Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

12






---

"Dito ka, Miss Police," nakangising ani ni Chrispher ng makarating kami sa loob ng malaking auditorium nila.

Nangunot ang noo ko nang mapansing upuan ito ng mga coaches at ng iba pang mga may matataas na ranggo sa kanila.

"Ano?! Bakit dito?" Natataranta kong inilibot ang tingin at naghanap ng bakanteng mauupuan. Halos lahat ay ukupado na, tapos may napapansin pa akong mga tao na iba kong makatingin sa akin. Ipinagsawalang bahala ko na lang 'yon at mas pinag-igihan ang paghahanap, nang makakita ay agad kong itinuro.

"Doon! Pwede ako do'n," ani ko at binalingan siya.

Umangat ang pareho niyang mga kilay at napanguso. Umiling siya at dali-daling tumakbo papunta sa isang itim na bagpack at inabot sa akin.

"Hawakan mo 'yan. At dahil ikaw ang may hawak niyan, bawal kang lumayo dito, Miss Police," ngumisi siya na nagpalaki sa butas ng aking ilong.

"Baliw ka ba?! Hindi ako pwede dito! Salta lang ako dito-"

"Special ka sa team Captain ng UST Growling Tigers kaya diyan ka, okay? Tsaka mas kita ako dito kaya hindi ka na mahihirapan pa," kumindat siya at may kinuha sa bulsa ng hawak-hawak kong bag. "Huwag kang aalis diyan, okay? Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako. Magti-time out ako-"

"Gago ka ba?!" Ramdam ko na halos ang ugat ko sa mata at leeg.

Ano ba 'tong ginagawa ng lalaking 'to?! Hindi niya ba napapansin ang mga titig ng tao? May mga nagbubulong pa! Nagbubulong nga pero rinig na rinig ko naman!

"Who's that girl?"

"I'm sure that's not Chris girl. May Berenice na siya."

"Hindi naman ata sila ni Berenice e, look at that. I like Berenice fashion sense but... I like the coolness of this one."

"Basta, akin pa rin si Chrispher!"

Napalunok ako at sinimangutan si Chrispher. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya dahil ang ngiti niyang ilang ulit ko ng nakikita ay nakaplastada na naman sa kaniyang mukha.

"It's fine. You can stay here. Mas makikita pa kita ng maayos." Aniya. Napaatras ang ulo ko at naningkit ang mga mata.

"P-pwede ba talaga dito? B-baka may nakaupo na dito-" hindi ko natapos ang sasabihin ng hinawakan niya ang magkabilang braso ko at buong lakas niya akong pinaupo. Napasinghap ako at napatitig na naman sa kaniya.

"You're my guest. Kung sino mang magpapaalis sa'yo diyan, ituro mo sa akin. Ako ang bahala," kumindat siya at tinapik ang aking balikat.

Bago pa man ako makapagsalita at makapag-protesta ay may tumawag na sa kaniya. Abot langit ang ngiti siyang tumakbo papunta sa tumawag sa kaniya. Nagtipon-tipon sila ng mga kasamahan niya at nakipag-apir sa isa't isa. Tumatawa siya kasama ng mga kateam niya. Some of his teams are looking my way, the reason for me to feel more uncomfortable. Nagbubulungan pa kasi.

Hindi rin naman nagtagal ay bumalik siya sa akin. Napatikhim ako ng nasa harapan ko na siya.

"Paki-kuha nga ng Jersey ko, Miss Police," aniya, nakangisi. Nangunot ang noo ko at sarkastikong napangiwi.

"Utusan mo 'ko?" Bulyaw ko.

"Hindi, nasa'yo bag ko e," he blinked thrice while smiling. May saltik nga talaga ata sa utak ang isang 'to.

Napabuga ako ng hangin at inis na binuksan ang kaniyang bag. May nakita ako doong kulay yellow na Jersey kaya iyon ang kinuha ko.

"Eto ba?" Ani ko habang inaabot sa kaniya. Kinuha niya ito kasabay ng paghaplos bahagya ng kamay niya sa akin. May kung ano namang humalukay sa aking katawan.

"'Yong shorts din," aniya. Sinimangutan ko siya at itinulak ang bag sa kaniya.

"Ikaw na maghanap!" Balak pa ata akong gawing chaperone nito.

"Parang shorts lang e," humalakhak siya at kinuha na ang kailangan doon. Ibinalik niya ulit sa akin ang bag. "Bihis muna ako, ah? Kung may kailangan ka, tawagan mo 'ko agad."

"Umalis ka na nga," inirapan ko siya at 'di na tinitigan pa.

Bumungisngis pa muna siya bago tumakbo sa kung saan. Mariin ko na lamang ipinikit ang mga mata at napahilot sa sentido habang yakap yakap ang kaniyang bag. Minsan ay mapapatanong rin ako kung bakit hinahayaan ako ng lalaking 'yon na ganituhin ako. Tatanda ako ng maaga dahil sa lalaking 'yon e!

Buong minuto na wala siya ay palinga-linga lang ako sa paligid at madalas iniiwasan ang mga kakaibang titig ng mga tao. 'Yong iba kasi sa kanila ay kung makatingin parang may malaking atraso ako. At hindi na ako magtataka kung ano ang dahilan. Sa mga posters ba namang dala na kung 'di pangalan ni Chrispher ay ang pagmumukha naman nito ang meron.

"Dito ka muna, Chacey," isang sweet at malumanay na boses ni Chrispher ang kumuha ng atensyon ko. May kasama siyang batang babae. May hawak hawak itong teddy bear. Tantya ko ay nasa 9 o 10 and edad nito.

"Tabi ka muna kay Ate," ani ni Chrispher at awkward na ngumiti sa akin.

Ang kaninang simangot ko ay napalitan ng ngiti dahil sa cute na bata. The cute little angel smiled back at me. Her dimples reminds me of Chrispher's.

"Ah... Miss Police, kapatid ko nga pala," si Chrispher. "Dito muna kasi wala pa ang Yaya niya. May binili sa labas." Bahagya siyang natigilan at napakamot ng ulo. "Okay lang ba?"

Bahagya akong natigilan bago natatawang napabuga ng hangin. "Ano ka ba? Okay lang. Mas mabuti na rin ng may kasama ako dito."

"Panoorin mo 'ko ah? Dapat sa akin lang para hindi ka ma-bore." Nakangising aniya habang nagtataas baba din ang kilay.

Napailing na lang ako at itinuon na lang ang pansin sa bata na nasa tabi ko. Kulot-kulot ang mahaba niyang buhok at matataba ang mga pisngi. Maputi ito at medyo namumula. Nakasuot siya ng pink dress at flats. Nakatingin siya sa akin at parang kinikilatis ang itsura ko. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti ng tudo dahil sa kaniya. Nawala ang inis ko sa Kuya niyang damuho.

"Hi," I waved my hand at her.

"Hello," bati niya sa akin pabalik at hinawi ang kaunting buhok na lumapat sa kaniyang bibig. Hindi ko talaga mapigilang mapangiti at pagmasdan pa ang batang ito. Para siyang anghel na version ni Chrispher e. Ang chubby pa ng pisngi.

"Bro!" Napaangat ang tingin ko sa lalaking papalapit kay Chrispher. Nakipag-apir ito sa kaniya. Namukhaan ko itong si Kerven. Iyong kaibigan niyang medyo kulot ang buhok. Dumapo ang titig nito sa akin at agad na makahulugang napatingin ulit kay Chrispher.

"Dito ka muna, ah? Wala pa si Ate Chie-chie, walang kasama si Miss Police at Chacey." Si Chrispher kay Kerven.

Tumawa si Kerven at agad na naghila ng upuan at tumabi sa akin. He even winked and giggled at me. Nakita ko na lang na pinalo siya ni Chrispher sa braso.

"What the heck?!" Sigaw ni Kerven. Agad na sumama ang itsura ko at napatikhim. Masama ang lengguwaheng iyon lalo na't merong bata.

"May bata dito," ani ko at sinulyapan si Chacey. She's staring at me. Smiling and moving her head cutely.

Hayy, bakit ba bigla bigla na lang nagbabago ang ekspresyon ko sa batang 'to? Ang cute naman kasi.

"Hear that, Zaldua?" Si Chrispher kay Kerven habang sinusuklay ang buhok pataas.

Napailing na lang ako ng pabiro silang nagsuntukan. Asan kaya ibang tropa nito?

Hindi ko na lang sila pinansin dahil itinuon ko na lang ang pansin ko dito sa cute na bata. Ginalaw ko ang katawan ko habang may yakap yakap na bag. Humarap ako sa kaniya. Napansin ko ang paghihirap niya sa pag-abot niya sa kaniyang pink ribbon na clip sa ulo.

"Baby, anong gagawin mo?" Tanong ko sa bata. Her eyes lit up and smiled at me. Itinuro niya ang ribbon sa kaniyang ulo.

"I think it's falling. Can you please fix it for me?" Her cute chubby cheeks bounced.

"Sure," itinabi ko ang bag at mas lumapit sa kaniya. Inayos ko ang ribbon sa naaayon sa gusto niya. Napangiti siya at matamis na napangiti sa akin.

"Are you my Kuya's girl?" She asked. Napakurap ako at bahagyang natigilan. Kalaunan ay nagpakawala ako ng mahinang tawa.

"Hindi-" I didn't finished because Chrispher interrupt. Minsan talaga walang manners.

"Chacey, i-kwento mo 'ko kay Ate, ah? Dapat kapag binalikan ko siya ulit dito may ngiti siya sa akin. Pabilibin mo siya Chacey, okay? Gamitin mo powers mo," kumindat ang Kuya niya sa kaniya at kinurot pa nito ang pisngi ng bata, dahilan ng pagtawa nito ng mahina.

Habang pinagmamasdan ko ang magkapatid ay hindi ko mapigilang mapangiti. May ka-sweetan rin pala sa katawan itong lalaking 'to. Akala ko kasi ay palaging kalokohan at biro lang ang alam. Iyon kasi ang nakikita ko palagi sa kaniya. Minsan matutuwa ako pero kadalasan ay maiinis na ewan. Talagang kakaiba pa rin talaga.

Tumango ang bata at mas lalong napahigpit ang yakap sa teddy bear. Napaangat ang tingin ko at agad na natagpuan ang kay Chrispher. Para naman akong nahugutan ng hininga. Napalunok na lang ako at hinayaan na muna iyon. There's something wrong, really.

"Panoorin mo 'ko, ah? Ipapanalo ko 'to," he moved his arm up and reveal his tight muscles. Loko talaga. Naitikom ko ang bibig ko at lihim na napangiti.

"Huwag mo sabihin, gawin mo rin," ani ko.

Kasabay ng pagliwanag ng kaniyang mukha ay ang paglukso ng bagay nasa loob ng katawan ko.

"Tama... Gagawin ko..." He stopped midline. "Panoorin mo, ah?" Ngumisi siya at lumayo na sa akin. Tumakbo siya papunta sa mga kateam niya at tumatalon-talon pa.

"He changed," tumatawang saad ni Kerven sa tabi ko.

Napabaling ako sa kaniya na nakakunot ang noo. Umangat ang kilay niya at parang alam na kung ano ang tanong na namumuo pa lang sa aking isip.

He laughed again and shrugged. Inangat niya ang kamay niya at may itinuro. Sinundan ko ang direksyon ng kamay niya at agad na namang nag-iba ang aking pakiramdam. It's Chrispher, again. Nakangiti ito habang nakabaling sa direksyon namin. Nang magtagpo ang mga mata namin ay kumaway siya sa ere. Dahilan ng malakas na pag-ingay sa paligid. Dinig na dinig ko ang ingay ng paulit-ulit na sigaw sa pangalan niya mula sa mga tao. Pero ang titig ko ay nanatili pa rin sa kaniya at ganoon din siya sa akin.

Hindi ko aakalaing ang isang lalaking 'to na sa tingin ko'y magdadala lang ng sakit sa akin ng ulo ay kayang gawin ito sa akin. Unti-unting namuo ang ngiti sa aking labi at hindi na mapigilan pa ang mahinang pagtawa. Napaka-isip bata niya. Hindi ko inaasahang magkakaroon ako ng ganitong... kaibigan.

Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na ang laro. Sa halos buong laro nila ay nasa kaniya lang ang atensyon ko. Ang kaniyang ekspresyon ay parang banyaga sa akin. Napaka-seryoso at talagang pokus na pokus. Hindi ko rin mapigilang mapabilib ng halos siya ang may maraming nai-sho-shoot na bola sa ring. At kapag nagagawa niya iyon ay parang umaalon ang paligid dahil sa ingay ng mga tao. They are shouting his name and the teams name. Talagang hindi ako mahilig sa basketball, pero ngayon ay nag-iba na lang bigla.

Everytime he looked at our way, nag-iiwan siya ng ngiti. Ngiting madalas niyang gamitin sa akin.

"Ate?" Nalipat ang tingin ko kay Chacey na nakanguso at parang may dinaramdam.

"Hmm, bakit?" nilapit ko ang aking mukha sa kaniya, para mas marinig ko siya.

"I need to pee," she pouted. Her cute red lips made me envious. Napangiti ako at agad na napatayo. Inabot ko ang kamay ko sa kaniya.

"Halika, sasamahan na lang kita," ani ko sa kaniya. Tumango siya at agad na tumalon sa kaniyang kinauupuan.

"Oh? Saan kayo?" Si Kerven at bahagya na ring napatayo.

"Ahh, si Chacey kasi naiihi. Sasamahan ko muna," inilibot ko ang tingin ko. "Saan ba ang CR dito?"

Napamaang labi si Kerven at napabaling sa kaniyang likuran. 'Yung tipong naghahanap ng paraan para makadaan kami ng matiwasay mula sa maraming tao. Maraming tao doon at talagang siksikan kapag dadaan. Katulad din dito sa kabila.

"Let's go," Si Kerven, kagat-labing pabaling-baling ang ulo sa paligid. Tumango ako at nginitian si Chacey. Binuhat ko na rin siya dahil paniguradong maiipit siya kapag hahayaan ko na lang na maglakad.

Napatingin ako sa time at napag-alamang segundo na lang ay matatapos na ang laro. Lamang sina Chrispher kaya paniguradong mananalo na sila. Ngayon pa lang ay gusto ko na siyang i-congratulate. Syempre, nag-enjoy din naman ako sa laro nila at talagang hindi ako nagsisi na sumama dito at manood.

Dumapo ang tingin ko kay Chrispher na kahit nasa malayo ay kitang-kita ang pagtagaktak ng pawis. Time-out nila kaya nasa tabi pa sila at may pinag-uusapan. Akmang iiwas na ako ng tingin ng matagpuan ng mata ko si Berenice sa tabi niya. Pinupunasan nito ang pawis niya sa noo at... dibdib.

Napalunok ako at bahagyang natigilan. Ngunit hindi rin naman iyon nagtagal. Ano naman kung ganoon? Wala naman akong pake.

Mabibigat ang hininga akong sumunod kay Kerven na pinapakiusapan ang mga tao na tumabi na muna. May mga tumitili pa sa bawat dinadaanan ni Kerven. Pero hindi ko na iyon pansin pa.

Nakarating kami sa harap ng restroom. Naalala ko ulit ang nakita ko kanina. Pasimple kong iniling ang ulo at itinuon na lang ang pansin sa kasamang bata.

"I'll wait here," si Kerven habang nakasandal sa labas. Tumango ako at iginiya na ang bata papasok. Naalala ko na may Yaya daw ito pero natapos na lang ang laro ay wala pa rin. Hindi naman ako nagrereklamo.

Pagkatapos umihi ng bata ay tinulungan ko na rin siya sa pag-aayos sa kaniyang dress. Umingos ito dahilan para titigan ko siya ng nag-aalala.

"Ate?" Tanong niya sa napakaamong boses. Napangiti ako at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Oh? Bakit baby, may problema ba?"

"Can you help my Kuya?" Aniya sa mapupungay na mga mata. Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa boses niyang may panginginig.

"Ha? Bakit? Anong meron kay Kuya?"

"My Kuya is sad," she pouted her lips again. I could clearly see the small waters from her eyes.

Lumamlam ang pakiramdam ko dahil sa ekspresyon ng bata. Kumabog ang dibdib ko sa magkahalong kaba at pag-aalala.

Bago pa man ako makapagtanong ulit ay agad na bumukas ang pintuan ng restroom at inuluwa doon si... Berenice. She towered her gazed at me. Ako naman ay nakatingala sa kaniya. Nakaluhod kasi ako sa harap ng bata.

"Oh?" Dumapo ang makukulay niyang kamay sa kaniyang bibig at maarteng napatitig sa akin. Hapit na hapit ang maikli niyang damit. Mas lalong nahuhubog ang kurbata ng kaniyang katawan dahil para makaramdam ako ng panliliit. Her face are full of make-up, yet she's still fashionable.

"Ate," Chacey's voice made me looked at her again. May nakita akong takot sa itsura niya na nagpangunot ng noo ko. She seems scared.

I let out a small smile before lifting her up. She's now hugging my neck. Dahan-dahan ang pagtayo ko at hinarap si Berenice. Tipid ko siyang nginitian at akmang lalagpasan na ng nagsalita siya.

"If I were you, lalayuan ko si Chrispher," aniya.

Napatigil ako sa kinatatayuan. Umangat ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Sapo-sapo ko ang ulo at hita ni Chacey habang binabalingan siya. Nakaharap na siya ngayon sa salamin at nagli-lipstick. Napaka-sopistikada niya tingnan.

Una pa lang ay pansin ko na ang pagkaayaw niya sa akin. Sa tingin pa lang niya ay hindi ko na kailangang kilatisin pa ng tudo kong masaya ba ang taong ito sa akin o hindi. Sa una'y hindi ko maintindihan kung bakit ganoon niya ako tratuhin pero ngayon ay alam ko na. Dahil kay Chrispher.

Kahit naman na lugmok ako sa trabaho ay may alam din naman ako sa bawat bagay sa paligid. Napabuga ako ng hangin at napabaling sa kaniya.

"Kaibigan ko lang si Chrispher. Magkaibigan lang kami. Walang dapat na ikabahala dahil hindi naman mangyayari ang bagay na nasa isip mo," sabi ko.

Sana lang ay maintindihan niya ang gusto kong iparating dahil ayaw ko ng gulo. Pero hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung kaano-ano niya ba talaga si Chrispher gayong si Chrispher na nga rin ang nagsabi na hindi niya ito girlfriend. Kung ganoon nga kaano-ano niya ito? At kung makaasta ay parang may pagmamay-ari. At bakit parang takot itong bata? Ramdam ko kasi ang pag-iingos ni Chacey sa balikat ko.

"A friend?" She scoffed. Umigting ang kaniyang panga. Humarap siya sa akin na may nanlilisik na mata.

"Ate," si Chacey na halatang gusto ng umalis. Napatitig ulit ako kay Berenice. Kitang-kita ko ang pag-aalab ng kaniyang mga mata. Gusto ko pa sana siyang komprontahin pero nag-aalala ako dito sa bata.

"Alis na ako," ani ko at walang ano-ano'y lumabas na ng restroom. Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid para hanapin si Kerven, pero ng makitang wala na ito doon ay mabilis ang lakad ko papalayo habang buhat buhat si Chacey. May namumuong emosyon sa kaloob-looban ko na nagpapasikip sa aking dibdib.

"Ate..." Si Chasey at mas humigpit ang kapit sa akin.

"Ano 'yon, Baby?" Ani ko habang patuloy sa paglalakad. May kung ano sa utak ko na hindi ko maintindihan.

"I hate her..." Ani ng bata na agad nagpatigil sa akin. Napakurap ako at dahan-dahang inangat ang ulo ng bata para mapabaling sa akin. She pouted and continued.

"She's the reason why my Kuya is always sad and angry."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro