Chapter 13. Makabagong panliligaw
Christian's POV
"Narinig ko yung nangyari kina Fernan at Mr. Barcelo. Christian? Please give me one good reason para di tanggalin sa trabaho si Fernan?" Tanong ni sir Sungit sa akin.
Syempre di ko ilalaglag yung mokong na iyon pero ang tanong, nasaan siya? Paggising ko wala na siya sa tabi ko. Akala ko nga nauna na siya dito.
"Sir, that was just a misunderstanding. Akala ni Fernan kasi na sinasaktan ako ni Mr. Barcelo." Depensa ko.
"Ano? Wait. Let me remind you Christian na hindi ka babae. Panong sinaktan?" Sabi niya.
Aba kumukulo na dugo ko sa kanya!
"Wait lang din sir, hindi gender-based ang abuse. I am actually prone to physical and mental abuse dahil I belong to LGBTQIA like sa mga babae at sa mga lalaki rin." Sabi ko.
Tumahimik ang matanda. Alam din niya kung paano ako magalit kaya wala siyang magawa kundi umupo at kinuha ang mga papeles para itoy basahin.
"All right, di ko tatanggalan ng trabaho si Fernan. Pasalamat kayo at hindi binawi ni Mr. Barcelo ang kontrata." Sabi niya at inabot sa akin ang papel na may pirma ni EJ.
"Talaga ho? Hindi niya binawi?! Jusko! Muntik na akong atakihin sa puso!" Sabi ko habang natutuwa.
"Basta, wag n'yong sayangin ang tsansa na binigay ni Mr. Barcelo. Hay nakuuuu! O sya labas na at magtrabaho ka na dun. " Sabi ni sir Sungit.
"Opo!" Sabi ko habang tumayo papalabas sa opisina niya.
Nang lumabas ako at hindi ko pa rin siya nadatnan sa kanyang station.
"Has anyone seen Fernan?" Tanong ko sa teammates ko.
"Wala po." Sagot ni Ruston.
"Akala ko ba naglilive in na kayo?" Tanong ni Jay.
Masasabunutan ko talaga tong babae na to.
"Di naman. Bakit ba? Porquet magkasama kami ay ibig sabihin nun alam ko na kung ano ang iniisip niya, kung nasaan sya?" Tanong ko pabalik kay Jay.
"Sorry na po. Nagtatanong lang." Sagot ni Jay.
"Everyone, please focus of what is going to happen in the next few months. We will post everything on our JIRA to keep track sa mga deliverables natin at sa mga susunod pang deliverables. Naiintindihan niyo ba ko?" Sabi ko.
At tumugon ang lahat ng opo. Pasalamat kay EJ at meron pang mga trabaho ang teammates ko.
Teka magkikita nga pala kami ngayon.
"Saan pala kami magkikita ngayon?" Tanong ko sarili habang nag sesearch ako ng mga lugar na malapit sa opisina.
Hindi kami pwede magkita sa coffee shop kasi nandun si Carmelo at baka magsumbong
Habang akoy nagscroscroll ay meron akong nakitang Tea Shop mga tatlong eskinita malapit sa opisina namin. Tinext ko ito kay EJ kasama ang oras ng pagkikita namin. Maya't maya ay nagreply si EJ.
EJ: Okay, see you later sweetcheeks :)
"Tangina?! Kailangan ba talagang merong tawagan?" Naiinis na sabi ko.
-
-
-
Malapit na matapos ang aming shift pero hindi pa rin nagpapakita si Fernan. Nag aalala na ako. Kinuha ko yung number niya sa listahan ng mga empleyado at tinawagan ko siya pero di sumasagot. Marami na akong nasend na texts pero wala pa rin.
Lumakad na ang mga tao ko at ako nalang magisa sa opisina.
EJ: Hey? Are you coming?
Nabasa ko ang text ni EJ. Mag aalas siyete na pala pero preoccupied ako sa nawawalang Fernan. Dapat papunta na ako sa tea shop na tagpuan ni EJ.
EJ: Chan?
Text niya ulit. Pupunta na sana ako ng biglang pinigilan ako ni Ruston.
"Madam! May nangyari kay Fernan!" Sigaw niya.
"Huh? Ano?! Anong nangyari sa kanya!?" Tugon ko. Lumalakas ang tibok ng dibdib ko.
"Samahan mo ako sir! Dali!" Sabi niya habang hinila ako papunta sa pintuan.
Tumakbo kami pataas sa rooftop. Nandito lang pala sya sa rooftop pero bakit di niya ako tinawagan. Kabadong kabado na ako sa mga susunod pang mangyayari. Nahihilo ako dahil tumataas alta presyon ko. Pinauna ko na si Ruston.
Hinihingal ako habang nakatayo sa pintuan ng rooftop. Lalong lumalakas tibok ng puso ko. Nagkahalu-halo na ang kaba, galit, at pangamba na nararamdaman ko. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa aking ang napakadilim na rooftop.
"Ruston?" Tanong ko.
"Fernan?!" Tanong ko ulit.
"Fernan?! Nasaan ka? Nag-aalala na ako sa'yo. Bakit di mo ako sinabihan na may problema ka? Roommate tayu diba? Akala ko baa...." Sabi ko habang ramdam ko na nandun lang si Fernan sa paligid kahit wala akong makita. Napiyok ako at umiiyak.
"Fernan?! Wag naman ganito oh! Takot na takot ako!" Sabi ko habang umiiyak.
"Paw." Sabi ng tinig sa aking likuran. Biglan ko itong nakilala. Boses ito ni Fernan. Lumingon ako at biglang umilaw.
Nakita ko si Fernan na naka glasses, naka white sleeves at khaki jumpers. Biglang namula ang mukha ko dahil ang gwapo niya. Eto ba talaga si Fernan?
Sa likuran naman niya nakatayo halos lahat ng mga teammates ko. May kanya kanyang dala ng mga balloons at cake.
Umiyak ako at sinuntok ko si Fernan sa dibdib.
"Bakit ba? Mahirap ba ang mag text man lang sa akin at iupdate ako kung anong nangyari sa iyo?" Sabi ko habang umiiyak.
"Sorry na Paw. Gusto ko lang sana gawin to. Eto. Surprise!" Sabi niya at tomorotot.
"Surprise!" Sigaw ng mga tao sa likod.
"Tonight will be the best night for both us. I'll make you happy." Sabi niya. Ako naman ay panay iyak. Nakuuu iyakin talaga ang ate niyo.
Kinuha ako ni Jay at saka pinaupo sa harap ng railings. Sa kilid naman ay nakatayo si Ruston at si Gabriel.
"Welcome! Welcome! For tonight's event, we bring you the night of spectacle! Here we go!" Sabi nila ng sabay.
Maya't maya ay pinatay ang ilaw at may mga taong pumasok na may dalang led na nunchuck. Pinapaikot nila ito at habang umiikot ay may namumuong imahe. Ito'y mga imahe ko na nasa trabaho, na nasa coffee shop, at nasa room na hindi ko matandaan kung kailan kinuha.
Pagkatapos naman ay merong mga taong nakasuot ng led costume at sumasayaw. Aliw na aliw ako at ang mga tao sa likod ko. Para kaming nanood ng show sa circus.
Panghuli naman ang pinakabonggang palabas ng mga drones. Ang saya dahil nag iiba ito ng anyo at kulay hanggang sa naging letra ito na kinalaunan ay naging salita.
Will you be my boyfriend?
Nagtilian ang mga tao sa aking likuran. Ako naman ay hindi makapagsalita sa mga nabasa ko. Sobrang gulat ako sa mga nangyayari sa harapan ko. Biglang pumasok si Ruston at ipinakilala niya ulit si Fernan.
Pumasok si Fernan na may hawak na mikropono at sinabihan si Ruston kung anong ipapatugtog. Jusko yung kay Justin Bieber pa na 10000 hours pa ang kakantahin niya. Nang tumunog ang unang tono ng kanta ay siya namay kumanta din.
Narinig ng lahat kung gaano kahusay kumanta si Fernan. Tinig niya ay para bang hinehele ka habang natutulog. Ang mga babae naman sa likuran ay sumisigaw ng "SANA ALL".
Ako, na siyang pinariringgan ng musika, ay hindi makapagsalita sa mga nangyayari. Inaabsorb ko lahat. Natutupad na ba ang hiling ko na balang araw ay liligawan ako ng mahal ko. Eto nayun! Tumutulo ang luha ko habang nakikinig sa kanya.
Pagkatapos niyang kumanta. Huminga siya ng malalim at sinabi ang mga katagang gusto kong marinig noon pa.
"Paw. Christian. Listen to me. Whew! Ang hirap pala magconfess." Sabi niya. Nagtilian ang mga tao sa likuran ko na parang mauubusan na ng hangin.
"Ever since I met you, alam kong ikaw na ang gusto kong makita sa pagtulog ko hanggang sa paggising ko kinabukasan. Gusto ko ikaw yung palaging pinaglulutuan ko ng fried rice at ng 'hotdog' ko." Sabi niya.
"SANA ALL HOTDOG!" Sigaw ni Jay. Nagtawanan ang lahat. Nagpatuloy si Fernan.
"Gusto ko ikaw kasama ko kapag nagpupunta tayo sa malalayong lugar. Ikaw ang gusto ko makasama habangbuhay, sana'y pagbigyan mo ang hiling ko na maging kasintahan mo at paligayahin ka sa abot ng aking makakaya. " Sabi ni Fernan habang pumunta sa aking harapan at lumuhod.
Nagtilian ang lahat. Ako naman ay di makapagsalita dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"Tinatanggap mo ba? Potpot?" Tanong niya.
At isang saglit nabitawan ko ang sagot na pinakahinihintay niya. Nagyakapan kami at naghalikan. Maya't mayay umeksena ang isang magarbong fireworks display na umiilaw sa aming mga mukha.
Alam kong magiging masaya ako sa piling niya at papaligayahin ko rin siya sa piling ko. Noong una akala ko di na ako makakaranas ng merong magmamahal sa akin pero eto ako ngayon kasama ang lalaking pinakamamahal ko.
Nagvabibrate yung phone ko pero sinawalang kibo ko nalang. Magpapakasaya muna ako sa piling ng mahal ko.
EJ's POV
Nang matanggap ko ang text ni Christian kung saan at anong oras kami magkikita ay dali-dali kong kinansel ang lahat ng mga lakad ko sa hapon na iyon. Pumunta ako sa restroom at saka humarap sa salamin.
"EJ! Don't fail this chance. It's now or never. It's not too late." Sabi ko sa salamin.
Inayos ko ang mga dapat kong ayusin para mabakante na lahat before 7pm. Tinawagan ko na ang tea shop para mabakante ang store para makapag-usap kami ng maayos.
Kriiiiiiiiiiiiiiing. **Anne is calling**
"Hello, Anne?" Sabi ko sa pagsagot ko sa tawag ni Anne.
"Are you ready? Ihahanda ko na ba yung first aid kit? Baka wala ka ng ilong pag uwi mo dito sa condo?" Sabi niya.
"Yeah I'm ready and I think di manggugulo yung mokong na yon ngayon kasi hindi kami magkikita ni Christian sa tambayan nila." Sabi ko.
"Ay Basta! Sabihan mo ako para maihanda ko ang surgery ward ng Chiong Xhua." Sabi ni Anne.
"Yeah sure. Thank for the concern. Bye." Sabi ko at binaba ko na ang telepono.
Six thirty palang ng gabi ay pumunta na agad ako sa tea shop. Ayokong ma late dahil sa traffic kasi eh. Lumapit ako sa gwardiya ng tea shop at sinabi ko na may reservation ako. Tinuro ng guard kung saan at dun pinuntahan ko.
Umupo ako at umorder ako ng Jasmine Tea. Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi pa rin dumadating si Christian. Tinext ko ng dalawang beses pero hindi nagrereply.
Alas siyete y media na pero walang Christian na sumipot. Nakailang tawag na ako pero di sinasagot hanggang sa tinawagan ako ni Anne.
"EJ. Hindi makakarating si Christian diyan. Nandub sila sa rooftop ng building nila." Sabi ni Anne.
"Huh? Paano mo naman nalama-- wait? Pinasundan mo si Christian? What the hell are you trying to do. Diba illegal yan?" Sabi ko.
"Hindi tanga! May nagsend ng picture sa akin at close friend ko. Puntahan mo nalang dun andami mo pang satsat." Sabi ni Anne.
Agad kong binaba ang tawag at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan nila. Humarurot ako sa pagmamaneho hanggan sa makarating sa building nila Christian.
Nakita ko na merong drone display na nagshoshow sa taas. Agad akong pumasok sa parking lot at nagmamadaling sumakay ng elevator.
"Ano ba kasi ang nangyayari? Christian, why are you acting like this?" Tanong ko.
Nang dumating ako sa pinakadulo na floor ay nagmamadali akong tumakbo sa hagdanan. Nakita ko yung pinto papuntang rooftop pero tumigil ako at tumawag kay Christian pero hindi pa rin sumasagot. May narining akong fireworks at saka binuksan ko ang pinto.
Tumambad sa akin ang naghahalikan na Fernan at Christian habang nag fafireworks display. Biglang kumirot yung puso ko na para bang dinudurog ng pison. Nabibingi ako sa hiyawan ng mga taong nakapalibot sa kanila at sa nagpapatuloy na fireworks display. Parang nag iba ang mundo ko. Hindi na talaga ako ang mundo ni Christian.
Hindi na ako ang pinagpapantasyahan niya. Hindi na ako ang paboritong tao niya. Hindi na ako ang mahal niya.
Biglang tumulo ang luha ko. Pinunasan ko at saka bumaba patungog parking lot.
Umuwi ako sa condo. Winasak ko lahat ng mga gamit ko dun. Mga basag na baso, wine, picture frames, at vase ang tumambad kay Anne.
"You must be out of your mind!" Sabi ni Anne habang lumalapit sa akin.
Di ako makapagsalita dahil sa lungkot at galit. Si Anne naman ay nililigpit ang mga basag na gamit.
"Emanuel John Barcelo! Anong problema mo ha?" Tanong ni Anne.
"Hindi na niya ako mahal Anne." Sabi ko habang tumutulo ang luha ko.
Niyakap ako ni Anne atsaka pinagsabihan ako.
"Sino ba talaga si Christian sa buhay mo?" Tanong niya.
Noon hindi ako sigurado pero ngayon na nakita ko siya na may kahalikang iba at sa nararamdaman kong sakit alam kong ako dapat ang nandun. Ako dapat ang mahalin niya dahil mahal ko siya.
"O sya, maligo ka muna at magpahinga don sa kwarto mo. Ako na bahala dito." Sabi ni Anne.
"Anne." Sabi ko.
"Ano yon?" Tanong niya.
"Could you please do some background check with that asshole?" Sabi ko.
"Akala ko ba illegal yan? Bakit mo ako inuutusan?" Tanong niya.
"Just do as what I say so, okay?" Sabi ko.
"Cge okaaay. As you wish. O sya tulog ka na dun. Stress ka na." Sabi ni Anne.
At pumunta ako sa aking kwarto para magayos. Bukas, magsisimula na ang gyera dahil ang ayaw ko sa lahat ay yung inaagawan ako.
----------End of Chapter 13----------
What's up everyone!!! Whew! Kayo na magjudge if maganda ang story or hindi by voting and commenting.
See you on the next chapter. Bye Bye!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro