Chapter 91
The short story is dedicated to Jodi Villaraza. Thank you for helping me during the muting days!
Chapter 91
I've been reading different romance novels online. Lahat na siguro ng pinaka-nakakakilig na eksena ay nabasa ko na, pero hindi ko akalain na darating ang araw na mararanasan ko ang isang eksena na ilang beses ko nang sinabi na napaka-impossibleng mangyari sa totoong buhay.
Like, how can you possibly be stuck inside an elevator with a stranger for more than an hour? Dati'y nakakailang iling ako habang nagbabasa dahil sa maintenance ng mga malalaking kumpanya na nababasa ko. Sa paanong halos lampas isang oras ay hindi pa rin nila naaayos iyon?
Just for the twist and spice of a romance story, everything seems unrealistic. Pero dahil nga sa mga nakakakilig na eksena, hindi na iyon naiisip ng mga mambabasa.
But what now?
Nakailang hilamos na ako gamit ang aking dalawang palad. Halos sabunutan ko na rin ang sarili ko. Kanina ay nakakapag-message pa ako sa mga kaibigan ko, ngayon ay nawalan na rin ng signal.
And to make things worst? I am not simply with a stranger, but my damn childhood enemy!
"Come on, Jodi Villaraza, nahihilo na ako sa 'yo," tinabig ko ang kamay niya dahil itinapat niya sa mukha ko iyong flashlight ng phone niya.
"Nahihilo?! Kung huwag mo na lang kaya ako pansinin at ilawan para hindi mo 'ko makita?!" I continued slapping his hand with his phone, but he keeps on putting the flashlight on me!
Nagsimula na siyang tawanan ako habang hindi na matanggal ang pagkairita ko sa kanya. Gustung-gusto ko nang makauwi, sinigurado kong maaga kong matatapos iyong pinagawa sa akin ng manager.
Then, what? Mai-stuck lang ako sa elevator kasama ang damuhong 'to?!
Pinili kong umusod nang pagkakaupo palayo sa kanya, hinintay kong ilawan na naman niya ako ng flashlight pero ang tanging narinig ko'y ang buntonghininga niya.
"Jodi..."
"Ano ba talaga, Ricky?!"
Naulit ang buntonghininga niya. "Are you really that mad at me?"
Dapat ay pagtataasan ko na naman siya ng boses pero ako na mismo ang natigilan sa himig na boses niya na hindi ko inaasahan. He never used that tone with me. Madalas ay pang-aasar at paulit-ulit na pang-iinis lang ang pinararamdam niya sa akin, but why I sensed a little hurt from him?
"Ricky, what's wrong with you?"
"It's you, Jodi. You."
"Huh?"
"Ikaw at ang pakiramdam mo. Goodness! It's been years."
"What? Ano ba ang pinagsasabi mo riyan, Ricky?"
Hinintay kong ilawan niya na naman ang mukha ko pero ibinaba niya iyong phone niya dahilan kung bakit hindi ko makita ang buong reaksyon niya.
"Manhid ka ba? O kahit kailan ay hindi mo ako nakita bilang isang lalaki?"
"Huh?"
Akala ko'y magsasalita pa siya ngunit hindi ko na napansin ang mabilis niyang paglapit sa posisyon ko, ang tangi ko na lang naramdaman ay ang paglapat ng kamay niya sa kanang kamay kong nakapatong sa sahig.
"I like you, Jodi... I like you so much. I even chased you in this damned company that can't even fix a malfunctioned elevator."
Umawang ang bibig ko sa mga narinig ko. Isa na naman ba 'to sa mga kalokohan niya? Isa na naman ba 'to sa paraan ng pang-aasar niya sa akin?
"R-Ricky... are you fooling me?"
"I will never...Jodi."
Biglang nabuhay ang ilaw sa elevator, ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa tagiliran ko. Ang tanging nagawa ko na lang ay lumuha at tingnan ang sarili kong repleksyon.
Today's Ricky's first death anniversary.
That was his last day in life...his first confession that I didn't take seriously. He had an accident and regretted that I didn't embrace and accept him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro