Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8. Ang Coffee Shop

Christian's POV

August 15, 2018

Bumangon ako dahil sa ingay ng aking alarm clock at sa bango ng nilulutong hotdog. Nakalimutan ko nga pala na meron akong roommate sa suite na ito.

Nagmamadali kong kinuha yung mga gamit panligo at pumunta sa rest room. Sinigurado ko muna na Wala sya doon o baka meron akong nakitang elepante na naman. Dinadahan dahan kong binuksan ang pinto ng may marinig akong boses sa likod.

"Wala ako diyan." Sabi ni Fernan. Nagulat ako at lumingon sa kanya.

"Luh, as if hinahanap kita?" Sagot ko. Ghorl apakadefensive ng bakla.

"Sinabi ko lang. Ikaw naman napakamaldita mo." Sagot niya.

Ewan ko kung bakit sa boses niya para akong minamasahe. Sarap matulog.

"Thank you for the heads up. Ligo na ako." Sagot ko.

"Pagkatapos mong maligo, may agahan na sa bar area. Kainin mo nalang." Sabi niya.

Di ako kumibo. Anong nakain niya't napakabait niya. Etong kagabi lang panay halakhak nung sumali sa zoom nina Ray.

"Teka nga. Merong utang pa sa akin yung ugok na yon! Humanda ka!" Sabi ko.

Lumabas ako at nagbihis na para sa trabaho. Tinry kong dedmahin yung niluto niya pero alam mo naman yung ate mong dumbo kapag pagkain hindi tumatanggi so kinain ko.

"Hmmmm! Ang sarap! Kala ko hotdog Lang, nag sinangag pala sya! Hmmmm ang sarap talaga." Sabi ko.

"Masarap ba?" Tanong ni Fernan.

At bigla akong nabulunan dahil nagulat na nandyan pala sya sa sofa. Hayop! Di ako makahinga.

Bigla nya rin akong hinablot at niyakap sa likod. Niyugyog niya ako at pagkatapos ay binigyan ng tubig. Nahilo ako at parang meron akong naramdaman sa likod ko nung niyakap niya ako. Sinuntok ko siya sa braso.

"Hayop! Bakit ba lagi kang sumusulpot? Multo ka ba?" Sabi ko.

"Sorry. Masaya lang ako dahil kinain mo yung hotdog ko." Sabi niya.

"Ha?" Sabi ko.

"Hakdog! Ulol!" Sabi niya.

At nagsitawa kami ng malakas. It was a good laugh.

"Malalate ka na. Bakit nandito ka pa?" Tanong ko.

"Si Ms. Daeserie nag chat, Wala daw service kaya hinintay kita." Sabi niya.

"Ah okay, pero pwede rin naman akong mag taxi." Sabi ko.

"Hmmmm, delikado. Umangkas ka nalang sa akin." Sabi niya.

"Ay naku wag na, baka makasira pa ako ng gulong. Mga iba nga dyan ayaw akong pasakayin dahil ang taba ko raw." Sabi ko.

"Malaki naman yung sa akin, kayang kaya ko naman." Sabi ni Fernan habang ngumingiti.

"Balahuraaaa! Jusko!" Sabi ko. Kinilig nga lang ng konti.

"Ano na naman iniisip mo? Ikaw haaaa?" Sabi niya.

"Tara na ngaaa! Malalate pa tayo." Sabi ko.

Pumunta na kami sa parking lot. Totoong malaki yung sa kanya. Malaki yung motorsiklo niya.

"Ay XMAX naman pala yung motor mo kaya malaki." Sabi ko.

"Ano pang iniisip mong malaki sa akin?" Tanong niya.

"Hoy! Hindi pa tayo masyadong close kaya tigilan mo ko. " Sabi ko.

"Ay okay, mag taxi ka nalang kung gusto mo." Sabi niya.

"Ay Hala! Hindi ka naman mabiro, sige close na tayo." Sabi ko.

"Yaaan! Madali lang ako kausap. Oh, tanggalin mo muna yang glasses mo, isusuot ko tong helmet sayo." Sabi niya.

Kinuha ko ang glasses ko at pagkatapos sinuot niya sa akin yung full faced na helmet. Kinuha niya yung glasses at sya rin ang nagsuot para sa akin.

"Yan! Ang ganda ng future ko." Sabi niya.

"Anong sinabi mo?" Tanong ko kasi di ko marinig

"Ang sabi ko tara na." Sabi niya. Pero alam ko na hindi yun ang sinabi niya.

"Humawak ka ng mabuti." Sabi niya.

At hinawakan ko yung polo niya pero kinuha nya yung kamay ko at inilagay nya ito sa abs niya. Jusko, ang tigas!

Habang naglalakbay kami patungong opisina ay nakakita ako ng isang bahaghari. Mga ilang araw na akong di nakakakita nyan at baka nagpapakita dahil may parating na masaya o malungkot na sandali. Feel ko ito na yung isa sa mga masasayang sandali ko.

Nagtataka lang ako kung bakit ang bilis namin maging close. Nung isang araw lang malapit ko na syang hampasin ng kawali pero ngayon eto nakaangkas sa kantang motor. At isa pa, di kaaya aya yung hitsura ko tapos mataba pa. Haaaaays magaan lang talaga loob ko sa kanya.

Ang swerte siguro ng magiging jowa nito. Kahit saglit lang yung usapan namin kanina, nakikita kong maalaga at maalahanin. Yung babaeng mapapangasawa nito I'm sure parang nanalo sa lotto.

Di ko namalayan na dumating na pala kami sa office namin.

"Bumaba ka na sir, nandito na tayu." Sabi ni Fernan.

"Pano ka? Baka malate ka?" Tanong ko.

"Okay lang, ipaparking ko muna yung motor ko sa parking lot." Sabi niya.

"O sya, sige. Papasok na ako. Salamat haaa." Sabi ko.

"Sir! Sandale!" Sigaw niya.

"Yes?" Sabi ko. Akala ko may ipagtatapat siya sa akin.

"Yung helmet, papasok ka ba ng nakaganyan? Power Rangers ka ba?" Sabi ni Fernan.

"Ay shuta! Sorry kaya pala mabigat yung ulo ko." Sabi ko habang papalapit sa kanya.

At siya na Ang kumuha sa helmet na suot ko. Gaya ng kanina, kinikilig na naman ako.

"Bakit pala swak na swak ang helmet mo sa ulo ko?" Tanong ko.

Di siya kumibo. Sumakay sya sa motor at humarurot papuntang parking lot. Ako naman nagtataka baka may mali sa tanong ko.

"Mr. Barreda! Come to my office real quick." Sabi ni Sir Sungit.

Ang aga aga mag aamok na naman to for sure. Papasok na ako ng office nang makita ko lahat ng mga heads namin.

"Hala, may ginawa ba akong kasalanan?" Sabi ko sa kanya.

"Maupo ka muna Mr. Barreda" Sabi ni   Sir Sungit.

Kinakabahan ako. Nandito lahat Ng heads ng lahat ng departments.

"This is to formalize everything sir." Sabi ni Hannah na Operations Manager ng Cebu Branch

"Formalize na ano miss?" Sabi ko.

"We are in need of managers kasi sa bubuoing software development department." Sabi ni Rose na Human Resource Head ng Cebu.

"Kaya we are appointing you to be the manager of the new department." Sabi ni sir Sungit.

Totoo ba ang narinig ko? Manager na ako? Jusko?! Lord at bahaghari thank you!!!!

"Thank you mga mams and sirs! This is a good news for me". Sabi ko.

"Congratulations Mr. Barreda and your first project will be the sports line website na sinabi ko sayo noon." Sabi ni Sir Sungit.

"Okay sir, may nabago ba sa team ko?" Tanong ko.

"Nadagdag lang. Pakitawag nga si Fernan at si Jay Ms. Daeserie." Sabi ni Sir Sungit.

At kinalaunan dumating yung pinatatawag ni sir Sungit. Ngayon ko lang narealize na trendy pala sinusuot ni Fernan at napakawholesome pa.

"So si Fernan yung magiging web owner mo tapos si Jay ang magiging QA owner ng project mo." Sabi ni Sir Sungit.

"Hello sir Barreda." Sabi ni Jay.

"Hello sir Christian." Sabi ni Fernan.

"Ay close kayo?" Tanong ni Hannah.

"Ay actually roommate ko po sya." Sabi ko.

"Di ko sure if roommate lang." Sabi ni  Sir Sungit.

"Hoy sir! Walang ganun." Sabi ko.

"Anyways, next week na yung requirements definition natin so be prepared for the possibilities." Sabi ni Sir Sungit.

"Sure sige sir. Salamat sa ganitong opportunity!" Sabi ko.

"You deserve it naman." Sabi ni Sir Sungit.

At lumabas kami na masaya. Pumunta ako sa area na kung saan nandun yung team ko at nag group hug lang kami. Ganito kami kasi ka close.

"Alright team! May gagawin tayung project at next week na yung requirements definition. Sasha, mag ready ka na sa mga papeles at forms natin paki convert to electronic lahat kasi ayoko ng maraming papel" Sabi ko.

"Yes sir!" Sagot ni Sasha.

"Ruston pakihanda na yung template for demonstration sa kliyente natin. Work kayo together ni Jay for this." Sabi ko.

"Okay po! Mas gaganahan ako pag si Jay kasama ko." Biro ni Ruston.

"Hoy, parang tanga to." Sabi ni Jay. Humahaba ang buhok ni ghorl.

"At ikaw naman, Fernan, work with the remaining web developers at magsearch kayo kung anong nararapat na technology for this. Let's do away PHP so baka pwede tayu gumamit ng react?" Sabi ko kay Fernan.

"Yes sir!" Sabi niya habang nakasaludo. Parang tanga to.

"Let's get working team!" Sabi ko.

At nagsipagtrabaho na kami. Baka ano pa sabihin ng mga taong nagmamasid sa amin. Alam mo na mga chismosa.
---

We're officially on break at pumunta ako sa paborito kong Starbucks sa Ayala Center Cebu. Ang saya kasi ng ambiance dun at nakikita mo lahat ng buildings ng Cebu Business Park.

Habang ineenjoy ko yung espresso shot ko, iniimagine ko kung anong feeling ng magkaboyfriend. Siguro ang saya nun. After nong insidente sa amin ni EJ, di na talaga ako naging interesado sa mga love na iyan. May mga pagkakataong nagpapalipas libog pero love? ewan di ko sure kaya merong pagkakataong tulad nito na napapaisip talaga ako.

"Ano kaya ang feeling ng magkaboyfriend?" Sabi ko sa sarili ko.

"Here's your order sir, sorry for waiting." Sabi ng Barista na ang pangalan ay Carmelo.

"Thank you Carmelo. Ang ganda ng name pero bakit na sa coffee shop ka?" Tanong ko.

"Bakit po?" Tanong din niya.

"Kasi meaning ng pangalan mo is Vineyard of God pero I know I don't make any sense to you." Sabi ko.

"Okay lang po. Ngayon ko lang din malaman. Pero actually Caramello po talaga to dapat, mahilig sa caramel yung mga magulang ko pero ayaw nilang maging weird ako so ginawa nilang Carmelo." Sabi niya.

"Ahhh okay! Ang ganda pa rin. O siya baka mapagalitan ka pa ng boss mo. Salamat sa pagbigay ng order ko." Sabi ko.

"Walang anuman po sir. Enjoy!" Sabi ni Carmelo.

Bumalik yung barista sa bar area nila. Ako naman kumuha ng ballpen at maliit na notebook para isulat yung gusto kong gawin kasama yung magiging jowa ko. Sinulat ko sa malalim na Bisaya para di maintindihan ng mga makakita.

"Ano kaya ang magandang gawin? Hmmmm." Sabi ko sa sarili ko.

Hmmmmm unang una gusto ko pumunta sa Manila para ipakilala ko siya kina Leo, Dara, Algean at Ray. At least man lang malaman nila na may pumatol sa akin kahit mataba ko diba?  Pangalawa naman gusto kong mag L.U, Vigan, at sa Bagui ng kasama sya. Gusto ko rin puntahan yung sa shooting area ng Forevermore.

Pangatlo naman ay pupunta kami Palawan sa Coron or El Nido. Talagang ipagsisigawan ko na meron na akong jowa at jowable ako. Of course, I'll make him happy with mga moves ko dahil yun ang pang apat. Nyeta namumula ako sa init.

Panglima ay uuwi kami sa Cebu at lilibutin lahat Ng beach resort. Last destination namin yung Camotes kasi yun yung hometown ko. Magiging special na araw na iyon para sa amin.

Yung pang anim naman hanggang pangsampu, sya naman ang papadesisyonin ko. Gusto ko sya makilala lalo na sa mga panahong yon.

"Nakakaexcite, kulang nalang jowa. Hmmmmm maglaro kaya ako. Ang pangatlong papasok sa coffee shop ang magiging destiny ko." Sabi ko.

At ayun, naglaro ako. May pumasok na lalaking gym rat.

"Isa." Sabi ko.

Maya't maya pumasok si Sir Sungit. Natawa ako jusko! Malapit na epic fail hahahaha.

"Pucha! Hahahaha malapit na akong maging kabet." Sabi ko.

Matagal din akong naghintay sa pangatlo hanggat sa may dumating pero apat silang naghihintay sa labas.

"Bahala na, Kung sino man sa kanila okay na ako dun." Sabi ko.

Pero bigla akong nabahing sa pabango ng babaeng dumaan sa harap ko. Tumilapon yung notebook na listahan ko tapos yung ballpen ko. Yumuko ako para kunin yung ballpen pero merong kamay na umabot sa akin nito. Si Fernan pala Yun.

"Nag tetreasure hunt ka ba dyan?" Tanong niya.

Di ko sya sinagot. Tiningnan ko yung apat na mga lalaki pero nakalinya na sila.

"Hala pano Yan? Sinu sa kanila?" Tanong ko sa sarili ko.

"Ang alin? Sinu? Parang napasobra ka ata sa kape?" Tanong niya.

"Walaaaa. Nevermind. Bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

"Pinapasundo ka, overbreak ka na raw." Sabi niya.

"Huh? Lunch break ko ngayon grabe kayo." Sabi ko.

"Joke! Hahahahah Tara na?" Sabi niya.

"Baliw! Baka gusto mong magkape muna? Maghihintay ako." Sabi ko.

"O sige, oorder muna ako. Medyo inaantok na rin ako eh." Sabi niya.

"Sige lalabas muna ako." Sabi ko.

At saka lumabas ako sa coffee shop. Ang lungkot ko kasi di ko alam kung sino yung ikatlong lalaking pumasok.

Tumatayo ako sa labas ng biglang may bumangga sa akin. Pamilyar yung pabango niya pero sinawalang kibo ko nalang. Maya't maya lumabas si Fernan na malaki ang ngiti.

"Grabe yung ngiti oh?, nakakuha cguro ka ng number nong babaeng barista sa loob noh?" Sabi ko.

"Hahaha! Sobra pa. Nakakatuwa Lang." Sabi niya.

"Jusko! Ewan ko sa inyu." Sabi ko.

"Takbo tayu papuntang office?" Sabi niya.

Bago pa ako makasagot ay nakatakbo na sya ng sampung hakbang. Oh diba? Hingal talaga labas ko nito.

Walang magawa ang ate nyo, edi tumakbo narin. This time, kahit alam kong mapapagod ako, ang saya ko.

----------End of Chapter 8 --------------

Sinung nakangiti dyarn? Ay sus. Hayaan nyo nang maging masaya Yung ate nyo HAHAHA.

See you on Chapter 9!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro