Chapter 11. Hinihintayng Sagot
EJ's POV
*Kriiiiiiiiiiiiiiing*
"Argh! Anong oras na ba?" Sabi ko.
Kinamot ko yung buhok ko tapos tiningnan yung selpon na uma-alarm. Mag aalas kwatro na ng umaga.
"Shit!!!" Sigaw ko.
Malapit ko ng makalimutan na ngayon pala ang araw na hinihintay ko. Ang muling pagkikita namin ni Christian - ang dating kong bespren.
Hindi niya alam na yung sportswear na ka deal ng kompanya nila ay pagmamay-ari ko. Pano ako nagsimula? Nagpatulong ako sa tita at mama ko para maipundar tong maliit na business na to. Medyo lumaki to nung nagsponsor kami ng uniforms sa Cebu Niños para sa CVRAA (Central Visayas Regional Athletic) Meet.
Kinuha ko yung gamit pang ligo at pumunta sa shower room. Eto yung pinakapaborito kong lugar sa condo ko kasi dito inaalala lahat ng karantaduhang ginawa ko sa buhay ko lalo na sa TOTGA kong bespren.
Yes, gagu ako at alam ko yan. Ilang iyak at suntok sa pader na ang ginawa ko dahil alam kong naging napakasama ko sa kanya. Alam kong hindi masisikmura nino man yung ginawa kong pananakit kay Christian.
Pero ngayon tapos na akong magmukmok sa sulok at magsisi dahil ngayon ang araw na magsisimula ang pagkuha ko muli sa bespren ko.
"Shet anong susuotin ko?" Sabi ko habang nakaharap sa closet ko. Di ko narin kasi alam kung alin sa mga ito ang magugustuhan ni Christian pero di nagtagal pinili ko yung peach colored polo ko.
Humarap ako salamin at nakita ko yung magulong manggas ko. Naalala ko tuloy nung high school siya yung taga ayos nito before pumasok sa classroom.
EJ Flashback
"Teka! Hali ka nga rito EJ." Sabi ni Christian.
"Oh? Bakit ba!? Malalate na tayu!" Sabi ko.
"Yung manggas mo hayup, para kang galing nagsuntukan!" Sabi ni Christian.
At lumapit ako sa kanya. Habang inaayos niya yung manggas ko ay nararamdaman kong alagang alaga ako sa taong to. Ewan may weird na feeling na umuusbong sa akin na di ko maipaliwanag.
"Oh ayan, gwapo na bespren ko. Sa susunod kasi ayusin mo sarili mo dahil ikaw lang naman ang isa sa mga campus crush ko." Sabi ni Christian.
Ano raw? Crush niya ako? Bat parang ang saya ko.
"Ano sinabi mo?" Tanong ko kunwaring di ko narinig.
"Walaaaaa! Pasok na tayo baka malate pa tayo!" Sabi niya at umuna ng lumakad.
Sumunod na rin ako at inakbayan ko siya.
End of EJ Flashback
"Ok! Perfect." Sabi ko sa salamin ng maayos ko ang manggas ko.
Bumaba ako papuntang parking lot ng condo ko at sumakay sa Sedan na bagong bili lang. Habang nagmamaneho ay iniisip ko kung anong sasabihin ko sa kanya pagharap namin.
"Hello everyone? Argh! Ano ba sasabihin ko?! " Sabi ko habang nagmamaneho. Pagpula ng traffic light ay may dumaan na NMax na motor at nakita ko si Christian na nakaangkas nito.
"Christian?" Tanong ko sa sarili.
May natanggap akong text mula kay Anne.
Anne: Nasaan ka na? Nandito na ako sa opisina nila kasama yung boss nilang manyak. Wala pa si Christian.
"Oo, alam ko. Kasi nandito siya nakaangkas sa kung sinong hayup na lalaking yan!" Galit na sabi ko sa selpon ko.
Sinundan ko sila hanggang sa nakarating kami sa opisina nila. Nakita ko na hinubaran ng helmet si Christian ng lalaki. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa nakikita ko. Ang saya ni Christian na parang kinalimutan na niya ako - oo nga pala kinalimutan na niya pala ako.
Hinubad din ng lalaki yung helmet niya.
"Pfffft, mas gwapo pa naman ako sa kanya. Christian bulag ka ba? Bakit ka ba nagkagusto sa tukmol na yan?!" Sabi ko.
"Eh kanino ba dapat?" Bawi ko. Muli akong nagmaktol.
Merong nagmamadaling babae na sumalubong sa kanila at parang seryoso ata kasi umuna na pumasok si Christian sa building. Yung lalaki naman ay nagmotor patungong parking lot. Nababaliw na yata ako dahil bigla akong humarurot papunta din sa direksyon niya.
"Hoy! Gagu ka ha! Di ka ba marunong magmaneho?" Sigaw niya
Huminto ako at bumaba sa kotse. Sayang di natumba agad.
"Chill bro. Sorry. May nadamage ba sa motor mo?" Tanong ko.
Sarcastic yun.
"Wala pa naman. Anong sadya mo dito?" Tanong niya.
"I'm looking for New RNA Software Guild. Sabi ng assistant ko dito raw na building." Sabi ko.
Parang nag-iisip pa sya kung sa kanila ba yun o hindi. Tanga lang?
"Ah nasa taas. Empleyado ako dun at late na dahil sayo." Sabi niya.
"Okay sorry bro. Chiil. Pwede bang sumama sayo?" Tanong ko. I can pay your deduction and including you kaya wag ako. Well si Anne talaga yun. Ako? baka nagsuntukan na kami.
"Sure, pero mauna ka na. Kawawa ang motor ko sa Sedan mo." Sabi niya.
At sumakay ako ulit sa sasakyan ko habang siyay nakasunud sa akin. Ang taas ng dugo ko pag nakikita ko siya.
Bumaba kami sabay at dumiretso sa elevator papuntang floor 14 kung saan nandung opisina nila.
"Salamat sa pag guide bro" Sabi ko kahit napipilitan din ako.
Di ko sya kinibo dahil nabubuwiset ako sa kanya. Pagpasok namin sa office ay sumalubong yung mga titig ng mga staff lalo na ang mga babaeng staff. Sinalubong ako ng isang babaeng staff.
"Sir, dito po yung opisina ni sir S." Sabi ng babaeng staff.
Nayayamot na yung katabi kong mokong dahil nalamangan ata. Kakatawa!
"See bro? Mas gwapo ako sayo!" Sabi ko sa sarili ko.
Nakita ko na ang opisina ng boss nila. Kumakabog ng malakas yung dibdib ko dahil sa pagpasok ko makikita ko na yung taong namimiss ko sobra.
Pumasok ako at una ko siyang nakita. Nagkatitigan kami.
Curly haired. Black polo shirt. Mestiso. Chubby na gwapo. Pamilyar sa puso ko.
"Hello everyone. Hi Christian. Miss you." Sabi ko sabay kindat.
Pag sinusuwerte ka nga naman.
Christian's POV
Yung hindi ka nga makapagfocus sa meeting dahil yung hinayupak kung ex-bespren na laging nakakatitig sa akin. Dumagdag pa itong ahas na babaeng kala mo naman ikinaganda niya yung korean jacket na parang magwiwinter sa Pilipinas. Che!
"So Mr. Barcelo, here's the timeline we presented earlier. Please scan and give us your feedback." Sabi ni sir Sungit at ipinasa niya yung mga dokumento.
Si EJ naman.
"Musta ka na, Christian?" Tanong niya. Ako naman ay nagulat sa tanong niya.
"Ahm sir?" Tanong ni Sir Sungit pero di sya kinibo nito.
"Available ka ba? Coffee break? Sa favorite coffee shop mo?" Sabi niya. Hala?! Alam ba niya yung favorite coffee shop ko? Sasagutin ko na talaga to! Nakakairita?!
"I believe this is not the right time to talk about it Mr. Barcelo." Sabi ko. Nagulat siya dahil di ko siya tinawag sa pangalan niya.
Pero.
"Sure, kita tayo sa coffee shop on your lunch break." Sabi niya at tumayo.
"Sir? Paano na yung timeline?" Tanong ni Sir Sungit.
Lumingon si EJ at sinagot si Sir Sungit.
"It depends on how your employee behaves. See you! Anne let's go!" Sabi niya at sinundan rin niya si Anne.
PUNYETA!!!!!!! NAPAKASAMA! Nagsisigaw ako sa utak. Gagu tong lalaking to, GGSS punyeta! Nadamay pa ang project ko!
Pag alis nila ay tiningnan ako ni Sir Sungit. Nanggagalaiti ito sa galit.
"Christian. explain!" Sabi niya.
At inexplain ko sa kanya kung anong nangyari at kung ano ang nakaraan namin ni EJ. Napagalitan ako ng husto ni Sir Sungit.
"Pag hindi mo ito na close deal. Sesesantehin kita! Understood!?" Sabi niya.
Wala akong magawa. Tied up ako sa trabahong to. Bakit ba kasi sa dinarami-raming tao sa mundo bakit si EJ pa ang may ari? Gusto ko na yatang pumatay ng taong unggoy! PUNYETAAAA!
Lumabas ako sa opisina at umupo sa station. Hinilamos ko yung mukha ko sa palad ko. Para na akong mababaliw ng may nagmasahe sa likod ko. Si Fernan pala.
"Stress ka na ba? Yan, free massage." Tanong ni Fernan.
Di ko kumibo. Pero deep inside kinikilig ako.
"Ay dedma lang? Wait tatawa na yan!" Sabi ni Fernan habang kinikiliti na niya ako.
"Ano baaaa? Kinikiliti ako. Dun ka nga!" Sabi ko. Tawang tawa naman yung hayop.
"Sus, ang haba ng hair ni madam! Dalawang lalaki nag aagawan sa wewet mo!" Sabi ni Jay.
At lumingon kaming lahat sa kanya. Memohan ko nga to para matauhan.
"Ay sorry na po. Work na po ako." Sabi ni Jay. Natauhan din. Tumawa kaming lahat.
Maglulunch break na pero di pa rin ako makapagdecide kung sisiputin ko yung hayup na yun o hindi. Lumapit sa akin si Fernan.
"May problema ka ba?" Tanong niya.
"Wala naman. Pero may itatanong ako. Kapag nag aya yung ex friend mo na makipag usap, kakausapin mo ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmmmm depende, kasi kung may malaking atraso man yan sa akin ay hindi ko talaga kakausapin pero opinyon ko lang yan. Para sa'yo, makakatulong ba ang pakikipag-usap? Kasi kung yes, makikipagusap ako para matapos na." Sabi niya.
Pakiremind nga sa akin kung bakit mahal ko tong tao na to. Ang galing. Makalaglag panty!
"Salamaat!" At niyakap ko siya. Nagulat ako hindi dahil sa niyakap ko siya pero dahil sa niyakap niya ako ng mahigpit.
"Kaya mo yan. Laban." Pabulong na sabi niya.
Bumitaw kami pareho sa pagyayakapan namin, tiningnan ko siya sa mga mata at saka umalis ako papunta sa coffee shop.
"Tita, may naghihintay sa yo sa favorite place mo." Sabi ni Carmelo ng pumasok ako sa coffee shop.
"Thanks, Carmelo!" Sabi ko.
Doon nakita ko si EJ na nakaupo pa talaga sa paboritong tambayan ko. Hindi ako kinilig dahil naiirita ako.
"Umorder na ako ng frap for you." Sabi niya sa akin. Pagtingin ko sa frap ay pucha matcha flavored. Ayoko sa flavor na yan nasusuka ako.
"Thanks pero di ako umiinom ng matcha." Sabi ko habang umuupo sa sofa. Parang nahilaw yung mukha niya sa sinabi ko.
"Oh, I've always thought you like matcha. Anyhow, do you like something to drink?" Sabi ni EJ. Di bagay sa kanya mag english at mas lalo akong nairita.
"No, thanks. Mr. Barcelo --" Sabi ko pero pinutol niya.
"-- Ang ganda ng ambiance ng coffee shop na ito. Great choice, Christian." Puri niya.
"Mr. Barcelo." Sabi ko sa seryosong tono. Nahahighblood na ako sa kanya.
"Oh, right. You mean business. Right. Dala mo ba yung timeline?" Tanong niya.
All this time di pa niya alam ang timeline. Grrrrrr!
Kalma. Mawawalan ka ng trabaho pag di kumalma. Kalma self.
At ibinigay ko sa kanya yung timeline. Binasa niya ng mabuti. Pero -
"Paki explain nga sa akin itong timeline verbally." Sabi ni EJ. Punyeta! Di ba siya marunong magbasa?!
"Mr. Barcelo. I believe everything in the timeline proposal is detailed. You don't need me to read it for you." Kalmang sabi ko.
"Okay, then I won't sign this. Di ko alam pero di ako sure sa nababasa ko." Sabi niya. Okay, sasabog na ako. Tumayo ako at--
"Ano ba ang kailangan mo sa akin?!" Galit na sabi ko. Nagulat si EJ at ang mga tao sa loob ng cafe dahil sa laki ng boses ko.
"Ikaw! Kung ano-anong naiisip mong pambubwisit sa akin! Akala mo cguro masaya akong makita ka? PERO HINDI! PUNYETA KA! AKALA MO LANG BA MADALI SA AKIN ANG HUMARAP SA TAONG DINURAAN AT DINIRIAN ANG PAGKATAO KO?! HINDI! KAYA KONG AYAW MONG MAGCOOPERATE HAYUP KA EDI HUWAG! HAYUP!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko. Bahala na mawalan ako ng trabaho masabi ko lang kung anong gusto kong sabihin sa kanya kanina pa.
Papaalis na sana ako pero hinatak niya ako at saka niyakap sabay sabing --
"Sorry. I'm really sorry." Sabi ni EJ habang mahigpit na yumakap sa akin. Naamoy ko yung cologne niya na gamit since High School palang kami.
"BITAWAN MO KO!" Nagpupumiglas na sabi ko.
Maya't maya may humatak sa kanya at saka siya sinuntok sa mukha. Nagulat ako ng makita ko si EJ na nakahiga sa sahig habang hawak ang pisngi niya. Lumingon ako sa direksyon at nakita ko si Fernan. Oo, si Fernan.
"What's your problem bro?!" Sigaw ni EJ habang bumabangon sa pagkakahiga niya.
"Problem? Problem mo yung mukha mo!" Sabi ni Fernan na lalapit sana kay EJ pero pinigilan ko.
"Fernan, wag na please. Nakakagulo ka lang." Sabi ko.
Lumapit siya sa akin kaso hinatak siya ni EJ at saka sinalubong ng suntok din sa mukha. Buti nalang hindi masyadong malakas ang suntok ni EJ kaya di masyadong natumba si Fernan. Sinagot din ni Fernan si EJ ng isang patid sa sikmura hanggang sa nagpalitan sila ng suntok sa coffee shop.
"Carmelo, tulong. Tumawag ka nang security!" Sigaw ko.
At nagmamadaling mag dial si Carmelo sa guard house ng compound. Maya't maya ay dumating ang mga secufrity guard at inawat sila. Agad na umalis si EJ.
"Bakit mo pa kasi pinatulan?" Tanong ko kay Fernan. Di siya kumibo at umalis. Sinundan ko siya sa labas.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Uuwi." Sabi ni Fernan.
Nakatayo lang ako habang papasakay ka na siya sa motor. Lumingon siya sa akin.
"Ano di ka sasakay? Di mo ako tutulungan pagalingin mga pasa ko?" Tanong niya. Kinuha ko ang helmet at saka umangkas.
Dumating na kami sa suite namin. Agad kong kinuha yung medicine kit at chineck kung meron pang natirang betadine. Pinaupo ko siya sa sofa at saka nilagyan ng betadine yung mga pasa niya sa mukha.
"Thank you kanina, pero bakit? Di naman niya ako sinaktan." Sabi ko. Di siya kumibo bagkus ay nakatingin lang siya sa akin.
"Ano? naging pipi ka na ba dahil na-alog yang utak mo?" Sabi ko. Hindi pa rin siya kumikibo at nakatingin lang sa akin.
"Aalis na ako. Bahala ka na nga diyan!" Sabi ko at tumayo pero hinatak niya ako pabalik.
"Dito ka lang." Sabi niya. Luh, parang tanga.
"Anong iniisip mo?" Tanong ko.
"Bahala na." Sabi niya na parang merong hinihintay na sagot.
"Anong bahala----" Sabi ko pero naputol dahil hinatak niya ako papalapit sa mukha niya.
Maya't maya ay dumampi ang mga labi niya sa aking mga labi.
-------End of Chapter 11-------
Oh diba gulat kayo no? Ang bilis ni Fernan! Yown para di maagaw ni EJ charot. So ano na? 1 point na ba for #TeamPotPot?
See you on Chapter 12.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro