10 - Cruiser Emden
The short story that will be posted here will be dedicated to Danica Cabuslay. Thank you for helping me during the muting days!
10 – Cruiser Emden
"This is it!" I extended my arm to feel the warm of the sunlight. Para akong nakalaya sa isang napakatagal na pagkakakulong.
It's our vacation, dahil nasa ibang bansa ang pamilya ko malaya ako kung saan ko gustong pumunta tuwing bakasyon.
That's why I joined Claire and her boyfriend, yes I am a third wheel shit. Pero hindi ko naman sila aabalahin.
Papunta ka kami sa probinsiya ng boyfriend niya. Niyaya ako ni Claire, dahil mukhang hindi naman napipilitan ang boyfriend niya na isama ako pumayag na ako.
We're using a truck, dahil hindi maganda ang daan. Sumulyap ako sa unahan at ilang beses akong umirap sa hangin.
Sobrang landi nilang dalawa sa unahan. Balang-araw may lalandiin rin akong lalaki, hindi lang sa truck, kahit saan na kami abutin! Grabe talaga ang dalawang ito, walang respeto sa mga single.
Nakarating na kami sa malaking bahay ng lalaki, hindi na ako kinausap nang dalawa nang makarating kami at ibinilin na ako sa mga katulong.
Nakita ko pa kung papaano sumakay sa likuran ng lalaki si Claire at malandi silang umakyat sa hagdan.
Bagong kasal ba silang dalawa? Mga buwiset.
"Ma'am Danica nga po, hindi ba?"
"Yes," inabot nila ang maleta ko.
"Salamat,"
"Nakahanda na po ang pagkain, sabi po ni Sir Jonas na mauna na daw po kayo sa kanilang dalawa ni Ma'am Claire." Muli akong napairap.
Natural, sana mabuntis agad si Claire. Hindi talaga ako mag-nininang sa baby nila ni Jonas!
Masyado nilang sinasampal sa akin na single ako.
"Pero may kasabay naman po kayo sa pagkain, nandito ang pinsan ni sir Jonas." I don't care.
Hinatid ako ng katulong sa kusina para kumain, dahil nagugutom na rin naman ako hindi na ako nagtanong.
"Manang, nandito na ang bisita natin?"
Natigil ako sa paghakbang nang may gwapong lalaki na naghahanda ng mga pagkain sa lamesa.
"Oh hi!"
Tumigil sa pag-aayos ang lalaki at lumapit siya sa akin para makipagkamay.
"Julian,"
"Danica," pakilala ko.
"Danica's the name of my wife from my past life." Kumindat siya sa akin bago niya bitawan ang kamay ko.
"I don't really believe in past life."
"Uhuh?"
Ipinaghila ako ng lalaki ng upuan.
"Thanks,"
"So still single?" tumaas ang kilay ko sa tanong ng lalaki.
"What about you?"
"Been waiting for you," natawa ako sa sinabi niya.
"I have a boyfriend." I lied.
Of course, bakit ganito agad ang bungad sa akin ng lalaking ito? Baka naman ibinugaw ako ni Jonas para masigurong hindi ko sila maaabala ni Claire.
"Julian! Here!" nagulat ako nang may batang may sunflower sa kanyang tenga ang lumapit sa lalaki at inabutan ito ng red wine.
Nang maabot ito sa kanya ng bata ay sinalubong nito ang aking mga mata, pansin ko na ibinuka niya ang kanyang bibig na parang may sinasabi siya pero hindi ko marinig.
Sa huli ay ngumisi lamang ito at tumakbo na papalabas ng kusina.
"You drink wine?" tipid akong tumango. There's something weird.
Lumapit sa akin si Julian at pinagsalin niya ako ng alak.
"Walang kahit anong nakahalo ang alak na ito?"
"Why would I do that?"
"Hindi ko alam,"
Nang magsalin na siya sa akin ay sinimulan ko nang sumipsip ng kaunti nito. Hindi na muling nagsalita ang lalaki hanggang sa kumain na kami. Pero napapansin ko na sa bawat pagsubo ko, bumibigat ang talukap ng mata ko.
"Shit, what's happening?" napahawak na ako sa aking noo.
Pilit ko nang ikinukurap ang aking mga pero lalo lamang itong bumibigat, ang tanging huli ko na lamang natatandaan ay ang pigura ng lalaking nasa harapan ko na kusa nang lumalabo.
"Wake up baby, wake up."
Nang magmulat ako ng mga mata ay sinalubong ako nang napakaraming mukha.
"W-Where am I? Y-You! You drugged me!" sigaw ko kay Julian.
Akma ko siyang sasampalin nang ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Nang sulyapan ko ang kabuuan kong kasalukuyang nakahiga sa kama ay hindi ko na mapigilang mapasigaw.
"What's this?! Anong nasa tiyan ko?! Who are you?!"
"She's delusional Julian, you need to calm her down."
"Danica, you're about to deliver our baby. Please calm down."
"W-What?! Manganganak ako?! Tang-ina! Nagkakilala lang tayo kanina?! What the hell is this?! Bitawan nyo ako! Get off me! Lumayo kayo sa akin!"
Hindi ba dapat si Claire ang mabubuntis? Bakit ako?!
"Julian, nawawala na sa sarili ang asawa mo."
"C-Can you sedate her? She's just scared." Ilang beses akong hinalikan ng ni Julian sa aking noo.
"I am not pregnant! Bitawan nyo—" natigil ako sa pagsigaw nang makaramdam ako ng sakit.
"Oh my gosh! What's that?!"
"Her water just broke." Umawang ang bibig ko sa nangyayari kasabay ng biglang pagsakit na hindi ko maintindihan.
I wanted to ask, to scream and to hurt someone. Pero wala na akong nagawa kundi sundin ang itinuturo sa akin ng mga babae.
Crying and shouting from pain. Hindi binitawan ni Julian ang kamay ko habang pilit kong inilalabas ang bata.
Oh my gosh! Oh my gosh!
Matagal na oras ang iginugol ko hanggang sa makarinig ako ng iyak ng isang sanggol. Kasabay nito ay ang pagtulo ng aking luha.
"It's a he,"
"C-Can I see him?"
"Hey, you did a great job." Hinalikan ni Julian ang aking noo habang inilalapit a sa akin ang bata.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako nang matinding saya sa kabila na panghihina ko.
Abot kamay ko na ang sanggol nang bigla na lamang mabuksan ang pintuan, nagsigawan ang mga babae, kita ko ang panlalaban ni Julian.
Hanggang sa makarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril.
"Kuhanin ang bata!"
Yakap ko ang bata habang pilit ko siyang itinatago sa mga lalaki, halos hindi ko matanggap nang makita kong nakahandusay na sa sahig ang katawan ni Julian.
"Just get the child! And we declare the woman dead!"
"She's still alive!"
"Then kill her!"
Tinanggal ng isa sa kanila ang maskara, isang babae. Marahas niyang inagaw ang baril sa lalaki at nagmamadali itong lumapit sa nanghihina kong katawan.
"The child is mine, you bitch!"
Itinutok sa akin ng babae ang baril at tanging pagputok ng baril ang huli kong narinig.
Muling nagmulat ang aking mga mata.
"Shit! What the hell is that?"
"You're awake," halos napatalon ako sa kama nang makita ko si Julian.
"Huwag ka lalapit sa akin! What did you do to me? You drugged me!" kaya siguro ganito na lang ang panaginip ko.
Tumalim ang mga mata sa akin ng lalaki at naupo siya sa kama. Pilit akong nagpipiglas nang hawakan niya ang mga kamay ko sa kama.
"What happened? Why are they after the child? You fooled me? Hindi ba at anak ko ang bata?"
Suminghap ako sa tanong niya.
"What the hell?! Are you out of your mind?!"
"I am not mad Danica, that was part of the past. I was killed and so you are, but why? Why are they after the child?"
"Hindi ko alam! Nagising na lang akong nanganganak!"
"I don't believe you, did you cheat? Or you had sex with someone else?"
"Tang ina mo! Hindi ko nga alam!" I gave him a head-butt.
Nagmadali akong bumaba sa kama, nababaliw na ang lalaking ito.
"Then tell me! Answer me! What happened?! The past Julian was so in love with you and I can't accept that we were betrayed by the woman we loved. Just tell me."
"Wala nga akong sasabihin sa'yo! Wala akong alam! And what the hell? Kung nakaraan! Nakaraan na! We can't change it or something! And I won't be doing the same thing! If the past Danica was with you and she died. You don't expect me to do the same thing!"
"Why would I stick to someone who's capable of cheating?"
"Wow! It was from the past! You idiot! I'm out!" marahas akong tumakbo sa may pintuan at lumabas ng bahay.
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan, dito ko nakita si Claire at Jonas na magkayakap habang nanunuod sa sofa.
"I'm going home."
"What? Kadarating lang natin, I thought you enjoyed my cousin's company."
"You cousin is crazy."
"Danica, walang maghahatid sa'yo. Jonas is busy."
"I'll walk then, or there's a public transportation here right?"
"Ihahatid ka ng pinsan ko."
"No way! Your cousin is crazy! He drugged me!"
"What?!"
"That's a false accusation, Danica." Lumingon ako sa taas ng hagdan.
And there, I saw the same man who was with me from the past. If he was telling the truth? Why did the Danica from the past cheated on him?!
If he's not crazy, he's hot!
"Then, let them drink your wine!"
"I'm sorry to tell you this, Jonas, Claire. Actually, Danica's my ex girlfriend. I'm sorry for her tantrums." Natutula ang kailbigan ko na parang naniniwala siya kay Julian.
"He's not my ex! Oh my gosh! Ayoko na dito!"
Nagmadali na akong tumakbo at lumabas ng bahay ramdam kong hinahabol na ako ni Julian.
"Leave me alone!"
"Danica!"
"I said leave me alone!"
"I'm sorry! I'm sorry! Please stop!"
Hindi ako nakinig sa kanya pero mas mabilis siya sa akin, agad niyang ikinulong ang bewang ko sa mga bisig niya.
"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" pilit niyang sinasalag ang mga kamay ko.
"Hey, hey stop. Sorry, let's just brush the past and we start all over again. Please?"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro