Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12. Ang Halik

Fernan's POV

Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan dahil alam kong pupuntahan ni Christian yung mokong na iyon. Nakita ako ni Ruston at nilapitan ako.

"Hoy! Mukha yatang di ka mapakali." Sabi ni Ruston at tinapik niya yung balikat ko.

"Ewan pare eh, kinakabahan ako." Sagot ko.

"Dahil ba kay sir Christian?" Tanong niya.

Tiningnan ko lang siya. Di ako kumibo.

"Alam mo, 2018 na. Accepted na ang all kinds of love pre." Sabi ni Ruston.

My point si Ruston pero di pa ako ganun ka sure sa nararamdaman ko para kay Christian. I mean marami pang pwede magbago diba? Oo gusto ko siya pero kailangan bang magmadali?

"Break muna ako." Sabi ko habang nakatingin sa orasan.

"Good luck pre, ilaban mo yan!" Sabi ni Ruston. Tumayo ako at saka umalis. Kahit itanggi ko man sa sarili ko pero alam ng puso ko kung saan ako tutungo.

.
.
.

See you at your favorite coffee shop.

Hindi maalis sa isip yung sinabi ng EJ na yun kay Christian at bakit alam niya yung favorite coffee shop NAMIN? I emphasize ko lang. AMING FAVORITE COFFEE SHOP!

Dinala ako ng mga paa ko sa mismong coffee shop. Sinalubong ako ni Carmelo.

"Tito, buti nandito ka! Sinu yung kasama ni Tita?" Tanong niya sa akin. Napakacute na bata.

"Meron ba? Wait papasok ako." Sabi ko.

Saktong pagpasok ko ng sinigawan ni Christian yung unggoy na yun. Agad naman itong niyakap si Christian at ako'y nagulat.

Kalma. Wag kang magalit sa yakap lang. Di ka pa nga sure diba? O bakit ka galit?

Pero hindi eh. Sumisikip dibdib ko lalo nang ayaw niyang bitawan ang pinakamamahal ko at ayaw ko sa mga taong inaangkin ang pagmamay ari ko. Doon ko na napagtanto na kailangan ko ng bakuran ang mahal ko.

Nilapitan ko sila. Kinwelyuhan ko si EJ at saka sinuntok. Ayun nakahiga sa sahig at namimilipit sa sakit sa pisngi.

Tinawag ako ni Christian at lalapitan ko sana ng hinila ako ni EJ at sinuntok ako sa mukha. Buti nalang di masyadong malakas ang kanyang suntok. Tinadyakan ko siya sa sikmura at nagpalitan na kami ng suntok.

Maya't maya ay dumating ang mga security guard at inawat kaming dalawa. Lumabas ang unggoy na hindi tanggap ang pagkatalo niya. Hah! Di ko talaga uurungan pag nag rematch pa kami.

"Bakit mo pa kasi pinatulan?" Tanong niya sa akin. Di ako kumibo at umalis. Sinundan niya ako sa labas.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Uuwi." Sagot ko.

Nakatayo lang siya habang papasakay na ako sa motor. Nilingon ko siya.

"Ano di ka sasakay? Di mo ako tutulungan pagalingin mga pasa ko?" Tanong ko. Kinuha niya ang helmet at saka umangkas.

Habang nasa byahe di ko maalis sa isip ang pagkakayakap ng unggoy na iyon kay Christian.

Asar na asar na ako!

Dumating na kami sa suite namin. Pinaupo niya ako sa sofa habang kinukuha niya ang medicine kit. Pinagmamasdan ko siya habang ginagawa ito.

Madali siya mahalin dahil maalaga at maunawain. Minsan nga lang napakamaldita kapag sinusumpong ng tantrums. Nonetheless, kamahal mahal naman tong nilalang na to.

Right. Di ko rin ma explain pero alam ng puso ko na siya ang tinitibok nito.

"Thank you kanina, pero bakit? Di naman niya ako sinaktan." Sabi niya. Di ako kumibo at patuloy ko siyang pinagmamasdan.

Damn. Ang swerte ko. Mas gwapo pala siya pag nag aalaga. Parang tinigasan ako.

"Ano? naging pipi ka na ba dahil na-alog yang utak mo?" Sabi niya. Hindi ko pa rin siya kinibo. Nakatutok lang ako sa mukha lalo na sa labi niya.

"Aalis na ako. Bahala ka na nga diyan!" Sabi niya at tumayo pero hinila ko siya pabalik.

"Dito ka lang." Sabi ko. Natetempt na akong halikan siya.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya.

Gusto kitang halikan. Gustong gusto kitang halikan. 

"Pwede ba kitang halikan?" Sabi ko pero parang hindi niya narinig.

"Bahala na." Sabi ko na dahil alam kong totoo na ang nararamdaman ko sa kanya.

"Anong bahala----" Sabi niya pero pinutol ko dahil hinila ko siya muli hanggang sa magkalapit na ang mga mukha namin.

Maya't maya ay hinalikan ko siya ng malala.

Christian's POV

Nanaginip ba ako? Hinahalikan ako ni Fernan? Shet. Wait lang di ako prepared. Juskoooo!

Pero di ko na siya pinaghintay at hinalikan ko din siya pabalik. Inilagay ko yung mga kamay ko sa balikat niya na parang angkla. Siya naman ay hinihiga ako sa sofa ng dahan-dahan hanggang sa nakapatong na ang upper half ng body niya sa akin.

Habang nakahiga na kami ay dinaramdam ko ang bawat pagpasok ng dila niya sa aking bibig. To be honest, di talaga ako marunong humalik pero ang galing niya. Sa bawat dampi at pasok gusto kong humilata nalang at siya na ang bahala. Ang likot ng mga kamay niya na parang sinusurvey ang bawat parte ng katawan ko. Umuungol kaming pareho dahil hindi namin mapigilan ang saya at sarap na nararamdaman namin.

Maya't maya'y gusto na niya akong hubaran.

Hala saan papunta to? Wait nakapag bidet ba ako? Hala parang di ako nakapaghygiene ngayon.

Bahala na! At least may condom akong tinago sa ilalim ng sofa. Don't judge me.

Nararamdaman ko na may unti unting tumatayo sa amin. Namumula na ang mga mukha namin. Isusuko ko na ba ang backdoor ng Bataan? Lalakad ba ako ng Flores De Mayo next year na hindi na birhen?

Pero buti nalang at natauhan kaming pareho at tinapos na namin bago pa kami magkalat sa sofa. Tumingin si Fernan sa akin na halatang nahihiya dahil parang pulang kamatis na ang kanyang mukha.

"CR muna ako." Sabi niya. Hala baka magpalabas siya.

"Baka gusto mo ng tulong?" Pang aasar ko. Hinampas niya ako ng unan.

That was one hell of a kiss. May round two ba? Kakaexcite! Sherep eh!

Kinahapunan ay umalis siya papunta kina Ruston dahil doon daw siya magpapalipas ng gabi. Hayop! Siya 'tong humalik sa akin tapos siya ang magpapalipas ng gabi sa ibang lugar? Hiyang hiya naman ako sa pagkalalaki niya diba? Hindi ko talaga kikibuin kapag bumalik yun.

Mag-isa akong natulog sa kama namin at nagiisip ng malalim

"Nangyari ba talaga yun?" Tanong ko habang hinihimas ko ang aking labi.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Maya't maya ay meron akong naramdaman na yumakap sa akin galing sa aking likuran. Paglingon ko si Fernan na amoy alak.

"Lasing ka?" Tanong ko.

"Mmmmmmm." Ungol niya tapos niyakap ako ng mahigpit.

Pumiglas ako sa pagkakayakap niya at bumangon. "Teka nga, bakit ka ba naglalasing? May problema ba tayo? Ano?! Gumising ka nga?!" Sabi ko habang niyuyog ko siya.

Hindi siya kumibo. Ako naman nag aalala na sa kanya.

"Ang dami kong what ifs, Pot! Jusko! Argggh!" Sabi ko habang ginugulo ko buhok ko.

Humiga ako sa kama na hindi makatulog dahil nangyari kanina plus etong kahalikan ay nakuha pang maglasing na parang wala lang. Naiirita talaga ako. 

beeet beeet. May natanggap akong text kay EJ. Bakit meron siyang number ko? Baka ibinigay ni Sir Sungit sa kanya.

EJ: I'm so sorry sa nangyari kanina. Are you still awake? Can we talk?

Dinedma ko nalang yung text. I deserve a peaceful night, right? Maya't maya ay tumunog na naman muli ang phone ko.

EJ: Chan? So sorry, I was a jerk. I hope you can forgive me. <3

Tangina? May pa heart emoji ang hayup!? Akala niya cguro madadala ako sa ganyan. Itinago ko yung cellphone sa drawer malapit sa kama namin.

"Good night, world!" Bulong ko sa sarili. Pero di ako makatulog.

EJ's POV

"Argh ang sakit!" Sigaw ko kay Anne habang  pinupunasan niya ng betadine yung mga sugat ko sa mukha.

"Eh mokong ka pala eh? Sinu namang demonyo nagsabi sayo na makipagsuntukan ka dun?" Sigaw din niya.

"Siya yung nauna, Anne! Kakasabi ko lang diba?" Sagot ko.

"Yung nga, di mo na sana pinatulan, yan tuloy mapapahamak yung best friend mo dahil sa kagaguhan mo." Sabi ni Anne.

Tama siya. Mapapahamak na naman si Christian dahil sa akin. Tumahimik ako ng ilang oras.

"Hoy, joke lang yun. Ayan ka na naman!" Sabi niya. Ang swerte ko to have a girl friend na tulad niya. And oh yeah, she's not my girlfriend anymore since the day I told her my real feelings and identity last year. She was technically my last relationship in general and last relationship with a girl. Luckily, natanggap din naman niya after a 7-year wasted relationship.

Yes, It means I am not straight and I still have to figure out what my SOGIE is. My both parents know about this and they accepted me for who I am. My friends and colleagues were even delighted to know about my not-so-straight announcement na parang nagpababy shower ako or something.

As soon as I came out, I came looking for Christian. Naghire nga ako ng private investigator kung para lang ma track kung saan siya at anong ginagawa niya. Sabi ko sa sarili ko na babawi ako sa mga kasalanan ko sa kanya. 

"Hoy! Tulala ka na naman!" Sigaw ni Anne.

"Ano ba?" Sabi ko.

"Ewan ko sa iyo. Masyado mong pinapagod sarili mo sa kakaisip kay Christian. Teka nga! Ano ba kayo? Ano ba ang nararamdaman mo para sa kanya?" Tanong niya. 

Hindi ako makasagot. Tumahimik lang ako at tumayo papuntang bar area para kumuha ng tubig.

"Ayan! Di mo nga alam kung anong nararamdaman mo para sa kanya! Tapos sugud ka ng sugud para kang pulis na walang armas na sumali sa patayan. Jusko bakla ka ng taon!" Sabi ni Anne.

May point si Anne. Ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Christian? Is it remorse? Is it sympathy? Is it love? Argh! Naguguluhan na ako.

"Punta muna ako ng rooftop." Sabi ko.

"Okay, mag soul searching ka muna don." Sabi ni Anne.

Pumunta ako sa rooftop at dun nagpahangin. I stared down sa baba pero merong humila sa akin na siyang ikinatumba namin.

"What the hell?" Sigaw ko.

"Anong hell? Gusto mo talaga magpakamatay?!" Sabi ng estranghero.

"No! I'm not going haywire and kill myself, I was just staring... Wait! Sino ka ba?" Tanong ko.

Inusisa ko ang taong nakaharap sa akin. Siya ay moreno at semi kalbo. Yung mga baby hairs niya ay parang brisket ng pancit canton. Makikita mo sa mga labi niya na siyay palangiti. Katamtaman ang taas niya at di masyadong maskulado ang tindig at katawan niya.

"I'm Jayden, at your service." Sabi niya habang nagbow sa harap ko. 

"Okay, I'm EJ. I don't know but honestly suicide isn't registered in my vocabs." Sabi ko.

"Well, ang sabi ng friend kong Mental Health specialist, you can never tell a person if he is having suicidal thoughts or not. Kaya kita hinablot kasi akala ko magpapakamatay ka na." Sabi niya.

"No bruh, chill. I'm just nagpapahangin, you know." Paliwanag ko.

"Lakas makaconyo ka boy, taga Manila ka ba?" Tanong niya.

"No, taga dito lang ako sa Cebu." Sagot ko.

"Ahhhhh. Bakit ba mga lumad taga Cebu nagcoconyo na parang taga Manila. Di ba sila proud sa kinalakihang wika nila?" Tanong ni Jayden.

"May point ka din." Sabi ko. Gusto ko ng tapusin ang aming usapan.

"So bakit ka nga nandito?" Tanong niya ulit. Arrrg! Kakairita na ha.

"Nagpapahangin nga diba? Boomerang kaba?" Sagot ko. Gusto ko siyang balatan ng buhay.

"Chill! ang init ng ulo mo! Pero para kasing sawi ka sa pag ibig?" Sabi niya.

Sawi sa pag-ibig? Sino ba iniibig ko? Tumingin lang ako sa kanya, unamused.

"Okay, baka I pushed you to the limit na. Oops! Nagcoconyo na ako." Sabi ni Jayden. Na guilty tuloy ako.

"No, wala kasi akong iniibig pero yung ex bespren ko gusto ko magkabati kami ulit." Sabi ko.

"Eh anong ginagawa mo dito? Gusto mo ba ang hangin ang makipagbati sa bespren mo? Baliw ka ba?" Sabi niya.

Of course alam ko kung anong dapat kong gawin. Biglang sumakit ang panga ko dahil sa inis.

"What do you suggest?" Tanong ko.

"Eh, suyuin mo. I'm assuming babae yan. Kapag  ganyan, nagpapasuyo talaga yan." Sabi niya.

Babae? Muntik na akong matawa. Pero babae talaga ugali non lalo na't  pag galit.

"Kitams? Alam ko na mga pasikot-sikot ng utak ng mga babae bruh kaya itong mga payo ko? siguradong swak na swak kesa sa bearbrand." Sabi niya.

"Sige nga, ano pa mga suggestions mo?" Tanong ko. Nagpapanggap akong interesado sa mga payo niya.

"Suyuin mo sa text. Every day iparamdam mo sa kanya na importante siya sa buhay mo. Ngayon, try mong makipag usap sa kanya." Sagot niya.

"Paano?" Tanong ko. Ngayon namay nakukuha niya ang interes ko sa usapan namin.

"Lalaki kaba? Alam mo na ang dapat gawin." Sabi niya.

Actually hindi pero di naman talaga halata so sasakyan ko muna.

"Hmm parang meron na akong ideya kung anong gagawin. Wow! Hindi ko inaasahan na matututo ako sa usapan natin ngayon." Sabi ko.

"Maliit na bagay, ano ka ba? Isa pang last na payo ang ibibigay ko sa'yo." Sabi niya.

"Ano naman iyan?" Tanong ko.

"Alam kong nag-aalinlanganan ka sa nararamdaman mo para sa bespren mo pero kung siya talaga ang gusto mong makatabi sa pagtulog hanggang sa paggising, kung siya talaga ang gusto mong makasama sa hirap at ginhawa, at kung siya talaga ang gusto mong uuwian pagkagaling sa trabaho, ay bruh huwag mo nang pakawalan yan. Tandaan mo itong sinasabi ko at pwede ring hindi mo ito maiintindihan sa ngayon pero in time it will make sense." Sabi ni Jayden.

Ang lalim ng taong to kahit di ko naiintindihan minsan. Baka in time maiintindihan ko rin ang lahat.

"O, lalakad muna ako. Wag kang tatalon!" Sabi ni Jayden.

"Okay po. Salamat bruh!" Tugon ko.

At lumakad na patungong hagdanan si Jayden. Ako namay nakatunganga sa phone ko.

"Susundin ko ba mga payo niya? Hmmmm" Sabi ko.

In-open ko yung messaging app at saka hinanap ang number ni Christian na bigay ni Mr. Sungit. Tinype ko ang mga mensaheng ito.

EJ: I'm so sorry sa nangyari kanina. Are you still awake? Can we talk?

Di nagreply si Christian. Nagtext ako ulit.

EJ: Chan? So sorry, I was a jerk. I hope you can forgive me. <3

Pagkatapos ng isa't kalahating oras ay nakatanggap ako ng reply sa kanya.

Christian: Tomorrow na tayo mag usap. Pagod ako. Itetext ko nalang yung venue. Night.

At ako'y napangisi sa rooftop. At least may progress. Salamat Jayden!

------------------End of Chapter 12----------------------

Sorry if natagalan ang pag update kasi I offered the delays to the victims of the #RollyPH and #UlyssesPH.

Pero nakakadismaya ba? Make sure you comment your sentiments.

TeamBespren is making things hard this time. Tsk. 

Team Potpot ano naaaa?
















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro