Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 118

The short story is dedicated to Liah Emirane Montes. Thank you for helping me during muting days!

Chapter 118

Life has been easy for me, friends kept telling me that if they were born again, they would wish to be in my place. Because who wouldn't? Hindi man siguro ako ipinanganak sa isang pamilya na sobrang yaman, marami pa rin ang hihiling na sana'y maabot man lang ang kinatatayuan ko.

My mom worked hard for the success of our family. Nasaksihan ko siyang naging simpleng tindera hanggang sa maging isa nang matagumpay na negosyante. Our business in the food industry has been successful for years, na hindi lang kami nito nabubuhay kundi nabibigyan na rin ng luho.

Anyone viewed me as that rich kid girl, na hindi na kailangan magtrabaho para mabuhay. Minsan nga ay inaasar pa ako sa opisina namin na ang isang entry level na katulad ko ay mas mayaman pa roon sa mga ilang taon nang manager na nagtatrabaho sa kumpanya.

"Alam mo, Liah, kahit ang yaman mo, we never felt the air around you. Iyong iba kasi na may pera, ang yabang yabang."

I laughed. "Hindi naman kasi ako ipinanganak na mayaman, at kahit ganoon, I don't think anyone can act like that. Naranasan ko maging mahirap, I've seen how my mom worked hard to give us comfortable life. I am proud we what she achieved in life, pero hindi sa paraan na ipagyayabang ko na. Hindi ko naman accomplishment iyon, kay Mother Lily lang, kaya nga nagtatrabaho ako. Gusto ko rin naman may mapatunayan."

Kinurot lang ng kaibigan kong si Joshua ang braso ko dahil pa-humble pa daw ako.

"Liah, wala ka pa rin talaga manliligaw?" Tanong ng manager namin during our lunch break.

"Paano naman iyan liligawan? Men will be intimidated. Mas mayaman pa sa kanya si Liah," sagot ni Joshua.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Ilang buwan pa lang kami magkakilala pero malapit na kami sa isa't isa. And he's been a good co-worker and a friend.

"Kung ipinakikilala mo na lang si Liah sa mga friends mo, Joshua? May mga kaibigan ka ba?"

"Hmm . . . I'll let Liah check muna. Choosy itong friend ko na 'to."

"Shut up, Joshua."

Maaga kaming nakatapos sa trabaho at hindi na namin kailangan mag-overtime. "Liah, puwede sumabay? Dadaan ka naman ng SM, hindi ba?"

I grimaced. "Yes. Pero hindi kita isasabay."

Tumawa siya at sumunod pa rin siya sa akin. "Sige na. Irereto na kita sa isa sa friends ko. I think he's rich too, para hindi ka naman lugi."

"Bakit kaya mas concern pa kayo sa love life ko?"

Tumawa lang siya. Hinayaan ko na siya sumakay sa sasakyan ko. "Bakit ka ba pupunta SM?"

"I'll meet a friend there. He's single by the way."

"Pake ko."

Habang nagmamaneho ako ay biglang may tumawag sa kanya. At base sa naintindihan ko, hindi magdadala ng sasakyan iyong friend niya dahil dinala daw ng kapatid.

"Hmm . . . Liah, puwede kaya na . . ."

I rolled my eyes. "Wow, ha? Pinasakay na kita may isasabay ka pa. Kapal."

"Bigyan na lang kita ng chocolate bukas."

"Itigil mo na lang muna dyan sa may 7-11, Liah," he awkwardly laughed.

Ibinaba na ni Joshua ang bintana. "Sakay ka na, bro."

Hindi ko naman tiningnan iyon kaibigan niya pero nang sandaling magsalita siya ay napatingin ako sa rearview mirror. Shit.

"Liah?"

"Oh, hi . . ."

Magkasunod tumingin sa amin si Joshua. "Kilala ninyo isa't isa."

"We're schoolmates—"

"She's my ex. Girlfriend mo siya, Joshua?"

"No," sagot ko.

"Ex mo si Marvin, Liah?"

This is awkward, but I nodded at Joshua. "Long time no see, Liah," sabi ni Marvin.

Binilisan ko na lang ang pagpapatakbo ng sasakyan dahil gusto ko na silang bumaba dalawa.

Surprisingly, Joshua was silent until I stopped the car in front of SM. Sumilip ako sa may bintana at kapwa nakatingin sa akin iyong dalawa. "Ingat, Liah."

I nodded at Joshua. "Kayo rin."

"Thank you, nice meeting you again, Liah."

Tipid akong ngumiti kay Marvin. Itinaas ko na ang bintana at nagmadali na akong umalis. I should kill Joshue tomorrow! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro