5 - USS Constitution 1797
The short story is dedicated to Andrea Gail Sumaoang. Thank you for helping me during the muting days!
USS Constitution 1797
"Shit," mura ko nang pinili kong bumangon mula sa kama ng school clinic namin.
I was actually not feeling well but I really need to attend this certain class, dahil may quiz kami rito. My professor was quite strict in terms of attendance, lalo na kung may quiz. Kahit may valid reason, hindi niya binibigyan ng special quiz.
Hindi ako pinayagan ng gwapo naming school doctor na si Dr. Will Medrano, but I insisted. Sa katunayan ay nakapamaywang na ito sa akin at naiiling.
"I'll tell this to Jairah, Andrea." I rolled my eyes.
Jairah's my bestfriend, student assistant siya ng clinic na ito and she's actually dating this hot doctor secretly. Bagay naman sila, isa pa bata pa naman itong si Dr. Medrano and I can feel his sincerity and love for my dear friend.
"Doc, kilala niya si Dr. Sarmiento. Sayang ang grades, give me my things. Ikaw ang sisihin ko kapag bumagsak ako. I'll tell this to Jairah." Siya naman ngayon ang naalarma sa sinabi ko.
Who would expect that this hot doctor is quite under to a college girl? Kung sabagay, maganda si Jairah at matalino.
"Alright, here." Inabot niya sa akin ang gamit ko. "And please, kindly give this to her. This whistle is her lucky charm, naiwan niya."
"Okay,"
Kalalabas ko pa lamang ng clinic nang may muntik na akong mabangga na grade schooler na nakasuot ng hat at may nasabit na sunflower sa kanyang tenga.
She stopped walking and looked straight in my eyes.
"What? Nagmamadali ako."
"Can you please unlock my bag? Hindi ko mabuksan ate. My money is inside." Inabot niya sa akin ang maliit na susi ng kanyang bag na hila.
Bumuntong hininga ako at marahang naupo para buksan ang bag niya. Hindi pa naman ako late.
Nang sandaling maipasok ko na ang susi sa padlock at maikot ito hanggang mabuksan, narinig kong bumulong ang batang babae.
"Welcome aboard!"
"What?"
Nang sandaling mag-angat ako ng tingin ay wala na ako sa harap ng school clinic sa halip ay nasa isang madilim akong lugar at halos mapasigaw ako nang may humawak ng kung na mga kamay sa rehas na nasa harapan ko.
"Shit!"
"Come on faster, open this damn door. I am not drunk Andrea, please?" p-paano niya ako nakilala?
"W-Who are you?"
"God, I thought everyone's telling me that I'm drunk? That's actually you babe, come on. Release me here, I won't do anything bad. I promise."
Muli akong suminghap nang ilapat ng lalaki ang mukha niya sa rehas. Damn this drunken man, but he's actually handsome.
Napansin ko na may hawak akong susi. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil natagpuan ko na lamang itong binubuksan ang kandado.
What the hell Andrea?
Nang sandaling mabuksan ito, marahas nabuksan ang rehas. I was expecting that the handsome drunken man will run but he just pulled me inside his cell and kissed me torridly.
God! He's a damn good kisser!
"W-Wait!" agad ko siyang itinulak nang nabubuksan na niya ang butones ko.
"Hanggang kailan tayo magtatago? Tell to your father our relationship, ilang beses akong magpapakalunod sa alak para mawala ang sakit, Andrea? Why can't you fight with me? Because I was a lower rank? Hindi kasing taas ng lalaking nais niya para sa'yo?"
"No!" fuck? What the hell Andrea?
"Then prove it,"
"Anong prove it?"
"Prove it to me Andrea, that you're mine. That you belonged to someone named Nolan."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman kong pumasok ang kanyang kamay sa ilalim ng damit ko. I tried to stop him, pero kusang bumigay ang sarili ko.
I gave him the key. At siya na mismo ang nag-lock muli ng kanyang kulungan. We hid ourselves at the darkest part of the cell.
And proved everything to him. I gave in and let myself melt in his deep kisses.
I surrendered my whole to him and being one with him was one of the happiest yet confusing part of my life. Ngayon ko man siya nakilala, napupuno man ako ng katanungan, may parte sa sarili kong sumisigaw na pagmamay-ari niya ako.
His lips never left mine to silence my continuous moans.
Nagising kami dahil sa maliit na sinag ng araw sa aming mukha mula sa bintana ng selda.
"Where are we?" tanong ko sa kanya. Sumasakit ang buo kong katawan.
"Ship owned by your dad, Constitution 1797. Nakalimot ka na agad." Humalik siya sa pisngi ko.
"I feel sore, you're too big."
"I won't say sorry for that," natatawang sabi niya.
Mas lumapit ako sa kanya at iniyakap ko ang aking katawan sa matipuno niyang katawan. Nabalot kami sa isang luma at manipis na kumot.
"But I enjoyed," ngising sagot ko.
Muli pa sana akong hahalik sa kanya nang marinig namin ang marahas na pagbubukas ng selda.
Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko ang isang lalaki. He looked like my father! And the other one was his friend's son! Ang kaedad kong ayaw na ayaw ni mommy na ipinapares sa akin!
"Oh god, no. Please let me explain!"
"You disgraceful child!" sigaw ng lalaking kahawig ni Daddy.
"I just used her! I don't love her! She's just a shitlike spoiled, have her back. I was actually after her virginity."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at sa mismong harapan ko ay hindi lang isa kundi tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang tumama ka kanya.
Tuluyan na akong natulala.
No..
"Get up Andrea, let's go! Magpasalamat ka na may lalaking tatayo para sa'yo sa sandaling magbunga ang kahihiyang ginawa mo."
Hindi ako nakapagsalita, sa halip ay naramdaman kong may malamig na bagay sa aking kamay.
When I looked at it, I saw the key. Nakaukit dito ang ilang letra.
I love you
Isang malamig na pagbuhos ng tubig ang gumising sa akin.
"Andrea, oh my god! Andrea!" sinampal na ako.
Until I saw Jairah. Napahinga siya nang maluwag nang matauhan ako.
"Where's the kid? The girl with sunflower?" tanong ko. Hawak ko pa rin ang susi.
Napatitig sa akin si Jairah.
"It couldn't be, nakita mo rin siya? Where have you been? Saang barko ka niya dinala?" hinaplos niya ang mukha ko.
"Hindi ko alam, anong nangyayari Jairah? Who is that kid?!"
Umiling sa akin si Jairah.
"Hindi ko rin alam,"
Dahil sa nangyari sa akin, hindi na ako pumasok. Halos humarurot na ang sasakyan ko sa pagmamaneho at nakailang overtake na ako.
Pero bigla na lamang may biglang sumulpot na sasakyan. Agad kong kinabig ang sasakyan ko at para hindi na ako makahakot pa nang aksidente, sinadya ko nang ibangga sa may malapit na puno ang aking sasakyan.
"Damn!" ilang beses kong hinampas ang aking manibela.
"Fuck! Fuck!"
Marahas na katok sa bintana ang umabala sa akin, bahagya na itong bukas kaya naririnig ko ang singhal ng driver.
"Magkano ang lisensiya mo? Bibilhin ko na! Huwag ka nang magmaneho! Ayusin mo sa kalsada miss! Paano kung naadamay ako?! Muntik na!"
"Nabangga ka ba? Nabangga ka? Hindi ba at umiwas akong gago ka?!" sigaw ko pabalik.
Nang lumingon ako sa kanya ay tuluyan na akong lumuha.
"N-Nolan?"
"Shit, wag mo akong iyakan miss! Dadalhin na ba kita sa hospital?"
"That's it? That's it? Yan lang ang sasabihin mo sa akin, after you devirginized me?" kinagat ng lalaki ang kanyang pang-ibabang labi.
Yes, I'm talking fool in front of him. Ano nga ba itong sinasabi ko?
"That was hundred years ago, Andrea. God babe, I've been looking for you."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro