Kabanata 02
02
----
Tumaas ang kilay ko nang binanggit niya ang Miss chuchu na ewan. May amats na talaga ata 'tong isang 'to e.
I pursed my lips and shrugged. I don't care what's his name. Ang akin lang ay ang kahahantungan ng motor ko. Huminga ako ng malalim.
"Okay, pag-usapan natin ang—" hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay nagsalita na siya.
"You? What's your name?" Aniya sa paraang nakasalikop ang mga kamay sa ibaba ng kaniyang magandang panga. Sa ayos niya ngayon ay para siyang isang businessman, businessman na iba ang pakay. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi.
Napanganga ako ng wala sa oras. Umayos ako ng upo at tinitigan siya gamit ang nagtataka kong ekspresyon. Napabuga ako ng hangin bago nagpakawala ng tawa.
"Hindi naman siguro 'yon mahalaga. Ang mahalaga ay ang motor ko." Sabi ko, nakataas ang kilay.
"My mom said that I should not talk to strangers, unless I know their names. So, better drop your name, so we can talk casually," he said with a devilish smile on his lips. May pa hand gestures pa siya habang sinasabi niya ang mga 'yon.
I bit the insides of my cheeks while looking blankly at him. Sanay na ako sa kabulastugan ng kapatid ko kaya hindi na ito bago sa akin.
Umikot ang mata ko sa ere bago ako napabuga ng hangin. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Phoebe Narine Valerino," pahayag ko, gustong gusto ko nang simulan ang usapan paa matapos na'to agad. "Ngayon, magsimula—" hindi ulit ako pinatapos.
"How old are you? Where do you live?" Aniya sa mas aktibong paraan pa ngayon. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagka-interesado. Nangunot ang noo ko sa inis.
"Umayos ka nga?!" Naiirita kong saad.
Umayos siya ng upo at inosenteng tinitigan na ako ngayon. Pero nandoon pa rin sa itsura niya ang mapaglarong ngisi.
"What? I'm just asking," sabi niya. Halata ang pagpipigil na tumawa. Pinaglalaruan ba ako nito?
"Ako rin. Magtatanong na rin sana pero pinuputol mo!" Iniinis ako nito e! Inismiran ko siya at 'di na tinitigan.
"I've never seen a woman this cool before." Bulong niya na nagpangiwi sa akin. He even looked so amazed just by staring at me. Lakas talaga ng amats.
"Sa tingin mo ba nakikipaglaro ako?" Sabay turo ko sa sarili ko.
Akala ko ay ang kapatid ko lang ang may kayang painisin ako ng bongga! Ngayon may dumagdag pa!
"I'm pretty sure you're not," aniya habang nakangiti at tumatango-tango. Umayos na siya ng upo at huminga ng malalim. "Okay! Let's talk about your problem."
Sinimangutan ko siya bago nagsalita.
"'Yong motor ko. Malaki ang gasgas. Alam mo ba pwede kitang kunan ng lisensiya at i-detain dahil sa nangyari, ha?"
Sa tuwing naaalala ko talaga 'yun kumukulo agad dugo ko. Mahal na mahal ko 'yon e. Iningatan ko pa ng tudo, tapos itong nasa harap ko lang ang sumira sa image no'n!
Agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin at napanguso. "I swear, I didn't mean it. Talagang hindi ko lang agad naapakan ang break. I'm talking with my friends and it got me preoccupied. It's just that, I... I didn't saw you... I mean... I don't know you're there." Aniya sa matigas na ingles.
I scoffed. "Talaga bang hindi mo ako nakita o iniinsulto mo 'ko?" Hindi pa rin iyon sapat na dahilan, maaaring makadisgrasya sila ng tuluyan sa susunod dahil sa pagkukwentuhan kuno nila. Tila naalarma naman siya dahil sa sinabi ko.
"Why would I do that to you?! I've been praising you since that day!" Pagkatapos niyang sabibin iyon ay agad siyang nagtakip ng bibig at nag-iwas ng tingin. May ibinubulong pang hindi ko maintindihan.
Nangunot ang noo ko bago ko siya naiiling na nginiwian. "You're a reckless driver Mr. Magno." Dismayado kong saad.
He's facial expression change into a soft one. Dahan-dahan siyang napayuko at parang nanalulumo na ngayon.
"I know, and I'm so sorry. It's my first time to encounter that incident. Sa halos ilang taon kong pagmamaneho, kahapon lang may nangyaring ganoon. I'll do anything to clean my mess. Kung ano man ang sira sa motor mo ako na ang bahala," he said sincere.
I swallowed the bile on my throat, not taking my eyes off him. His dark almond eyes seems so helpless right now. Ang kaniyang ekspresyon ay nagsusumigaw ng katotohanan at pagsusumamo. Nang mapansin ko ang pagbabasa niya sa kaniyang pang-ibabang labi gamit ang dila ay nag-iwas na ako ng tingin. May kakabigang kuryente na dumaloy sa katawan ko, at hindi ko alam kung saan galing. Napatikhim ako ng wala sa oras.
"Ipaayos mo ang gasgas sa motor ko." Sabi ko.
Nakita ko ang papalapit na waiter na dala-dala ang mga in-order namin kaya 'yon ang pinag-tuonan ko ng pansin.
"Sure! I know a friend that can help. It will be fast, I promise." Sabi niya. Alam kong nakangiti na ngayon. Kahit 'di ko man tingnan ay ramdam na ramdam ko naman sa kaniyang boses.
He can express his feelings in any way.
Tumango na lang ako at nagsimula nang kumain. Talak siya ng talak tungkol sa gagawin niya sa motor at ako naman ay wala na sa sarili. May bigla na lang bumagabag sa akin na hindi ko naman maintindihan.
"Chrispher?!" Isang matinis na boses ng babae ang narinig ko sa may bandang tabi ko lang. Agad akong nag-angat ng tingin kahit na may kagat-kagat pang pizza sa bibig.
The girl is grimacing at me that I can't help but to do the same, too. Pamilyar siya sa akin. Ah! Siya iyong sa shooting gallery! Iyong maarte. Iyong may katawagan!
"B-Berenice?!" Nalipat ang tingin ko kay Chrispher. Eh, Crispher naman talaga pangalan niya. Tss. Nakakunot ang noo niya at parang nagpipigil.
The girl scoffed. "You're in the house? Really?!" She crossed her arms annoyingly.
Ibinaba ko ang hindi ko na naubos na piraso ng pizza sa plato at inayos ang jacket ko. Tumayo na ako at bored na tiningnan si Chrispher. Agad din naman siyang napatayo at may pilit na ngiti na ngayon sa labi, tila nahihiya o ano. Wala naman siyang dapat na ikahiya, basta ba ay hindi nila ako isasali sa kung ano mang meron sa girlfriend niya ay wala akong problema.
"Aalis na ako. Text ko na lang address ko para makuha mo motor ko. Ikaw na ang bahala," ani ko at saglit na sinulyapan iyong babae. She's glaring at me.
"Yeah, sure. I'll wait for it," sabi niya.
Tumango na lang ako at hindi na tiningnan pa iyong babae. Mababadtrip lang ako kapag tititigan ko pa siya. Pagkalabas ko ay ang siya ring paglabas ni Chrispher na hindi ko agad napansin.
"Oh?" Napatigil ako at kunot-noo ko siyang tinitigan.
"I'll take you to your car," sabi niya gamit ang seryosong ekspresyon. Kani-kanina lang ay halos hindi na matanggal ang ngiti niya tapos ngayon ni katiting wala na akong makita. Ano bang meron sa lalaking 'to?
"Huwag na," nilagpasan ko na siya at saktong nagstop light kaya dumaan na ako sa pedestrian. Nang makalapit na sa sasakyan ay halos matapon ko pa ang kakakuha ko lang na susi sa bulsa dahil sa biglang pagsulpot niya. Nakasunod pa rin pala 'to sa'kin?!
"Ba't ka sumunod?!" Tanong ko. Ngumisi lang siya at nagkibit balikat.
"Because, I want to." Sabi niya.
Napabaling ang atensyon ko doon sa labasan ng greenwich. Doon nakita ko iyong babaeng girlfriend niya nga ata na sobrang sama ng tingin sa amin. Napabuga ako ng hangin ay tinitigan itong si Chrispher.
"Ikaw ah, huwag na huwag mo akong idadamay sa problema niyo ng girlfriend mo. Baka kung ano isipin niyan," bakas ang irita sa boses ko.
Bahagya siyang tumawa na nagpangunot ulit ng noo ko.
"She's not my girlfriend," he held the door of my car. "Get in and I'll go."
Pinaningkitan ko siya ng mata bago dahan-dahang pumasok sa loob ng kotse ko. Sinarado niya ang pintuan at kumaway-kaway sa akin. Ako naman ay punong-puno ng pagtataka sa kilos niya.
"I won't go, if you don't drive away," banta niya.
Umangat ang gilid ng labi ko dahil talagang nawe-werdohan na ako sa kaniya. Pina-andar ko na ang kotse ko.
"Don't forget to text me when you get home, okay?" Tumatawang aniya. Napangiwi ako.
"As if!" I rolled my eyes and drove away, leaving him laughing.
Habang papalayo ay hindi na matanggal-tanggal ang kunot sa noo ko dahil sa sobrang lito. Pabalik-balik din ang titig ko sa side mirror para matingnan ang unti-unti niyang paglayo.
Inalala ko 'yong kahapon na una naming pagkikita. Nang ibinuka niya ang mga mata niya ay talagang napansin ko ang pagbabago ng itsura niya. Iyong tipong bigla na lang nagliwanag. Katulad din kanina, pero nabago no'ng dumating iyong tinawag niyang 'Berenice' tapos nabago ulit no'ng kami na lang. Nang may iba pang naisip ay hindi ko na mapigilan pang matawa.
"Ibang klase," tanging lumabas sa bibig ko.
Pagkarating sa departamento ay agad na akong dumiretso sa sariling office. Dahil Sabado ngayon ay puros mga papel lang ang kaharap ko. Mga dapat pirmahan at pag-aralan. Pagdating ng tanghali ay nagpabili na lang ako ng makakain sa kasamahan dahil talagang tinatamad na akong lumabas. Pagtungtong naman ng hapon ay nagpatawag ng meeting si Chief para sa paghahanda at pagpa-plano para sa nalalapit na raid namin.
Umuwi ako ng bahay pasado alas-dies na ng gabi. Sumasakit pa ang balikat at pwetan ko dahil ilang oras akong nakaupo.
"Kumain ka na ba?" Bungad ni Mama sa akin pagkapasok ko sa bahay. Nakasuot siya ng kulay itim na roba.
Pagod ko siyang nginitian bago hinalikan sa noo. "Hindi pa, Ma."
Hinubad ko ang jacket na suot at nilagay sa sofa. Tumango lang siya at isinenyas na pumunta na ng kusina. Sumunod ako sa kaniya at agad na natigilan ng makita ang likod ni Papa. Nakaupo siya sa isa sa mga upuan at kumakain, nakatalikod sa akin. Napatingin ako kay Mama, ngumiti lang siya at sinabing okay lang. Napanguso ako at nakayukong umupo sa upuan na kaharap kay Papa.
"M-magandang gabi, Pa." Ani ko habang nakadungaw sa plato. Hindi ko siya matitigan. Narinig ko ang pagbagsak ng mga kutsara sa plato niya.
"Ano? Sinabi mo na bang hindi ka na tutuloy diyan sa gaganaping raid sa Pasay?" Tanong niya.
Napalunok ako at napakagat-labi. Dahan-dahan akong umiling at napaigtad ng pabagsak niyang nilapag sa lamesa ang baso ng hawak. Ramdam ko na naman ang tensyon galing sa kaniya.
"H-hindi na kasi pwede, Pa—" hindi ko pa man natatapos ay nagsimula na siya sa pagmamando sa akin.
"Ren naman?!" May pagsusumamo sa boses niya na nagpapakislot sa puso ko. Ayaw ko na ganito si Papa.
"Pinagbigyan kita diyan sa pagpupulis mo basta ba ay nasa opisina ka lang! Pero maririnig ko na lang sa sasama ka sa mga raid?! Anak ng pating! Magpapakamatay ka ba?!" Ramdam ko ang galit sa bawat bitaw niya ng mga salita. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam kong nag-aalala lang siya sa akin.
Noon pa man ay tutol na talaga siya sa pagpupulis ko. Pero no'ng pinilit ko talaga siya at sinabing sa opisina lang ako madidistino ay unti-unti ring nawala ang pagtutol niya. Pero ngayong nalaman niya na pasekreto pala akong sumasali sa raid ay mas lalo lamang umusbong ang kaniyang galit.
Carrying a gun and fighting with lawbreakers is way more challenging than being in the office the whole day! Mas gusto ko iyong may naitutulong ako, iyong may nagagawa rin akong pwedeng makapagpa-angat sa ranggo ko. Pangarap ko 'yan mula bata pa. At matagal ko na ring tinanggap na nasa hukay na ang kaliwa kong paa.
Mas lalo lamang akong napayuko at takot na mag-angat ng tingin sa kaniya. Ayaw ko siyang sagutin, dahil ayaw kong mas magalit pa siya sa akin. I love my Dad, but I just can't let go this dream. Eto ang gusto ko.
Narinig ko ang marahas niyang paghinga ng malalim. Tumayo siya dala-dala ang plato at nilagay iyon sa sink. Kinakagat ko ang loob ng pisngi ko para maibsan ang kaba.
"May business trip ako sa Dubai, kapag may mangyari man sa'yo habang wala ako ay wala na akong pakealam!" Sigaw niya at agad ng umalis ng kusina.
"Dad," tawag ni Mama kay Papa pero hindi na siya nito napakinggan. Malungkot na napatingin sa akin at lumapit. Umupo siya sa tabi ko. I smiled at her to assure her that I'm okay.
"Anak, ako rin ay talagang tutol diyan. Ayaw kong may mangyaring masama sa'yo, ikakamatay ko kapag napano ka. Sigurado ka na ba talaga?" Ani ni Mama sa malamyos na boses.
Soft spoken si Mama at talagang hinahangaan ko kung gaano siya kabuting tao. Isa rin sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang pagpupulis ay para maprotektahan ang mga kagaya niya, kagayang niyang importante sa akin.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Nakokonsensiya ako sa gagawin ko, dahil talagang kagagalitan ako lalo ng Papa ko.
"O-opo, Ma," sumasakit ang puso ko kapag naaalala ang galit na ekspresyon ni Papa. Parang may nag-uudyok sa akin na gawin ang gusto niya pero malaki naman ang parte sa akin na pumipigil. Ito ang trabaho ko kaya paninindigan ko. Ang totoo ay naguguluhan na talaga ako.
Huminga ng malalim si Mama bago hinawakan ang kamay ko. Agad kong naramdaman ang init ng kamay niya papunta sa akin. Napatingin ako sa kaniya at hindi ko na napigilan pa ang panunubig ng mata nang nginitian niya ako.
"May tiwala ako sa'yo, anak. Alam kong malakas ka," she smiled and pulled me for a warm hug. Doon na tumulo ang luha ko sa mata.
Saktong alas-dose ng gabi ako napahiga sa kama at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang galit na ekspresyon ni Papa. Pakiramdam ko ay wala akong silbing anak para iparamdam 'yon sa kaniya. Hindi naman ito ang una pero talagang hindi ko matanggap kapag galit si Papa sa akin.
Napabuga ako ng hangin at inangat ang kumot papunta sa dibdib. Naalala ko ang cellphone kong pinatay ko kanina dahil sa sobrang busy. Tunog kasi ng tunog. In-open ko ito at agad na nanlaki ang mga mata ng makitang maraming nagpop-up na message sa notification tab!
20 messages
14 missed calls
Lahat ng 'yon ay galing sa number ni Chrispher! Agad akong napaupo sa kama at binasa lahat ng iyon.
—Where department are you in?
—Miss Policewoman...
—Are you home now?
Marami pa siyang sinabi do'n na alam kong puro walang kabuluhan. Tinadtad pa talaga niya ng message ang cellphone ko. Halatang walang magawa sa buhay. Tumaas ang kilay ko ng mabasa ang panghuli niyang mensahe.
—I want to get your Ducati tomorrow. Are you free? You need to go there too, because you're the owner. It'll be fast, I swear. We can have lunch after too.
I scoffed after reading it. Pabagsak akong humiga sa kama at nakangiting nagkagat labi.
"Ibang klase talaga..." Natatawang ani ko bago hinayaan na ang sariling makatulog.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro