37 - Victoria 1519
The short story is dedicated to Fatima Arab. Thank you for helping me during the muting days!
Chapter 37
"Hanggang kailan ka mananatili rito? Alam mong marami nang naghahanap sa'yo." Bulong sa akin ng aking tiyahin.
Ilang buwan na akong tumakas mula sa mga magulang ako. Bakit? Dahil ipinagkasundo lang naman nila ako sa isang anak mayaman na hindi ko alam kung sinong pilato.
Isa lang ang naisip ko aking tataguan, ang aking tiyahin na kasalukuyang may magandang posisyon sa isang barko. Nag-aalangan pa itong ipasok ako bilang isang katulong sa barko dahil alam nitong wala akong alam sa mga gawain.
Pero isa akong klase ng babaeng mabilis matuto, kaya hindi na ako nahirapang intindihin ang mga ginagawa rito sa barko.
"Huwag na huwag mo akong idadamay kapag natunton nila kung nasaan ka."
"Pangako, tiya."
Pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sa paanong paraan hindi siya madadamay, siya lang ang koneksyon ko sa barkong ito.
"Sige na, dalhin mo ito sa dulong kwarto. Nais huwag mong damihan ang asukal at maging maingat ka. Anak siya ng kapitan." Tumango ako sa sinabi ni tiya.
Inayos ko muna ang aking uniporme bago ko dinala ang tray. Dalawang katok muna ang ginawa ko sa harap ng pintuan bago ko ito binuksan.
At muntik ko nang mabitawan ang hawak ko nang makita ang anak ng kapitan na nakatapis lamang at nagpupunas ng kanyang basang buhok. Shit!
"Oh my—I'm sorry, sir. I'll just come back later." Nangangatal na sabi ko.
Saglit siyang natigilan nang mapagmasdan niya ako.
"Bago?"
"W-What? Bago? You mean the coffee? Yes, bago po ito."
"I mean, you. You're a new face, kaiba ka rin sa mga naunang tagasunod sa'yo. You talk a little bit...hmm..." nagsimulang maglakad papalapit sa akin ang lalaki.
Agad kong ibinaba ang tasa ng kape.
"S-Sir... kung anuman ang ginagawa ng mga nauna sa akin. I can't do it. I'm here for an honorable work." Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.
"What are you talking about, miss? I need my coffee. Dirty mind. You may go." Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang pagtaas ako nito ng kilay.
Nagmadali akong lumabas ng kwarto niya at para akong hinahapo pagbalik ko ng kusina.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni tita.
"Ginalit ko ata ang anak ng kapitan."
"Ano? Anong ginawa mo?"
"May nasabi akong hindi maganda." Nasa akma na akong kukurutin ng tita nang makarinig kami ng tikhim sa may pintuan.
Nakabihis na ang anak ng kapitan, nakasandal ito sa hamba ng pintuan habang nakatitig sa akin.
"Saan siya nanggaling, Marta? She's fired."
"W-What?! Sir, I'm sorry, pinangunahan lang ako ng kaba." Nagkibit-balikat lang ito at iniwan kami ng tiyahin ko sa kusina.
"Magligpit ka na, Fatima at bumalik ka na sa inyo."
Hindi ako sumunod sa sinabi niya at hinabol ko ang anak ng kapitan.
"Please sir, hindi na po mauulit. M-My parents forced me into marriage, sa hindi ko kilalang tao. I need to escape." Hindi ko alam kung bakit kailangan ko itong sabihin pero desperada na ako.
"So? You're fired."
Kumuyom ang mga kamay ko. "Babawi rin ako sa'yo! Babawi rin ako, walang puso!"
Bumaba ako sa barkong nagngangalang Victoria habang walang tigil minumura ang walang hiyang anak ng kapitan. Bumalik ako sa aming mansion at inulan ako nang napakaraming sermon.
Mas pinabilis nila ang pakikipagkita ko sa lalaking mayaman na siyang pakakasalan ko, sa takot nilang baka bigla na naman akong tumakas. Hindi man lang ako nag-ayos ng aking sarili ng gabing padating sila.
"Miss Fatima, nandito na po sila." Umikot ang aking mga mata bago ako tumayo sa aking kama.
Halos padabog akong bumaba sa hagdan para marinig ng mga bisita. Hindi pa man ako nakakarating sa labas kung saan umiinom sila ng tsaa nang marinig ko ang pamilyar na boses.
Tono pa lang nito alam kong labag siya sa kasunduang ito. "Ngunit maaaring kilalanin muna namin ang isa't-isa sa loob ng isang taon?"
"Hijo, hindi na kayo mga bata. Nararapat na kayong ikasal."
Tuluyan na ngang nakumpirma ang hinala ko nang makita ko ang makisig na binata ngunit kasumpan-sumpa.
Siya pala, hayop siya!
Ibinukas ko ang aking pamaypay sa pinaka eksaheradang paraan. Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makilala ako.
"Y-You! Dirty minded woman!"
"Philip!" Singhal ng mga magulang nito sa kanya.
Babawi ako sa'yong hayop ka. Ikaw pala ang tinatakasan ko, pero binago mo ang isip ko. Patay ka sa akin ngayon.
Pinaypayan ko ang sarili ko.
"Bukas, pwede na kaming ikasal bukas. Hindi ba, mahal ko?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro