Chapter 1
Chapter 1
It's almost ten in the morning when Sir Padua told us to go out for our PE. I hate this subject because I hate balls. Marami na akong bad experience sa sports, ayaw ko nang alalahanin pa ang mga 'yon.
Medyo nakaka-trauma.
Punas ako nang punas sa mga palad ko dahil sa pawis. Kinakabahan ako. Sobra.
"Ali, oh."
Natigil na lang ako sa pag-iisip ng possibilities nang kalabitin ako ni Axion, he's one of my close friends here. I prefer calling him Ion instead of Axion. Ang cute lang. Iniabot naman niya sa akin ang energy drink.
Natawa ako nang mahina. "Thanks pero 'di ko naman 'to kailangan. Grabe ka, para namang sobrang hina ko!"
"Well, you're too scared to play," sabi niya. Tumayo siya at inabot ang kamay ko para patayuin ako.
Kami na yata ang next batch na maglalaro. Marami pa kasing tao sa gym kaya naghihintay kami na matapos sila. Pawis na pawis na kami kahit hindi pa nag-start. Mainit pa naman ang PE uniform dahil sa fabric.
Natawa ako nang kaunti sa sinabi niya. "Ayaw ko nga sana pero para sa grades eh."
"Yeah, para sa grades." He laughed.
Nakita kong papalapit sina Mia at Carlos na trying hard to be Carla. Kinurot kaagad ni Mia ang pisngi ko.
"Ouch," reklamo ko sa kaniya.
Tumawa pa si Mia sa akin. "Ready ka na?"
I just shook my head. I turned my gaze at Ion only to see him with Carlos. Natawa ako sa kanila. Crush na crush ni Carlos si Ion pero marami pa siyang ibang crush. Natatawa ako kapag nangungulit si Carlos, Ion's reaction is so epic.
"Init, sis. Nagdala ka ng umbrella?"
I looked at Mia. "Nope, tiis ka na muna diyan. Nag-sunscreen ka naman yata."
Pumito na si Sir Padua. Lahat kami nag-ready na. Volleyball ang una naming lalaruin. I can play volleyball but not that much since I'm not into sports. Kailangan nga lang galingan for high grades.
"Kinakabahan ka, 'no?"
Biglang sumulpot sa tabi ko si Ion, wala na sa tabi niya si Carlos.
Ngumiti ako. "Medyo."
"Kaya mo 'yan. Inumin mo muna kasi 'to," sabi niya at pilit na inabot sa akin ang energy drink.
"Thanks."
Bago ko pa mainom ang binigay niya, nag-whistle na si Sir. My heartbeat became fast for a moment. Natatakot ako. Baka kung anong mangyari sa akin!
"Game!"
Bumilis ang tibok ng puso ko lalo nang mag-start na ang game. Everything went smooth. Lamang na kami sa kabilang section. Taga-block ako pati sina Mia pero kinakabahan pa rin ako.
"Good job, Mendiola!"
Natuwa ako sa sinabi ni sir kaya ginanahan ako maglaro. Bihira lang makatanggap ng compliment kay sir kaya nakakatuwa talaga.
1 point na lang, panalo na talaga kami. Maraming nag-ch-cheer sa amin kahit activity lang naman 'to. Pero nagulat ako nang may biglang tumama sa ulo ko. Maraming sumigaw, pati si sir naka-ilang beses nagmura.
"Punyeta ka talaga, Gomez!"
"Dalhin n'yo sa clinic!"
I didn't know what happened, I just saw Mia ran towards me before everything went black.
--
I opened my eyes. Bumungad kaagad sa akin ang puting kisame. Nangunot ang noo ko, hindi familiar ang place.
"Hindi rin namin alam."
May narinig akong nag-uusap, papalapit nang papalapit. Kinapa ko ang ulo ko, may tela na nakabalot. Makirot din.
"Sabi ni sir, si Chance daw. Chance Gomez."
Narinig ko ang boses ni Ion, napa-upo ako habang sinisilip sila. Unang pumasok si Mia na dala ang bag ko.
"OMG, gising ka na pala, sis!" sabi ni Mia at lumapit sa akin.
"Hindi obvious, Mia Khalifa?" Natatawang sabi ni Carlos.
Tumingin sa akin si Ion at lumapit.
"Shut up, Carla Baklita!" sagot naman ni Mia.
Nagkulitan pa sila habang sinasaway naman sila ng nurse.
Inayos naman ni Ion ang tela sa ulo ko at umupo sa may chair sa tabi. "You okay?"
"Medyo masakit ang ulo ko," sabi ko at tumingin sa kanila. "Ano bang nangyari?"
"Natamaan ka raw ng bola no'ng—sino ba 'yon, Ion?" tanong ni Mia.
"Chance Gomez," sagot ni Ion. "I know him for so long. Ahead siya sa atin ng 2 years pero accidentally natamaan ka niya ng bola habang naglalaro sila ng basketball."
That is why I hate sports so much. Maraming aksidente. Ang gulo.
Tumango-tango na lang ako. Nadagdagan na naman ang bad experience ko sa sports. Ayaw ko na talagang umulit pa. Sana naman last na 'to. Hindi ko kilala ang sinasabi ni Ion na Chance Gomez but I'm sure, nasa office na siya ngayon. Strict pa naman ang school na 'to.
"Excused ka raw muna ngayon. Swerte mo girl, ah!" Carlos chuckled.
"Baliw ka talaga, Carlos. Ikaw na lang dapat tinamaan ng bola!" sagot naman ni Mia kay Carlos.
"Ay bet ko 'yan, pogi rin kasi no'ng si fafa Chance!" sabi pa ni Carlos, tumitili-tili pa.
Kumirot ang ulo ko pagkaupo nang maayos. "Aw."
"'Wag na kayong maingay, sasakit lang lalo ulo ni Aline," sabi pa ni Ion.
Inayos ulit ni Ion ang tela sa ulo ko at inalalayan akong humiga. "T—Thanks."
Narinig kong humagikhik si Carlos. "Awtsu, concerned talaga. Sana ganiyan ka rin sa akin, bebe."
"Excuse me," biglang sabi ng nurse at lumapit sa akin. "Go back to your room, ako na ang bahala sa kaniya. Okay naman na siya."
Tumango naman sila at ibinigay ang bag sa akin. Lumapit naman sa akin sina Mia at hinalikan ako sa pisngi. "Get well, sis. Mag-samgyeop pa tayo."
"Pasok ka bukas, girl ah?" sabi pa ni Carlos. Binatukan tuloy siya ni Mia.
Napatawa naman ako. "Yes, yes."
I smiled secretly. Kahit ganoon sila kakukulit, I can see that they're really concerned about me.
Napatingin ako kay Ion na nasa pintuan na. He just nodded and smiled at me. Ganoon na lang din ang ginawa ko. Pinakita ko pa sa kaniya ang energy drink na binigay niya kanina.
Napangiti na lang ako sa mga kaibigan ko. Tumikhim naman ang nurse na nasa tabi ko.
"Malakas ang pagkatama ng bola sa ulo mo, miss—"
"Aline na lang po," sabi ko.
"Okay, Aline. You passed out because of the impact of the ball. Kung hindi nga lang may nag-p-practice sa gym, iisipin na sinadya ang pagtama ng bola. But all in all, you're fine. You just need to rest."
"Okay po, thanks." Ngumiti ako sa kaniya. "About po pala sa nakatama ng bola sa akin?"
Tinanggal niya ang salamin sa mata at tumingin sa akin. "Wala akong balita but I know him, suki 'yon ng guidance office. Palaging late, ngayon pa lang siya nagka-record sa ganito."
Tumango-tango na lang ako sa kaniya at sumilip sa labas. Pinagpahinga muna niya ako for about an hour. Nang um-okay na ang pakiramdam ko, tumayo na ako kaagad para magpaalam.
"Are you sure?" tanong niya sa akin.
Tumango ako at ni-ready na ang bag. "Opo, kaya ko naman na."
"'Wag ka na lang munang pumasok. Excused ka naman for today, sinabihan naman na ni sir Padua ang teachers ninyo."
I heavily sighed after I heard that.
Hindi ko kilala ang tinutulukoy nila na Chance Gomez o kung sino man 'yon. He's not even familiar to me. If ever man na familiar, I still don't care. Lalo pa't siya ang may kagagawan nito sa akin. Hindi ako nakapasok sa class because of him!
Sana lang talaga hindi 'yon sinadya.
Nasa pagsusulat ang nurse nang nagpaalam muli ako at nagpasalamat sa kaniya. Pumunta muna ako sa CR para tanggalin ang tela sa ulo ko. Ang weird kasing tingnan, halata pang galing ako sa clinic. Pinagtitinginan pa nga ako ng ibang students. Akala siguro nila, nag-cutting classes ako. Bigla akong nagutom kaya bibili muna ako kahit junk foods lang. Nauubos kasi kaagad ang ibang foods after lunch break. Second to the last period na rin pala.
Nasa botanical garden ako habang kumakain ng one slice of pizza. Ang fresh kasi ng hangin dito since garden nga. Dito kami laging nag-r-review nina Mia after class hours kapag walang practice.
Malamig lang ang hangin, mag-11 AM na rin pala. Hindi na muna ako uuwi, baka isipin ng parents ko na nag-cutting ako. I also don't want to tell them about what happened to me earlier. I know na normal lang sa parents ang mag-alala but I don't want them to be worried especially sa akin.
Ayaw kong maging problema pa nila ako.
"Miss."
My forehead creased when I heard something.
Lumingon-lingon pa ako sa paligid, hindi naman ako sure kung ako ang tinatawag pero wala naman akong ibang kasama rito. Tatalikod na sana ako pero may biglang humawak sa braso ko.
"Hey, kanina pa kita tinatawag.."
Napatalon ako sa gulat. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Ang tangkad niya!
"E—Excuse me, sino ka?" tanong ko habang nakatingin lang sa kaniya at sa kamay niyang hawak ang braso ko.
Instead of answering me, kinuha niya ang ID ko at tiningnan. Nakita kong umangat ang labi niya nang kaunti. "Mendiola, Aline Gail."
"Sabi na nga ba, ikaw 'yan," sabi niya at ibinalik sa akin ang ID ko. "Sorry for what I did. Hindi ko sinasadya. Nagkulitan lang ang team namin, hindi naman ako basketball player so ayon, palpak."
Tulala lang ako habang nag-e-explain siya. I just realized that I am standing right in front of the guy that hit my head with a ball.
"Miss?"
"Ah, s—sorry," sabi ko. "So ikaw 'yong Gomez?"
Natawa naman siya nang mahina. "Chance Gomez. Maraming Gomez sa mundo, miss."
Napatango na lang ako sa kaniya. I don't even know what to react or to say.
"Sorry talaga, hindi ko naman sinasadya. Buti nga, pinagsabihan lang ako ni Sir, mas malala pa nga 'to sa ibang record ko," sabi niya pa at tumawa.
I just nodded kahit naiirita ako. "It's fine. Okay na rin naman ako."
Hindi nga lang ako nakapasok dahil sa 'yo.
Tumango naman siya. Lumapit siya sa akin at yumuko. Mas matangkad siya sa akin since he's senior. Napaatras naman ako.
"Ikaw pala si miss Pangit na nakasalubong ko sa canteen last time," sabi niya at tumawa na parang 'yon na ang pinaka-nakakatawang bagay sa mundo.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Chill, Aline pero sure ka ba talaga na okay ka?" tanong niya at umayos ng tayo. Mas lalo tuloy siyang tumangkad. "Kasalanan ko pa man din."
Tumango ako. "Okay lang nga ako."
"Para ka namang napilitan diyan." Tumawa na naman siya. "By the way, una na muna ako. Tumakas lang ako para hanapin ka baka magka-record na naman ako nito eh."
Tumango lang ako sa kaniya.
"Sige, bye. Sorry ulit!"
Tumalikod na siya at mabilis na tumakbo. Tanaw ko pa rin siya hanggang sa makapasok na siya sa building nila.
I heaved a sigh. Ngayon ko lang na-realize na siya pala 'yong nasa canteen na sinabihan ako ng pangit. I should be mad right now because of what he just did pero anong nangyayari sa sarili ko? Naalog na yata talaga ang ulo ko, nasama pati ang utak. Ngayon lang ako natauhan pagkaalis niya.
Binaliwala ko na lang 'yon at nag-review na lang muna since last period naman na. May short quiz bukas sa Science. Naka-receive pa ako ng text kay Mia na wala namang activity at practice for today. Mabuti raw 'yon so that I can rest, tama naman siya. Dahil kapag may ginawang importante nang wala ako, magagalit talaga ako ro'n sa Chance na 'yon.
Wala naman dapat akong pakialam. Pero kasi, he disturbed me and my class for today. Well, that's a big deal for me.
After a few minutes, uwian na. Marami nang students na lumalabas sa building nila. Hindi na rin ako nakapag-focus sa pag-r-review kaya niligpit ko na lang ang mga gamit ko. Ready na akong umuwi nang biglang may tumawag sa akin.
"Sabi na nga ba, nandito ka eh. Kanina ka pa ba rito?"
Tumingin ako sa likod ko, si Ion pala. May dala na siyang bag at books. Hindi na ako nagtaka na hindi niya kasama sina Mia, hindi naman sila ganoon ka-close no'n. Sumasama lang minsan sa amin si Ion since ka-close ko siya. Ngayon pa lang din namin siya naging classmate pero magaan na kaagad ang loob ko sa kaniya. We share the same interests, that's why.
"Ah, kanina lang fourth period. Nag-review na rin ako para sa quiz tomorrow," sagot ko sa kaniya.
"Alright." Tumango naman siya. "Wala namang sinabi sa 'yo 'yong nurse like uminom ka ng ganito ganiyan?"
Umiling ako. "Wala naman. Rest lang naman daw, okay na. I'm fine naman na, kaunti na lang ang sakit sa ulo ko unlike kanina."
"Good. Nasa labas na pala si Dad, sabay ka na namin?"
"'Wag na, Ion. Nakakahiya kay Tito," sagot ko naman at binitbit ang bag.
"It's fine, malakas ka naman kay Dad eh." Kinuha niya ang bag ko sa akin. "Ako na magdadala nito, mabigat."
Napasimangot naman ako bigla sa kaniya. Para siyang si Papa ngayon, ah? "Pero—"
"No buts, Aline Gail."
Tumingin pa siya sa akin. Nanalo siya ngayon. Bossy minsan 'tong si Ion pero madalas ako ang nananalo sa aming dalawa, lagi niya kasi akong pinagbibigyan.
Natatawa ako habang tumitingin sa kaniya. Dalawa kasi ang dala niyang bag. Pink pa naman ang bag ko, mukha siyang.. gay.
Pinipigilan ko lang ang tawa ko pero mahirap magpigil. Nakakawala rin kasi ng bad vibes at sakit ng ulo.
"Any prob?" biglang tanong ni Ion. Seryoso siya, tumigil pa sa paglalakad.
I just smiled at him. "Wala!"
Lumakad na siya, sumabay sa akin. Patawa-tawa lang ako nang mahina habang naglalakad at tumitingin sa kaniya pero tumigil na lang ako nang may student na tumingin sa akin. May problema kaya 'yon?
Nasa parking lot na kami ng school nang sinalubong kami ni Tito Ace, Daddy ni Ion. He immediately smiled when he saw me.
"Hi, manugang!"
Nag-complain naman kaagad si Ion sa kaniyang Dad. Pinasok niya pa ang bags namin sa loob. Nakakunot ang noo niya, namumula rin ang tainga.
"Hello po, tito!" I greeted Tito Ace back.
Tumango naman siya at pinapasok na ako sa loob. "Sabay ka na sa amin, ah?"
"Opo pero nakakahiya naman sa inyo pati kay Axion." Ion immediately looked at me when he heard his name. Hindi naman na siya namumula ngayon. Magkatabi kami sa likod.
"Okay lang 'yon, ano ka ba?" sabi naman ni Tito. "Para namang hindi kita magiging daughter-in-law niyan."
Tumawa na lang ako sa biro niya. Napatingin ako kay Ion na umiwas ang tingin. Bakit kaya siya namumula eh air-conditioned naman ang kotse nila?
"Mag-drive ka na lang, Dad para maka-uwi na kaagad si Aline. She needs to rest."
Tumingin naman si Tito kay Ion. "Bakit, 'nak? Ayaw mo bang makasama pa si Aline nang matagal?"
"Dad!" saway na naman ni Ion.
Tumawa nang malakas si Tito at nag-start nang mag-drive. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Seryosong-seryoso naman ang nasa tabi ko. Nasa malayo sng tingin.
Mabilis kaming nakarating sa bahay. Alam naman na ni Ion ang subdivision namin kaya itinuro niya sa Daddy niya. Nagpasalamat ako kina Tito bago umalis. Ion just smiled a bit on me. He's still obviously pissed because of his dad. Kung bakit ba naman kasi inaasar ni Tito Ace si Ion sa akin eh.
Finally, I'm home. I really need a rest today.
--
Kinabukasan, maaga akong nag-prepare. Papasok ako, hindi naman na masakit ang ulo ko. May quiz pa naman ngayon, hindi pwedeng um-absent.
"Rice, anak."
Inabot sa akin ni Mama ang kanin at bacon. I shook my head as I don't like heavy meals for breakfast. Kumakain din naman ako sa cafeteria kapag break time.
"You're getting thinner, mabuti pa ito." Binigay niya sa akin ang loaf bread na may bacon and ham.
After my breakfast, nagpahatid na ako kay Papa sa school. Hindi ako nagiging late sa school. Unless, may sakit ako or late nang nagising.
I just kissed Papa on his cheeks and bid him goodbye. Ngumiti naman siya sa akin. Pagkarating sa room, hinarang kaagad ako ni Mia.
"'Oy, sis! OMG!"
May dala pa siyang notebook, halatang kagagaling lang sa pag-r-review. Mukhang may bagong tea si Mia. Sinalubong pa talaga ako.
I was expecting for a good morning or kahit pangungumusta man lang niya sa condition ko.
"Oh bakit?"
Tinaasan ko pa siya ng kilay at ilang beses na tinanong pero nakatingin lang siya sa likod ko.
"Ano ba 'yon, Mia?" tanong ko, tinuro niya naman ang nasa likuran ko.
My forehead creased as I look at the back. My eyes even widened when I saw him again. Si Chance Gomez — nakasandal sa may pinto ng room namin. Kaya siya pinagtitinginan din ng classmates ko!Pinapaikot niya pa ang susi ng kung ano sa mga daliri niya.
Anong ginagawa niya rito?
Napalingon siya sa gawi ko. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Mabagal siyang naglakad patungo sa akin. Ang tangkad talaga niya, kailangan ko pang tumingala.
"B—Bakit?"
"Mag-usap tayo," he said while looking at me directly. "Later, after class."
'Yon lang at mabilis siyang nawala. Inunahan niya pa ang first period teacher namin. Nagtaka naman ako. Pumunta siya rito dahil lang doon, seriously?
"Ano 'yon? Jowa mo na?!" tanong ni Mia habang lutang akong lumalakad papunta sa upuan ko. "Bakit hindi mo sinabi kaagad? Kailan pa 'yon? OMG, dalaga ka na, Ali—"
Napatingin ako sa kaniya. "Ha, what? Anong sinasabi mo?"
"Ay, hindi mo ba 'yon jowa?" At talagang sinundan niya pa ako sa paglagay ko ng bag sa chair.
Umiling lang ako sa kaniya.
"Eh ano 'yon? Bakit may pa-usap?" she asked once again.
"I don't know." Nagkibit-balikat ako. "Hindi nga kami close no'ng tao. Anong jowa? About lang siguro sa accident na nangyari ang pag-uusapan namin."
Aside from that, wala na akong nakikitang ibang reason para mag-usap kaming dalawa.
Umupo pa siya sa katabing chair ko kahit may nakaupo pa naman doon. Makiki-tsismis na naman 'to for sure.
"You sure? Daming tsismosa rito, sis." Tumingin-tingin pa sa paligid si Mia. "Alam kaagad nila na si Chance Gomez 'yon. In fairness, pogi rin pala? Ang daming pogi sa 12—"
"Hay nako, Mia. Crush mo na naman?" tanong ko at inirapan siya.
Hinampas pa niya ako at tumawa. "Baliw, loyal ako kay Bonnie 'no! Saka feeling ko magiging jowa mo rin 'yon so no no!"
"Pinagsasabi mo?"
Ngumiti lang siya sa akin nang malawak. Tumakbo na kaagad siya nang dumating ang first subject teacher namin. Lutang ako the whole time na nag-d-discuss si ma'am.
Ito na yata ang pinakamabagal na moment para sa akin. Ang tagal natapos ng class hours. I'm somehow bothered about meeting Chance again. Nakasalubong pa namin siya at mga kaibigan niya. Tiningnan pa lang niya ako dahil tinawag siya ni Carlos. Nang mag-ring ang bell, kinuha ko kaagad ang bag ko.
"Nagmamadali, ah?"
Sumulpot na naman bigla sa tabi ko si Mia, nakangisi.
"Ano na naman ba 'yon, Mia?"
Tinawag pa niya si Carlos para may katulong siya sa pang-aasar. Napailing na lang ako. Malakas na naman ang trip nitong si Mia, pinansin kasi siya ng crush niya.
Tumikhim si Mia. "Mag-usap tayo mamaya after class hours."
I just rolled my eyes. Ginaya niya pa si Chance. Bakit ba nila ako inaasar doon?
Seriously?
"Una na muna ako sa inyo, ah?" sabi ko kina Mia at hinalikan sila sa pisngi.
"Enjoy," sabay pa nilang sabi at ngumiti. Nagpaluan pa ang dalawa. Pinaningkitan ko lang sila ng mata.
I went outside the room immediately. Hindi ko alam kung saang place kami mag-uusap ni Chance dahil hindi naman niya sinabi kung saan. Hindi ko rin alam kung anong pag-uusapan namin.
Paunti-unti pa lang ang students na lumalabas dahil maaga-aga pa naman. Ewan ko kung bakit ako nagmadali. Hanggang sa natanaw ko si Chance sa kumpol ng mga estudyante. Makikita kaagad siya dahil matangkad. Napatingin din naman siya sa akin. Tumakbo siya at lumapit.
"Hey, kanina ka pa?"
Umiling ako. "Ngayon lang. Hindi ko rin naman alam kung saang exact place tayo mag-uusap so—"
"Ay sorry, oo nga pala. By the way, gusto ko lang mag-sorry ulit at bumawi. Nakausap ko si sir kanina, thankfully, hindi ako suspended."
"Pinapunta mo ako rito just for that?" tanong ko.
Napakurap siya at kumamot sa batok. "Ah oo eh p—pero kasi gusto kong bumawi sa 'yo. Malakas kasi impact baka nga internal bleeding pa nangyari."
"Okay na 'yon, Kuya Chance. No big deal."
"Sure ka ba diyan?"
Tumango ako. "Una na ako."
"Sige," sabi niya at ngumiti. "Gusto mo, ihatid na kita? Pambawi lang."
Pinakita niya pa sa akin ang susi na hawak niya.
"Don't bother, Kuya. Kaya ko naman, salamat na lang."
Nginitian ko na lang siya at umalis na. Bagsak ang balikat ko pauwi. Ang aga-aga kong lumabas para lang doon. Nakakairita. Ewan ko ba.
Bakit ba ako nanghihinayang?
--
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro