43 - IJN Akagi 1927
The short story that will be posted here will be dedicated to Rica Mae Particle. Thank you for helping me during the muting days!
Chapter 43
Humalo ang musika sa hampas ng mga alon, yumakap ang malamig ng simoy ng hangin at nagyaman ang sinag ng buwan.
Ibinukas ko ang aking pamaypay at itinakip ito sa aking mukha nang sandaling saglit na maglandas sa aking mga mata ang kanyang kabuuan.
Kahit sa malayo ay agad kong makikilala ang lalaking minsan kong minahal, si Joaquin. Ang lalaking piniling maglakbay sa kalawakan ng karagatan at iwan akong nag-iisa sa isang malungkot na isla.
Kumusta na kaya ito? Sa kanya kayang paglalakbay ay may nakilala siyang dalaga? O may kasintahan na kaya ito?
Nagtungo ako sa mahabang lamesa upang kumuha ng inumin, muli ko siyang sinulyapan mula sa malayo, kasalukuyan na siyang nakikipagtawanan ng mga kapwa niya mga manlalakbay.
Hindi ko akalaing makikita ko pa siya sa barkong ito, buong akala ko ay nasa ibang panig na ito ng mundo. Kung sabagay, hindi palalampasin ng isang negosanteng maglalakbay ang oportinidad sa pagdiriwang na ito upang makakilala ng mga kapwa negosyante.
Mapait akong ngumiti nang muli ko siyang sulyapan, ilang taon na at marami nang nagbago sa pagitan namin. Hindi na siya ang binatilyong minahal ko noon, isa na siyang may pangalang tao.
Bakit nga ba nagulat ba ako nang iwan niya ako nang walang paalam? Simula nang makilala ko siya ay inilahad na niya sa akin ang kanyang mga pangarap at wala rito ang pag-ibig.
Isa siyang lalaking mataas ang ambisyon sa buhay at hindi siya titigil hagga't isa na siya sa pinakamataas.
At ngayong nakamit na niya? Masaya ka na kaya ngayon, Joaquin?
Nagtungo na ako sa mga kababaihan at pinili kong sumali sa kanilang usapan, nakamamangha na si Joaquin ang kanilang usapan.
Iiwasan ko na sanang makarinig ng kahit ano sa kanya at magtutungo na lamang sa dulong parte ng barko nang makarinig ako ng nakapagpatigil sa akin.
"Wala pa siyang kasintahan? Seryoso?"
"Ang balita ko pa'y nandito siya upang humanap ng mapapangasawa." Mahinang naghagikhikan ang grupo ng mga kababaihan sa impormasyong ito.
Nang sandaling sumulyap akong muli sa posisyon ni Joaquin kanina ay halos mawalan ako ng panimbang nang magtama ang aming mga mata.
Buong akala ko ay ako lamang ang lubos na maapektuhan, ngunit ngayo'y kasalukuyan na siyang naglalakad patungo sa akin.
Biglang tumunog ang panibagong uri ng musika at nang tumingin ako sa paligid ay karamihan sa mga kalalakihan ay humihingi ng sayaw sa mga kababaihan na nagtatago sa kanilang mga pamaypay.
Nagwala ang pagtibok ng puso ko habang pilit nilalampasan ni Joaquin ang dagat ng mga taong nagsasayawan sa bulwagan para lamang maabot ako, hindi ko magawang makagalaw at nanatili lamang akong nakatayo at nakatitig sa kanya.
Ilang taon na rin ang nakalilipas... ngunit siya pa rin... si Joaquin pa rin ang isinisigaw ng puso ko.
Mahal na mahal ko pa rin siya sa kabila ng ginawa niya sa akin...
Naglandas ang mainit na luha mula sa aking mga mata. Ngumiti sa akin si Joaquin habang patuloy siyang lumalapit at nang sandaling ilang hakbang na lang siya sa akin, inilahad niya ang kanyang kamay.
"Maaari ba kitang—"
"Rica, mahal!" pumulupot ang pamilyar na braso ng aking asawa.
"Maaari ko bang isayaw ang aking magandang asawa?" saglit itong sumulyap kay Joaquin at ngumiti ito.
"Maiwan ka muna namin, Mr. Lastimossa." Sumunod ako kay Julian.
Hanggang sa susunod na ating buhay, Joaquin...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro