Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18 - Big MO


The short story is dedicated to Janzsen Kaye. Thank you for helping me during the muting days!


Big MO

Kapwa kami tulala ng kaibigan ko sa mga ulap habang nangangarap. Walang pasok, pinakamasayang bagay sa mga kagaya kong estudyante.

"Kapag nanalo ako sa lotto, Drew. Magbo-boyfriend ako ng pito, iba't-ibang boyfriend sa bawat araw."

"Oo, tapos perahan ka lang nila." Natatawang sabi nito.

"Atleast may boyfriend,"

"You're terrible, may mga nanliligaw naman sa'yo. Bakit hindi mo na lang sagutin ang pito?" I laughed.

"Ayaw ko sa kanila."

"You're weird." Kumento nito bago kami muling tumanaw sa langit.

"Tumaya ka ba?" lalo akong natawa sa tanong niya.

"Hindi,"

"Paano ka mananalo niyan?" kahit siya ay natawa rin sa akin.

"Ikaw, kapag nanalo ka sa lotto. Anong gagawin mo?"

"Magpapakasal na agad ako Janzsen, tapos mag-aanak ako taon-taon." Napanganga ako sa sinabi ni Drew.

Mas grabe pala ang pangarap ng gago.

"You'll get seven wives?"

"Oo, within five years thirty five na ang anak ko."

"What the fuck Drew?!"

Tawa kami nang tawa dalawa habang nakatulala sa ulap.

"But seriously, I really want to finish my medical school. And let me change my words baby, magpapaanak ako taon-taon." Umirap ako sa sinabi niya.

Drew, my bestfriend wanted to be an Ob gyne. Tinanong ko siya noon, kung bakit sa lahat ng pwede niyang kunin ay pagpapaanak pa pero tumawa lang ang gago.

He could be a specialist of something, pagpapaanak talaga.

"Maghanap ka ng magandang doctor, doon."

"Yes, I'll definitely invite you." Pinisil nito ang ilong ko bago na siya bumangon ng pagkakahiga.

Hindi lang simpleng araw ito, ito na rin ang huling araw na magkikita kami ni Drew. Ilang taon siyang titigil sa ibang bansa para mag-aral.

"Pagbalik ko, ano ka na?"

"Well, a beautiful teacher!"

"See you soonest, Janzsen."

I tried to utter few words for him, mga salitang ilang taon ko na itinatago. Pero hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob, hindi ko nagawang sabihin ito hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Years have passed.

Kilalang doktor na si Drew. Dr. Andrew James Pangilinan. I can even saw articles about him and he even announced his wedding year.

"Janzsen, hindi mo ba alam na dumating na kagabi si Andrew. Tulog ka na ng pumunta siya dito."

"W-What? Talaga yaya?"

"Oo, sabi niya babalik na lang siya. Magkapitbahay lang naman kayo."

Tipid akong nagsalin ng juice sa aking baso, habang iniisip ang unang mga salitang sasabihin ko kay Drew.

He'll definitely invite me to his wedding. Ngayong taon ito, siguradong isang magandang doktora ang mapapangasawa niya.

May mangyayari kaya kong sakaling sinabi ko sa kanya noon na wala akong sinasagot na kahit isa sa manliligaw ko dahil siya ang gusto ko?

Maybe he'll just laugh at me.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Siguro panahon na rin para tumingin ako sa iba, I am not getting any younger, kahit ang mga magulang ko ay gusto na rin akong magpakasal.

Pero sa tuwing sinusubukan ko naman, naalala ko lang ang mga tawa ni Drew.

Magsasalin pa sana ako ng juice nang pumasok ang isa pa naming katulong sa kusina. She's grinning from ear to ear, halos masamid ako nang makita ko si Drew sa likuran nito.

Fucking hell!

"Good morning Janzsen," ngising bati nito.

He's wearing a formal attire like he's about to go to work, nakasampay sa braso nito ang kanyang puting coat.

"Doc!"

"W-What?"

"Nagmamadali ako Janzsen," sinipat nito ang kanyang wristwatch.

Lumabas ang mga katulong at naupo si Drew sa harapan ko. Damn, it's been years! Sobrang gwapo pa rin ng kababata ko.

"I'm getting married,"

"I-I heard it.. napapag-usapan dito."

"Then, will you be my wife?" umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"W-What?"

"Hindi ka man nanalo sa lotto, I can be your boyfriend for seven days a week, 30 days a month or 365 days a year. Nag-ipon muna ako."

"Oh my god, Drew! What are you talking about?"

"I love you, Janszen. And just like what you've told me, let chase our dreams first." Hinawakan nito ang aking mga kamay at marahan niya itong hinalikan.

"Be the teacher and a mother of my kids and let me be your doctor forever, it's been a while my love."


--

VentreCanard 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro