24 - Battleship Potemkin
The short story is dedicated to Kiannah Kylle Coladilla. Thank you for helping me during the muting days!
Chapter 24
"Kiannah, samahan mo naman si kuya mo sa basketball." I was busy scrolling John's picture.
Alam ko sa sarili kong siya ang lalaking nakikita ko sa aking panaginip o kung panaginip pa nga ba ang dapat kong itawag dito.
Everything was so real na parang totoo talagang nangyari sa pagitan namin. I was his wife before but our love end up tragically.
I wonder if peculiar dreams were all over him just like me?
"Ayaw naman ni kuya Froy na sumama ako, dito na lang."
"You need to go there, bumangon ka dyan Kiannah!" Pansin ko na sumilip si kuya sa kwarto ko habang nagpupunas ng basa niyang buhok.
"Bihis ka na Kiannah,"
Kaya wala akong pinagpilian kundi sumama sa kanya. Sinabi rin ni Mama na dadalaw daw siya sa isa sa mga kaibigan niya na matagal na siyang inaanyayahan.
My brother and I complained, pero wala rin naman kaming magagawa.
Nang makarating kami sa court, kapwa kami natigilan ni kuya nang makita namin ang grupo ng mga kalaban.
I wonder why my brother was shock, but I knew to myself that my reaction was for John.
Ilang beses kaming nagkakapalitan ng mga titig ni John habang nasa loob ito ng court, halos siya na lang rin ang panuorin ko imbes na si Kuya. Nawala lamang ang paninitig ko nang may muntik nang tamaan ng bola sa kabila.
And my brother just saved the woman.
Kahit malayo ako alam ko ang paraan nang bawat pagkilos ni kuya. He's interested with the girl!
Sa huli nanalo sila kuya, pero kapwa kami tulalang magkapatid na habol nang titig sa nakatalikod na magkaakbay habang papalayo sa amin.
Ramdam kong biglang kumirot ang dibdib ko. Mayroon na pala siyang iba, niloloko ko lang siguro ang sarili ko para maniwala sa mga panaginip ko.
"Fuck," rinig kong mura ni kuya bago niya sinakbat ang kanyang bag.
Hindi na kami sumama ni kuya sa celebration party ng grupo niya. Sa halip ay kapwa mainit ang ulo naming umuwi sa bahay.
Halos makabasag pa ng vase si kuya sa sobrang inis.
"What is wrong with you?! Hindi ba at nanalo kayo?! Lagot tayo kay mama kapag nabasag ito!" saglit lang akong sinulyapan ni kuya at nagtuloy ito sa pag-akyat ng hagdan.
"Panget!" I shouted.
Gabi na nang dumating si mama, sinabi nitong maghanda na kami. Kaya kahit wala kaming balak sumama, wala kaming nagawa.
Kapwa nakakunot ang noo namin habang nasa kotse kami.
"May anak na babae at lalaki ang kaibigan ko, malay nyo—"
"Stop mom, please stop. Magpapari na lang ako!" iritadong sabi ni kuya.
"Mag mamadre na lang ako."
"You're weird kids," natatawang sabi ni mommy.
Nasa harapan na kami nang bahay nang unti-unting mabuksan ang pintuan, sumalubong sa amin ang dalawang pares nang pamilyar na mata na katulad namin ay hindi makapaniwalang makita kami.
"Hi Joana, John—ang mga anak ko. Froylan, Kiannah future priest and nun." Sabay kaming ngumiwi ni kuya.
In the end I sighed in relief. Magkapatid sila!
"What's with the sigh?" tanong ni John sa akin. I just grinned at him.
Mabilis akong nakalapit sa kanya at tumingkayad para abutin ang kanyang mga labi. Well, I think I'm faster than my brother.
"Hi Kiannah, madalas kitang halikan noon. Would you mind if I'll do it again in present?"
Tipid siyang ngumiti sa akin.
"Still the same, my love."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro