Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9. Namumuong Pagtingin

This part is dedicated to Jastine Aubrey Santos and Rowell Mendoza. Mapapasana all ka nalang talaga sa lovelife nila. Happy advance motmot sa inyu!

At akoy hinihingal sa aming kalokohan. Pagdating namin sa office ay puro ako pawis at hingal na parang naghihingalo. Tawang-tawa si Fernan sa sitwasyon ko.

"*hingal na hingal*! Di ako makahinga! *hingal na hingal* Ang hirap huminga! Bakit ka...*hingal na hingal* tumatawa?" Tanong ko.

"Wala lang meron lang akong naiimagine. Haha!" Sabi ni Fernan.

Hayop! Kung di lang talaga ako obese di sana di ako humihingal ngayon. Sarap pektusan jusko! Nakahinga na ako at papuntang locker room.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa locker room. Magbibihis ako kasi nangangamoy pawis na ako." Sagot ko.

"Samahan na kita." Sabi niya.

"Ay teka lang, I know bago ka lang dito sa office pero di talaga ako sinasamahan ng mga empleyado dito kasi di nila kaya yung amoy ng pawis ko." Sabi ko.

"Weh, di ako naniniwala." Sabi niya.

At ayun lumabas na yung amoy ng pawis ko. Hindi sa naging pabaya ako but I tried to consult some dermatologists at hindi rin nila alam kung bakit ganito ako. I tried all skin care at umiwas ako sa bawang at sibuyas pero waley parin. Minsan nagtataka ako kung ano noong nakaraang buhay. Baka skunk? Ewan. Parang defense mechanism ko na to.

Tiningnan ko yung mukha ni Fernan at bakas sa mukha niya yung pagkasira ng mood niya dahil sa amoy. Well, sanay na sana ako sa mga reaksyon na ganyan pero bakit may konting kirot sa puso ko ngayon. Di ko na hinintay na laitin pa ako at dumirecho na ako sa locker room.

Buti nalang walang tao sa locker room at dumirecho ako sa loob at buti nalang talaga lagi akong handa sa mga ganito. Tinurn on ko lahat ng exhaust fan at saka hinubad ko yung polo ko. Nagsialisan yung mga daga at ipis sa locker room dahil mismo sila hindi makayanan yung amoy ko.

Kinuha ko yung especial na bimpo na pinupunas ko sa katawan ko. Meron kasi etong Apple Cider vinegar na may anti bacterial properties para hindi magkaroon ng amoy at putok yung katawan mo. Mabibili lamang ito sa mga suking sari-sari at grocery stores nationwide. Char endorsement. Haha!

Patapos na akong nagpupunas sa mga braso at kili-kili ko ng may dumating bigla sa locker room.

"Need a hand?" Sabi ng pamilyar na boses.

"Sinu bayan? Umalis ka na dito o baka mahimatay ka pa. Ayoko ng may casualties." Sabi ko.

Hindi sumagot at biglang kinuha yung bimpo sa kamay at pinupunasan yung likod ko. Nabigla ako at lumingon sa kanya.

"Fernan?" Gulat na sabi ko.

Oo. Si Fernan ang nakita ko pero meron syang suot na KN95 na mask. Di ko alam kung maiinsulto ako or kikiligin sa ginawa niya.

"Tumalikod ka. Ako na bahala." Sabi ni Fernan.

"Sure ka? natatakot ako. Dahan-dahanin mo lang." Sabi ko.

"Don't worry. I'll be gentle." Pabulong na sabi ni Fernan.

Bakit namumula ako habang pinupunasan niya. Jusko yung altapresyon ko! Kalma Christian! pinupunasan ka lang at hindi kinakanton!

Isinuot ko na yung bagong polo pagkatapos namin ginawa yon. Si Fernan pawis na pawis din kaya pinunasan ko rin yung noo niya. Umalma siya dahil siya nalang daw. Nang itinaas niya ang braso niya may naamoy ako. 

"Okay, it's a tie!" Biro ko.

Inamoy ni Fernan yung kili-kili niya at biglang umasim yung pagmumukha niya. Nagmamadali siyang kunin yung bag niya sa locker niya at pumunta sa CR. 

"Need a hand?" Biro ko.

"I can handle this!" Sigaw niya.

Hindi naman talaga masama yung amoy. Sa kanya baka magka mild stroke ka, sa akin naman comatose ka for a year kaya choose your battles HAHA. Pero happy ako dahil sa araw na ito nalaman namin na tao talaga kami at may mga imperfections.  Akala ko nga mag isa lang ako na may ganitong sumpa pero hindi pala.

Sabi nga nila you will love the person more if you accept his flaws. Eto na naman tayo Christian, na fall ka na ba? Tanong ko sa sarili ko.

"Hindi! No lovelife muna." Sagot ko sa sarili ko.

"Ano na naman yang pinagsasabi mo?" Tanong ni Fernan.

"Ay wala. So sekreto lang natin yun?" Tanong ko.

"Yes. please." Sabi niya with a serious tone.

Natapos ang araw namin ng may mga ngiti sa mga mukha namin. As usual, sumakay ako sa motor niya papunta sa suite namin. Kung ano man tong binigay sa akin, at least I'm happy now na may kasangga ako sa buhay.

September 2018

Mahigit isang buwan na at naging close na talaga kami ni Fernan. Sumasabay kumain. Nagkukulitan. Nag aasaran. Nag aaway dahil microwave at sa labahan. Nagkukulitan ulit. Tumatambay sa paborito kong coffee shop na naging paborito na rin niya.

Speaking of, nandito kami ngayon sa coffee shop. Well ano pa nga ba diba?

"Alam mo, Paw, masaya talaga ang ambiance dito sa coffee shop." Sabi ni Fernan.

"Matagal ko nang alam yan Pot, kaya nga diba paborito kong tambayan to." Sabi ko.

Ay wait, may tawagan na nga pala kami. Tinatawag ko syang Pot at siya naman tinatawag akong Paw. No need to explain pero related na rin ito sa nangyari sa amin sa locker room.

"Here's your order Tita!" Sabi ni Carmelo.

"Haloooo bunso! Salamat ha. Musta ka na?" Tanong ko.

"Okay lang ako tita, medyo ngarag sa mga orders pero keribells." Sagot ni Carmelo.

Lumingon ako kay Fernan at bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa kay Carmelo.

"Ay eto pala si Fernan, kasamahan ko sa work. Say Hi, bunso." Sabi ko.

"Hi po sir Fernan. Ikinalulugod kong makilala ka." Sabi ni Carmelo.

"Call me Tito Fernan, nice to meet you." Sabi niya.

"Hala may tito na pala ako tita?" Tanong ni Carmelo sa akin.

"Wag mo na yan pansinin, baliw yan eh.  O sya, tinatawag ka na ng amo mo." Sabi ko kay Carmelo.

Umalis na si Carmelo sa table namin habang si Fernan naman ay nayayamot.

"Sino yun? bakit ang close niyo na?" Tanong ni Fernan.

"Ahhh, barista yan dito at regular yan nag seserve sa akin." Sabi ko.

"Ahh regular pala." Sabi niya.

"Bakit nag iba tono mo ngayon? May problema ka ba?" Sabi ko.

"Wala, I suddenly feel agitated lang. No worries, I'm okay." Sabi niya.

"By the looks of you, I'm not sure you're okay." Sabi ko.

"CR lang ako." Sabi niya at umalis.

"Ano nangyari don? Bigla lang napa CR." Sabi ko.

Pero infairness kinilig ako dun sa sinabi niyang tito siya ni Carmelo. Isang buwan ko na rin tong nararamdaman sa kanya pero alam ko wala lang to dahil baka naninibago lang kasi close na kami. After high school, wala na akong close na friend masyado na kagaya ni Fernan. 

Pagtungtung ko naman ng college naging busy ako sa student council kasi na scam ko buong campus at na-elect ako as presidente nila. Buong college years, pinractice kong maging busy sa buhay hanggang nadala ko sa trabaho ko.

Sa trabaho palipat-lipat ako kaya wala akong naging close na lalaki o baka dahil sa sumpa ko. Minsan nga natatakot ako baka naging close ko lang si Fernan dahil sa sekreto niya. Pero, napakahappy ko ngayon.

"Oh, nawala lang ako bakit para ka nang abnormal na ngumingiti mag isa dyan?" Sabi niya.

Lumala yung ngiti ko ng tumingin ako sa kanya. Siya naman ay nagtataka.

"Tara na nga, ang weird mo ngayon." Sabi ni Fernan.

"Masama ba ang ngumiti dahil sa masaya ako ngayon? Ikaw talaga napakabugnutin mo. Wag mo kong idamay." Sabi ko.

At nag asaran na naman kami patungong office. I could live a moment like this.

Sa di kalayuan ay nandun si Elaine at Anne.

Anne's POV

"Beh, di ba si Christian yun? Yung classmate mong bakla." Sabi ni Elaine.

"Yeah, at mukhang masaya na sya ngayon ah with his new boylet. Mareport ko nga to." Sabi ni Anne habang kinuha niya yung selpon niya at nag send ng picture sa Line.

Anne: Hey, I got a surprise for you. Sent a photo.

E: Sino yang kasama ni Christian?

Anne: Why would I know? Eh kung makita niya ako baka makasira pa ako ng araw. Ang tagal mong kumilos, naunahan ka na!

E: It's not that simple okay? You know that we are the reason why he is not talking to us ever since, right?

Anne: You know what E? Maybe it's because you're not destined to each other anymore. Hayaan mo na makapag move on ang tao. Masaya na sya. Let him go just like what I did to you, diba? Does it ring any bell to you?

E: I know I caused a lot of pain to him. Kahit makabawi man lang ako sa mga kasalanan ko at least okay na diba? Just trust me on this, okay?

Anne: Ikaw bahala, enjoy. Bye!

"Anong sabi?" Tanong ni Elaine.

"Ano pa nga ba? Edi mas ginanahan tuloy." Sagot ni Anne.

"Alam mo naman yan, yung nanliligaw yan sayo hindi ka nga tinatantanan, sa dating bestfriend pa nya kaya?" Sabi ni Elaine.

"Ewan ko ba, minsan napapaisip ako kung bakit nagawa ko yun." Sabi ni Anne.

"Wag mo na isipin yun. Alam mo try mo kaya mag reach out sa kanya. Baka naman napatawad ka na niya." Sabi ni Elaine.

"Hindi gaano kadali yan, alam mong minura natin yung buong pagkatao niya. Kung ako siya, di talaga niya ako mapapatawad." Sabi ni Anne.

"But it wont hurt if you try. I mean compared sa pain niya, hintuturo lang yong sayo." Sabi ni Elaine.

"Sabagay. Kapag nakahanap ako ng tiyempo dun ako kikilos." Sabi ni Anne.

"Don't worry, supportado kita diyan." Sabi ni Elaine.

Bigla akong nabahing. Last time I checked wala naman akong sipon.

"Meron yatang nag uusap tungkol sa akin." Sabi ko.

"Luh, assuming? Anyways, samahan mo ko after shift may bibisitahin lang akong charity." Sabi ni Fernan.

"Hala, di ko alam yan ha." Sabi ko.

"Family tradition kasi. Each member of the family dapat may charity na iaadopt. Half ng sweldo ko iniipon ko para sa charity na inadopt ko at ang napili ko is yung mga batang PWD (Person's With Disabilities)." Sabi niya.

"Hmmmmm. San mo yan nakuha?" Tanong ko.

"Nirefer ng dad ko sa akin at tsaka malapit talaga sa loob ko yung mga batang PWDs so tinanggap ko." Sabi niya.

"Wow! Dad ang tawag. Mayamaaaan!" Sabi ko.

"Sira! Dad lang tawag ko pero middle income family lang po kami. Di po kami mayaman. At hati hati kaming lahat sa gastusin sa bahay ng mga kapatid ko maliban sa bunso naming nagkokolehiyo pa." Sabi ni Fernan.

"Kaya pala ang blessed niyo. Sana ganun din kami in the future. Ako kasi ang panganay at kami lang ni mama sa mga gastusin sa bahay. Si Papa naman ayaw kong pagtrabahuin kasi mahina na kasi yung shoe repair shop niya. Mga kapatid ko naman, ayun nag aaral pa." Sabi ko.

"Ang hirap ng buhay no? May the best diskarte wins talaga." Sabi ni Fernan.

"Yeah, at saka malalate na tayu baka ano na namang deductions aside sa late ang maisipan nila." Sabi ko.

"Oo nga! Mga punyeta HAHAHAHA" Sabi ni Fernan.

At sumakay ako sa motor ni Fernan. Regular customer na talaga niya ako kasi hatid-sundo ang bakla.

---

Pagkatapos ng aming shift ay agad dumirecho kami sa charity na inaadopt ni Fernan. Ang charity ay isang simpleng bahay lamang na tinatahanan ng mahigit sa dalawampung batang PWDs. Lahat silay ulila na at inaalagaan ng mga volunteers na nagbabantay sa kanila.

"Sir Fernan, buti nakarating ka. Salamat sa mga pinadala mong ayuda for 3 months. Malaki tong tulong sa amin." Sabi ng head volunteer na si Aubrey.

"Christian, eto pala si Aubrey sya ang head volunteer dito sa charity. Aubrey, si Christian ka work mate ko. Sensya yan lang nakayanan ko. Nasaan na yung mga bata?" Sabi ni Fernan.

"Ay akala ko boyfriend, charing. Pumasok kayo. Rowell, mahal, pakiguide nga sila dun sa function room." Sabi ni Aubrey.

"Opo mahal, sirs dito tayu." Sabi ni Rowell.

Ay wag ka mag jowa sila. Inggit na inggit na naman ako.

"Ano nga pala gagawin natin dito?" Tanong ko.

"You'll see." Sabi ni Fernan.

At ayun na nga nagbihis clown kami. Nyeta akala ko kung anong gagawin namin yun pala kami  ang aaliw sa mga bata. Pero infairness di ako umangal kahit konti.

"Sorry Christian ginawa kitang clown ngayon." Sabi ni Fernan.

"Oh diba na scam ako. Pero okay lang nageenjoy naman talaga ako pag merong mga bata." Sabi ko.

Sa totoo lang, ang hilig ko sa mga bata. Noon palang nag vovolunteer na ako sa mga charity events din para sa mga batang may cancer ganun.

"Okay mga bata! Nandito na ang mga bisita natin, Please welcome Tita Pawpaw at Tito Potpot!" Sabi ni Aubrey sa mga bata. Ang mga bata naman ay naghiyawan. 

"Pawpaw talaga at Potpot?" Tanong ko sa kanya pero di niya ako pinansin.

"Hello mga bata! Tara laro tayo!" Sabi ni Fernan.

At talagang naglaro kami sa mga bata. Ako ay parang naluluha dahil kahit sa kalagayan nila ay nakukuha pa rin nilang maging masaya.

"Fernan. ang saya.." Sabi ko pero naputol dahil sa mga nakita ko.

Nakikita ko si Fernan habang may mga batang nakasakay sa kanya. Naglalaro sila ng superman at binibitbit ni Fernan yung isang bata. Ang ganda tignan kasi para siyang ama na masaya kapiling ang kanyang mga anak.

"Tita! Tita!" Tawag sa akin ng bata.

"Yes, anak ano yon?" Sabi ko.

"Mahal mo ba sa Tito?" Tanong niya.

Natigilan ako. Tumingin ako muli kay Fernan. 

Nyeta.... Nahulog na yata ako sa kanya..

---------------

EJ POV

Anne: What's your plan, E?

E: Everything will go as planned. You know what to do.

Anne: I don't have problems with it, the question is are you ready?

E: Yes! It's time to get my best friend back.

At tumingin si EJ sa kinaroroonan ng lugar ng charity kung saan nandun si Christian.

-------End of Chapter 9 ------

Hayieeeeeee! Thank you so much for reading this far. You readers are my inspiration why I am still continuing this. Salamat po!

See you on Chapter 10!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro