15 - Admiral Graf Spee 1934
The short story that will be posted here will be dedicated to Jona Balce. Thank you for helping me during the muting days!
15 – Admiral Graf Spee 1934
"Jona! Pasabay ako," I rolled my eyes hearing his damn voice again.
"Ayoko nang may kasabay, leave me alone Jeron." Binilisan ko ang pag-pedal sa bisekleta ko.
Isang taon na sigurong nagpapapansin sa akin ang lalaking ito. Wala siyang tigil at hindi yata alam ang salitang suko.
Ilang beses ko na siyang na-basted pero parang wala lang sa kanya. Pasok sa unang tenga, labas sa kabila.
"Ang taray mo naman, sasabay lang sa pagbili ng pandesal."
"Alam mo naman kung saan ang bakery, bakit sasabay ka pa?"
"Gusto ko,"
"Hindi ko gusto," lalo kong binilisan ang pagpedal pero naabutan niya pa rin ako.
"Gusto kita,"
"Hindi kita gusto,"
"Pero dati gusto mo ako, hindi ba?" nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.
"Excuse me lalaking mukhang pandesal? Sinong nagsabi sa'yo?"
"Ikaw,"
"Kulang ka sa tulog,"
"Oo e, kakaisip sa'yo."
"Seriously Jeron! Ang corny mo!"
"Ilang linggo lang akong hindi nagparamdam sa'yo mas lalo ka nang tumaray sa akin. Sorry na, busy kasi sa manila. Sinisimulan ko nang tumulong sa mommy at daddy."
"Why are you explaining? Nagtatanong ba ako?"
"Hindi naman, baka kasi isipin mo nambababae ako."
"Anong naman ang pakialam ko kahit mambabae ka?!"
"Of course, you'll get mad. Nakipag-break ka lang sa akin, pero walang nagbabago sa akin. Jona.."
Napamura ako sa aking isipan.
Yes, isang taon na kaming break. I told him that I want to focus with my studies, ayoko muna ng relasyon.
Akala ko noong una ay maiintindihan niya ako pero hindi pa tumagal ng isang linggo ay nagsabi itong manliligaw daw ulit siya. That he'll give me time to study and he'll serve us my inspiration.
Muntik na akong pumayag, pero biglang pumasok sa isip ko ang pangako ko sa mga magulang ko, na hindi muna ako mag-boboyfriend hanggang hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral.
Buong akala ko ay magagawa kong ilihim at mapatagal ang relasyon namin ni Jeron pero hindi rin pala, nakukonsensiya ako sa pangakong araw-araw kong pinuputol kaya nagpasya akong makipaghiwalay muna. Isa ito sa mga rason.
I tried to explain everything to Jeron, I thought he'll understand. Pero kinakain ang walang hiyang lalaki ng selos, since I'm focus with my studies mas madalas ko nang kasama ang mga kaklase kong matatalino, with our same goals, to graduate with flying colors.
Madalas ang group study namin na siyang hindi nagugustuhan ni Jeron. He keeps insisting that two from my study buddies were secretly interested with me, na hindi ko naman nararamdaman.
He's a paranoid idiot.
It was a group project and I was invited to make it in our classmate's house. Hindi naman ako nag-iisa dahil marami kami, pero nagkataong kaibigan ni Jeron ang pinsan na siyang kapitbahay ng ka-grupo ko.
I didn't know that he's watching the ending project making from the very beginning.
Muntik na niyang masuntok ang ka-grupo ko nang ilang beses hawiin nito ang buhok kong humaharang na sa aking mukha, hindi ko ito maayos dahil may pintura ang kamay ko.
Nagulat na lang ako nang tawagin nito ang pangalan ko at pinagbantaan niyang mapuputol ang kamay ng classmate ko kung hahawakan ulit ako.
In the end I didn't help my groupmates until to the last of part of our project. Dahil isang malaking epal si Jeron.
"You ruined my grades!"
"Ruined agad? Halos ikaw na nga ang gumagawa ng project nyo, tapos titig lang sila? Mabuti sana Jona kung sa project! Tang-ina sa'yo nakatitig."
"Ang linaw naman ng mata mo!"
"Tang-ina, oo! Girlfriend ko ang tinitingnan ko, bakit hindi lilinaw ang mata ko?" saglit akong natigilan sa sinabi niya pero nangibabaw pa rin ang inis.
"Jeron, ayoko na. We're done, this isn't healthy anymore."
"W-What?"
"Let's cool off,"
"A-Anong cool off Jona? Walang cool off babe. I'm sorry, I'm sorry." Sinalag ko ang mga kamay niyang hahawak sa akin.
"Kung ayaw mo ng cool off, break! Mag-break na tayo Jeron. I am not happy anymore."
Nakarating kami sa bakery na parang aso't pusa. Sa dami ng panaderia dito sa bayan namin bakit lagi na lang pareho ang pinupuntahan namin.
"Jeron, crush ka daw ni Ate." Kinikilig na sabi ng batang babae habang itinuturo ang ate niya na siyang nagsusukli sa isang customer.
"Lisa," nanlaki ang mata nito sa batang pangisi-ngisi.
Muling umikot ang mga mata ko. Kids nowadays, may mga crush crush nang nalalaman.
Nang akala ko ay ako na ang lalapitan ng babae na sinasabing may crush kay Jeron, nilampasan lang ako at nauna niyang hinarap si Jeron.
Tumaas ang kilay sa akin ni Jeron nang makita ang reaksyon ko.
Sa halip na magreklamo hinintay ko na lamang. Ang tagal mag-decide ni Jeron kung anong bibilhing tinapay, akala ko ba ay pandesal?
"Ano ba? May naghihintay dito Jeron, ako na lang kaya muna Ate? Ang tagal niyang mag-isip."
"Learn to wait milady," I mimicked him with my exaggerated expression.
Sa huli ay nakapagdecide na rin ang magaling na lalaki. Pangiti-ngiti sa kanya ang babae na parang nagpapa-cute, hindi ko tinitingnan ang reaksyon ni Jeron.
Duh?
"Forty pesos na pandesal, make it fast please. Salamat." Saglit lamang ang hinintay ko.
Nang pabalik na ako sa bisekleta, bigla na naman umakyat sa aking ulo ang aking pagkainis.
"Bakit hindi ka pa umaalis?"
"Gusto nga kitang sabayan, ang taray mo talaga."
"Ewan ko sa'yo Jeron."
Habang nagpepedal kami pansin ko na mas madikit ang kanyang bisekleta sa akin.
"Bigyan mo ako ng distansya Jeron, baka magkasabitan tayo. Ano ka ba? Ang luwag ng daan."
"Wala na ba talaga Jona? Hindi na maibabalik? We're both graduating, nag-aaral din ako ng mabuti. I've been a good son, tulad ng lagi mong ipinapaalala sa akin noon. Balikan mo na ako, babawasan ko na ang pagiging seloso ko."
"Isang taon na ang nakalipas Jeron, hindi ka pa nakakahanap ng iba? Alam natin dalawa na maraming babaeng nag-aabang sa'yo. Bakit hindi sila ang lapitan mo?"
"You're pushing me to other girls, Jona. Samantalang ako, araw-araw kitang binabakuran."
"I'm aware of that, ngayon sasabihin mo sa akin na babawasan mo ang pagiging seloso mo?"
"You're aware?"
"Who wouldn't? Nakikisama naman sila sa akin sa una, makikita ko lang na may katabi akong lalaki, kinabukasan hindi ko na sila makausap. Sinong mahilig manakot?"
"But I can't allow them to flirt you, nasa kanila naman kung matatakot sila sa pagbabanta ko."
"Who wouldn't? Sa islang ito ay isa ang pamilya mo pinakamakapangyarihan dito. Of course they will be threatened. Idiot Jeron as always."
"I love you Jona, sana mabalik pa. Sana may oras pa." Natigilan ako sa sinabi niya kaya napapreno ako.
"You're giving me creeps Jeron--" Nanlaki ang mga mata ko nang nakawan ako nito ng halik.
"See you in the other side babe, will always be your jealous Jeron."
That was his last words before I heard the news. Three days after his stolen kiss. Car accident, dead on arrival.
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro