Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 138

The short story is dedicated to Katherine Kate Bu. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 138

It was one of my usual days. I was buried in front of my laptop, busy replying to my emails, when my mother asked me to call this number to ask for an appointment to fix her sewing machine. As someone who didn't work anymore, my mom's hobby was not just taking care of us— her children, she also loved to sew clothes and grow plants that gave her extra income.

Dahil alam namin na masaya siya sa ginawa niyang iyon, suportado kaming magkakapatid sa mga hilig niya.

"Natawagan mo na ba, Katherine?"

"Subukan ko ulit. Hindi kasi ako sinasagot."

Before I called the number, I messaged him na. His name was Michael. Ibinigay daw ito ng kaibigan niya na nag-aayos daw ng makina. Nang makapag-message ako sa kanya, agad kong nakita sa i-message na nabasa niya na iyon.

Kaya nang bigla itong tumawag ay agad ko iyong sinagot.

"Hello, good afternoon po, is this Sir Michael? Iyong nag-aayos po ng makina."

"Oh, wala po kasi ang nag-aayos ng mga makina at nasa labas lahat."

Surprisingly, his voice sounded younger. Tulad ng matandang nag-ayos ng makina ni mother dati.

"Kailan po kaya kayo available?"

"Puwede naman po tomorrow or any day. Basta dadalhin ninyo po ang unit dito sa amin."

"Oh, hindi po ba puwede na home service?"

"Actually, hindi pa po ulit kami tumatanggap ng home service since ang dami pa rin pong unit dito sa location namin. Busy na po ang mga mekaniko para umalis."

"Sayang naman. Anyway, thank you po."

Ibababa ko na sana ang tawag nang muli siyang nagsalita. "But we will try po, Ma'am, saan po ba ang location?"

Kumunot na ang noo ko. Siya na ang nagsabi na busy na ang mga mekaniko nila, bakit biglang nagbago ang isip?

Sumulyap ako kay mother na nasa kusina. She looked so happy that she would get to use her time sewing new clothes. Huminga ako nang malalim at ibinigay ko na ang location namin.

"We'll message you, Ma'am."

"Thank you."

Nang ibaba niya na ang tawag, doon ko lang napansin na parang narinig ko nang minsan ang pangalan niya.

Maaga pa lang ay gising na kami ni mother dahil nag-message na nang gabi iyong owner na around 7AM daw pupunta ang mekaniko nila. Kaya kapwa kami ni mother pasilip-silip sa terrace namin nang may mapansin na kaming naka-kotseng itim na umakyat sa compound namin.

Of course, buong relatives ko nagtaka kasi wala naman kaming inaakalang bisita sa bawat bahay, kaya nang tumigil iyon, ibiniba ang bintana ng sasakyan at dumungaw ang isang napakaputi, matangos ang ilong at nakashades na lalaki napatulala ako.

"Nasaan po rito si Ma'am Katherine?"

"Huh? Why?"

"Mag-aayos po ng sewing machine."

"Ikaw po?"

He nodded and smiled. Saglit kaming nagkatitigan ni mother bago namin siya pinapasok sa terrace. Pansin ko na nakasilip sa kanilang bintana ang mga pinsan ko dahil sa unang pagkakataon ay may pinatuloy kami ni mother lalaki sa bahay.

"Ate Katherine, manliligaw mo?!" sigaw ng isa kong pinsan.

Nanlaki ang mga mata ko. "No!"

Natawa iyong lalaki. "Wala po kasing available na mekaniko pero nakakapaggawa naman po ako."

My mother blinked. "Hindi ka mekaniko?"

Umiling siya. "Ako po iyong may-ari. Michael po."

***

"And that's how Michael and I met," huling sabi ko matapos kong ikuwento sa mga bisita kung paano kami nagkakilala ng asawa ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro