Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue


Prologue

"Aline, si Elijah! May flowers for you!"

Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ang sigaw ng kaibigan ko. Katulad ng sinabi ni Mia ay may dalang bouquet ng flowers si Elijah na hindi ko naman sure kung para sa akin ba talaga.

Sinabi ni Mia na nanliligaw siya sa akin. Hindi ko alam kung totoo pero sa nakikita ko ngayon.. siguro?

Nang lumapit siya sa akin para ibigay 'yon at tumakbo bigla, I became suddenly confused.

I stared at the flowers that he gave me. I'm trying to figure out the reason why he's doing this for me. Pero iisa lang ang alam kong dahilan at ayaw ko 'yong paniwalaan.

Nakita ko ang pagsimangot ni Mia nang iabot ko sa kaniya ang flowers. Ramdam kong pagagalitan na naman niya ako. I know, she would say that I should pursue him, si Elijah — na hindi ko naman gustong gawin dahil baka umasa lang siya.

Dahil kung papipiliin ako, I would still choose my studies over him. O kahit sino pang lalaki. I don't even like Elijah romantically.

Bakit ko siya pipiliin?

Mia and also my close friends are thinking that I'm bisexual and even lesbian. Wala pa raw kasi akong nagiging boyfriend or even ka-mutual understanding. They even installed a dating app for me on my phone. As if I'm interested.

Focus ko lang talaga ang pag-aaral ko sa ngayon. My future boyfriend would wait for me, if ever mayro'n nga.

I don't like to rush, anyway.

Iniwan ko na lang nang tuluyan si Mia dahil alam na alam ko na talaga ang sasabihin niya. Oo, she's my friend pero hindi ko susundin ang mga sinasabi niya. I should get myself a boyfriend daw.

Hindi ko naman kailangan.

"Hala, oh my God!"

I stopped from walking when I heard some noises coming from the cafeteria. Nagulat ako nang may lumabas na mga naka-jersey. Probably, basketball players of this school.

Naagaw naman ang atensyon ko ng lalaking naka-uniform sa gitna ng mga naka-jersey. He's running towards my direction.

"Tabi! Tabi!"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Biglang para akong matutumba, mabuti na lang ay may kung sinong humila sa akin. I looked at his eyes. He isn't familiar same as the feelings that I'm feeling right now.

Kinakabahan ako na ewan. Parang nahihilo. Nasusuka pa nga ako!

Bakit?

Sino siya? Sila?

"Miss, sabi ko tumabi. Hindi ka naman tumabi!" rinig kong sabi ng nasa tabi ko.

Hindi ko mahiwalay ang tingin sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung anong mayro'n sa kaniya. Gusto kong yumuko at umiwas ng tingin. Ayaw kong magkaro'n ng eye contact sa kaniya.

Kumunot ang noo ko nang ngumisi siya. "Ang pangit mo naman, Miss.."

'Yon lang at tumakbo na siyang tumatawa kasama ng isa pang lalaki. Bigla akong nanghina.

Wait.

Anong sabi niya?

At simula sa araw na 'yon, alam ko nang hindi ko makakalimutan ang lalaki na 'yon habang-buhay...

...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro