Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3. Maskuladong Roommate

Before reading this, sana nabasa mo yung "Kape at Gatas" sa "UGHTOG Short Love Stories".

Christian's POV

August 14 2018, 6:30 AM

Umaga na nang umalis ako kina Jason. Di ko talaga alam na may boylet siyang kasama pero infairness ang gwapo nya. Plano ko sana doon na magstay pero tumawag na si Ms. Mataro sa akin at dapat daw doon ako sa hotel mag check in provided by the company para di na daw ako malalate.

Habang bumabyahe, may nakita na naman akong bahaghari. This time, hiniling ko na sana mawala natong sakit na nararamdaman from fifteen years ago. Sana makahanap na rin ako ng lalaking iibig sa akin na tunay kahit medyo dambuhala yung ate ninyo. Sana matupad lahat ng mga hiling ko.

"This is a new day, Christian! Laban!" Sabi ko sa sarili ko.

Di pa available yung hotel room sabi ni Ms. Mataro kaya dumiretcho ako sa office namin. Pagdating ko wala namang imik mga tao puro nakatunganga sa kani-kanilang monitor. What a grand welcome kung ikanga.

"Good Morning, Mr. Barreda. Maayong pagbalik (Maligayang pagbabalik)." Sabi ni Daeserie na mata at tenga ni Ms. Mataro dito.

"Paki sabi kay Madame (Ms. Mataro) nandito na ako sa office. Oh wait ichachat ko nalang pala." Sabi ko.

Papunta ako sa station ko nang may bumangga sa akin. Aaktong sisigaw na sana ako pero ng makita ko ang likod niya ay beh nahiya si Hercules sa balikat niya. Yung katamtaman lang ang pagkamaskulado na bumagay sa puting t-shirt niya. Ang aga-aga nalilibugan ako jusko.

Pero natauhan din ako. Parang ako yata ang naagrabyado dito bat pinupuri ko pa tong hayop na to.

"Hoy! Porket maskulado ka pwede ka ng bumangga ng iba. Umayos ka nga!" Galit na Sabi ko.

Pero hindi man lang ako nilingon at lumabas pa ng opisina. Jusko yung highblood ko parang dam na umaapaw.

"Daeserie!? Sino Yun? Uminit ulo ko dun." Tanong ko.

"Bagong hire po sir. Pagpasensyahan mo na. Yung beauty mo baka mastress ka."Sabi ni Daeserie.

Pumunta ako agad sa station at bumulagta sa akin ang mga regalong nakatambak sa lamesa ko. Nakakaiyak. Akala ko di ako mahal ng mga katrabaho ko.

"1...2...3... Go! Welcome back sir!!!!" Sigaw nilang lahat.

"Hala! Thank you! Mga gago kayo haaaa kala ko di niyo na ako namiss." Sabi ko.

Pero biglang tumahimik ng lumabas ang anino ng amo naming Hapon pati pisikal na anyo ng amo namin kuhang kuha yung pagkapayat na matanda.

Awra palang kuhang kuha na niya. Siya ang head of operations dito sa Cebu. Sir Sungit tawag namin sa kanya kasi di namin ma pronounce pangalan niya.

"Sana di ka nalang bumalik pa, Christian" Biro ni Sir Sungit.

"Ay? Biro yan? Di ko sure sir." Sabi ko.

Tumawa lahat pero huminto ng mag-iba ang mukha ni sir Sungit. Biglang nagkumaripas ng pagtakbo papunta sa kani-kanilang stations ang mga empleyado.

"By the way Christian, punta ka muna sa office". Sabi ni sir Sungit.

Pumunta ako sa opisina ni sir Sungit. Tulad ng pagkatao niya, napakadull at boring ng opisina niya.

"Yes po?" Tanong ko.

"Umupo ka. Meron kang upcoming project para sa isang sports clothing line. We will have a meeting two weeks from now." Sabi niya sa akin.

"Ay bet. Anong sports po ba?" Tanong ko.

"I'm not sure. Archery ata." Sagot ni sir Sungit.

At bigla na naman akong kinabahan. Naalala ko tuloy yung nagchat sa akin sa Line kahapon. Pero sa tingin ko hindi sya.

"Hmmm. This is interesting po. I will prepare my team for this. Kailan yung requirements definition nito?" Tanong ko?

"Kakasabi ko lang two weeks time diba? Boomerang ka?" Biro ni Sir Sungit

"Ay sorry na nga. Hahahaha" Biro ko din.

Ang galing mong mag pinlastic Christian! Pang MMFF.

Manila August 14, 2018. 12:48pm

"Mars, miss ko na si Dumbo." Sabi ni Dara.

"Sige tawagin mo pa siyang Dumbo baka lahat ng egg cells sa ovaries mo maubos sa sumpa." Banta ni Algean.

"Ay! May pasumpa pala si friendship. Pero wag mag alala Algean, I will save my one last egg cell for you, mylongga." Sabi ni Dara.

"Gusto mo ako mismo magsumpa sayo? Hayop ka? Lumayo ka nga!" Pataboy na sabi ni Algean.

Si Leo naman ay natulala hanggang nakita niya si Ms. Mataro na may kasamang magandang dilag.

Sinundan ng tingin ni Leo ang misteryosong dilag hanggang mawala ito sa paningin niya.

"Uioe, sinu yun?" Tanong ni Algean

"Di mo Alam? May kambal na kapatid si Ms. Mataro." Sabi ni Dara.

"Totoo? Ang ganda niya ha." Puri ni Leo.

"Lahi na talaga nila yan. Imagine niyo pag naging lalaki sila, oh diba ang gwapo din nila. Sila kaya ang isa sa mga magagandang beki sa Manila" Sabi ni Dara.

"Oo nga. Si Ms. Mataro kasi maganda na strikta at palaban. Feeling ko opposite yung kapatid niya." Sabi ni Algean.

"Ms. Mataro? Maganda? Di ko sure." Sigaw ni Dara.

Di namalayan ni Dara na nandun sa likod nya si Ms. Mataro. At nanggagalaiti ito.

"Ah so gandang ganda ka sa sarili mo ha? Dara! Nasaan na yung pamalo ko." Banta ni Ms. Mataro.

"Ay mamsh, sorry na. Hahaha eto naman namamalo oh di naman mabiro." Sabi ni Dara.

"Buti alam mo. Baka di ka masikatan ng araw bukas Dara. Wag ako." Sabi ni Miss Mataro.

"Maupo ka muna miss. Matanong ko lang sinu yung kasama mo kanina miss?" Tanong ni Leo.

"Ahhh sya ba? Kakambal ko. Mag aaply bilang doctor dito." Sabi ni Ms. Mataro.

Malaking ngiti ang sinalubong niya sa nalaman na impormasyon.

"Alam ko yang mga ngiti na yan pre." Sabi ni Algean.

"Hoy! Mga utog na nurse! Wag nyong pagtripan ang kapatid ko. Malilintikan kayo sa akin. Sya nga pala di ko na nakita yung dambuhala niyong friend. Nasan na sya?" Sabi ni Miss Mataro.

"Ay baliw-baliwan to? Diba kayo nagbook ng hotel niya sa Cebu?" Tanong ni Leo.

"Ay oo nga. Sensya tumantanda na utak ko sa madaming trabaho. Sana magustuhan niya yung experience niya sa hotel." Sabi ni Miss Mataro.

"Ano kaya yan mamsh?" Tanong ni Dara.

"Later malalaman niyo." Sabi ni Miss Mataro.

Cebu. August 14, 2018. 5:00pm

"Uuwi na kami sir!" Sabi ng mga teammates ko.

"Sige, ingat kayo!" Sagot ko Naman.

Ang daming gagawin parang mas doble ata dito kaysa sa Manila.

"Uy, may chat si Madam. Tingnan ko nga." Sabi ko.

Ray: Dumbo, sana maayos kalagayan mo diyan sa Cebu. Kain ka muna ng mga gulay para pumayat ka. Ganda ka? Excited na ako pagdating mo sa hotel. Lovelots, Reyna Amihan.

"Potek talaga tong si Ms. Mataro. Kahit sa chat nang aansya pa rin." Sabi ko. Nireplyan ko naman.

Me: Ano na naman ba ito? Pag may multo talaga sa hotel mumultuhin ko buong angkan mo talaga.

Pero seen lang ako grabe siya.

"Ano pa nga ba gagawin ko? Hmmm ah wait eto ipiprint ko pa." Sabi ko.

Habang inaabot ko yung cord ng printer ay may nadampi akong malamig na bagay. Parang malamig na kamay.

"Ay! Pucha! Ano yoooon!?" Sigaw ko.

Pagtingin ko ay isa palang Java Chip na inumin ang nakalagay kung saan nakalagay yung cord ng printer.

"Kanino kaya galing to?" Tanong ko.

May nakalagay na sticky note na nagsasabing.

Alam kong stress ka pa galing byahe. Inumin mo itong favorite mong frappe.

- admirer.

"Tangina? Playtime ba ito? Admirer talaga ha?" Tanong ko.

Nung una nagdadalawang isip ako na inumin yung frappe, pero nung kinalaunan ininom ko rin kasi libre eh.

Mga alas syete na nang gabi ng matapos ako sa mga ginagawa ko. Pwede na rin ako mag check in sa hotel.

Habang nakasakay sa taxi ay naalala ko ulit ang mga masasayang sandali namin ni EJ.

Eight years ago

Pagkatapos namin magpakilala sa isa't isa ay agad kaming naging matalik na magkaibigan. Lahat ng mga assignments, reportings, projects, at pati exams nagtutulungan kami.

Nakatambay kami sa entablado ng ekwelahan sa kasagsagan ng lunch break namin.

"Chan, minsan nagtataka ako kung anong nakalaan sa atin sa hinaharap. Nagtataka ka rin ba?" Tanong niya.

"Syempre, bilang panganay na kapatid oo nagtataka din. Di natin alam kung anong mangyayari. Baka nga mag pandemya sa hinaharap." Sabi ko.

"Oo nga noh? Baka nga. Pero ako gusto ko talagang maging sikat na archer sa SEAG o makapaglaro man lang dito." Sabi niya.

"Ang bigat naman ng pangarap mo." Sabi ko.

"Syempre naman. Kung mangangarap ka naman lang lakihan mo na. Magiging inspirasyon mo yan para mabuhay sa mundong ito." Sabi ni EJ.

Dito ko siya simulang nagustuhan. Siya yung may sense kausap at di lang puro biro. Gusto ko kasi sa mga taong alam niya ang ginagawa niya.

"Ikaw anong pangarap mo?" Tanong niya.

Bigla akong napaisip dahil di ko alam kung anong pangarap ko. Normal ba to? Parang hindi. Di kasi ako naniniwala sa ganyan.

"Wag mong sabihin na wala kang pangarap? Tao ka ba?" Biro niya.

Ano kaya ang pangarap ko? Maging mayaman? Maging mafia? Maging astronaut? Doctor? Engineer? Or maging jowa nya?

Bet ko yung huli.

"Alam ko magkakapangarap ka lang pagkilala mo na sarili mo. Baka di pa ngayon Christian. Di naman to quiz tong tanong ko ano ka ba." Sabi niya.

Sa totoo lang natamaan ako sa kanya at sa sinabi niya. Pero di ko nalang pinansin.

"Oo nga. Nakakapressure mga tanong mo parang nasa gameshow." Sabi ko.

"Alam mo, pag hindi ko naabot ko ang pangarap ko, magiging guro ako tulad ng mama ko para matuturuan ko mga estudyante ko na mangarap." Sabi niya.

"Ay wow! Daming gustong gawin. Pero as a friend susuportahan kita all the way!" Sabi ko.

Bigla ko nalang natanong.

"Magiging kaibigan pa ba kaya tayo sa hinaharap?" Tanong ko.

"Hoy! Anong klaseng tanong yan? Syempre oo naman! Ano kaba?" Sabi niya.

"Promise?" Sabi ko.
"Promise." Sabi niya.

At naging saksi ang rebulto ng founder ng eskwelahan sa pinky promise namin.

---

Dumating na ako sa tutuluyan kong hotel. Pinuntahan ko yung receptionist para magtanong kung anong room ako naka-assign.

"Good evening miss. Reservation for Christian Barreda please." Sabi ko.

"Hi sir! Good Evening. It's on room 724 sir, here's the spare key." Sabi ng receptionist.

"Thank you ma'am." Sagot ko.

Bakit spare key? Pero pagod nako para magtanong pa at agad na akong sumakay sa elevator.

Pagdating ko sa 7th floor ay hinanap ko na yung room 724. Ang tahimik ng hallway parang ghost hotel at ng dahil nasagi sa isip ko yan ay nagmamadali ako

"Sa wakas! Nakita ko na rin!" Pahingal na sabi ko.

Agad akong pumasok sa room. Ang laki at napakagara na parang exclusive suite. Meron itong sariling living room, kitchen, cr, at isang masters bedroom.

"Ang gara naman. Solo ko lang ba ito?" Tanong ko.

Pumunta ako agad sa living room kung saan, kahit 7th floor, makikita ang city view.

"Ang ganda ng view. Nakakarelax. I like. Itetext ko nga si Madam." Sabi ko.

Agad nawala yung relaxation ko ng may narinig ako sa kusina. Parang nakaopen na gripo.

"Wait, ako lang dapat nandito. Ma check ko nga." Sabi ko.

Nagdahan-dahan akong pumunta sa kusina para tingnan kung anong nandun pero wala akong nakita.

"Baka daga lang yung narinig ko. Ang gara ng hotel nga may daga naman." Saway ko.

Pero hindi pala doon nanggaling yung ingay. Nagmumula ito sa Restroom. Kinuha ko yung kawali at nagdahan-dahan akong pumunta doon.

"Pag may multo talaga dito lagot ka sa akin Mataro. " Bulong ko.

Napatigil ako ng may nakita akong anino ng tao sa na papalabas sa restroom. May pinto pa kasi before makarating sa mismong restroom kaya nagtago dalang dala ang kawali.

"Jusko Lord. Kung sino man ito sorry nalang talaga." Sabi ko.

Kaya pala pagdating ko nakabukas na ang ilaw at ang aircon. Hindi ito chambermaid kasi kakatapos lang nila mag linis.

Nag papalabas na ang misteryosong tao ay bigla akong sumigaw ng malakas sabay hampas sana sa kawali.

"Aahhhhhhhhhhh!" Sigaw ko.

"Hoy! Tangina!" Sabi ng Tao.

Napigilan nya ang kamay ko na hahampas sana sa kanya ng kawali.

"Sino ka?!" Tanong ko. Gulat na gulat ako sa mga nangyari.

"Roommate mo ko tanga ka!? Di ba nabanggit ni Ms. Mataro sayo!?" Sabi ng tao.

"Kung nabanggit niya edi sana di kita hahampasin ng kawali!" Sagot ko

Nang mahimasmasan na ako at tiningnan ko, siya yung maskuladong taong bumangga sa akin kanina. Nakatapis lang siya ng tuwalya kaya nakita ko yung katawan nya.

Ang puti nya tapos may abs at may pa biceps. Yung mga mata nya ay parang nasa kalagitnaan ng pagiging chinito at malaking mata. Chubby ang cheeks nya at may konting bigote. Yung bibig nya sarap halikan. Nauutog ata ako ngayon.

Habang pinagmamasdan ko siya ay nahulog na pala ang tapis nya. Lumaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Ahm? Eh?!" Sabi ko sabay turo sa baba. Di na ako makapagsalita pa

"Huh?" Sagot niya pero na realize nya din na wala na siyang tapis. Natataranta't tinakpan niya yung daga nya.

At sa ganitong sitwasyon nakilala ko ang aking roommate.

---- End of Chapter 3 ----

Thank you for still supporting. Medyo busy nowadays at may pinagdadaanan lang. Bawi ako sa chapter 4 soon.

Don't forget to follow me and add this story to your reading list and library. Salamat!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro