Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 07

07






----

"Ate..." Tawag ng kapatid kong kanina pa ako hindi pinapansin.

Nakasuot ako ng black leather jacket na may fitted white t-shirt sa loob at jeans naman sa pang-ibaba. Handang handa na sa pag-alis.

"Hmm?" Ani ko at ibinaba ang baso ng tubig.

Kakauwi ko lang sa bahay. May kinuha lang na konting gamit at gears na gagamitin sa raid namin mamayang alas-nwebe ng gabi. Alas-onse pa lang ng umaga ngayon at kailangan na naming pumunta sa Pasay pero mas pinili ko munang umuwi at kamustahin ang kapatid at si Mama.

Nanatiling nakayuko ang kapatid ko at parang ayaw mag-angat ng tingin. Nasa harap lang siya ng lamesa at nagbabasa ata ng libro.

"Bakit Preston?" Nag-aalalang tanong ko.

Unti-unting umusbong ang paninikip ng puso ko nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Ang mga mata niya ay mapupula at medyo namamaga na. Napalunok ako ng tumayo siya at walang pagdadalawang isip na sinunggaban ako ng yakap. Napasinghap ako sa gulat.

"Preston..." Nag-init ang mga mata ko nang nanginig ang mga balikat niya at napahikbi.

"Oyy... Para namang lalayas ako niyan." Nagpakawala ako ng biro pero alam kong hindi iyon kumagat.

Nag-iinit ang puso ko dahil sa sitwasyong 'to. Napakagat labi ako at tinanggal ang pagkakayakap ng kapatid. Nang nailayo ko siya ng kaunti ay agad na nanginig ang labi ko ng nakitang punong-puno ng luha ang kaniyang mga mata.

"Ate..." Hikbi niya at agad na tinakpan ng braso ang mga mata.

Pinilit kong ngumiti. "Para namang unang beses ko 'to, Preston," I chuckled.

"Hindi nga..." Aniya habang nagpupunas ng mata at bahagyang tumalikod. Tinawanan ko siya at niyakap sa likuran.

"Kailan ka pa nawalan ng tiwala sa akin? Ha?!" Pabiro akong sumimangot. Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagpupunas ng mata.

"Preston... totoo bang may school event kayo ngayong lunes?" Pag-iiba ko ng topic. Tumango lang siya at mahinang suminghot. Napangiti ako at kumalas na sa pagkakayakap sa kaniya. Tinapik ko ang balikat niya.

"Pwede outsiders'di ba?" Tanong ko ulit. Humarap siya sa akin na nakasimangot. Ngumuso ako para pigilan ang nagtatago kong tawa.

"Bakit?" Masungit niyang saad.

"Isama mo 'ko, ah!" Nakangiting ani ko. Naalala ko kasi iyong binanggit na school event ni Chrispher. Iyon ang naisip ko na paraan para gumaan ang pakiramdam ng kapatid ko.

Ngumuso lang siya at padabog na bumalik sa pagkakaupo sa kaniyang upuan at hinarap ulit ang libro. Napatawa ako at kinurot ng bahagya ang kaniyang pisngi na agad niya namang tinampal.

"Aba?! Ba't bigla na lang nagsungit? Susss!" Kinurot ko siya ulit pero bago pa man niya ako ma-tampal ulit ay tumakbo na ako papunta sa kwarto ni Mama. Iniwan ko ang kapatid kong parang nilamutak ng demonyo ang mukha.

Nang makapasok sa kwarto ni Mama ay agad ko siyang nakita na nakahiga sa kama at nakabalot ng kumot hanggang dibdib. Napangiti ako at masuyong humiga sa tabi niya.

"Ma..." Ani ko at niyakap siya sa bewang.

"Hmmm..." She hummed.

"Kailan po ba uuwi si Papa?" Tanong ko. Naramdaman ko ang pagka-estatwa niya na ipinagsawalang bahala ko na lang.

"Sa makalawa pa ata, bakit?" Pansin ko ang lungkot sa boses na nagpakislot ulit sa puso ko.

"Wala, natanong ko lang," pagkatapos no'n ay natahimik na sa pagitan namin. Hinayaan ko muna na lamunin kami ng katahimikan.

"Phob," ani Mama.

"Hmm?" Tumaas ang kilay ko. Huminga siya ng malalim.

"Anak-" agad na naputol ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone ko. Napaupo ako sa kama at dali-daling kinuha ang cellphone sa bulsa. May tawag galing kay Chief. Manulo.

Nahihiya akong humarap kay Mama at tinuro ang cellphone, tanda na sasagutin ko muna. Ngumiti siya at tumango. Tumikhim muna ako bago ko sinagot ang tawag.

"Sir."

"Inspector Valerino, asan ka pa? We need you here for preparation." Aniya sa ma-awtoridad na tuno.

"Nasa bahay pa po, Sir. Pupunta na po, Sir."

"Be fast, Inspector Valerino."

"Yes, Sir." Agad ko ng binaba ang tawag at binigyan ng siguradong ngiti si Mama.

"Anak... Mag-iingat ka, okay?" Hinawakan ni Mama ang mga kamay ko habang titig na titig sa akin. Nanunubig ang mga mata niya at ano mang oras ay tutulo na ito.

I chuckled and equaled her gripped on my hand. "Opo, Ma. Uuwi din ako pagkatapos, pangako."

Mariin siyang napapikit at tumulo ang mga luhang kanina lang ay nakabara lang sa mga mata niya. Agad ko siyang niyakap at tinahan.

"Ma naman," nanlalambing kong saad at hinaplos ang likod niya. Sa bawat raid na sinuong ko ay palaging ganito si Mama. Alam ko namang nag-aalala lang sila para sa akin.

Tumango siya at kumalas na sa yakap. "Mag-ingat ka lang talaga, Phob." Hinaplos niya ang pisngi ko. Ang kulay brown niyang mata ay kumikislap dahil sa mga luha. Ang mapupula niya namang mga pisngi ay mas lalong tumingkad.

"Opo," hinalikan ko siya sa noo at niyakap ng panghuling-beses. Nang kumalas ako ay agad na akong tumayo at umalis sa kama.

"Alis na ako, Ma. Uuwi ako siguro bukas o sa susunod pang-araw. Depende kasi sa trabaho e," I explained. She just nodded and smiled at me again.

Habang dahan-dahan akong naglalakad paalis sa kwarto niya ay bumibigat naman ang pakiramdam ko. Hay! Bakit naman ganito?! Para namang hindi na ako babalik? Umiling ako at kumaway na kay Mama bago umalis ng tuluyan sa kwarto niya.

Pumasok muna ako ng kusina at natagpuan ulit ang kapatid na nakaharap pa rin sa kaniyang libro. Napangiti ako at lumapit sa kaniya. Hinalikan ko siya sa noo. Nag-angat siya ng tingin sa akin at pabiro ko siyang kinindatan.

"Alis na ako," tinapik ko ulit siya sa balikat at tumalikod na para pumunta ng living room kung saan ko nilapag ang dala kong itim na bag na nagkakalaman ng mga kagamitan.

Isinukbit ko na ito sa balikat at hindi na lumingon pa sa aking likuran. Nang makalabas ako ng bahay at pumunta na ng basement ay tsaka ko pa nalaman na sinundan pala ako ng kapatid.

"Hmmm? Bakit?" Nakangiti kong saad sa kaniya at in-alarm na ang kotse.

Tipid siyang ngumiti at nagtaas ng kamay. "Ingat, Ate. Pag-uwi mo sparring tayo."

I scoffed and let out a laugh. "Pursigido ka pa rin talagang talunin ako sa sparring, ah? Sige ba."

Tumawa siya at umiling. "Ang yabang."

"Mag-practice ka na simula bukas, okay? Sige, alis na 'ko," kinindatan ko siya at pumasok na sa loob ng kotse ko.

Hanggang sa makaalis ako ng tuluyan ay nanatili lamang siya doon sa kinatatayuan niya kanina. I pursed my lips and focused on driving. My heart is sinking. But I need to focused on my work. I can do this.

While driving my phone vibrated for another call. Kinuha ko ito sa sa loob ng bag ko at kunot-noong tinitigan ang caller. Napanguso ako ng si Chrispher iyon. Sinagot ko ang tawag at ni-loud speaker. Inilapag ko ito sa dashboard.

"My friend! Miss Police!" Masayang untag niya.

Nagsisi akong ni-loudspeaker ko pa ang cellphone, na halatang hindi na kailangan dahil sa boses niya pa lang ay talagang maririnig ko na agad. Napailing ako.

"Anong atin?" Bored kong saad at nakatuon ang pansin sa daan.

"Nothing. Just wanna ask if you're enjoying the day?" Aniya.

Paano ko naman ma-eenjoy ang araw ko e hindi pa nga tapos? Malalaman ko bang nag-enjoy ako e nasa kalagitnaan pa nga ako ng araw. Napabuga ako ng hangin at bahagyang natawa.

"Wala ka bang ibang makausap diyan?" Sabi ko. Bakit kaya 'to napatawag?

Halata namang nambubulabog lang. Tatawag tapos di naman importante. Pero okay lang, nasa byahe naman ako at para na rin hindi ako ma-bored papuntang Pasay.

"Ikaw ang gusto kong kausap e," aniya na nagpataas ng kilay ko. "Anyway, ano ang ginagawa mo ngayon?" Dugtong niya.

"Nagmamaneho," simpleng sabi ko.

"What?!- shit!" Singhap niya at isang nabasag na bagay ang narinig ko sa kabilang linya.

"Ano 'yon?" Nangunot ang noo ko ng marinig ko rin ang boses ng mga kaibigan niya. Parang may pinagtalunan pa sila bago ulit ako sinagot.

"Ah, nothing. Tss. Wala kang sinabing nagmamaneho ka?!" May halong gulat sa boses niya. Napanguso ako at sinimangutan ang cellphone, nagbabakasakaling makita niya ang itsura ko.

"Eh, ano ngayon?" Niliko ko ang sasakyan sa may rotonda at sinulyapan ulit ang cellphone.

"You should've told me para tinigil ko na agad ang tawag! What if you got in an accident?!" Halos hysterical na siya sa lagay na 'yon.

Hindi ko na napigilan ang pagbuga ko ng hangin at ang bahagyang pagtawa. Kahit anong nguso ko ay hindi ko mapigilang matawa. Ibang klase talaga 'tong lalaking 'to.

"Naka-loud speaker, hoy! Ang OA mo," natatawa akong nailing at bahagyang tinakpan ang bibig gamit ang kaliwang kamay na nakasandal ang siko sa bintana.

"I'm just saying. Paano kong maaksidente ka? Kasalanan ko na naman?" His demanding voice is so evident.

"Oyy! Kailan kita sinisi, ha?" Hindi makapaniwalang ani ko pero may natatawa pa ring ekspresyon.

"You forgot about the Ducati?" Aniya. Umikot ang mata ko sa ere at napatikom ng bibig.

"Syempre kasalanan mo 'yon, binangga mo 'ko e," I scoffed.

"Yeah, thanks for that incident though," sabay bungisngis niya sa kabilang linya.

Napangiwi ako at hinayaan muna siyang tumawa na parang kinikiliti sa kabilang linya. Nang mapansin siguro niyang hindi na ako nagsasalita ay nagsalita na siya.

"You should be thankful for that too!" He said arrogantly. Sinipatan ko ang cellphone.

"At bakit naman? Nasira mo image ng motor ko tapos magth-thank you ako?" I scoffed. "You're welcome, ha?!"

Tumawa siya. "You didn't get it!"

Napanguso ako at tumigil muna dahil nag-stop light. "Pinagsasabi mo?"

"You should be thankful because you met me! Of course!" And he laughed harder than before.

Agad na naging blangko ang ekpresyon ko at hindi na napigilan pa ang mapangiwi. Galing din man-trip ng isang 'to e? Ang galing! Tawang tawa nga siya e. Bakit ba kasi ako nakikipag-usap sa isang 'to? Bakit ko ba kasi 'to pinagtyatyagaan? Hayy, naku.

"Happy?" Tanging sambit ko at pinaandar na ulit ang kotse.

Tumawa lang siya ulit. Narinig ko pa ang boses ng isa sa kaibigan niya ata na nagsabing 'sakat latnem'. Nangunot ang noo ko. Ano 'yon? Bagong lengguwahe? Unang kita ko pa lang talaga pare-pareho ng weird. Mag-bestfriend nga.

"Miss Police... Ahmm... We need to go," aniya at parang hindi pa nakakarecover sa tawa.

"Geh, tawa pa," napailing na lang ako sa hangin.

"I'll call you later, okay? I'm so sorry if I need to hang this up. I know you waited for my call-" agad ko ng inabot ang cellphone.

"Yabang!" At pinatay ang tawag. Anong hinintay? Ang feeling!

Ang kaninang pag-aalala ko sa kapatid at mga magulang ay agad na lang na nawala ng biglaan sa aking isipan. Nagkagat labi ako at napailing na lang ulit.

Nang makarating sa departamento namin sa Pasay ay agad na akong sumama sa mga kasamahan kong nag-aayos ng mga susuoting gears. Mga Bulletproof Vest at mga helmet. Pag-aayos ng mga ammos at ng mga gagamiting baril at mga maliliit na self-defense devices para kung maubusan ng bala ay may panlaban pa rin.

Habang nag-lalagay ng bala sa aking AR-15 Rifle ay may isang kasamahang lumapit sa akin. Pabiro akong siniko ni Inspector. Shanel Azgara; nakadestino dito sa Pasay, at binigyan ng isang pocket knife.

"Balita ko isa ka raw sa mga mangunguna?" Nakangiting aniya at nagtataas baba pa ang kilay.

Napangiti ako at binalik ang tingin sa aking Rifle. "Masaya nga 'yun e."

"Ang galing mo talaga," she laughed and tapped my shoulders. "Galingan natin 'to."

Tumango na lang ako at sumaludo sa kaniya. Nang matapos naming ihanda ang mga gagamitin ay nagpatawag ulit ang Chief namin at iba pang matataas na opisyal na isa sa nangunguna para paghandaan ang plano. Mga bagay na hindi dapat na kalimutan at mga isusunod na plano. Nang tumuntong ang alas-syete ng gabi ay agad na kaming umalis sa departamento.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang sulyapan isa-isa ang mga mukha ng mga kasamahan ko. Bakas ang kaba sa iba at ang iba naman ay parang walang pakealam. Mahigit apat-napo kaming sasabak ngayong gabi.

Sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Panglimang beses ko na rin itong raid na nasasalihan kaya medyo kampante na ako. Kakabahan lamang ako kapag mapapansin kong argabyado kami at kung sa sakaling may isa man sa amin ang... matamaan.

Nang malapit na kami sa pupuntahan ay agad ko nang kinausap ang mga kasamahan ko para sa mga dapat nilang gawin. Dala-dala ang mapa ng pupuntahan naming pantalan. Nabago ang lokasyon dahil may gaganapin daw ngayong transakyon ng mga sindikato. Nalaman namin sa isa sa mga nahuli naming kasapi nila noong isang araw at sa mga spy na rin na aming pinagalaw.

Nang tumigil na ang aming sasakyan ilang kilometro ang layo sa pantalan ay agad na kaming bumaba sa sasakyan. May apat akong sinenyasan na sasama sa akin, apat sa kaliwa at apat din sa kanan.

Inangat ko na ang aking rifle at hinanda na sa laban. Pasekreto kaming nagtago sa isang truck at nagmasid ng ilang saglit.

"Team A is in the ten wheeler truck near the end port. Copy," ani ko sa nakasabit na maliit na recorder sa dibdib ko.

"Copy," ani ng isa sa kasamahan namin na naka-assign sa mga CCTV cameras sa paligid.

Nilingon ko ang isang kasamahan ko at sinenyasang tingnan ang likod. Tumango siya at sinunod ang inutos ko. Ang tatlo naman ay nakapwesto sa tabi at likuran ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harapan ng truck. Umakyat ako ng kaunti para tingnan ang loob ng kotse. Nang makitang walang tao ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa harap at naghanap ng bagong pwesto.

Nanlaki ang mga mata ko ng may mamataang papalapit na mga tao. Sinenyasan ko ang iba sa mga kasamahan ko na magtago muna at maghintay sa sasabihin ko.

Nagtago ako malapit sa maraming drums. Pinagmasdan ko ang mga taong mahigit dalawampu ang bilang at papalapit sa isang ship. Lahat ng mga iyon ay puros may mga dalang baril, at iba-iba. Nagtatawanan pa at may pinagkakatuwaan. Tumigil sila sa harap ng ship at may mga kinuhang mga malalaking sealed box. Lahat ng iyon ay may nakatatak na 'explosives ' at 'fragile'.

Nangunot ang noo ko ng may dumating na kulay itim na Hilux, lumabas doon ang isang businessman na agad kong nakilala bilang si Senator. Ganiel Salsaga. Agad na may umaligid na mga tauhan sa kaniya na naka-itim na suit. Siguro ay mga bodyguards niya.

"Nandito na ang businessman. Stay in your position. Wait for my signal." Ani ko at inangat na ang rifle ko pataas.

Akmang tatayo na ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na putukan sa may bandang likuran ko lang. Napasinghap ako at agad na inalerto ang mga kasamahan para sa tuluyang paglusob.

Agad na nabulabog ang mga armadong kalaban namin at nagkaniya-kaniya ng kuha ng baril at nagpaputok pabalik sa amin. Napamura ako ng mabilis na tinakpan ng mga bodyguards ang Senator at ipinasok sa kotse. Nang akmang patatamaan ko na ang kotse nito ay bigla na lang na tinamaan ang drum na malapit sa mukha ko. Umagos ang foil mula doon.

"Bwisit!"

"May sniper sa itaas Inspector Valerino!" Ani ng kasamahan ko sa speaker. Napalunok ko.

"Copy!" Ani ko at sinenyasan ang isa sa mga kasamahan ko na sumama sa akin. Ang iba naming kasamahan ay siguro nahanap at nacorner na ang ibang mga kriminal. Itong mga nasa harap ko na lang talaga ata ang matitigas ang ulo at gusto pang makipag-barilan.

Pinaputukan ko ang malapit sa ship na nagpaputok rin pabalik. Nagtago ulit ako sa malapit na truck at nagpaputok pabalik sa mga kalaban. Kumabog ang dibdib ko ng muntik ng matamaan ang ulo ko. Napamura ulit ako at pinatamaan ang tatlong nagtatago sa malalaking boxes. Pareho silang natamaan sa balikat at hita.

Puno ng ingay mula sa pagpapalitan ng putok ng baril dito sa buong Port. Mabuti na lang at malayo ito sa mga kabahayan.

I gritted my teeth when I saw the car of the Senator making its way out. Agad kong inasinta ang rifle ko sa gulong at pinatamaan ito ng ilang ulit. Napangiti ako ng matagumpay ko itong napatigil. Pero laking gulat ko na lang nang bumukas ang bintana at agad na nagpaputok ng baril ang nasa loob no'n sa direksyon ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng nag-init at sumakit ang kanang balikat ko dahilan para mabitawan ko ang dala kong rifle. Agad pa iyong nasundan ng isa pang bala.

"Inspector Valerino!"

Iyon ang tanging narinig ko bago ako tuluyang bumagsak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro