Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3 - Mayflower 1609

The short story that will be posted here will be dedicated to Airene Mallari. Thank you for helping me during the muting days! 

3- Mayflower 1609

Today is our university cultural festival. Napakaraming tao na ang nagkalat na mukha namang nag-e-enjoy sa mga booth na ginawa naming mga estudyante.

"Paging Airene Mallari, please proceed to Class 3B room." Napamura ako sa narinig ko.

I thought it's my break?

Kanina pa akong bantay sa booth namin.

We made up a concept, it's a mask booth. We made a small labyrinth inside our classroom with exhibits of old mask, na ginaya pa namin mula sa iba't-ibag bansa.

Nagmamadali na ako sa paglalakad nang may mabangga akong babae, dahil sa lakas ng impact namin sa isa't-isa ay kapwa kami natumba.

Ang dami niyang gamit kaya tinulungan ko siya.

And then I saw a keychain with a ship image. Sa likuran nito ay may pangalangang Anton Valle.

"Oh sorry," agad inagaw sa akin ng babae ang keychain.

"Sorry rin nagmamadali kasi ako," sagot ko.

Tipid na tumango sa akin ang babae at nagmadali na itong umalis sa harapan ko.

I just shrugged my shoulder. Hindi siya dito pumapasok.

"Kuya! Yung balloon ko nasa tree! Di ko maabot!"

"Wait there little kid, may customer pa ako." Hinihila ng batang babae na may summer hat at sunflower sa kanyang tenga ang schoolmate ko na nagtitinda ng balloon.

"Kuya 'yong balloon ko!"

"Anthony! Ang dami pa ditong bata, naghahanap ng balloons!" sigaw ng ibang schoolmate ko.

The guy named Anthony is now torn between the little girl and the other customer.

"A-Ako na, where is your balloon?" naagaw ang atensyon ng batang babae sa akin.

Itinuro niya ang puno sa akin. Dahil matangkad ako ay agad kong naabot ang lobo.

But the moment I step on the land after jumping I saw the little girl looking away. Nang sundan ko ito ay nakita kong nakatitig na siya sa schoolmate kong si Anthony at sa babaeng nakabanggaan ko kanina.

Anthony is giving her red balloon but the woman is a little bit shock. What's wrong?

"H-Here is your balloon,"

"Thank you Ate!"

Nagtataka pa ako habang nakasunod sa akin ang bata.

"Why are you following me?"

"I want to visit your booth!"

"Wala kang kasama?"

"I am alone, but it's okay. Hindi naman ako ang maliligaw." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng bata.

Nakarating kami sa classroom, sinabi ng kasama ko na ako muna ang sumama sa sunod na batch na papasok.

Wala akong pinagpilian at sumunod na ako. Nang mahanay na ang lahat ay nagpaliwanag na ako sa mga papasok at sila na ang pinauna kong maglakad.

"Ate! Ate," she's pulling my uniform.

Nanlaki ang mata ko nang may hawak siyang maskara pero wala ito sa mga ginawa namin.

"Ate may sasabihin ako sa'yo, can you bow down?" kahit nahihiwagaan na ako sa bata ay sumunod ako.

Nanlaki ang mata ko nang isuot niya ang maskara sa akin.

"Welcome aboard!"

Nang sandaling sabihin niya ito sa akin ay mabilis umikot ang paningin ko hanggang sa pagmulat ko ay sinalubong ako nang napakaraming tao na nakamaskara.

Agad may umagaw ng kamay ko at sinimulan akong isayaw sa napakaraming tao.

"Walang maskara ang magtatago sa'yo mula sa aking mga mata." Nanatiling nakaawang ang aking mga labi sa nakikita ko.

"What is happening? Nasaan ako? What the hell?"

"Nakarami ka na yata ng inom, Airene."

"Inom? Hindi ako nag-iinom." The man in the mask laughed.

"But you beat me the first time we've met. Ikaw ang kauna-unahang babaeng natalo ako sa inuman."

Napatitig ako sa lalaki, nanaginip siguro ako?

"C-Can I remove the mask?"

"Only if you'll kiss me."

Tumigil sa ere ang kamay ko dahil sa sinabi ng lalaki.

"Come on, ang tagal na kitang nililigawan. Halik lang ay hindi mo ako mapagbigyan, hindi ba ako kaibig-ibig?"

"B-But you planned to drunk me, right?" siguro ay binalak akong gasahain ng lalaking ito.

He laughed again.

"Bakit paulit-ulit mong sinasabi ang bagay na 'yan sa akin? You won, walang nangyari. You're still my untouchable chiquita. Dahil ako ang nalasing."

Uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Tama ang hula ko, this damn man tried to rape me.

Humiwalay ako sa kanya at marahas kong sinampal ang mukha niya. At halos mapamura ako nang makilala ang lalaki.

I-Is he the student council president?

"Cal?"

Ngumisi sa akin ang lalaki.

"Airene, ilang beses mo pa ba ako sasampalin?" Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting lumuhod sa aking harapan ang lalaking kamukha ni Cal.

Tumigil sa sayawan ang mga tao sa barko.

"Mayflower 1609, this is the Captain speaking. Caello Santiago, will you marry me Airene? Ipinapangako ko sa'yong mamahalin kita higit sa mga along kayang gawin ng karagatang ito."

Kusang tumulo ang luha sa aking mga mata na parang ako ang babaeng pinag-aalayan niya ng kasal.

"H-How dare you Caello?! Pagkatapos mo akong pag-sawaan?! Ipagpapalit mo ako sa babaeng 'yan?!"

Lahat ay naagaw ang atensyon sa babaeng lumuluha na nakatutok ang baril sa akin.

Pero huli na ang lahat, ramdam ko ang kirot sa aking dibdib. Dahilan kung bakit ako natumba, maging dugo sa aking mga labi ay agad kong natikman.

Nanghihina ang lalaking sinambot ang aking katawan.

"Airene.." nagkakagulo na ang mga tao sa barko.

Kusang umangat ang mga kamay ko sa lalaki at hinaplos ang pisngi nito. Bago ko pa man ipikit ang aking mga mata ay nakapag-iwan pa ako ng ilang salita.

"Why? There's someone else.."

Nagising akong pinapaypayan ng mga kaklase ko.

"Airene? Okay ka lang?" sumasakit ang ulo kong bumangon. Agad kong hinanap ang bata pero naiwan lamang ang maskarang iniwan niya sa akin.

Ito ang maskarang suot ng lalaki.

Halos manlaki ang mata ko nang makitang may nakasuot nito.

"W-Who are you?!" napasigaw ako.

"Hey, calm down." Tinanggal ng lalaki ang maskara.

It's Cael! The student council president. Bakit siya nandito?

"C-Can I have the mask?"

"This? Akin 'to, pinahiram ko sa classmate mo."

"Oh,"

"I'll take this, bigay pa ito sa akin ni lolo. Next time, magpahinga ka rin. Don't push yourself too much, ang sipag mo Airene." Nagulat ako nang makilala niya ako.

"Naglakad na ito at tumalikod sa akin." Nagtataka lamang ang mga kaklase namin sa ikinikilos ko.

"Cael, I think we've met before." Tumigil ito sa sinabi ko at marahan siyang lumingon sa akin.

"I wish we've met sooner." Tipid na sagot niya.

Naputol na ang sasabihin ko nang may brasong biglang pumulupot kay Cael, isang babae na agad akong binigyan ng tipid na ngiti.

She's that woman! Siya ang bumaril sa akin!

"Look, may sayang na lobo." Kumento ng kaklase ko.

Nang lumingon ako sa bintana ay nakita kong lumilipad na sa langit ang dilaw na lobo na pagmamay-ari ng batang babae. 


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro