Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 132

The short story is dedicated to Dharlin Canillo. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 132

"Hindi ka ba nababaliw sa dami ng ginagawa mo?" Tanong ni Matthew.

Umiling ako. "Masaya naman ako sa ginagawa ko kahit marami."

Aside from being an employee, I have a business, and I am a sideline writer. Marami naman talaga akong ginagawa kaya napapaisip na rin ako kung bakit hindi pa ako hinihiwalayan nitong si Matthew.

Madalas na siyang nagyayaya sa akin makipagdate pero sinasabi ko sa kanyang busy ako, kaya pumupunta na lang siya rito sa stationary shop ko at tumutulong siya sa pagpi-print at pack ng stickers.

Huminga ako nang malalim, sumandal sa lamesa, at pinagkrus ko ang mga braso ko habang pinagmamasdan ang boyfriend ko. He's been my boyfriend since we were in high school. He's definitely my type, guwapong guwapo talaga siya noong high school kaya laking gulat ko nang ligawan niya ako, hindi naman kasi ako kagandahan.

"Stop staring at me. Nai-inlove ka na naman ba sa akin?"

"Hindi ka ba nagpapagod sa akin or nagsasawa?"

Natigili siya sa paggamit ng paper cut at tumitig sa akin. "Why? You're a smart woman and very passionate with her work. Tanga ko na lang kung magsasawa ako sa 'yo."

"You like me for that?"

Tumaas ang kilay niya sa akin. "I love you since high school kahit weirdo ka pa nang mga panahong iyon, well, until now."

"Ang sweet mo. Ano gusto mo? Libre kita."

Ngumuso siya. "You. Just give me your time."

"Huwag lang ngayong week, ah?"

"Sure."

"Alright. Trabaho! Kailangan natin kumita."

He chuckled and he continued cutting some paper. Humarap na rin ako sa laptop ko para tingnan ang orders.

Ganoon lang ang maghapon namin ni Matthew, siya na tumutulong sa akin at sumusunod sa mga utos ko. Hindi naman siya nagrereklamo at sunod lang nang sunod sa akin.

Nag-iinat na ako nang matapos ko nang kunin ang lahat ng orders ko. Naglalagay na siya ng stickers sa packaging nito, tumayo muna ako at bigla ko siyang niyakap. "Thank you so much, love. Don't worry, alipin kita ngayon, boyfriend na boyfriend kita mamayang gabi."

He laughed hard. Itinulak niya ang mukha ko. "Move, baka magkamali pa ang lagay ko."

"Hmm . . . pabebe pa."

Hinila ko ang upuan ko at inilapit ko iyon sa kanya. Pinagkrus ko ang mga hita ko at itinuon ko ang siko ko sa lamesa. Inilagay ko ang baba ko sa likuran ng kamay ko.

"You sure?"

"Are you flirting with me, Dharlin?"

"Why? Jowa naman kita. Bakit ba? Minsan lang ako lumambing sa 'yo, sige ka, baka biglang magbago ang isip ko."

Hindi pa rin siya tumitigil sa paglalagay ng stickers sa packaging nito. Para ko talaga siyang pinasasahod kahit hindi naman.

"I kept telling you na super suwerte mo sa akin, but I think it's the other way around, love. You have the patience, love . . ."

"Who else? Ako na lang ang magti-tiyaga sa 'yo."

Nanlaki ang mga mata ko at hinampas ko siya sa braso. "Excuse me?"

"Ouch. I was just kidding. As if I'll let anyone steal you away, I secured you since high school, Dharlin, there's no I'll let you go."

"Wow."

"Patay na patay ka talaga sa akin, noh?"

"Yes. And I vowed to love one woman in this lifetime, and that's you."

Nag-init ang pisngi ko at agad ko siyang hinalikan sa pisngi. "I love you too."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro