63 - HMS Argyll
The short story is dedicated to Gwyneth Coronel. Thank you for helping me during the muting days!
Chapter 63
"Gwyneth, sasama ka ba sa birthday party?" Peral asked me for the nth time.
I told her a lot of times not to ask me again. Dahil iisa lang naman ang sasabihin ko. It's a no.
I rolled my eyes on her, pulled my thick blanket and covered it tightly around me.
"Sige na. Alam mo ba na ilang ulit nagpunta rito si Relyn at Nelanie? They are expecting us! Makisama ka naman sa kanila."
"Sabihin mo na lang na masama ang pakiramdam ko."
Naramdaman ko na pumunta siya sa kama ko, hanggang sa yugyog na niya ako.
"Bumangon ka na kasi riyan! There are boys out there! Baka makahanap ka ng forever!"
"Damn the forever, Peral! Mas gusto ko pang matulog!"
"Ano ka ba?! Magagalit sa 'yo iyong mga tao. Kapag hindi ka sumama, hindi rin ako sasama."
Marahas akong napabangon sa sinabi niya. "Ano ba naman kasi iyan?!"
Ngumisi siya sa akin at sinimulan na niyang hilahin ang braso ko. "Take a bath and fix youself. Susunduin na tayo mamaya ng mga baliw na kaibigan natin."
Muling umikot ang mga mata ko. Wala akong pinagpilian kundi bumangon, maligo at ayusin ang sarili ko.
Since I am a slow poke. Nakarating na lahat ng mga kasama namin, hindi pa ako tapos maligo. So they waited for me as I picked my clothes to wear.
Buong biyahe papunta sa birthday party ay tahimik lang ako at nang dumating ako, agad akong humiwalay sa karamihan ng tao at pinili kong magtungo sa sulok.
Sinabi ko sa sarili ko na mamaya na lang ako magpapakita sa may birthday. Afterall, they're busy with their active visitors.
I smirked a lot of times as the crowd gets wilders. Lalo na sa paglakas at pabilis ng beat ng music. May nagsasabuyan na nga ng alak dahil sa sobrang pagsasaya nila.
How I missed my thick blanket.
Panay ako sa pagtikim ng desserts at iba't ibang uri ng prutas na hinati-hati nila.
"Alone?"
Wala sa sarili akong lumingon sa pinanggalingan ng boses. I glanced at the free chair beside me. "Dear, hindi ka ata niya nakikita. Say hi..."
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Hi dear, can I join you two?" pagsakay niya sa sinabi ko.
Hindi na ako nagsalita pero umupo siya roon sa isa pang upuan. "Bakit hindi ka sumasali sa kanila? They're all having fun."
"I am also having fun... this..." itinuro ko ang mga nakahilerang pagkain sa lamesa.
Ngumuso siya. "You're an introvert, I think..."
"Yeah..."
"Ganyan ang mga gusto ko, mga introvert na kumakain ng prutas..."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hindi kita gusto." Mabilis kong sagot.
He laughed. I don't know why I suddenly heard it clearly with the loud noise all around us. But I heard it fucking clearly.
What the hell?
Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "I am Tommy, and you are?"
Sa halip na kamayan siya, tinapik ko na lang ang palad niya. "Gwyneth."
"By the way, Gwyneth. I am Relyn's brother. I made those sweets, so happy that you liked it." Halos mabulunan ako sa sinabi niya.
"W-What?"
"Yes. Been looking at you from afar, ikaw iyong laging wala sa sariling kaibigan ng kapatid ko, right? Laging tulala at may sariling mundo."
Napasinghap ako. "You're a stalker..."
"Nah. Madali ka lang mapansin. Bukod sa... hmmm... you're quite pretty, you're unique."
Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng pisngi ko. "Stop it."
He laughed again. "Wanna go somewhere?"
"Where?"
"Somewhere quiet. Tayo lang dalawa."
Umirap muli ako bago uminom ng tubig. "No way."
Nagkunwari na lang akong susubo ulit ng prutas, pero mabilis siyang yumuko at sinubo iyon. Bago ko pa siya paulanan ng mura ay agad siyang natayo at mabilis akong iniwan sa lamesa.
"What the hell!"
Bigla na siyang nawala na parang lumapit lang siya sa akin para guluhin ako. Akala ko ay mananatili na akong tahimik pero nagkakamali ako. Biglang natigil ang malakas na tugtugan at boses ng lalaking iyon ang narinig ko.
"Gwyneth Coronel, I think I like you... I'll court you starting tomorrow." Biglang nalipat sa akin ang spotlight.
Nanlaki ang mga mata ko. Napunta sa akin ang atensyon ng lahat habang nagsisigawan sa kilig.
"Sana ol, nagpunta lang sa dulo may manliligaw na!"
"Say yes!" ulit ng karamihan.
Dumiin ang titig ko sa lalaking nasa unahan. He used the damn crowd! "No..."
"Iyan ang gusto ko... nagpapakipot..."
"Tang ina ka."
Nagsigawan ulit ang mga tao. "You don't need to say yes or no. I am not asking for a permission, babe. I am just marking you. So, to anyone who's eyeing her... man, ako ang manliligaw. Back off."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro