4 - USS Enterprise 1936
The short story that will be posted here will be dedicated to Jairah May Angara. Thank you for helping me during the muting days!
4 – USS Enterprise 1936
"Thank you po Ma'am!" agad na sabi ko matapos kong mapapirmahan ang dokumentong ipinadala sa akin ng clinic.
Lalabas na sana ako sa Finance Office nang matigilan ako at halos mapatalon sa nakamaskarang lalaki.
"Oh my god!" napahawak ako sa aking dibdib.
Tinanggal ng lalaki ang kanyang mascara at ngumisi ito sa akin. He's our student council President. Cael.
"Hi Jairah, sipag mo talaga. Join some of our events, huwag lagi office." Kilala siya ng mga student assistant na kagaya ko, dahil karamihan sa mga proyekto niya dito sa school ay hindi niya nakakalimutang bigyan ng pagkakataong makasali kaming mga SA.
Isa pa, dati ko siyang kapitbahay.
"What's with the mask?" natatawang sabi ko.
"I don't know, I just have a sudden urge to wear it."
"Hindi ba at puro mascara ang naka-feature sa section ni Airene Mallari?" He blushed.
Matagal na niyang gusto si Airene Mallari, pero hindi niya maligawan ito. Torpe. But he's in a relationship right now, sa pagkakaalam ko hindi niya ito nilagawan.
Kumalat na lang bigla na sila na ni Cynthia Lacosta. Kilala ko si Cael, he hates too much conversation kaya isinarado na niya ang usapan at ibinagsak na sila na ni Cynthia.
"Yeah, I got met her yesterday."
"Oh, nilapitan mo?" nag-iwas ito ng tingin sa akin.
Nakakatuwang isipin na ang tinitingalang student council president na pinagpapantasyahan ng maraming kababaihan ay isa palang torpe.
"And I gave her lies,"
"Lies?"
"I don't know Jairah, sinabi niya sa akin na parang nagkita na kami. But I told her that I wished that we've met sooner, kahit matagal ko na siyang kilala. Damn girl, I hope she can also see our connection with the past. Hindi ko alam kung papaano ko ipaliliwanag sa kanya."
Cael often talks weird, pero dahil mabait naman siya ay hinahayaan ko na lang.
"Lapitan mo na kasi. And please? Are you serious with Cynthia? Kung anuman ang nakita mo sa nakaraan, siguradong mauulit 'yan kung hindi ka kikilos." Namutla siya sa sinabi ko.
"I'll go now, marami pa akong gagawin." Iniwan ko na si Cael sa harap ng accounting office.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa clinic nang marinig ko ang tawag ng head nurse.
"Jairah!"
Nagmadali akong pumasok sa clinic at tumakbo sa kanya para sa sunod na utos.
I am a student assistant, sa college clinic ako na-assign. May grade school na batang babae na walang tigil sa pag-iyak habang dumudugo ang kanyang tuhod.
Agad kong napansin ang bracelet nito dahil malaki ang design na sunflower, mas malaki pa sa kamay niya. Hirap na hirap siya sa pag-iyak habang pinunpunasan ang sarili niyang luha.
"I'm gonna die! I'm gonna die!"
"No, you're not." Inaalo siya ng head nurse.
"No, I'm gonna die!"
"Can I remove your beautiful hat? Pawis na pawis ka."
"No! no! I'm gonna die!"
"Yes po?" nag-aalangan pa ako kung lalapit ba ako o hindi.
"Kunin mo ang bulak sa stock room, naubusan pala tayo."
Sumunod ako sa sinabi ng head nurse, halos takbuhin ko na ang bulak para maabot sa kanya.
"I want her! Siya ang gusto kong mag-clean ng wounds ko." Maarteng sabi ng bata.
Spoiled brat kid.
"Ako na po, para magawa nyo na rin ang ginagawa nyo. Madali lang naman po ito." Dahil masyado nang iritado ang head nurse ay hinayaan niya na ako sa harapan ng bata.
She's wearing a whistle, P. E class kasi nila. Pero ang init talaga ng sombrero niya.
"Can you blow this whistle for me?" itinapat niya sa akin ang pito.
"No, maingay. Magagalit si nurse." Sabi ko rito.
Pansin ko na iiyak na naman siya kaya mabilis kong hinawakan ang pito. I blew it slowly, para hindi ito maingay nang malakas.
Pansin ko na inilagay ng batang babae ang kanyang kamay sa akin at bumulong ito.
"Welcome aboard Ate!"
"What?"
Nang nag-angat ako ng paningin ay halos mabingi ako sa malakas na sirena ng mga barko. Putukan ng mga kanyon at putok ng mga baril, yumayanig na lupa at nagkakagulo mga nakaputing babae.
"Jairah! Come on help us! These soldiers need to survive!" sigaw ng babae sa akin.
Wala sa sarili akong tumakbo at tumulong sa pagtutulak ng stretcher.
"From which ship are they?" tanong pa ng isang babae.
Lahat kami ay nakaputi, kung hindi ako nagkakamali ay mga nurse kami. Wala na akong panahong magtanong at magtaka sa mga pangyayari dahil natatagpuan ko na lamang ang sarili kong tumutulong sa mga sugatan.
"They are from USS Enterprise 1936, the pearl habor is now on red alert! Everyone please help them survive!" sigaw ng doctor na nasa unahan.
Punong-puno ng sigaw mula sa sakit, daing at iyak ang buong lugar. Kakaunti lamang kami pero pinipilit naming tumulong.
Pero pansin kong sa kabila ng aking pagtulong ay may kung anong hinahanap ang aking sarili.
"Jairah, I saw William. He's still alive, don't lose hope." Sinong William?
Nanatili akong hindi nagsasalita habang ginagamot ang lalaki.
"Jairah! William's here!"
Nanlaki ang mga mata ko nang may panibagong sundalo ang pinasok na nasa stretcher.
Suminghap ako at kusang tumakbo ang aking mga paa. Nanlambot ang puso ko nang makitang nakapikit na ang mga mata nito, punong-puno ng dugo ang kanyang mukha.
Lumapit ang doctor at tinulungan ako. Kusang humawak ang aking mga kamay habang habol ang lalaki.
"Jairah..love..I came back, I came back for you."
Nang muli ko siyang pinagmasdan ay humagulhol na ako sa pag-iyak, wala na siyang mga paa.
"No.." dinala ko sa aking mga pisngi ang kanyang mga kamay.
"William.."
"But—but I'm afraid I can't be your man anymore."
"No, William please.."
"Love, promise me to fall in love again. Promise me.."
"I can't William, I can't.."
Ngumisi siya sa akin sa kabila nang paghihirap sa kanyang mukha.
"Then fall in love with me again for our next life. Hasta la vista, amore."
Kusa nang bumitaw ang kanyang mga kamay sa akin.
Bumalik lamang ako sa aking katinuan nang isang marahas na pagtulak ang ibinigay sa akin ng bata at walang pasabi itong tumakbo papalabas sa clinic.
"Ouch!"
"Ang pilyo talaga ng batang 'yon." Kumento ng head nurse.
"Pilya po, masyadong pilya ang batang babaeng 'yon."
"Babae? Batang lalaki ang kausapn mo kanina. Si Jonathan Aranse, 'yong anak ng staff sa accounting. Are you dreaming Jairah? Tumayo ka na dyan, marami pa tayong gagawin."
"What? Babae po ang ginamot ko." Bumuntong hininga ang head nurse.
"Jairah, uminom ka muna ng tubig. Anyway, tumayo ka muna dyan. May ipakikilala ako sa'yo."
Sumunod ako sa head nurse namin at nagtuloy kami sa maliit na opisina ng clinic.
"Good morning po, doc. Ito na po ang isa sa mga SA natin, Jairah our young college doctor."
Nag-init ang sulok ng aking mga mata. It couldn't be..
"Dr. Will Medrano,"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro