Kabanata 08
08
----
"Inspector!" Nag-aalalang tanong ni SPO4. Tristan Antores. "Shit!" Mura niya ng napangiwi ako sa sakit sa balikat ko.
Tinulungan kong umangat ang sarili ko para makaupo ng maayos. Patuloy pa rin ang putukan sa magkabilang panig at paniguradong segundo na lang ang bibilangin ay matatapos na rin.
"Tristan, ibigay mo sa'kin ang baril ko," utos ko sa kaniya habang nakahawak ang kaliwa kong kamay sa kanang braso na dumudugo. Pangalawang beses akong natamaan sa braso.
"A-ano? Bakit?! Huwag ka nang lumaban—"
"Kaya ko pa!" Sigaw ko sa kaniya at seryoso siyang tinitigan. Isang mariing lunok ang pinakawalan niya at pansin ko ang pamumutla ng kaniyang mukha. Tumango siya at inabot ang nahulog kong rifle. Ginamit ko ang kaliwa kong kamay para hawakan ito.
"Huwag 'yan ang gamitin mo, Inspector," aniya at binunot ang pistol na nasa bewang ko. Kinuha niya ang rifle sa kaliwa kong kamay at isinukbit sa kaniyang balikat. Tumango ako at tumayo ng dahan-dahan.
Nanlaki ang mga mata ko ng pagtayo ko ay may nakita akong sniper sa taas na nakatutok sa amin.
"Tristan! Yuko!" Sigaw ko at bahagya siyang tinulak. Limang beses kong pinaputukan ng baril ang may hawak ng sniper sa taas. Natamaan ko ito dahilan para mahulog ito mula sa pangalawang palapag ng building.
"Inspector Valerino!" Humahangos na si Inspector Shanel Azgara. "Okay ka lang?"
Mabilis ang hininga akong tumango at inilibot ang tingin sa maaari pang nagtatago na kalaban.
"Nahuli na ang mga suspek. May dalawa na nakatakas," ani ni Inspt. Azgara. Kunot-noo ko siyang binalingan.
"Ang Senator ba?"
"Kasali sa mga nahuli," binalingan niya ang braso ko at bakas ang pag-aalala sa mga mata na lumapit sa akin. "Tayo na. Dadalhin ka namin sa hospital."
Nag-iwas ako ng tingin at napailing. Pinakiramdaman ko ang paligid at napansing wala ng nagpapaputok pa. Maiingay na serina na lang ng ambulansiya at Police cars and maririnig sa hindi kalayuan. Umuna akong naglakad at nilagpasan sila.
"Inspector! Dumudugo ang braso mo! Kailangan 'yang madala sa hospital!" Ani ni Tristan at tumakbo sa tabi ko, kasunod si Shanel.
"Galos lang 'to..." Napangiwi ako sa sakit ng bahagya ko itong ginalaw at parang tinutusok ang laman ko. Halatang may bala sa loob.
"May tama ka ng bala!" Si Shanel, may irita sa boses.
Kung magpapagamot man ako ay sisiguraduhin kong hindi sa hospital. Ayaw kong mag-alala ang pamilya ko. Baka kapag nalaman nila ang nangyari ay patitigilin na nila ako dito sa trabaho ko. Ayaw ko no'n.
"May medic 'di ba? Doon ako magpapagamot. Ayaw kong pumunta ng hospital," may pinal sa pagkakasabi ko no'n.
"Ano?!" Hindi makapaniwalang singhap ni Shanel. "Dadalhin ka pa rin sa hospital! Nandoon lahat ng gagamitin para makuha ang bala sa braso mo! Kailangan iyang ma-check dahil baka may natamaang nerves diyan ay mas lalong delikado!"
"Sa braso lang 'to Shanel. Malayo 'to sa bituka—" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay isang batalyon na ng mga kasamahan kong police ang tumatakbo papunta sa pwesto namin.
"Inspector! Natamaan ka!" Ani ni SPO3. Carlos Cunega. Silang lahat ay puros may pag-aalalang dala at tila ikakamatay ko na ito. Pabiro akong ngumisi.
"Sa braso lang naman," ani ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Sapo-sapo ang brasong natamaan ng bala. Sumunod silang lahat sa akin.
"I told her to go to the hospital, but she won't!" Untag ni Shanel sa mga kasamahan. Umiling na lang ako at sinalubong si Chief. Manulo na sobrang dilim ng ekspresyon. Parang sumasabay pa ata sa dilim ng gabi.
Nagtiim bagang ako at tumigil muna sa paglalakad. Pasimple kong tinanggal ang kaliwa kong kamay sa kanang braso at sumaludo sa kaniya.
"Sir!" Ani ko at tumuwid sa pagkakatayo. Bumilis ang tibok ng puso ko ng lumandas ang titig niya sa braso ko.
"Inspector Azgara at Officer Antores, samahan niyo si Inspector Valerino, dadalhin siya sa hospital," sabay pasada niya sa akin ng masamang tingin. Bago pa man siya tumalikod sa akin ay nagsalita na ako.
"Ayaw ko," napalunok ako ng mas lalo lang sumama ang tingin ng tiyuhin ko sa akin.
"Ako na ang bahala sa pamilya mo. Sisiguraduhin kong walang makakaalam ni isa sa kanila na may tama ka. Kaya dapat sa hospital ka na, Phob," aniya gamit pa rin ang parehong ekspresyon. Ang kaninang pag-aalala ko unti-unting nawala sa akin. Parang may nakawalang mabigat na bagay sa akin.
Nagkagat labi ako at napatango. Ibinalik ko ang pagkakatakip sa braso ko at binalingan sina Shanel at Tristan.
Huminga ng malalim si Shanel at ngumiti sa akin. "Tayo na."
Tumango ako at pumunta na sa ambulansiya. Isa-isa ko munang pinasadahan ng tingin ang mga kasamahan kong naiwan bago tuluyang pumasok sa ambulansiya kasama sina Tristan at Shanel.
Hinubad ko nang dahan-dahan ang vest ko at iniwan ang itim na racerback. Napalunok ako ng makitang malalim nga ang tama ko. Agad na nilapitan ako ng nurse at binigyan muna ng paunang lunas ang sugat para hindi na masyadong dumugo.
"Natamaan din si Cordova, mas nauna nga lang siyang dalhin sa hospital," kwento ni Tristan habang nakatitig sa braso ko. Tinutukoy niya ang isa sa kasamahan naming Police. Naitikom ko ang bibig ko at napayuko.
Nang makarating sa hospital ay agad na akong idiniretso sa operating room. Tinurukan ako ng anesthesia sa braso at maya-maya lang ay wala na akong naramdaman. Nakatitig lamang ako sa ceiling habang iniisip sina mama, papa at Preston. May tiwala ako kay Tiyo na hindi niya sasabihin sa pamilya ko ang nangyaring ito. Ayaw kong mag-alala sila. Ayaw kong mag-alala sila ng paulit-ulit ng dahil lang sa akin.
Natapos ang operasyon at nakatulog ako agad. Nagising ako sa isang kwarto na puro puti ang kagamitan. Nilibot ko ang paningin ko at nadatnan ko sa sofa na katabi lang ng kama ko ang nakangangang natutulog na si Lupin. Magka-cross ang kaniyang mga kamay habang nakasandal sa sofa.
Napailing ako sa hangin at napansin ang IV na nakakabit sa palapulsuhan ko. Dahan-dahan akong umupo at napatitig sa side table. Nandoon ang cellphone ko at iba pang gamit.
Napahinga ako ng malalim at in-open ang cellphone. Alas-singko pa lang ng umaga. Sunod-sunod na nagsulpotan ang mga mensahe galing sa pamilya ko at sa kay... Chrispher. Daming load ng lalaking 'to ah?
Mama:
Anak, ngayon dadating ang Papa mo.
Mama:
Kamusta na diyan Phob? Okay ka lang?
Mama:
Mag-ingat ka Phob. I love you anak.
Preston:
Ate, mag-iingat ka.
Preston:
I don't need to practise for our sparring. I am more confident now.
Napangiti ako dahil sa mga mensaheng iyon galing sa pamilya ko. Hindi ko maiwasang magpasalamat sa Panginoon na hindi niya ako hinayaan kagabi. Parang gusto ko na tuloy umuwi ngayon.
Ako:
Ma, okay lang ako. I love you too.
Ako:
Mag-practise ka pa Preston. Hindi nakakapanalo ang confidence.
Sunod ko namang binasa ay ang mga mensahe ni Chrispher. Na alam kong pulos walang kabuluhan.
Chrispher:
Miss Police! Good evening.
Chrispher:
Good evening...
Chrispher:
Woiii Good evening...
Chrispher:
Busy?
Chrispher:
Dream about me, okay? Hihi.
Napanguso ako. Umikot ang mata ko sa ere matapos basahin ang mga mensahe niya at napabuga ng hangin. I lick the insides of my cheeks and type a message.
Ako:
Baliw.
Ibinalik ko na ang cellphone ko sa side table at taas kilay na tinitigan si Lupin na nag-iingay na sa paghihilik. Tumaas ang sulok ng labi ko napailing na lang. Baka umuwi muna si Shanel at Tristan. Hindi ko na rin naman kailangan ng magbabantay sa akin dito. Kaya ko naman ang sarili ko.
Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama ng biglang tumunog ang cellphone ko. Inabot ko ito at kunot-noong tinitigan ang pangalan ni Chrispher na may mensahe.
Chrispher:
Gandang bungad sa umaga! ;) Good morning my friend!
I pursed my lips. Bakit parang naninindig balahibo ko kapag nagsasabi siya ng 'my friend? Tss. Ang baduy kasi. Apaka baduy.
Ako:
Tumigil ka nga sa kaka- my friend mo. Kinikilabutan ako.
Chrispher:
What should I call you then?
Ako:
Phob.
Chrispher:
Ren. It's pretty cool than Phob.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Inangat ko ang sarili ko at napa-mura ng nagalaw ang braso kong may tama. Agad akong nagtipa ng reply.
Ako:
Hindi pwede.
Tanging pamilya ko lang ay pwedeng tumawag sa akin no'n. At kakakilala ko pa lang sa isang 'to ah? Kaya 'di pwede. Importante ang mga pangalang itatawag sa akin kaya ako ganito.
Chrispher:
Why? I like it.
Ako:
Basta ayaw ko.
Chrispher:
Oh, that's cool. I call you Ren from now on. Haha.
"Aba'y anak ng tipaklong!" Iritadong untag ko habang mahigpit ang hawak sa cellphone. Akmang magtitipa pa ako ng isasagot ng agad na may pumasok sa kwarto. Si Shanel na naka-off-shoulder shirt at fitted jeans. Siguro ay hindi niya duty ngayon kaya hindi naka-uniporme.
"Inspector! Gising ka na pala," masayang sigaw ni Shanel at parang walang pakealam kung magising si Lupin. Lumapit siya sa kama ko at nilapag ang isang paperbag na may damit at isa pang paperbag na puno ng pagkain.
"Thank you," ani ko at ibinaba na muna ang cellphone. Mamaya ko na muna kakantyawan ang Chrispher na 'yon.
"May pumasok na bang doktor dito para i-check ka?" Tanong niya habang hinahanda ang pagkain sa harap ko.
"Wala pa," ani ko naman at hinalukay ang mga damit na dala niya.
"Ano?! Bakit?!" Gulat na untag niya at tinitigan si Lupin na tulog na tulog pa rin.
"Pabayaan mo na muna 'yan," natatawang ani ko at napasulyap kay Lupin. Bigong huminga ng malalim si Shanel at nagkwento tungkol sa mga nangyari kagabi.
Kalat na kalat daw sa news at social media ang pagkahuli sa Senador na kasama sa illegal na transaksyon at binabatikos na ngayon. May nakatakas daw na isa sa bodyguards nito at pinaghahanap pa raw. Nakakulong naman ang ibang mga nahuli at iniimbestigahan pa. Balita daw ay may iba pa itong mga kasapi na wala kagabi at baka nagpa-plano sa pagtakas.
Nag-stay muna ako ng isa pang gabi sa hospital at pinapakiramdaman muna ang tama sa braso. Siguradong hindi ako makakapag-sparring sa kapatid ko nito dahil sasakit ang braso ko. Pero ayaw ko namang mahalata niya at ayaw ko ring sirain ang usapan namin.
Mariin kong ipinikit ang mga mata at napatitig sa taas ng ceiling. Napangiti ako ng maisip ko ang mukha ng Papa ko, Mama at si Preston... at Chrispher. Agad namang nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagtataka. Napalunok ako at umupo sa kama.
Bakit ba palagi na lang sumusulpot ang isang 'yon sa utak ko? Pati ata sa utak ko ay may atraso rin ata e. Napabuga ako ng hangin at napailing na lang.
Kinaumagahan ay maaga akong binulabog ni Andrew.
"Ano?! Linggo pa naman ngayon Phob! Pwede ka pang magpahinga dito at bukas na lumabas!" Ani ni Andrew.
Nalaman niya kagabi ang nangyari sa akin at hindi na nagpapigil na pumunta dito. Siguro ay sinabihan siya ni Tito kaya nandito siya ngayon.
"Sinabi ko sa Mama ko na uuwi ako ngayon. Kailangan ko ng umuwi, Andrew. Hindi naman ito masyadong malubha," ani ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Mapupungay ang mga mata niya at halata ang pag-aalala. Ayaw ko talaga ng pinag-aalahanan ako e.
"Kung gusto mong hindi nila malaman na nangyari sa'yo 'to ay dito ka na lang muna. Phob, may tama ka sa braso baka nakakalimutan mo," aniya gamit ang naiiritang boses. Kanina pa kami nagtatalo tungkol sa pag-uwi ko ngayon.
"Andrew..." Huminga ako ng malalim. Nginitian ko siya. "Kaya ko 'to, okay? Tsaka ang layo sa bituka nito. Maayos na ako. Kung mananatili ako dito ay baka mas lalo lamang sasama ang loob ko."
Napakagat labi siya at pagod na nag-angat ng tingin sa akin. "Phob..."
Napangiti ako at napailing. "Okay na ako. Maniwala ka sa'kin."
He bit the insides of his cheeks and took a deep breath. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko at napamulsa. "Fine... But please don't do any work that will cause for its bleeding. Nasabi sa akin ng Tito mo na mag-le-leave ka daw muna ng isang linggo, which is a very good idea."
Tumango na lang din ako dahil maski ang Tito ko ay pinipilit ako sa leave na iyon. Isang linggo lang naman. Tsaka may mga dapat din akong gawin kasama ang kapatid at... si Chrispher. Tss.
Saktong alas-dyes ng umaga ay nakalabas na ako ng hospital. May bandage sa kanang braso ko. Tinabunan ko ito ng black leather jacket at hindi na masyadong ginalaw pa.
"Kain muna tayo," ani ni Shanel habang dala-dala ang paperbag na nagkakalaman ng mga damit ko.
"Shanel, nakakahiya, ako na ang magdadala niyan—" hindi ako natapos.
"Isa lang naman 'to, Phob. Ano ka ba?" Tumawa siya at mabilis na naglakad papunta sa unahan ko. Para siguro hindi ko na siya pilitin pa. Napanguso ako at sumunod na sa kaniya. Si Andrew ay nasa hulihan dahil may kinakausap pang kakilala. Hinintay muna siya namin saglit ni Shanel bago kami tuluyang umalis papuntang restaurant.
Pumasok kami sa isang sikat na restaurant dito sa BGC. Iginiya kami ng isa sa mga usherette ng restaurant at pinaupo kami malapit sa may bintana. Hindi ko tuloy mapigilang humanga sa ganda ng labas. Kitang-kita ko mula dito ang mga nagtataasang building ng BGC.
"B-baka mahal dito, Andrew," kinakabahang ani ko sa kaniya. Tumawa siya at agad na sumilay ang munting dimple sa pisngi niya.
"Don't worry about it," aniya habang napapailing.
"Suss! Kaya 'yan sa bulsa ni Attorney!" Kantyaw naman ni Shanel at ngumisi.
Napanguso na lang ako para pigilan ang ngiti ko. Katabi ko si Andrew habang nasa kabila naman si Shanel. Silang dalawa ay parehong may hawak na cellphone. Ako naman ay nakatunganga lang at pinapalibot ang tingin sa paligid.
Agad na nag-iba ang takbo ng puso ko ng makita ko sa lamesang hindi kalayuan sa amin ang isang pamilyar na tao. Umayos ako ng upo at siningkitan ang mata para mas makita ko ng klaro kung sino ito.
Namilog ang mga mata ko nang makitang si... Chrispher ito. Nakaupo siya tatlong mesa lang ang layo sa amin. Nakasimangot siya at halos sumayad na sa lupa ang mga nguso. Naka-long sleeve dark polo shirt and khaki shorts. Naka-crossed ang mga kamay sa dibdib at bored na lumilinga sa paligid.
Pinagmasdan ko lang siya ng ilang saglit. Maya-maya lang ay may lumapit sa kaniyang babae na naka-crop top off-shoulder at fitted ripped jeans. Blonde ang buhok nito at nakalugay sa kanang balikat. Her body reflects the Asia's Top Models. I know her... She's Berenice.
Umayos nang upo si Chrispher, dala pa rin ang parehong ekspresyon. His facial expression shouts arrogance and boredom. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiwi nang akmang hahalikan siya ni Berenice ay iniwas niya ang mukha niya. Dahilan para magtagpo ang aming mga mata.
His eyes grew wider while looking at me. His mouth dropped open. Ako naman ay napalunok at agad na nag-iwas ng tingin.
Itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga nagdadaang mga sasakyan sa labas at hinayaang matuod ang leeg. There's something wrong about me today. Gutom lang siguro ito. Ang tagal naman ng pagkain.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro