20 - Ottoman frigate Ertuğrul
The short story is dedicated to Angela Lea Lazaro. Thank you for helping me during the muting days!
20 – Ottoman frigate Ertugul
Kung salitang late ang pag-uusapan, siguradong pangalan ko agad ang unang maririnig sa loob ng classroom.
Tapos na sa flag ceremony ang mga kaklase ko, tumutulo pa ang basa kong buhok dahil sa pagmamadali.
Kaya ito at humahangos na naman ako sa pagtakbo, dahil tinanghali na naman ako ng gising, idagdag pa na mabagal rin akong kumilos.
"Oh my gosh! First period pa naman si sir Rosales!"
Wala akong tigil sa pagtakbo, nasa second floor pa naman ang classroom ko. Nang makita kong magsasarado na ang elevator, wala na akong ibang ginawa kundi gumamit ng hagdan.
Sa pagmamadali ko halos hindi ko na napansin na may isang mabagal na lalaking naglalakad sa unahan ko, dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko, nabangga na ang mukha ko sa likuran.
Ilang dasal ang nausal ko nang hindi tumama sa ano niya ang mukha ko dahil may katangkaran ako, pero ang ikalawa kong problema!
Mahuhulog ako!
"Help!" I cried.
Nanlaki ang mata ng lalaking nabangga ko. He tried to catch my hand, buong akala ko ay hindi nito ako maabutan pero masyadong mabilis kumilos ang payat niyang katawan.
He immediately pulled me, mahigpit niya akong niyakap hanggang sa tuluyan na kaming nahulog sa hagdan.
"Ouch!" I complained.
Dito ko napansing nasa ibabaw pala ako ni Ralph! Yes! The idiot Ralph na walang ibang gawin kundi asarin ako!
"Ang bigat mo, ang sakit ng katawan ko sa'yo." Nagmadali akong bumangon at hindi ko man siya inalalayang bumangon.
Nanatili akong nakatayo habang hinihintay siya, nahihiya naman ako. He's my classmate, may mga dumadaan naman na mga estudyante pero hindi kami pinapansin.
"Hindi maganda ang bagsak ko Angela, dalhin mo ako sa clinic."
"W-What?"
"What ka dyan? Ang bigat mo kaya, pa-late late kasi nakakaabala ka ng tao."
"Bakit tinulungan mo ako?"
"You said help, I just helped you. Alalayan mo ako." Inilahad nito ang kamay niya sa akin.
"May klase pa tayo!"
"May recitation! Hindi ka naman makakasagot!"
"Aba't! gago—"
"Just fucking help me, Angela."
Tinulungan ko siyang tumayo at hinayaan ko siyang umakbay sa akin. Kunot na kunot ang noo ko habang papunta kami sa clinic.
Sa buong klase namin si Ralph ang pinaka-kinaiinisan ko. Why? Dahil lagi niya akong inaasar, bigla na lamang niyang tatawagin ang pangalan ko kapag vacant tapos tatawanan ako and worst! He's always near the window! Dun malapit sa upuan ko.
My friend Geane told me that he has a crush on me. Pero hindi naman siguro, sa pagkakaalala ko may girlfriend itong si Ralph.
And she's my friend from other section.
"Ralph thank you.." halos bulong kong sabi sa kanya.
"What?"
"I said thank you for helping me, kahit naasar ako sa mukha mo." He laughed.
Nakarating kami sa clinic at sinabi namin na nahulog kami sa hagdan. Sinimulan na siyang asikasuhin ng mga nurse habang nakatitig siya sa akin.
"Hey, nahulog rin siya. You should check her too."
"Nah, I'm fine." Ngumisi lang siya sa akin.
His usual grin sa tuwing inaasar niya ako, sa tuwing umuupo siya sa upuuan ni Mary na bestfriend ko sa tuwing absent ito at sa maraming bagay na naku-krus ang aming landas.
"I saved you, ilibre mo ako Angela."
"Sure," tipid na sagot ko.
Habang abala ang mga nurse sa kanya, wala siyang tigil sa pagkausap sa akin. Mukha pa itong natutuwa sa tuwing naasar ang mukha ko sa kanya.
I remembered Nica, pinag-usapan dati na sobra ang crush nito kay Ralph. Hindi ko makita kung bakit maraming naka-crush sa kanya, pang-asar naman ang mukha niya.
Nica told me that someone has an intense crush on me, kaso torpe daw. So the fucker just court another girl, dahil alam nitong hindi siya mababasted dahil nagbibigay na ng motibo ang babae sa kanya.
Why am I thinking of that?
"Angela! Sabay na tayong pumasok."
"Okay ka na—" natigil na ang tanong ko sa kanya nang may pumasok na babae sa clinic.
My friend Rhea from the other section, his rumored girlfriend.
"Oh Ralph, anong nangyari?"
Hindi ito agad nakasagot, and he's still looking at me. I smiled at him and gave him a signal that I'll need to go.
Lumabas na ako sa clinic at huminga ng malalim.
I shouldn't have think deeper. Nahulog lang kami sa hagdan.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro