34 - Santisma Trinidad 1769
The short story is dedicated to Nicole Javier. Thank you for helping me during the muting days!
Chapter 34
Kilala ang barkong Santisma Trinidad bilang sasakyang pandagat ng mga hindi birong tao. Mararangya, may pangalan, may mga trabahong hindi pangkaraniwan at higit sa lahat mga taong may kakayahang mag-ari ng kaban ng ginto.
It was like the ship of wealth.
Kung tutuusin ay hindi na ito masasabing tranportasyon para makarating mula sa isang lugar patungo sa isang lugar. Mas maaaring sabihin itong, transportasyong panlibangan, dahil karamihan sa mga sumasakay dito ay hindi pag-alis sa lugar ang nais, kundi dahil sa iba't-ibang libangang inihahain nito.
Mula sa mga babae, iba't-ibang sugal, magagandang kalidad ng alak, mga pribadong silid para sa anumang transaksyon at marami pang iba.
Para sa nakakarami, isang malaking biyaya na ang magkaroon ng pagkakataong makasakay dito, dahil ito lang naman ang magsisilbing simbolo na hindi ka pangkaraniwang mamamayanan.
Dalawang kapatid ko ang negosyante at alam kong lahat ng nabanggit ko ang dahilan kung bakit sila nandito, at dahil wala akong makakasama sa aming mansion, isinama nila ako rito.
Gusto ko sana silang yakaping dalawa dahil sa pag-aalala nila, ngunit higit ko silang kilala. Nais nila akong makahuli ng isang makapangyarihang negosyante na maaari naming gamitin para mas lumawak ang aming kayamanan.
Halos itungga ko na ang bote ng alak na hawak ko. Mga gagong kapatid.
"Mga buwiset! Kapag tumuntong na ako sa aking tamang edad! Lalayasan ko na kayo!" bulong ako nang bulong habang nakatanaw sa dagat.
Mainit ang ulo ko sa kanila, gusto nila akong ibenta sa mga negosyante, pero wala naman sa isip ko ang tumalon sa dagat. Malamig, isa pa mahal ko ang buhay ko.
"I don't want to die virgin. Hmmp!" halos magulat ako nang lumabas din ito sa bibig ko. Masyado na akong madaming nainom na alak.
Iinom pa rin sana ako nang marinig akong may nasamid hindi kalayuan. Nang lumingon ako ay isang lalaki na may hawak din bote ng alak, saglit siyang lumingon sa akin hanggang sa tuluyan na siyang natawa.
"Why are you laughing? You idiot."
Mas lalo itong lumakas na pagtawa.
"Y-Your crazy! Akala ko ay tatalon ka na, but then I heard—pfrt—"
"So?" pinagtaasan ko siya ng kilay.
He waved his hand, mabagal itong umiling bago niya itinuwid ang kanyang pagkakatayo. Ngayon ko pinagsawa ang aking mga mata sa pagtitig sa kanya.
Not bad, huh? Mayaman kaya ito?
"So what is your name?"
"Nicole Javier. And you?"
Ngumisi lang siya sa akin. Kung akala niya ako ang tipo ng babae na pipilitin siya, bahala siya sa buhay niya.
Muli akong tumanaw sa dagat nang hindi siya sumagot sa akin.
"I heard your brothers are-" nanlaki ang mga mata ko sa kanya.
"Sorry, narinig ko lang, nakalaban ko sila sa baraha. They're looking for a rich businessman." Kumuyom ang mga kamay ko.
"Their business is to sell me..."
"I tried to help you, you know I have a little sister. Pero hindi umabot ang kayamanan ko sa pamantayan nila."
"Y-You tried to help me?" he nodded.
"Ang narinig ko, parang may nakita na sila. He's around sixty years old." Halos himatayin ako sa sinabi ng lalaki.
"N-No way..."
"I just warned you." Tumango siya sa akin at mukhang aalis na siya.
Nagsimula nang magtuluan ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang likuran ng lalaki.
Anong klaseng mga kapatid sila? Anong magiging buhay ko kasama ang matandang 'yon?
Hindi na ako nag-isip pa, mabilis akong tumakbo at nangangatal kong hinawakan ang likuran ng damit ng lalaki.
"D-Do me a favor...w-would you—on bed... I am a virgin." Nagpatakan na ang mga luha ko, I will make my own choice for the first time.
"Come..." hindi ko dinungaw ang mukha ng lalaki.
Hinayaan ko lang siyang hilaahin ako, ramdam ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Nanatili akong nakatungo pero ramdam kong ang bawat taong nakakasalubong namin ay tumitigil.
"Do. Not. Disturb. My. Cabin." Madiing sabi nito sa huling lalaking nakasalubong nito.
"Yes, Ca—Sir!"
May mga tauhan din pala ito, pero hindi pa rin pumasa sa mga kapatid ko.
Pumasok kami sa kwarto niya, sobrang dilim nito at halos hindi ko siya makita. Sinimulan ko nang hubarin ang lahat ng kasuotan ko at nang tuluyan na itong lahat malaglag sa sahig, ilang hakbang lang ang ginawa ko para matawid ang distansya sa pagitan namin.
I initiated the kiss, pero hindi rin nagtagal ay mas naging aggresibo ang sa kanya. Marahan niya akong binuhat hanggang sa unti-unting lumapat ang likuran ko sa kama.
"W-What is your name?" I asked him.
"Mr. Trinidad."
Inihiwalay ko ang labi ko sa kanya at saglit akong nag-isip. Pamilyar.
"T-Trinidad?"
"Yes."
"Kamag-anak ka ng may-ari ng barkong ito?"
"No darling, I am the Captain and the owner."
"A-And you bought me?"
"No darling, I court your brothers to win you. That's different."
"Courtship with money?"
"I guess?"
"You bought me!" hinampas ko ang dibdib niya.
"Ibabalik kita sa sixty years old."
"Is that even true?" he chuckled.
"I made that story to make things easier."
"Still... y-you bought me..." binigyan niya ako ng magaang halik sa labi.
"But I love you... I've been watching you from a far, sa ilang beses mong pagsakay sa barko ko. I grabbed the opportunity to claim you. Buying you is not a mistake, Nicole."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro