54 - HMS Albion
The short story is dedicated to Bea Lagonsin. Thank you for helping me during the muting days!
Chapter 54
I harshly closed the door, went straight in front of the refrigerator, opened a bottled mineral water, and drink it straightly.
I wiped my lips as I placed the empty bottle on the table. It's been weeks when I started riding a bicycle and until now, I am still stumbling to left and right.
I couldn't help but feel annoyed as my friends wandered around free, while here I am, stuck in this place with my nerd friend fixed in front of her laptop.
"What's wrong, Bea? Bumabagsak ka pa rin?" she asked.
"Oo. Sinusunod ko naman ang sinasabi n'yo, bakit hindi pa rin ako maka-pedal?"
Minsan naiisip ko na sana ako na lang iyong marunong mag-bike at hindi itong kaibigan ko na hindi naman lumalabas, sana kasama ako ngayon ng iba naming kaibigan.
"Just practice again. Hindi ka matututo kapag hindi ka nagpractice."
"How about you? Paano ka natuto niyan? Lagi ka namang nakaharap sa laptop mo?"
Ngumisi siya. "Secret..."
Naligo lang ako ng halos kalahating oras bago ako bumalik sa pagpa-practice. Nakalimang bagsak na ako at nagmumura na ako sa pagtatayo ng bike nang may ibang kamay na humawak doon at tinulungan ako.
"Are you okay?"
Nawala iyong pagkakahawak ko sa bike at napatitig na ako sa lalaking kaharap ko. Itinayo niya nang maayos iyong at hinawakan niya ang likuran nito.
"Huh?"
"Come on, I'll help you."
"Huh?"
"I said... tuturuan kita. I'm worried, may mga dumadaang mga bata rito. Baka bigla mong mabangga sa pagpa-practice mo. I have my nieces and nephews here."
"Oh... I'm sorry. Sa iba na lang ako magpa-practice..."
Aagawin ko na sana iyong bike ko pero hindi niya iyon binitawan. "It's okay. Wala rin naman akong ginagawa."
Nagtitigan kami ng ilang segundo. Akala ko ay mananalo ako sa kanya, pero hindi niya talaga ako hinayaan.
Unang tingin ko sa kanya ay akala ko ay gwapo. Hindi naman pala, sobrang sungit at bossy!
Hindi naman ako bulag. Bakit ko naman babanggain ang mga bata?
Pagkasakay ko, huminga ako ng malalim, ramdam ko na mariin niyang hinawakan ang likuran para hindi ako matumba.
"All you need to do is to balance. At huwag mo agad ibaba ang paa mo, kapag pumedal ka ng isa, i-pedal mo ulit. Don't be afraid, nasa likuran ako."
Kikiligin na sana ako dapat, pero ang paraan ng pagkakasabi niya ay pautos. Close ba kami ng lalaking 'to?
Sinimulan ko ng pumedal, naroon pa rin siya sa likuran at nakagabay sa akin.
"Ang tagal mon ang nagpa-practice hindi ka pa rin makadiretso."
Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Paano niya nalaman? Taga rito ba ang lalaking 'to? Bakit ngayon ko lang siya nakita?
"Balance! Huwag mo masyadong igalaw ang katawan mo! Look forward!"
"Ginagawa ko na! Natutumba pa rin ako!"
"Just do it."
Dahil mukhang gigil na sa akin ang lalaki, ginawa ko lahat ng makakaya ko at sinunod ang mga sinasabi niya.
"Sige lang... go on... dahan-dahanin mo... 'wag mong bilisan agad..."
Alam ko naman na walang ibig sabihin iyon at tungkol lang sa pagba-bike ang sinasabi niya pero ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
Pedal pa rin ako ng pedal nang biglang nagbago iyong sinasabi niya. "So tell me your name..."
"Huh?"
"Your name..."
"B-Bea..."
"Hmm... so... single?"
"W-What?"
"Taken? Bibitawan ko 'to."
Nanlaki ang mga mata ko. "W-What? I am single! Gago!"
He chuckled. "Nice to meet you, Bea. I am Miguel. Your new neighbor."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro