Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 130

The short story is dedicated to Jamila Nicole Flores. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 130

When our grandfather passed away our family didn't throw away his things— particularly his expensive clothes. Lalo na iyong mga jacket ni lolo. I remember when I managed to makipagbardagulan with my male cousins to get at least one of his jackets.

I sighed as I checked myself in front of the mirror, wearing my grandfather's gray jacket. Higit iyong malaki sa akin ngunit bagay sa akin, madalas ko pa nga itong naisususot sa opisina at napapansin ng mga katrabaho ko na maganda. Some of my friends were even asking me to arbor this na talagang tinatanggihan ko. Hindi nila alam ang hirap ko para makipag-agawan sa mga pinsan ko.

Isa pa, everytime that I wear this jacket, I remember my grandfather. He was the most generous grandfather at all, tanda ko pa dati na wala na akong pamasahe sa school at siya iyong nagbibigay sa akin ng baon. Sayang na nga lang at hindi umabot si lolo ngayong maginhawa na ang buhay namin ng mga kapatid ko.

How I wish I managed to spoil him, but I knew that he's always happy for us right now.

"Jamila, saan ka?"

"Daan lang ako saglit sa lolo tapos daan ako sa bank," sagot ko sa kapatid ko.

"Sure? Wala na naman kayong lakad ni Rochelle?"

I rolled my eyes. "Nah, nakalabas na kami kahapon. Masyado na kaming magastos kung aalis pa rin kami today."

I waved my hand and left the house. Dahil malapit lang ang cemetery hindi naman nagtagal ay nakarating na ako. Since makulimlim, hindi na ganoong mainit kaya nakatagal akong nakatawa habang nakatitig sa lapida ni lolo.

"Lolo, wala pa rin akong jowa. Baka naman ihahanap mo 'ko," biro ko.

I stayed there for at least fifteen before I left. Nagdiretso na ako sa banko at halos tatlong oras akong naroon dahil sa haba ng pila. Hindi na rin naman ako nagulat dahil lagi naman talagang mahaba ang pila sa bangko ng Pilipinas. Kaya noong nanirahan ako sa ibang bansa ay masyado na akong nawili doon.

I love the convenience of the other countries, hindi sila ganoon sa pila. Bukod sa may magandang proseso talaga sila ay disiplinado ang mga tao kaya hindi nila naabala ang isa't isa.

After I went to the bank I decided to go the department store, bought some shoes and a dress, bumili na rin ako ng pastries na pasalubong sa bahay. I stayed at one of the coffee shops in the mall and spent another thirty minutes there while scrolling on Instagram.

Dahil masyadong mainit ay tinagal ko muna ang jacket ko.

Hindi ko pa napangangahalati ang frappe ko nang tumawag ang kapatid ko at sinabi niyang umuwi na ako dahil ang dami ko daw delivery at wala daw siyang pambayad.

I rolled my eyes. Maybe she was thinking that I was with my friends that she didn't like at all.

"Sige na. Uuwi na."

Nagmamaneho na ako at nakalampas na ako sa isa pang mall nang nanlaki ang mga mata ko. I was not wearing my jacket!

"Where's my jacket?"

Itinabi ko ang sasakyan ko at tiningnan ko sa mga paper bag ko kung naroon at halos masabunutan ko ang sarili ko nang maalala kong ipinatong ko nga iyon sa isang upuan. "Shit!"

I took a U-turn. I could buy ten or even twenty new jackets, pero hindi noon matutumbasan ang jacket ng lolo ko. Pinaharurot ko ang sasakyan ko sa SM at halos lakad takbo ako patungo sa coffee shop.

I was about to go straight to the counter to ask when I saw someone holding my jacket and he was about to surrender it to one of the baristas.

"Oh god, that's mine! Thank you po!"

And when the man turned, it felt like the time had slowed down. He smiled at me, and he handed me the jacket.

"Saw it on the chair of my table, Miss."

"Oh . . . thank you po talaga." I awkwardly scratched my cheek.

Nang tanggapin ko ang jacket ay tumingin ako sa barista na nakangiti sa amin. "Do you want coffee? Libre na lang kita."

"Actually I just had one, but how about next time?"

The barista in front of us giggled. Biglang bumalik sa alaala ko ang saglit kong pagbisita kay lolo kanina. Napayuko ako sa hawak kong jacket. "Gosh, lolo, ang bilis!"

"Sure!"

Tumabi na kami ng lalaki at hiningi niya ang contacts ko. "I am Jameson, you are?"

"Jamila."

"It's nice meeting you, Jamila."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro