Chapter 10. Ang Pagbabalik
Christian's POV
Hating gabi na ng matapos ang aming impromptu children's party. Tinulungan namin sina Aubrey at Rowell sa pagliligpit ng mga pinaggamitan.
"Sirs, maraming salamat talaga! Taos puso namin tong tatanggapin. Pagpalain kayo ng maykapal." Sabi ni Aubrey.
"Ay bhieee mother superior yan?" Biro ko.
"Shhhhh matagal ko nang pangarap to. Wag kang magulo." Sagot ni Aubrey.
Sa di kalayuan ay nakita ko si Rowell at si Fernan na may bitbit na mga karton.
"Gusto mo siya no?" Tanong ni Aubrey.
"Luh... Hindi.. Ano..." Tarantang sabi ko.
"Ay ses! Eto naman parang di tayo bakla pareho." Sabi ni Aubrey.
"Bakla ka Father?" Biro ko.
Penektusan ako ni Aubrey.
"Aray!" Sigaw ko
"Tanga, mukha lang akong pari pero dalagang Pilipina to. Ano kaba? Support!" Sabi ni Aubrey.
"Joke lang naman yun ah!" Sabi ko.
"O sya, so ano nga? Gusto mo siya?" Tanong ni Aubrey.
"Ewan eh... At kahit magkagusto ako sa kanya, malabo na magkakagusto siya sa akin." Sagot ko.
"So dinedeprive mo yung sarili mo sa love na gusto mo dahil sa itsura at anyo mo? Alam mo bagay naman kayo eh, ikaw chubby sya naman maskulado. Ang cute kaya niyong tingnan." Sabi ni Aubrey.
"I don't want to assume. I don't want to get hurt anymore, ate." Sabi ko.
"Ay kanta yan? Pero beh, pagdarating talaga ang para saiyo, para sa iyo talaga yan. Ako nga di ko ineexpect na darating pa si Rowell sa buhay ko. At first doubtful but later on our feelings for each other grew stronger day by day." Sabi ni Aubrey.
"Ay kakainspire naman. Sana magkaroon rin ako ate." Sabi ko.
"Gaga! Dumating na di mo lang pansin." Sabi ni Aubrey habang lumingon kina Rowell at Fernan na pawis na pawis.
Kumuha ng bimpo si Aubrey at pinunasan niya yung noo ni Rowell. Ang sweet nila tingnan.
"Wala bang magpupunas dyan?" Tanong ni Fernan.
"Huh?" Tanong ko.
"Bakla, eto malinis na bimpo punasan mo o ako ang gagawa." Sabi ni Aubrey.
"Baby! Tsk. May jowa ka na diba?" Sabi ni Rowell na nagseselos.
"Eto naman si Baby di naman mabiro syempre ikaw lang." Sabi ni Aubrey.
"Punasan mo raw ako." Sabi ni Fernan na nagpapacute.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari pero nagkusang loob yung kamay ko na kumuha sa bimpo at pinunasan yung noo ni Fernan. Ang tigas ng noo niya habang ang mga pisngi niya ay singlambot ng marshmallow. Ano kaya skin care nito.
Tinitigan ko siya. What if may gusto nga siya sa akin? What if tanggap niya ako as ako? Di ko namalayan na nagkatitigan na pala kami sa isa't isa. At ngumiti pa ang hayop!
"May bakanteng kwarto kami baka gusto niyo po." Sabi ni Rowell.
At muli kaming natauhan tumingin papalayo sa isa't isa.
"Ay sus! Nahiya pa kayo." Sabi ni Aubrey.
At kami ay nagtawanan. Umuwi kami sa aming suite na parang may something. Para kaming mga baliw nagkakahiyaan sa isa't isa sa tuwing nagkakasalubong kami. Nang patulog na, ang awkward kasi parang may iba na sa pagtatabi namin sa kama kasi noon dedma lang.
"Good night, Paw." Sabi niya. Di naman siya nag gogood night before ah.
"Good night, Pot" Tugon ko naman.
At natulog kami ng may mga ngiti sa labi.
Fernan's POV
Nagising ako ng mga 3am at nakita ko ang mukha ng natutulog na si Pawpaw at eto lagi yung inaabangan ko pag nauna ako magising sa kanya. Maamo at parang di makabasag pinggan kung titingnan mo siya pero napakabarubal pag nakilala mo na. Ewan ko if natatandaan pa ba niya ako kasi ilang beses na kaming nagkita.
Para sa kanya, ang unang pagkikita namin ay nung malapit niya akong hampasin ng kawali at nakita niya yung pagkalalaki ko, pero okay na rin at least alam niya na dax ako HAHA! Kakaproud din minsan.
Para sa akin, ang unang pagkikita namin ay nung nagkwentuhan kami sa beach. Payatot pa ako nun at siya di pa masyadong malusog.
Flashback - Beach Scene
"Tinatawag na ako ni mama. Salamat talaga haaa." Sabi ni Christian.
"Ay sus, wala yun ano kaba? O sya, aalis na ako. Babye!" Sabi ko
"Sige, babye!" Sabi niya at bigla lang umalis.
"Kita mo 'to umalis lang ng hindi nagpapakilala, ma picturan nga!" Sabi ko. Umuwi agad ako sa amin.
Kinabukasan ay tumambay na naman ako sa beach. Naalala ko na naman yung kausap ko sa beach. Ano kaya ang pangalan niya? May something sa kanya eh na parang nakulangan ako at gusto ko pa sya makilala hanggang sa dumating ang araw na iyon.
Habang ako ay nakaupo sa buhangin at nagpapahangin, nakita ko siya ulit pero maputla at yung mga mata niyay parang walang buhay. Nakatayo lamang siya sa beach na parang nagluluksa habang tinatanaw ang papalubog na araw. Minabuti ko nalang na hindi lumapit sa kanya pero sinundan ko sya kasi baka ano pang kalokohan ang gagawin niya. Last time kasi nagtangka siyang lunurin sarili niya.
Umabot na ng gabi at sinundan ko siya hanggang umabot kami sa resthouse nila. Umupo siya sa may fountain at dun bigla siyang umiyak. Humahagulhul talaga siya habang ako ay nakikinig sa likod ng puno ng niyog.
"Gusto ko na siyang yakapin." Sabi ko pero ang awkward kasi di ko naman siya kilala.
"Christian! Christian Barreda! Nasaan ka?!" Sigaw ng babae sa bahay.
Nagmamadali si Christian na punasan yung mga luha niya at sumagot sa tawag ng babae. Baka mama niya.
"Christian Barreda, hmmmm nice name." Sabi ko sarili ko at umuwi.
Simula noon di ko na siya nakita pa hanggang sa mag kolehiyo ako sa Cebu City.
End of Flashback - Beach Scene
Hindi rin yata niya alam na pumasok kami sa parehong uni at nagkita na kami noon. Ewan ko kung makakalimutin ba to or sadyang tanga lang.
Flashback - College Days
Sinundo ako sa pier ng kababata kong si Tasha. Nanirahan yung pamilya niya sa Cebu City since 10 years old palang kami.
"Hayieee Fernieee! Buti at dito ka sa Cebu City magkokolehiyo! Talagang ipapasyal kita sa mga nightclubs dito!" Sabi ni Tasha.
"Grabe, it's over 10 years na tayung di nagkikita Tash, sure may mga chicks ba dyan?" Sabi ko.
"Ay nyeta! Sa akin ba di ka nahuhumaling?" Sabi niya.
Maganda naman si Tasha. Maputi, balingkinitan, matalino at malaki ang boobs. Ewan ko kung bakit di na ako na-attract sa kanya. Weird. Crush ko sya before but now, meh!
"Charot lang! Ikaw naman di mabiro!" Bawi ni Tasha ng hindi ako makasagot.
"Saan ka ba mag eenroll? Anong course kukunin mo?" Tanong niya.
"I think sa UC ako magpapaenroll, sikat kasi yun for IT at saka mura ang tuition." Sagot ko.
"Oh, magkalapit lang uni natin, USJR kasi ako alam mo naman si Mama gusto akong gawing prim and proper. Di naman niya alam na may sungay anak niya. Kulang nalang ay maging madre na talaga ako for her." Sabi ni Tasha.
Totoo! Puro bar lang napopost niya sa Facebook. Ewan ko kung bakit di pa siya nabibisto.
"Mag ingat ka baka mapano ka dahil dyan." Sabi ko.
Well, caring pa naman ako sa former crush ko.
"Ayieeee kinilig ako Ferniee. Single ako ngayon." Sabi niya.
"So?" Sagot ko.
At pinektusan ako ni Tash.
"Aray! What was that for, Tash?" Tanong ko.
"Hay naku ewan ko sa inyung mga lalaki! Ang naive at dense!" Sabi niya.
Di ko nalang siya kinibo kasi pag nagalit to parang World War 4 na. Hinatid niya ako sa dorm at saka tinulungan sa pag ayos sa mga gamit.
"O sya, alis nako. Sa susunod nalang yung housewarming mo." Sabi ni Tasha.
"Thank Tash!" Sabi ko. Di ko na siya hinatid kasi napagod din ako sa byahe.
Kinabukasan pumunta ako sa uni kasi nagmamadali akong humabol sa enrollment. Chineck ko yung mga schedules ng may lumapit sa akin.
"Freshman ka rin ba?" Sabi ng katabi ko.
"Oo, ano kaya magandang elective?" Tanong ko.
"Yung mga seniors natin nagsuggest na kunin daw natin yung Programming Languages na elective para mas makilala natin kung anong pinasukan natin." Sagot niya.
"Bakit naman nila nasabi?" Tanong ko ulit.
"Kasi raw maraming nagshift after kunin ang course. Maraming bagsak daw diyan." Sabi niya.
"Kakatakot naman. Ikaw kinuha mo ba?" Tanong ko. Di ko parin siya linilingon.
"Oo naman. Wala naman mawawala if I try. So rude of me. Christian nga pala." Sabi niya.
Christian? Totoo ba narinig ko? Lumingon ako sa kanya.
Nyeta siya nga. Ang cute pala ng cheeks niya sarap pisilin. Medyo naninibago ako sa anyo niya kasi di na siya nagsusuot ng glasses.
Weird. Di ko maigalaw yung mga kamay ko. I literally froze.
"And you are?" Tanong niya.
Bago pa ako makasagot tinawag na siya ng mga kaibigan niya. Whew! pero bakit nanigas ako?
Pagkatapos noon, palagi ko siyang nakikita na sa campus at napaka charismatic niya. Noong tumakbo siya as student council president, landslide victory yung party niya. Sikat na sikat ang mokong.
Di parin niya ako kilala pero sa tuwing nagkakasalubong kami palagi naman siyang tumatango. Ayos na yun. Focus muna ako sa pag aaral ko pero these past few days pag nakikita ko siya nacucutan ako kasi para syang penguin na naglalakad. Baka na amaze lang ako sa charisma niya.
End of Flashback - College Days
Noong gumraduate na ako ng College at nagwork di ko na siya nakita hanggang sa magka workmate na kami at roommate pa. Weird pero ang saya ko ngayon.
Naguguluhan ako pero gusto ko siya ang katabi ko sa kama paggising ko sa umaga. Gusto ko yung ganito na nauuna akong magising at tinititigan ko siya habang natutulog. Gusto ko yung pinagluluto ko siya ng especialty ko na fried rice at hotdog.
Gusto ko yung siya palaging angkas sa motor ko kahit yung tiyan niya ay halos itulak ako sa kambyo. Gusto ko siya yung kasabay ko mag break at pumunta sa coffee shop.
Gusto ko maging tito ng anak-anakan niya. Gusto ko siya yung dadalhin ko sa mga lugar na malapit sa puso ko.
"Paw. Gusto na yata kita." Pabulong na sabi ko. At bigla siyang tumalikod. Ako naman ay nagulat at baka narinig niya yung bulong ko.
"Makapagluto na nga!" Sabi ko.
Christian's POV
Nagising na naman ako na amoy ng fried rice at hotdog. Tuwing umaga nalang talaga to at mas naappreciate ko siya dahil gusto ko na si Fernan.
"Good Morning, Pot!" Sabi ko habang dumaan sa kusina.
"Uy! Good Morning, ligo ka na tapos kain ka na dito." Sabi ni Fernan.
"Sige, salamat!" Sagot ko.
Pagkatapos kong maligo at kumain na kami sa hapag. Nasa harap ko siya at hindi ako makapagconcentrate sa pagkain. Ang hayop naman ay panay ngiti na parang alam niya yata na may gusto ako sa kanya.
"Nyeta ang gwapo! Gusto ko syang kainin." Sabi ko sa sarili ko.
"Ano?" Tanong niya. Hala! narinig niya?
"Ay wala. Ang sarap ng fried rice ngayon ah?" Sabi ko.
"Syempre naman para sa'yo." Sabi niya sabay kindat. Shet may tumayo sa akin.
Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa parking lot ng hotel. Syempre angkas na naman ako sa prinsipe ko.
"Akin na yung glasses mo dahil isusuot ko yun helmet sa yo. Alam mo na for protection." Sabi niya sabay kindat na naman. Sheeeeet yung panty ko.
At sinuot niya yung helmet sa akin. Ang gaan ng kamay niya ngayon. Ang weird.
Umangkas na ako sa motor at nagsimula na kaming bumyahe.
"Diba nag contact lens ka noon?" Tanong niya out of nowhere. Teka? bakit alam niya? College pa ako nun at di ko pa siya nakita.
"Luh, bat alam mo?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Ay wala, nevermind!" Sabi niya.
Nang dumating na kami sa opisina ay sinalubong kami agad ni Daeserie.
"Sir! Pinapatawag kayo ni Sir S. Nandito yung may ari ng sports wear na gagawan natin ng website." Sabi niya na natataranta.
"Huh?! Di ba next week pa yun? Sige susunod ako. Fernan, salamat. Mauuna muna ako." Sabi ko habang binigay sa kanya yung helmet.
Nagmamadali akong pumunta sa opisina at sa station ko. Buti nalang natapos namin ng maaga yung proposal.
Kumatok ako sa pinto ni Sir Sungit.
"Pasok!" Sabi niya.
"Sir! Sorry! eto na yung mga propo....." Natigilan ako sa pagsasalita.
"Hello, Christian. Nice to see you again." Sabi ni Anne.
Anne? Yung Anne na kilala ko? Yung Anne na sinira ang pagkakaibigan namin ni EJ? Yung babaeng dinuraan ang pagkatao ko?
"A...anne?" Sabi ko natataranta.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni sir Sungit.
"Yes, sir. Wala naman sigurong problema if magkakakilala na kami in advance right?" Sabi ni Anne. Napakasuplada talaga sarap sapakin.
"Wala naman. Much better for a closer work relationship! Haha!" Sabi ni Sir Sungit.
"Very well. So Christian, let me take a look?" Sabi ni Anne.
"Sure, pakibasa nalang po at paki approve naman if it's okay." Sabi ko habang minemaintain ko yung composure ko. Nangagalaiti ako sa galit.
Fernan's POV
"Ang aga naman puro supresa inabot namin. Makapark na nga lang." Sabi ko sa sarili ko.
Binabaybay ko yung daanan papuntang basement namin ng merong humarurot na kotse at muntik na akong matumba.
"Hoy! Gagu ka ha! Di ka ba marunong magmaneho?" Sigaw ko.
Huminto yung sasakyan at saka bumaba yung driver. Kasing edad ko lang sya at parang galing sa prominenteng pamilya.
"Chill bro. Sorry. May nadamage ba sa motor mo?" Tanong niya.
Aba, nanginginsulto ba'to?! Gulpihin ko kaya to?
"Wala pa naman. Anong sadya mo dito?" Tanong ko.
"I'm looking for New RNA Software Guild. Sabi ng assistant ko dito raw na building." Sabi niya.
Kompanya namin yan ah. Wait, baka bisita namin to.
"Ah nasa taas. Empleyado ako dun at late na dahil sayo." Sabi ko.
"Okay sorry bro. Chiil. Pwede bang sumama sayo?" Tanong niya.
"Sure, pero mauna ka na. Kawawa ang motor ko sa Sedan mo." Sabi ko.
At sumakay sya ulit sa sasakyan niya habang akoy nakasunud sa kanya. Ang taas ng dugo ko pag nakikita ko siya.
Bumaba kami sabay at dumiretso sa elevator papuntang floor 14 kung saan nandung opisina namin.
"Salamat sa pag guide bro" Sabi niya.
Di ko sya kinibo dahil nabubuwiset ako sa kanya. Pagpasok namin sa office ay sumalubong yung mga titig ng mga staff lalo na ang mga babaeng staff. Sinalubong agad kami ni Jay.
"Sir, dito po yung opisina ni sir S." Sabi niya.
Eto naman si Jay heads over heels na naman pag may gwapo. Nag volunteer pa talaga.
"Mas gwapo naman ako sa iyo." Sabi ko sa sarili ko.
Christian's POV
"The proposal and the timeline are realistic and well planned. But unfortunately. di ako ang mag aapprove kundi yung boss ko." Sabi ni Anne.
"When po namin makukuha yung feedback niya po?" Tanong ko as if di ko sya kilala.
"Don't worry he's here." Sabi ni Anne habang merong nag iingay sa labas.
Biglang nag slow motion lahat ng may bumukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Totoo ba to? Wait siya ang boss ni Anne?.
Itim na sapatos. Peach colored suit and pants. Athletic ang build. Moreno. Gwapo. Pamilyar sa puso ko.
"Hello everyone. Hi Christian. Miss you." Sabi ni EJ sabay kindat.
Pagminamalas ka nga naman.
-------End of Chapter 10-----
Whew! So far eto ang pinakamahaba na naisulat ko pero it's worth the puyat kahit may problema sa life laban lang!
See you on Chapter 11!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro