Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14. Ang Pinagbuksan ng Puso

Fernan's POV

Pagkatapos naming mag mini party sa rooftop ay umuwi kami sa suite. Medyo pagod kaming dalawa ni Christian kaya minabuti naming matulog muna. Well, hindi pa naman ako atat na kainin siya at alam kong magtatagal pa ang relasyon namin at pagmamahalan namin sa isa't isa.

Nakatulog na ng mahimbing ang baby ko at ako nama'y nakakititig sa kanya. Totoo ba ito? Kami na ba talaga? Parang kailan lang nakipagsuntukan ako sa ex niya pero ngayon jowa ko na siya.

"Pangako ko, aalagaan kita ng mabuti. Pakakainin kita ng mga masasarap na pagkain. Ililibot kita sa mga lugar na gusto mong puntahan." Bulong ko sa kanya.

"Anong tingin mo sa akin? Baboy palamunin?" Tanong niya. Nagulat ako dahil gising pa pala sya.

"Parang? HAHAHA love you!" Biro ko sabay halik sa noo niya. Sinuntok naman niya yung dibdib ko.

"Aray! Baby, mapanakit ka ha!" Sabi ko.

"Wag mo nga akong tawaging baby! Ang sagwa pakinggan." Sabi niya.

"So, anong gusto mo?" Tanong ko.

"Yung nakagawian natin, ano kaba? Paw at Pot, ganern!" Sabi niya.

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko.

"Eh kasi, dun tayo naging close at saka may sentimental value yung tawagan natin. Dun din kita mas nakilala at sinimulang mahalin." Sabi niya. Shet namumula ako. Kakilig!

"Talaga ba? So kung di mo naamoy putok ko di mo ako mamahalin?" Birong tanong ko.

"HAHAHAHAHAHAHA! Parang ganun na nga!" Sabi niya.

"Ahhhhh ganun pala ha?! Gusto mong kilitiin kita? Hayup ka rin eh!" Sabi ko habang kinikiliti ko siya.

"HAHAHAHAHAHAH ano ba! Fernan, stop!" Sabi niya.

Hindi ako nakining at kiniliti ko pa siya hanggang napagod kaming dalawa.

"Alam mo Pot, kung hindi kita mas nakilala, malamang di kita mamahalin." Sabi niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Kasi nung una akala ko ang taas mong abutin like you are way out of my league ganern."  Sabi niya.

"Ikaw ba, bakit mo ko minahal?" Tanong niya.

"Bakit? Ewan. Kailangan pa ba ng rason yan?" Sabi ko. Honestly, di ko rin alam kung ano ang totoong dahilan kung bakit mahal ko sya.

"C'mon! Seriously Fernan?" Sabi niya in disbelief.

"Oo, at saka akoy sayo, at ikay sa akin na so I'm more than happy to have you as my jowa. Ayieeee" Sabi ko. Namumula sa kilig si Christian.

 "I love you." Sabi ko sa kanya.

"I love you, too." Sagot naman niya.

At muli kaming natulog na magkatabi sa kama.

Christian's POV

Gumising ako ng masaya sa umagang kay dilim. Umuulan yata sa labas na parang nayayamot. Parang kahapon lamang ay hiniling ko sa bahaghari na sana magkajowa ako at ngayon eto nagkatotoo.

Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko si Fernan kung saan nagluluto ng fried rice at hotdog. Tangina, apron lamang ang suot niya. Kitang kita ko yung broad shoulders niya. Yung mga muscles niya ay bakat na bakat. Tapos dumagdag pa yung kaputian niya.

"Bawal maglaway. Paw." Sabi niya. Nagulat ako. 

"Huh?" Sabi ko.

Lumapit siya sa akin at saka pinunasan niya yung laway ko. 

"Ang sabi ko bawal maglaway." Sabi niya.

"Oh shit!" Tumakbo ako papuntang CR.

"Mamaya papatikimin kita. Don't worry." Sigaw niya sa akin.

"Hayup! Tangina mo rin eh!" Sigaw ko.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako at nakita ko syang kumakain na nakatopless.

"Galit ka ba sa damit?" Tanong ko.

"Hindi naman, pampagana lang." Sabi niya.

"Pampagana?" Tanong ko.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako sa likod at saka bumulong ng 'Ouch Daddy'.

"Hoy! Hayup ka talaga!" Sigaw ko. Bigla akong namula sa sinabi niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at sabay sabing I love you. Humarap ako sa kanya at saka hinalikan ko sya sa labi sabay sabing I love you, too. Kinagat niya ang kanyang labi at saka niya ako hinalikan. Ayun, naghalikan kami buong agahan.

"Malalate na tayu, Pot!" Sabi ko habang nakahiga ako sa braso niya sa sofa.

"Kailangan pa ba nating magtrabaho?" Angal niya.

"Opo! Kasi hindi tayo mayaman!" Sabi ko.

"No, sasabihan ko si Dad na ipamana na niya sa akin yung kayamanan niya." Biro niya.

"Ulol! Walang ganyan Daddy mo." Sagot ko.

"Oo nga noh? Sige na nga! Pero paisa muna? Please!?" Sabi niya.

"Hala, taglibog ka ba ngayon? Mamaya na!" Sabi ko.

"Ayuuun! Yari ka sa akin mamayang gabi!" Sabi niya.

"Tara na nga!" Sabi ko.

At saka pumunta kaming office na ang nasa isipan ay kantunan.

--

"Mr. Barreda, my office now!" Sabi ni sir Sungit sa akin.

Grabe di pa nga ako nakaupo sa station ko pinatatawag na ako ni sir Sungit. Pumasok ako sa opisina niya.

"Sir?" Sabi ko.

"May bad news tayo, Mr. Barreda. Nagback-out si Mr. Barcelo sa deal." Sabi niya.

"Huh?! For what reason?" Tanong  ko.

"Wala syang sinabi pero pag gusto natin daw magpumilit, dapat ikaw daw kakausap sa kanya." Sagot ni sir Sungit.

"Hala sya? Ako talaga?" Tanong ko ulit.

"Gusto mo ba si Fernan nalang kumausap? Alam mo naman mangyayari diba ngayon na jowa mo na sya." Sabi ni sir Sungit.

I have no choice kundi kausapin siya. Apaka bata magisip jusko!

"Sige, sir. Kakausapin ko sya." Sabi ko.

Lumabas ako sa opisina ni sir Sungit na nakasimangot. Sinalubong ako ni Fernan.

"Paw, anyare? Ba't nakasimangot ka?" Tanong niya.

Gusto kong sabihin sa kanya na kakausapin ko si EJ para maisalba yung trabaho natin pero alam kong magagalit siya kaya minabuti kong tumahimik nalang.

"Okay, baka napagod ka nalang." Sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya sabay 

"Iba talaga pag jowa, ano ho? Mapapasana all ka nalang." Sabi ni Jay.

"Gusto mong maranasan yan?" Hirit ni Ruston.

At nagsigawan kaming lahat. Niyakap ako ni Fernan. Ang swerte ko sa boyfriend ko.

Matapos ang shift pumunta kami ni Fernan sa coffee shop at nagkita din kami ni Carmelo doon.

"Hi, Tito. Tita. Wow parang may napaghahalataan ah." Sabi ni Carmelo.

"Kami na ng Tita mo, Carmelo. Tito mo na ako." Proud na sabi ng boyfriend ko.

Ngumiti lang ako dahil ito yung pinaka-unang pagkakataon na may nag-flex sa akin na jowa niya ako.

"Naks naman. Ibang ngiti talaga pag inlove tita ano?" Pang-aasar ni Carmelo

"Oh, magtrabaho ka na don. Yung amo mo, ang sama na ng tingin." Sabi ko.

"Okaaaaay. Usual drink ba?" Tanong ni Carmelo.

"Yes Carmelo. The usual" Sagot ni Fernan.

At pumunta kami sa bakanteng mesa at umupo. Tumitig siya sa akin na parang alam niya na may tinatago ako.

"Alam kong may tinatago ka sa akin. C'mon, spill it! Promise I wont be mad" Sabi niya.

He looked cute on how he said those words. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para maging deserve ni Fernan.

Tumahimik lang ako. Ayoko talagang sabihin. Mainit ang ulo ni Fernan sa ex-bff ko.

"Okay, hindi kita pipilitin. Tell me when you're ready." Sabi niya.

Whew! Nakaiwas din.

"Maiba ako. May leave credits ka pa ba?" Tanong niya.

Napaisip... "Hmmm meron pa naman, bakit?" Sagot ko.

"Save those." Sabi niya.

"Huh? Di ko naman talaga gagamitin yon unless pakakasalan mo na ako?" Sagot ko.

Nailuwa ni Fernan ang kapeng iniinom niya. Pinagtitiningan kami ng mga tao. Natawa si Fernan pero namumula.

"Hala, sorry. I was just joking!" Sabi ko habang pinunasan ko yung tshirt niya.

"No, it's okay. Let me do it." Inagaw niya yung bimpo at saka niya pinunasan sarili niya.

"Sorry, Pot..." Sabi ko na nalulungkot.

"Awee. Ang cute mo. It's okay honeybunch. I'm fine, See?!" Pinakita niya yung natutuyong basang tshirt.

"I was joking lang naman eh." Umaandar ang pagiging pabebe ko. Minsan sarap ko pektusan sarili ko eh. HAHA!

"Come here, don't be sad."  Sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at saka niya ako niyakap ng mahigpit. May binulong siya sa aking mga tenga.

"I would marry now, if you want to. But... let me taste you first?!" Sabi niya.

Tangina! Malibog ang boyfriend ko.

"INAMO rin eh!" Sabi ko at sinapak yung malaking balikat niya.

"Oh? Ayaw mo nun, I can give you both, dream and pleasure" Sabi niya habang nakangiting demonyo.

"Potacca! Tara na nga. Umuwi na tayo para makapagbihis ka na!" Sabi ko.

"Bihisan moko haaa?!" Sabi niya.

"Jusko Fernan!" Sabi ko.

"I love you, too!" Sabi niya.

Lumabas kaming pareho sa coffee shop at umuwi sa aming suite.

Fernan's POV.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang mood ni Christian simula noong lumabas siya sa opisina ni Sir Sungit. Parang may gusto siyang sabihin pero itinatago niya. Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka na pati emosyon ng partner mo ay ramdam mo rin?

Binuksan ko ang pinto ng aming suite at dumirecho ako sa kwarto para kumuha ng damit pambahay. Si Christian naman ay umupo sa sofa at nagbrowse ng Netflix sa smart TV.

Bumalik ako at umupo ako sa tabi niya. Binigay ko sa kanya ang tshirt. 

"Seryoso? Ako talaga magbibihis sayo?!" Gulat na sabi niya.

"Asawa kita kaya pagsilbihan moko." Sagot ko.

"Hoy!? Baka nakakalimutan mong hindi pa tayo kasal! At isa pa, may equal rights na tayo hindi moko katulong" Sigaw niya.

"Edi don't! Akin na nga yan!" Tampo ko.

Kinuha ko yung tshirt tapos hinubad ko yung polo shirt ko na natapunan ng kape. Ilang minuto ay kinuha ni Christian pabalik ang tshirt at siya sumuot sa akin.

"Oh, ayan?! Happy?" Sabi niya pagkatapos niya akong bihisan.

Ngumiti akong parang batang nabigyan ng candy.

"Di mo ko matiis ano?" Tanong ko.

"Syempre, mahal kita. Alam mo naman yan diba?" Sagot niya at hinalikan niya ako sa pisngi.

Paremind nga kung bakit minahal ko'to. Shet! Kinilig ako.

"Ay halaaaaa, parang kang hotdog sa pula! HAHAAH ayieee kinikilig sya sa banat ko." Sabi ni Christian.

Tumayo ako at bigla ko syang hiniga sa sofa. Nakapatong na ako sa katawan niya. Nag-iinit buong katawan ko at ramdam ko na ganun din sya.

Hinalikan ko ang kanyang noo, ilong, at bibig. Pagkatapos, nilaplap ko yung leeg niya. 

"Fernan." Sabi niya.

"Hmmm?" Habang nilaplap ko yung leeg niya.

"Not now, please?" Pakiusap niya.

Bigla akong natauhan. Kung gusto kong may mangyari sa amin, dapat with consent namin both. Ayoko ding ipilit ang gusto ko sa kanya. Itinayo ko sya at pinaupo. Niyakap ko siya.

"Sorry. Nadala lang." Sabi ko.

"It's okay. I'm not in a mood kasi." Sabi niya.

Syempre ramdam ko yun kasi kanina pa syang umagang wala gana.

"Pahinga na tayo?" Tanong ko.

"Tara." Sabi niya.

Pinatay namin ang TV at sa sofa kami natulog. Nakahiga siya sa mga braso ko at niyakap ko siya ng mahigpit.


---

Kinaumagahan, nagtitimpla ako ng kape sa may pantry ng may marinig akong mga chismosa.

"Alam mo, si Mr. Barcelo nag back-out sa deal." Sabi ni chismosa 1

"Bakit kaya? Balita ko rin daw, magkakakilala na si Mr. Barcelo at si sir Barreda. Hmmmm I smell something fishy." Sabi ni chismosa 2.

Napansin ako ng isa sa mga chismosa at tumiklop ang kanilang mga bibig saka umalis. Nalaman ko na kung bakit walang gana at balisa si Christian kahapon pero hihintayin kong siya mismo ang magsabi sa akin.

Pumunta ako sa station ni Christian at binigay ang tinimpla kong kape.

"Paw, kape ka muna." Sabi ko.

"Thank you, ilagay mo muna diyan." Sabi niya.

Napansin kami ng mga co-workmates namin.

"Sana all kape!" Sabi ni Jay.

"Sana all ilalagay!" Sabi ni Ruston.

At naghiyawan ang mga tao sa opisina. Biglang lumabas si Sir Sungit at pinagtitinginan kami. Bumalik lahat sa mga tinatrabaho nila.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

"Hindi, pero kaya pa. Stress lang to." Sagot niya.

"Nandito lang ako ha pag kailangan mo." Sabi ko.

"Thank you." Sabi niya.

At umupo ako sa station pero nakakatitig pa rin sa kanya. Napansin ako ni Ruston.

"Hoy, baka matunaw yan sa kakatitig mo." Sabi ni Ruston.

"Nangangamba ako pare. Iba ang kutob ko." Sabi ko.

"Kutob? bakit?" Tanong niya.

"Hindi kasi sya open sa problems niya. Well I get it bago pa lang kami pero diba dapat tinutrust na niya ako." Sabi ko.

"Baka naman hindi talaga siya open to say his problems na kahit sino. Di ko rin yan narinig magreklamo sa mga pinapagawa sa kanya nung nagstart kami before you." Sabi ni Ruston.

"Sabagay. Pero sana maramdaman niya na nandito ako to help him." Sabi ko.

"Alam mo bro, ramdam ka rin niya pero about opening up, maybe give him time. Alam mong after years of heartbreak dun sa mokong na yon, ikaw ang pinagbuksan muli ng puso niya. That is already a hint na in time mag-oopen din siya sa'yo. Kalmahan mo." Sabi ni Ruston.

"Sana nga." Sabi ko.

"Anong sana nga. Mangyayari yan. Claim it!" Sabi ni Ruston.

Tama si Ruston. Ilang months pa lang kami pero grabe na ang mga demands ko. Pasalamat nalang ako at ako ang katangi-tanging lalakeng pinagbuksan ng puso niya.

EJ's POV.

After ko makausap yung boss ni Christian ay nakahiga lang ako sa aking kama. Mga bote ng gin at whiskey nagkalat sa baba ng kama ko.  

Biglang pumasok sina Anne at Elaine sa kwarto ko.

"What the? Di ka na babangon diyan?" Tanong ni Anne.

"Bruh, you're wasted as fuck!" Sabi ni Elaine.

"Pwede ba kayong dalawa layuan niyo kundi isasaksak ko yung bote sa mga bibig niyo tig-isa" Sabi ko.

"Chill. Hindi ka namin inaaway ni Anne. But, what the hell is happening to you?" Tanong ni Elaine.

"I just don't knooooow!" Sigaw ko.

"Bumangon ka nga! Iniwan ka lang tapos nagkakaganyan ka na" Sabi ni Anne. 

Tumaas yung dugo ko. Wait lang! Tumayo ako.

"Wait!!! Baka nakakalimutan niyong kayo ang may pasimuno ng lahat!? Kung hindi niyo binully, sana may chance pa kami!" Sigaw ko.

"Wow!? Kami talaga?! Let me remind din na isa ka sa mga nang-iwan sa kanya on the spot! Kung ano mang nangyayari sa inyu ngayon, kabayaran yan sa ginawa mong sakit sa kanya noon! Kaya mo kaming sisisihin!" Sigaw ni Anne.

Umupo ako sa kama at narealize ko ang lahat. Tama si Anne. Ito ang kabayaran ng mga nagawa kong kasalanan kay Christian.

Humahagolhol ako sa pagiyak at tinabihan ako ni Elaine at Anne. Ang gusto ko lang naman ay isang pagkakataon galing kay Christian. Isang pagkakataon na mahalin at pasayahin siya sa abot ng aking makakaya.


Maya't maya ay may natanggap na text si EJ. Galing ito kay Christian.


---End of Chapter 14---


Hi! Long time no see. Thank you for reading my work! I really appreciate it. 

The past few months last year and this year has been challenging to me and I'm still braving the odds!

See you on the next chapter!







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro