Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18

First time kong hindi kasama sina Mama this Christmas Eve pero mamaya naman, uuwi kaagad ako. I also want to celebrate with them, of course. I just want to be with Chance for the mean time.

There is nothing wrong with it. Kung mayroon man ay 'yon ay ang hindi ko pagsasabi sa parents ko na si Chance ang kasama ko. The rest, wala na akong nakikitang masama pa.

Minsan ko lang naman siyang makasama. Ngayon nga lang eh, nanliligaw siya sa akin. I don't want to give him false hopes but look what I'm doing right now. I just want to be with him, enjoy the moment.

He likes me, ilang beses na niyang sinabi. I could also feel it. He already did many things for me to feel it. Hindi ko na kailangan pang magtanong.

Alam kong gusto niya ako pero hanggang kailan?

Katulad ng ulan, nawawala rin ang feelings. Mawawala 'yan kahit hindi mo man gustuhin. Anyone's feelings could fade away anytime — without knowing. So as long as he likes me and I like him too — I'd try to be with him as much as I could to enjoy every single moment of it.

Ayaw kong manghinayang sa huli. Na sana ganito ang ginawa ko. Sana nangyari na lang 'to. Kaya kahit masaktan man ako sa huli kung hindi kami para sa isa't-isa, at least I have no regrets. Wala akong magiging pagsisisi dahil gumawa ako ng way para makasama siya kahit saglit lang.

I heavily sighed. Nawala sa isipan ko ang mga iniisip nang bumalik si Chance galing sa pagkuha ng kung ano sa motor niya. Nasa seaside ulit kami, kaibahan lang, pumunta kami malapit sa isang lighthouse.

This place is one-hour drive and I enjoyed the ride although I'm a bit tired, too.

My forehead creased when he gave me a paper and pen. "Para saan 'to?"

"You'll write there, of course." Tumawa siya habang papaupo sa tabi ko. "Isulat mo mga gusto mong gawin in the near future or kahit ngayon na. 'Yong parang sa journal ba, to do lists."

I looked at him first and started to jot down things on the paper. Nag-isip pa ako. Wala naman ako masyadong gustong gawin kundi ma-achieve ang dreams ko sa future. Matulungan sina Mama.

• sing in front of many people

• to paint in the beach

• ride on a yacht

• shout on the rooftop of a building

• hike a mountain

• dive under the sea

I returned the paper to him and smiled. Hindi ko pa lahat nagagawa ang mga sinulat dahil wala ako masyadong time sa sarili ko. Busy pa ang parents ko.

I watched him read it, he smirked. "Sumigaw talaga sa rooftop? Cute ng trip mo." Tumawa pa siya.

Natawa rin naman ako. "Wala, I just want to shout my feelings kahit sa rooftop lang. Walang masyadong tao."

"Nice naman." Ngumiti siya. "I'll try to be with you while doing all of these."

"Huh? Are you serious?"

Tumango naman siya. Hinihipan pa ng hangin ang buhok niya. Natatakpan tuloy ang mata niya. Para siyang na-stiff nang ayusin ko 'yon.

"Wait, you forgot something," sabi niya at tumalikod sa akin.

Nagsulat naman siya roon. Umiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Maaga-aga pa, past 8 pa lang yata. Medyo masakit sa balat ang araw pero ayos naman. I'm not going to complain, anyway.

Binigay naman niya ang papel sa akin nang matapos siya sa pagsusulat. His handwriting is cute. Napangiti naman ako.

• to be with Chance

Sinulat niya 'yon doon sa papel. I looked at him while he's smirking at me. I grinned. "But I'm with you already."

"Akin na nga," sabi niya at kinuha ulit ang papel. Kumamot pa sa ulo. Binalik naman niya kaagad. "Ayan na ah."

• to be with Chance for the rest of my life

I looked at him and smiled. Nagulat naman ako sa nakalagay. Napaiwas na naman ako ng tingin nang makita ang mga mata niya.

"I'll try, Chance." I smiled. "I will."

He just nodded and smiled. Bigla naman siyang napatayo.

"Let's go, punta muna tayong mall."

Tinulungan niya akong tumayo. Pinagpagan ko naman ang dress na suot ko. Pumunta siya sa may motor niya.

"Ano'ng gagawin natin doon?" I asked while looking at him.

Tumingin naman siya at kumindat sa akin. "Secret muna." May kinuha siya sa loob ng motor. "I bought this time capsule last week. Maglalagay tayo rito ng stuffs for memories. Babalikan natin after a year. Come." He gently pulled me as he puts the time capsule beneath the sand. Napangiti naman ako. "Ilalagay ko 'tong papel na sinulatan natin."

He took a picture of it first before he puts the paper inside the time capsule. Ngumiti naman siya sa akin.

"Thanks for doing this." I smiled at him with sincerity.

Napayuko naman siya para magpantay kami. Ginulo niya ang buhok ko. "Welcome, basta para sa 'yo."

Sumakay na kami sa motor niya. Mabilis naman kaming nakarating sa mall dahil halos sa tawid lang 'yon. Nagulat ako nang tumigil kami sa may videoke-han. Maraming nandoon dahil naglalaro ng arcades. It was the game zone. I'm not an arcade girl kaya ay hindi ako madalas nagagawi rito everytime na nagpupunta kami ng mall.

I watch him talk to the guy on the counter as they set up the videoke. Ngumisi naman siya nang matapos.

"Now, sing."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Lumingon ako. Napakaraming tao!

I shook my head few times. "Ang daming tao, nakakahiya!"

Pinakita naman niya ang phone. "Sabi mo eh." He even shrugged. "Sige na, minsan lang 'to."

I sighed as I hold the microphone that Chance gave me. I looked at him and sighed again. He picked a song for me. Syempre, 'yong alam ko. It's 12:51 again.

He's just staring at me while I'm singing. Nahihiya akong napatingin sa mga taong nasa tabi namin. Busy naman sila, okay lang.

Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin. Nanginginig tuloy ako habang kumakanta. Halos mawala na sa kamay ko ang microphone. I don't want to look at him right now.

He told me to continue again when I stopped. Mabilis ko nang tinapos ang kanta. Nahihiya na talaga ako. He spent the remaining minutes singing there before we went outside the mall. He smirked at me while we're walking.

"Akala ko talaga dati, hindi ka kumakanta," sabi niya. "'Yon pala, ang ganda rin ng boses mo!"

Nangiti naman ako sa kaniya. "Grabe, you're also good, ah?"

"Really?"

I just nodded at him when he started the engine. Kinabit ko naman ang helmet nang maayos sa ulo.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Balik ulit tayo sa kanina," sagot niya nang malakas dahil maingay sa daan.

Natawa ako. "We just went there sa mall dahil sa nasa list, 'no?"

He's really freaking serious!

I heard him laughed with what I've said. Maya-maya, nakarating na kaagad kami sa may seaside. Nagtaka naman ako nang umalis siya sandali.

Nangingiti ako habang iniisip ang nangyayari ngayon. I admire Chance for doing this for me. He could spend this day with his family but he chose to be with me instead. Natutuwa ako. I thought, he's really the kind of guy that will kiss any girl out there pero nagkamali ako.

Chance is just so good to be true.

Umalon nang malakas kaya ay napangiti naman ako. Ang ganda-ganda rito!

"Here."

Nawala ang pag-iisip ko nang lumapit sa akin si Chance at nag-abot ng paper bag sa akin. My eyes widened in surprise when I saw art materials inside of it! May watercolor at watercolor paper. There are also some brushes there.

I looked at him. "P—Para saan 'to?"

"'Di ba gusto mong mag-paint sa beach?" Tumango naman ako. Kinuha niya ang phone sa bulsa. He told me to pose so I did. I raised my two fingers as a peace sign and I smiled. "Nice, ang ganda ng kuha." Ngumiti siya sa akin. "Paint mo sana 'to. Picture nating dalawa, pwede?"

"Of course."

I smiled as he gave me his phone. Tinitigan ko 'yon. Ang ganda nga ng kuha. This is our first picture together. I couldn't stop myself from smiling.

Nakita ko sa gilid ng mata kong nahiga siya sa tabi ko. I decided to start from the rough. Nahirapan ako dahil portrait pa at hindi ako sanay sa materials. Medyo maliit kasi compare sa usual na paper na ginagamit ko.

"Why do you want to paint here?"

I looked at him when he spoke. Nangiti naman ako habang lumilipat ang tingin sa mga alon.

"Wala, na-r-relax ako eh," I told him.

Hindi siya sumagot kaya nag-start na ulit ako. I spent one and a half hour doing the painting. Pinagpagan ko naman nang maingat at pinatuyo. I smiled widely while looking at it.

Tumingin ako kay Chance para sana ipakita sa kaniya pero mukhang natutulog na. Nakapikit na siya. I just stared at him. Ang ganda pagmasdan ng mukha niya. Relaxing.

My smile immediately faded when he opened his eyes. Napaayos kaagad ako ng upo. Kinabahan. My eyes blinked for few times as I averted my gaze on him. Tumayo na siya.

"I—I'm done."

Nakita ko namang ngumiti siya kaagad. "Talaga? Patingin nga."

I gave him the painting, still not looking at him. Napatingin naman ako nang magsalita siya ulit.

"Wow, grabe. Ang ganda, Aline!" tuwang-tuwa niyang sabi.

Nangiti kaagad ako nang marinig 'yon sa kaniya. Tuwang-tuwa siya. He appreciates it.

"I love it. I really love it!" he told me and smiled. Tumingin siya sa akin habang pinapakita ang painting. "Grabe talaga oh, may pa-sunlight effect pa!"

"That's yours already. Nakakahiya eh, gift ko na 'yan sa 'yo."

Niligpit ko muna ang materials. Bigla akong nanigas nang niyakap niya ako. Binitawan naman kaagad niya ako but I still feel his touch a while ago. My heart beats fast again, nagwawala.

He rubbed the back of his neck. "S—Sorry, nabigla lang. Nagustuhan ko kasi talaga."

"I understand.."

Tumango at ngumiti ako sa kaniya although I still can't believe that he hugged me a while ago. Tumayo siya kaya niyaya niya rin ako. Tinago niya muna ang painting sa motor niya. Tiningnan niya pa muna 'yon.

"Lunch na tayo?" he asked and I glanced on my wrist watch. "Late na rin pala eh."

"Yes, ang bilis ng oras." Tumawa ako. Natawa rin siya.

Sabi nila, mabilis talaga ang oras kapag masaya ka. It's happening right now. I'm happy. I'm so happy with Chance.

Pumunta kami sa may restaurant malapit dito. It's a seafood restaurant. Nagulat naman ako sa prices sa menu.

"Hey, ang mahal dito. 'Wag na," nag-aalala kong sabi sa kaniya.

"Don't worry, okay? Ako naman magbabayad eh."

He took the menu from me and called a waiter. Napabuntong-hininga hininga naman ako.

"'Yon nga eh, mahal," bulong ko sa kaniya. "Dapat may contribution din ako rito."

Tumingin siya sa akin. "Manliligaw mo ako, let me do this."

I heavily sighed. Wala na yata akong magagawa kundi hayaan siya. Mahal kasi plus siya palagi ang gumagastos. I can pay on my own ngunit talagang mapilit itong si Chance.

"I love seafoods." Ngumisi siya nang dumating na ang order namin. Puro crabs 'yon at shrimps. Maraming shellfish. "Ikaw, ano'ng hilig mo sa foods?"

I shrugged. "Kahit ano, basta makakain."

We both laughed after that. Umiling naman siya habang kumakain.

"Kaya pala mapayat ka eh."

"Sakto lang," sagot ko.

We continued eating. Patapos na akong kumain, siya hindi pa. Order pa kasi siya nang order. Natatawa ako.

"You really love seafoods huh?"

"'Course." Ngumisi siya.

Hinintay ko siyang matapos. Natatawa ako dahil busog na busog siya after. He couldn't even stand! We're about to leave when the crew suddenly came near us.

"Sir, 'yong bill n'yo ho."

Kumamot naman sa ulo si Chance nang natanggap ang bill. "Sorry, wala kaming pambayad but don't worry, pwede naman kaming mag-dishwasher for today."

Nanlaki naman ang mata ko dahil doon.

Nakita kong nangunot ang noo ng waiter sa kaniya. Mahina kong hinampas ang braso niya.

"Hey, may pambayad naman ako. What are you saying?" I told him.

Nakakahiya kasi, dapat pala ako na lang talaga ang magbayad kung ganito lang din pala ang mangyayari.

He laughed. "Joke lang, 'to naman." Nag-abot siya ng bill sa waiter. "'Yan, keep the change."

Tinapik niya pa ang balikat no'ng waiter bago kami umalis. I sighed in relief. Akala ko talaga, wala siyang pambayad.

"Kinabahan ako ro'n," sabi ko sa kaniya at nangisi.

He also smirked at me. Nangiti ako nang may makitang surfers sa may gitna nitong bay.

"Hey, may nag-s-surf din pala rito?"

Tumingin siya sa tinuturo ko at tumango. "Yeah, kanina ko pa 'yan nakikita. Ngayon mo lang napansin?"

I nodded my head at him.

"Come, come. May nakita ako." Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palayo. Halos mawala na ang sandals ko kasusunod sa kaniya. I laughed on his excitement.

"Ano bang mayroon?"

He winked. "We'll rent a yacht."

Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin sa kaniya. "Are you serious?!"

Tumango lang siya at inalalayan ako paakyat sa yate. Ayaw ko sanang umakyat pero mapilit siya. May kinausap naman siyang lalaki roon. Nag-abot na ng bills.

"C—Chance.."

I gently pulled his sleeves. Hindi niya ako pinapansin dahil may kausap. Tumingin ako sa loob ng yate. Maliit lang naman pero maganda, ayos na rin pero nakakahiya na talaga sa kaniya!

"Until night, yes," rinig kong sabi ni Chance.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Chance!" I called him out again.

Nawala naman na 'yong kausap niya. Lumingon siya sa akin. "What?"

"Mahal 'to rito," I told him. Halos mabutas na ang inaapakan ko kapapadyak. "You're just wasting your money!"

He sighed. "Not a waste if it's for you, Aline." Naglakad pa siya sa loob. Tumingin sa akin. "Saka may promo naman. Ayos na, don't worry about the money, okay?

"I thought you'd let me do this?" he added.

Napabuntong-hininga naman ako. "Yeah but I think this is too much. Nakakahiya na kasi, Chance. Nasasayang ang pera mo."

"This is what you want, right? To ride on a yacht. Pinagbibigyan lang kita. Just please let me do this."

"Okay, I appreciate your efforts but please next time, 'wag naman ganito ah?" Natawa ako nang mahina. "Sineryoso mo pa 'yong nasa list."

Tumawa rin siya. "Well." He shrugged his shoulder. Sinenyasan niya naman akong lumapit. "Come here, enjoy-in na lang natin 'to. Ganda-ganda oh."

Sumunod ako sa kaniya sa may railings. The scenery was just so beautiful and perfect! Grabe!

"I could almost see our school here," I jokingly said.

He laughed. "Ako rin. Nakikita ko na nga rin si Marcoco eh. Umiinom kasama sina Elson."

We both laughed with what he said. Nagkuwento pa siya ng kung ano-ano. Pinapatawa niya ako. Hindi ako nagsisi na siya ang kasama ko for today.

We decided to watch a movie when the sun is about to bid its goodbye. He picked a Thai horror movie for us to watch. Hindi ako halos makapag-focus nang makita ang sunset.

It's so relaxing.

"I really love this movie.."

Kumakain lang ako ng chips sa harapan namin. Kumuha naman si Chance sa loob ng drinks.

"Iinom ka?" I asked.

Binuksan niya naman ang mga 'yon. "Yeah, kaunti lang naman. This is just light."

I nodded. "Okay, basta makakauwi tayo nang safe at on time."

Natapos na ang movie. Nag-focus na siya sa pag-inom niya roon. Naka-isa pa lang siya.

"You can do the number four on your list if you want to. Pwede ka namang sumigaw rito, though hindi naman dito building," sabi niya pagkatapos uminom sa hawak na bote.

I looked at him with a confused look. Naalala ko naman kaagad ang sinabi niya. "N—Nakakahiya."

"Lagi ka namang nahihiya." Tumawa pa siya.

"Saka dapat mag-isa lang ako no'n. Nakakahiya naman marinig mo," sabi ko.

He nodded and smiled. "But you can tell me about it if it's fine for you, okay? I'm here."

Tumango naman ako. Napatingala ako sa langit. Hindi na ako nagulat nang gabi na kaagad. The cold wind blew hard. I smiled when it hugged me.

"Ano kayang mangyayari kapag hindi kita nakilala, 'no?" tanong niya bigla. "Siguro, I wouldn't be happy like this. I meant, I can be happy with someone else but alam mo 'yon—" Ngumiti siya sa akin. "Iba eh, iba 'yong saya kapag ikaw 'yong kasama ko."

"R—Really?"

Tumango siya. "Cheesy ko siguro pero hindi ko na siguro kaya kapag nawala ka. I want to achieve my dreams in the future with you, Aline."

Kinilabutan ako nang unti-unti niyang hawakan ang kamay ko. His hands are cold but my heart is the opposite of it. My heartbeats gone wild again for the nth time.

"I understand you." Ngumiti ako. "But I want you to achieve your dreams without someone else beside you. I want you to be successful even without me."

"Medyo nakakaiyak 'yon, ah? Nababakla ako." Tumawa siya nang kaunti. "Na-touch ako."

Binitawan naman niya ang kamay ko para kumuha ng isa pang bote. Napatingin naman ako sa kamay ko, para kasing napaso.

"Pero seryoso, sana ikaw na talaga. Ayaw ko na sa iba eh. Nakakasawa na rin," he said as he take a sip on his drink.

I don't know what to say. Nangapa na naman ako. Tumingala na lang ako sa langit.

"Stars are my favorite," I told him to change the topic.

Nakita kong tumingin siya sa akin. "Really? Tama lang pala 'yong binigay ko sa 'yong bracelet."

"I'm wearing it." I showed him the bracelet that he gave.

Ngumiti naman siya pagkakita niyon. Natahimik kaming bigla. Marami na yata siyang nainom. Niligpit ko muna ang mga kalat namin. Pagbalik ko, nakapikit na siya.

I took a glance on my wrist watch. Nanlaki ang mata ko nang malapit nang mag-midnight. I started to panic. I don't want to miss our Christmas celebration this midnight!

"Chance," I whispered. Nakahiga na siya ngayon. Ubos na lahat ng bote. "Hey, lasing ka na yata. Alis na tayo, baka ma-late pa tayo eh. Pagagalitan ako nina Mama!"

"Chance.."

Nag-panic ako nang hindi siya sumagot sa akin. Halos alugin ko na siya roon para magising pero nakakahiya pa rin naman.

I sighed in relief when he slowly opened his eyes. "I'm not drunk, I have a high tolerance. Nakapikit lang ako."

Nakahiga pa rin siya. Hindi tumatayo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong hindi nakapagsalita. We're just staring at each other for a few minutes. Nawala sa isipan ko bigla ang dapat na gawin.

Bumangon siya nang kaunti. Nakatitig pa rin sa akin. His eyes are drowning me. He moved a little closer to me. Pigil ko ang hininga habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako makaatras nang lumapit pa ulit siya.

"Ma'am, sir, alas dose na po. Merry Christmas!"

Bigla akong napatayo nang dumating 'yong lalaking kausap ni Chance kanina. Hindi pa bumangon si Chance. Nanlaki naman ang mata ko nang marinig 'yon sa kaniya.

"Merry Christmas," sabi naman ni Chance.

Mukha namang hindi napansin ng lalaki 'yong nangyari kanina. Mabilis kaming umalis doon sa yate nang magpaalam kami.

"U—Uminom ka muna ng kape," sabi ko sa kaniya.

Bigla akong nahiya. Muntik na kaming mag-kiss. Kinabahan ako.

"Okay naman ako pero, sige. Let's go.."

He nodded at me. Hinawakan niya pa ang kamay ko. Nag-init pa ang pisngi ko habang papasok kami sa isang coffee shop. He quickly ordered a coffee there. He even offered me some ngunit tumanggi na ako. Mas matatagalan pa kami if ever.

I don't want to be late.

"Paubos na ba 'yan?" Umiling siya. I sighed. "My parents will surely scold me after this."

Nangunot ang noo ko nang ngumisi siya. "Hindi 'yan, don't worry."

Hinila niya ako paalis doon. Nagtaka pa ako nang pumasok kami sa isang fancy restaurant na katabi lang din nito. Napatingin ako kay Chance nang makita ang parents ko pati ang kapatid na nakaupo na sa table doon. Kinakabahan ako.

"Merry Christmas," rinig ko pang sabi ni Chance.

Hindi ko siya masyadong pinansin dahil mabilis ang tibok ng puso ko.

My eyes widened when my parents saw me. Napatayo sila kaagad. Nakakunot ang mga noo. "Aline!"

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro