Chapter 142
The short story is dedicated to Nathalie Pagaran. Thank you for reading my works!
Chapter 142
I saw how nervous my brother Seven was while he was driving. He was going to attend one of his friends' weddings. Dapat ay hindi na siya pupunta at hindi ko na siya sasamahan nang malaman namin kung kanino ikakasal ang kaibigan niyang bride. It was Alene's cousin.
Four years ago, they broke up. I thought they had a conversation about it, but it was late when I found out that my asshole brother kept her hanging. He was coward for not telling her the truth, kaya ngayon na magaling na siya at lumaban sa sakit para sa babaeng iniwan niya ay hindi na niya alam kung makababalik pa siya.
I told him that she probably had moved on, matagal na rin kasi ang four years at wala na kaming balita tungkol sa kanya dahil maging ako ay hindi na rin niya friends sa lahat ng socials niya.
"Are you ready?" Tanong ko kay Seven.
"I don't know, Nathalie."
Napabuntonghininga ako at napatingin sa labas ng bintana. Of course, she'd hate my brother. Mali naman talaga iyong ginawa niya kahit na iniisip niya rin ang kapakanan ni Alene.
Sa simbahan pa lang ay nakita na namin si Alene with her cousins, and she's literally radiating in sage green gown. Tulala lang iyong brother ko sa kanya buong misa, habang ako naman ay naghahanap ng guwapo roon.
At least, kung uuwing luhaan si kuya, baka naman ako ang magkaroon ng biglang boyfriend.
I looked for the groom's men until one caught my attention. He was tall, he looked shy, and his head was shaved. Probably a marine student. Napataas ang kilay ko, bagay naman sa dentistry student ang marine, ah?
Habang abala si kuya sa pagsunod ng tanaw kay Alene, nakasunod naman ang tingin ko roon sa matangkad na lalaki na Christian ang name nang itanong ng emcee.
I could say the way the gay emcee looked at him that he was his type among the groom's men. Kaya habang hindi ko na katabi si kuya tawa na ako nang tawa nang pinasasayaw sila at sapilitan siyang pinatindig sa unahan habang kinakapa ng isang abay iyong hairpin.
When they took the picture together, hindi sila bagay. Mas bagay kami. Kaya bago magyaya si Seven umuwi nang mag-usap na si ni Alene, naglakas na ako ng loob lumapit kay Christian kahit may mga kasama pa siya.
"Hi, can I get your IG?"
Nagsigawan ang mga kasama niya, even his adorable father looked proud of him. "Kuya, ikaw, ha?" Siniko niya si Christian at ngumiti sa akin. "Saan ka napasok, hija?"
"La Salle po."
"Pogi 'tong anak ko, mabait pa."
Napapatawa at napapayuko si Christian, ang Papa niya pa ang kumuha ng phone niya. "Bigay mo na, Kuya," sabi ng Papa niya. He must be the his firstborn.
"Pogi nga po. Kaya ko nga po kukunin ang IG niya."
Mas lalong nagsigawan ang lahat. When I got his IG, I smiled at him and winked. Lalo siyang inasar ng lahat.
Unlike me who had fun at that wedding, my kuya cried on my shoulders. I caressed his back. "Everything will be alright, Kuya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro