang ngiti sa kaniyang mukha at napalitan ng pagtataka.
"Oy? Bakit?" Aniya.
"Sige, wala rin naman kasi akong gagawin," nagkibit balikat ako at lumayo na. "Sige na. Umalis ka na."
Bumalik ulit ang liwanag sa kaniyang mukha dahilan para gumaan pabalik ang aking pakiramdam. Tumango siya at pumasok na sa kaniyang Sedan. Ibinaba niya ang salamin ng kaniyang kotse at sumungaw doon.
"Deal 'yan, ah!" Nakangising aniya habang naniningkit pa ang mga mata. Tila nag-aabang kung babawiin ko pa ba ang sinabi ko.
"Oo nga! Ang kulit," naglakad ako papunta sa likod ng kaniyang sasakyan at tinapik ako likuran no'n. "Alis na."
Napailing ako nang nag-thumbs up siya bago tuluyang umalis. Nanatili lamang ang titig ko sa papalayo niyang kotse habang dinadamdam ang lamig ng simoy ng hangin sa paligid, bagay na ngayon ko lang naramdaman.
Napahinga ako ng malalim at agad nang dumiretso sa sariling kotse at napagpasiyahang pumunta na muna ng Headquarters. Wala rin naman kasi akong gagawin doon sa bahay kaya pupunta na muna ako doon para makausap ang mga kakilalang pulis.
Pagdating doon ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikipag-usap sa mga katrabahong off-duty pero nandoon. Napag-alaman ko pa na mapo-promote na daw si Lupin at ilang araw na lang ay magiging "Sarhento" na. Ito iyong kaibigan kong makulit na pulis rin. Kaya pala wala ang ungas na 'yon at minsan ko lang makita dahil may misyon na pa lang nakatuka.
Hindi rin naman ako nagtagal doon dahil umuwi na rin ako ng bahay pagka-alas tres. Hindi ko pa napansin na tadtad na pala ng tawag at text ang cellphone ko dahil sa kapatid. Nagtatanong ito kung asaan ako. May isa pa siyang mensahe na halos magpapudpod ng ngipin ko.
Preston:
Ate! Nagtanan kayo ni Kuya Chrispher 'no?! Aba! Push mo 'yan!
Gago talaga ang batang 'yon. Hintayin lang niya na makauwi siya dito sa bahay at tatadtarin ko siya.
Napahinga na lang ako ng malalim ng makarating ako sa aking kwarto. Napag-alaman ko pang wala sina Mama at Papa dito sa bahay sabi ng mga kasambahay na kakakuha pa lang ata nilang Mama. May pinuntahan daw itong trabaho sa Batangas. Kaya imbes na ibabad ang sarili sa kakasuyod sa buong bahay ay natulog na lang ako.
Nagising akong sobrang dilim na ng paligid. Kinapa ko ang alarm clock na nasa side table ko lang at tinitigan ang oras. Ala-una na pala ng umaga. Kinusot ko ang mga mata ko at napatitig na lang sa kisame. Napasarap na naman ang tulog ko.
Umalis ako sa kama at kinuha ang cellphone sa bulsa ng leather jacket. In-open ko ito at agad na sinalubong ng dalawang mensahe. Galing iyon lahat kay Chrispher.
Chrispher:
You know why a guy gets childish in front of his girl?
Chrispher:
It's because he had a feelings. A hidden one.
Nangunot ang noo ko at napapaling ang ulo. Matagal pa akong natigilan dahil sa text na iyon. Kalaunan ay dahan-dahan ko ring binitawan ang cellphone at natatawang napailing na lang sa hangin. Puro talaga kalokohan.
Maaga akong naligo at pagkatapos ay bumaba na papuntang kusina. Tumaas ang kilay ko ng mapansin ang kapatid na ingat na ingat na gumagalaw at nakasungaw sa loob ng ref. Naka-shorts lang ito at parang may ginagawa sa ref. Nakakunot ang noo akong nagpipigil ng ngiti habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya. Nang mapansing abot ko na siya at agad ko siyang kinalabit.
"Hoy!"
"Puta! Gago!"
Napatalon siya kasabay ng pagkatapon ng hawak-hawak niyang cheese sa kanang kamay. Sa kaliwa naman ay botilya ng...
"Ano 'yang iniinom mo, ha?!" Nanlilisik ang mga mata kong itinuro ang botilya ng Emperador na nasa kaniyang kamay. Agad niya naman itong nilagay sa kaniyang likod.
"Nakakagulat ka Ate!" Humahangos na bulyaw niya pabalik sa akin habang sapo sapo naman ang dibdib. Para namang may pwedeng sapuhin? Linsyak!
Bumuka ang bibig ko at napadila sa loob ng bibig. Pinamewangan ko siya at tinitigan ng masama. Umagang-umaga nag-iinom?! Ano bang nasa utak ng isang 'to?!
"Bitawan mo 'yan kung ayaw mong bangasan kita!" Sabay turo ko sa hawak hawak niyang Empe. Tanginang Empe pa talaga?! Pero bakit nagkaroon ng Empe sa ref?! E wala 'yan kanina?! 'Tong lalaking 'to talaga.
Namutla naman ang kaniyang mukha at agad na ibinalik ang bote ng Empe sa loob ng ref. Hindi na rin siya nagdalawang isip pa na tumakbo paalis ng kusina. Aba?! Dapat lang! Kapag naabutan ko siya ay baka kung ano pa ang gawin ko sa kaniya. Baka makurot ko pa siya ng tudo.
Ang plano kong kumain ay agad na napurnada. Nawalan na tuloy ako ng gana dahil sa loko kong kapatid. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at inayos na lang ulit ang benda sa aking braso. Gumagaling na rin ito at hindi na masyadong masakit. Although kita pa rin ang tahi ay mas mabuti na rin kasi hindi na dumudugo. Sana nga lang ay gumaling ito agad dahil baka mabisto ako ni Preston. Ang loko na 'yon.
Itinuon ko na lang ang dalawang oras sa paglilinis sa mga baril ko. Nire-replyan ko rin ang ilang text ni Shanel na nangangamusta. Hanggang sa sumulpot ang mensahe ni Chrispher.
Chrispher:
Hindi ka ba magg-gym?
Napakurap ako at hindi agad nakapag-isip. I bit the insides of my cheeks and started typing.
Ako:
Hindi na muna. Bukas na lang siguro. Bakit?
Chrispher:
Tanong ko lang. Hindi na lang rin ako pupunta. Masakit katawan ko ;)
Napanguso ako at nagtipa ulit.
Ako:
Magpahinga ka na lang. Huwag ka ng aalis.
Chrispher:
What? No way! Kaya ko naman tsaka mamamasyal lang tayo. Hindi naman mag-aano. :>>
Nangunot ang noo ko dahil sa message na 'yun. Magkahalong bagay ang agad na dumaan sa isip ko.
Ako:
Umpog kita e.
Chrispher:
Hala bakit?
Chrispher:
Hey! What do you mean?
Umikot ang mata ko sa ere at napahawak sa sentido. Sumasakit ang ulo ko e. Tangina. Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko? Isa pa 'tong lalaking 'to.
Nang hindi ko na siya nireplyan ay tumawag na siya. Kumabog ang dibdib ko sa pagdadalawang isip kung sasagutin ko ba o hindi. Kalaunan ay napahinga ako ng malalim at naiiling na sinagot ang tawag. Halakhak niya agad ang sumalubong sa akin, habang ako ay pawang blangkong ekspresyon lang dahil sa kahihiyan.
"Ano ba nasa isip mo, ha? Miss Police?" Hagikhik niya na mas lalong nagpairita pa lalo sa akin.
"Wala!"
"Suss! Meron kaya!"
"Ano 'yong sa message mo?" Sabay irap ko sa hangin.
"Eh, message lang 'yon. Ikaw na bahala kung ano ang iisipin mo," tawa niya ulit.
"Eh, 'yung akin din! Text message din 'yun! Ikaw na bahala umintindi kung ano 'yon. Kala mo 'kaw lang?"
Mas lalo lamang siyang humalakhak dahil sa sinabi ko. Parang nagtunog defensive pa ata ako e. Eh, ano ngayon? Kung hindi niya ako inunahan ay hindi ako mag-iisip ng iba.
At nang hindi na talaga ako nakapagtimpi sa tawag niya ay agad ko na rin itong pinatay na walang paalam. Pasalampak akong humiga pabalik sa kama at inis na sinabunutan ang sarili. Bakit ko pa kasi pinatulan 'yun?! Pero ang laswa kasi pagkabasa ko no'n e! Kainis! Isa pala 'yong maduming trick!
Tumunog ulit ang cellphone ko pero hindi ko na pinansin pa. Tangina. Feeling ko sobrang hiya itong dinanas ko. Eh, iyong Chrispher naman kasi na 'yon! Bwisit!
Pinabayaan ko lang na tumunog iyon ng tumunog hanggang sa tumigil din naman. Napahinga ako ng malalim at pinulot ang cp sa ilalim ng unan. Napangiwi ako ng makitang naka-limang missed calls din pala ang kumag. May nagpop up namang text na galing sa kaniya.
Chrispher:
Saan tayo magkikita?
Napatitig ako sa kawalan at napaisip. Saan nga ba? Pero bakit ako? Eh, siya ang nagyaya. Tsaka pumayag lang naman ako dahil wala naman akong trabaho at ibang mapuntahan. Sinusulit ko lang naman itong free days ko. Pagtiya-tyagaan ko na lang ang asungot na 'to.
Ako:
Ikaw na ang bahala.
Chrispher:
Sa Sundie's Café na lang. Iyong malapit sa greenwich.
Chrispher:
Sorry na :<<
Napahinga ako ng malalim at napabangon sa kama. Hindi ko na siya nireplyan pa. Magkikita rin naman kami mamaya.
Pagkatapos kong magbihis ng fitted maroon long sleeve shirt at fitted jeand na pinaresan ko naman ng itim ulit na leathet jacket na maraming nakakabit na kadena. I like this style kaya marami akong reserbang jacket. Sa sapatos naman ay black leather boots na may kaunting heels.
Bumaba na ako ng sala at agad na natagpuan ang kapatid na nilalaro ang car keys sa kamay. Nang makita ako ay ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya at agad na nataranta.
"Ma! Alis na ako! Pa!" Iyon lang at para na siyang kidlat na nawala sa paningin ko.
I scoffed. Dapat lang. Dahil talagang chugi ka sa akin kapag nahuli pa kitang umiinom lalaki ka. Dumaan muna ako ng kusina para magpaalam kina Mama at Papa na aalis muna, bago ako bumyahe paalis. Usapan namin ni Chrispher ay at 7:30 kaya pupunta ako doon ng 7:15. Ayaw ko ng late kaya sisiguraduhin ko ring hindi ako late.
Pagkarating ko doon ay agad na akong pumasok sa loob ng coffee shop. May mga tao na rin dito na kumakain. Kadalasan magkasintahan pa. Napangiwi ako dahil sa isang isipin. Nababaliw na talaga ako.
Naitikom ko ang bibig ko at akmang maghahanap na ng upuan ng makita ko ang bulto ni Chrispher sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng simpleng asul na t-shirt na pinaresan naman niya ng khaki shorts. May suot suot siyang itim na baseball cap sa ulo. Malapit siya sa bintana at tanaw ang bawat nagdadaang sasakyan. Nakatalikod siya mula sa direksyon ko kaya hindi niya ako kita.
Sa hindi ko malamang dahilan ay agad na gumaan ang pakiramdam ko. Umusli ang ngiti sa aking labi na agad ko namang pinalis. Ang aga nito, ah?
Nang makalapit ako ay tumikhim muna ako at kinalabit ang kaniyang balikat bago umupo sa harapang upuan sa kaniya. Tila araw namang kaka-angat lang ang pagliwanag ng mukha niya ng makita ako.
"Ang aga mo!" Aniya at nakangiting nag-angat ng kilay. "Pero mas maaga pa rin ako!"
"Nakipag-kompetensiya ba ako?" Irap ko.
"Hindi. Pero nase-sense akong excited ka na makita ako," naningkit ang mga mata niya dahilan para bigyan ko siya ng blankong ekspresyon.
"As if naman," ngiwi ko at itinaas ang kamay para mag-order ng kape.
Nang makarating ang waiter ay nag-order na rin siya ng kaniya. Pagkaalis ng waiter ay agad siyang humilig sa lamesa at nakangising nilapit sa akin ang mukha. Nagtaas lamang ako ng kilay habang naamoy ang panlalaki niyang pabango.
"Sorry ah," aniya.
Tumaas ang kilay ko. Totoo bang sorry 'yon? Eh, ngising ngisi? Lamutakin ko 'yang mukha niya e.
Napailing lang ako at nag-iwas ng tingin. Dumadagundong na naman ang dibdib ko dahil sa lapit niya sa akin. Kulang na lang kasi isubsob niya mukha niya sa akin! Ano ba talagang meron sa lalaking 'to?!
"Ngayon lang ako nainis sa sorry," sabi ko. Dahil totoo naman 'yon.
"Oh? Talaga?" Ani pa niya.
Halatang nang-aasar na naman. Nagkibit siya ng balikat at sumandal na sa kaniyang upuan, pero ang matagumpay na ngiti ay nasa kaniya pa ring labi.
"Okay lang, hindi na lang ako magso-sorry. Babawi na lang ako sa ibang bagay." Dugtong pa niya.
Nangunot ang noo ko dahilan para mapatitig ako sa kulay abo niyang mga mata na animo'y bituin sa gabi kung makakislap. Haist! Pati imagination ko parang nachu-chugi na rin.
His eyes is so teasing. Lalo na ang kaniyang mukha ay nagdadala rin ng pang-aasar at kakaibang ekspresyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nahahayaan ko lang ang sarili ko na sumama sa ganitong lalaki na walang ibang kayang gawin kundi ang asarin ako at bigyan ng sakit sa ulo.
Pero... Bakit nga ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro