Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 98

The short story is dedicated to Nicole Rosatase Javier. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 98

"Naniniwala ka ba sa long distance relationship?" I asked him.

Paulo's one of the exchange student of our school. Ipapadala siya sa ibang bansa para doon magpatuloy ng pag-aaral.

I was trying to break-up with him. Hindi ko na alam ang mangyayari sa amin sa sandaling maghiwalay kami. He could possibly meet someone else there. Sino ba naman ako para hindi niya palitan?

"Of course! With you, Nicole, anything is possible. Bakit ba parang wala kang tiwala sa relasyon natin? We've been together for almost eighteen years of our lives."

Magkababata kami ni Paolo, noong una ay talagang magkaibigan lang kami. We tried to hide our feelings for each other, but when he crossed it and took the risk, he realized that we were feeling the same.

Matagal na naming lihim na gusto ang isa't isa at kapwa kami natatakot na masira iyon kapag umamin kami.

"H-Hindi ba tayo mahihirapan? May mga pangarap ka, Paolo. I might be a hindrance for you."

Mas lalong kumunot ang noo niya sa akin. "Why do I have this feeling that you're pushing me away? Ako itong gusto pang magpatuloy ang relasyon na ito. It is just a distance. Uuwi pa rin naman ako."

Huminga ako nang malalim. "Let's be real, Paolo. You might meet someone else there, someone better than me. Totoo ang naririnig ko, natin. . . na hindi tayo bagay sa isa't isa. You're too perfect for someone like me— a nobody."

Iritadong napasabunot sa kanyang buhok si Paolo. "At kanino mo naman iyan narinig iyan? Sino sila para magdikta kung sino ang nababagay sa akin? I love you, Nicole. Simula pa lang nang mga bata tayo. Alam mo iyan."

Nang akma siyang lalapit sa akin ay humakbang na ako paatras sa kanya, ilang beses akong umiling at lumuluha na sa harapan niya. Hindi lang ito tungkol sa kanya, kundi pati na rin sa akin.

I want to grow. I want to prove to myself that I am better, that I can achieve something like him. Sa totoo lang ay ako mismo ang nanliliit sa sarili ko dahil sa mga tagumpay na nakukuha ni Paolo.

"I am sorry. . ."

Lumaglag ang balikat ni Paolo nang sabihin ko ang mga salitang iyon.

"Ganoon na lang? Dahil lang pupunta akong ibang bansa ay makikipaghiwalay ka na? Gaano kababa ang pagmamahal mo sa akin, Nicole?"

"W-We are still young, Paolo. Marami pa tayong priorities sa buhay bukod sa isa't isa. Kung tayo talaga. . . siguro tayo rin sa huli."

Siya naman ngayon ang umiiling sa akin.

"I want to grow as well, Paolo. I want to focus to myself. I know that this is wrong, but I am trying to compete with you. Gusto ko rin ang lahat ng nakukuha mo, masyado akong napapatingin sa lahat ng achievements mo na hindi ko na nagagawang tingnan kung ano pa ang mga bagay na kaya kong gawin. This is not about the distance or the people around us. I want to treat my own insecurities, at alam kong hindi ko iyon magagawa kung patuloy akong nakasunod sa anino mo. Let me go. I want to grow, Paolo."

Hindi ko na hinintay pa si Paolo na sagutin ang mga sinabi ko at tinalikuran ko na siya.

***

Anim na taon siguro ang lumipas bago kami muling nagkita ni Paolo, and he was not the same love sick boy who's willing to do everything for me.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa paligid ng iisang lamesa habang nag-iinuman ang dati naming mga kaklase kasama ang mga girlfriend o boyfriend nila. He was sitting beside this chinita girl and they were in flirty mode.

Bumulong si Miguel na siyang katabi ko. "Kinausap ka na ba niya, sis?"

He couldn't even recognize me. But that's impossible, right?

When my phone vibrated, nagpaalam muna ako sa kanilang lahat. Papunta na ako ng cr nang mapansin ko na may nakasunod na yabag sa akin. And when I turned to look at it, it was Paolo.

"Nicole, are you really not affected? Wala na ba talaga?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro