Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 114

The short story is dedicated to Marlene Joy Richards. Thank you for helping me during muting days!


Chapter 114

I'm with my friends and we decided to have some drinks since its Friday. Kung sabagay ito na naman talaga ang lagi naming ginagawa tuwing Biyernes, and I think we all deserve this one day walwal.

We rented a KTV bar and ordered a lot of foods and drinks. Halos hindi na nga kami magkarinigan dahil sa malakas na karaoke at sa sintonadong boses ng kaibigan kong si Tazzy, dahil mukhang brokehearted na naman sa ikatlo niyang boyfriend.

"We're not getting younger pero puro mga single pa rin tayo!" natatawang sabi ni Agnes.

And she was right about it, we all are about to hit our 30s. At lahat kami ay walang stable na relasyon. Buong akala nga namin ay si Tazzy na ang mauuna sa aming lahat, pero mukhang nagkakamali kami, with her situation right now.

Kumuha ulit ako ng bote at agad iyong binuksan, ganoon din sina Agnes and Jiana. At sabay-sabay kaming uminom na tila wala nang bukas kasabay nang nakabibinging kanta ni Tazzy.

Hindi rin nagtagal ay tumayo na rin kami at nagsayawan na habang pinalilibutan si Tazzy. We're all dancing, jumping, and shouting with the lyrics. Halos ilang beses pa kaming natumba habang tumatawa sa isa't isa.

"Who's gonna drive then?" tanong ko sa kanila. Pero wala nang nagawang makasagot sa akin, dahil kung hindi sila abala sa pagsayaw at pagkanta ay naroon na rin ang atensyon nila sa alak.

Ramdam ko na ang pag-ikot ng paligid ko at alam kong anumang oras ay masusuka na ako dahil sa kanina pa naming pagtalon. Pumunta muna ako sa sofa para tingnan ang phone ko sa aking bag at nang makita ko ang oras, halos tatlong oras na pala kaming nag-iinom doon.

"I'll go to the restroom muna, girls!"

Wala namang sumagot sa kanila kaya lumabas na rin ako ng kuwarto namin. Halos nakasandal na ako sa pader habang nililinga kung nasaan nga ba iyong cr. Saan ko nga ba iyon nakita?

Nagsimula na akong maglakad at nakadalawang beses akong nakarating sa dead end bago ko nakita ang comfort room ng babae at lalaki.

"Alright. I can do it."

Huminga ako nang malalim at pilit kong pinatayo ang sarili ko na parang hindi ako lasing pero ramdam kong parang babagsak na talaga ang mga talukap ng mga mata ko.

"Kaya mo 'yan, Marlene Joy!"

Hinawi ko ang buhok ko at taas noo akong naglakad patungo sa cr. But the moment I entered the comfort room, I suddenly froze as my eyes slowly looked down.

Malakas akong napasigaw kasabay ng lalaking nagmamadaling magtaas ng zipper ng kanyang pantalon. At habang nagsisigaw ako roon bigla na lang nakaramdam nang hindi tama, kaya agad kong sinapo ang bibig ko.

"Oh, shit!" rinig kong sabi ng lalaki.

Nagtungo ang mga mata ko sa lababo at tumakbo na ako roon. I started to vomit with vision swirling around. Hindi ko na nabilang pa kung nakailang suka pa ako, dahil ang tangi ko na lang natandaan ay ang pagkatumba ko at ang ilang beses na mura ng boses ng lalaki.

***

And in the next morning, I woke up on an unfamiliar bed. Kung iniisip ninyo na nagising ako sa mamahaling condo ng lalaking nakita ko ang. . . you're wrong. I woke up inside one of my friends room, si Tazzy na hindi nag-i-invite sa kanila noon pa man.

"You know Vico?"

"Sino iyon?" tanong ko habang sapo ang noo ko.

"Siya lang naman ang inabala mo kagabi. He's asking for a payment."

"Payment for what?"

"Sinukahan mo siya sa damit niya."

"Oh. . ."

"That's why I gave him your contact number."

"W-What?"

My friend nodded. "And actually, he's already outside. Hinihintay ka na niya."

"WHAT?! You sold me!"

"Come on, don't be too exaggerated, Marlene. Baka siya na forever mo."

Hindi ko alam kung nagbibiro lang si Tazzy kaya nagmadali akong bumaba sa kama para silipin sa labas kung naroon nga iyong si Vico at natulala na lang ako nang makitang nagka-kape siya sa sofa habang kausap ang magulang ng kaibigan ko.

"Gising na pala si Marlene. Hija, bilisan mo na. Narito na ang boyfriend mo, bakit hindi mo naman sinabi na napaka-gwapo ng boyfriend mo. May kapatid ka ba, Vico? Baka may ipapakilala ka sa aming anak na si Tazzy."

"I have cousins, don't worry po."

Nang lumingon si Vico sa akin ay tipid kumunot ang noo niya sa akin. "Hurry up, we still have a date, babe."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro