Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

The rock-strewn ground felt vicious against my feet as I landed with a heavy thud.

Muli kong naramdaman ang marahan na paglipad.  Sa bawat bahagyang pag-angat para sa panibagong hakbang, tila may pakpak na tinutulungan ako na mas mapatulin pa ang usad ko. Ang nilalagpasan na mga puno ay isa nang malabong tanaw. Sweat rising to the surface of my skin, it was a torturous blend of sharp and cold as my sprint doubled in speed. Naninikip na rin ang dibdib ko, at sa ilang sandali na lang ay malalagutan na ng hininga.

But there is no way I am stopping until I'd lose them on their way. Laying hold of my second chance to life at the heart of the forest for almost half a year, there is no doubt that I am highly familiar of this place more than any one of them do.

"Isa pa! Banda roon!" I heard one of the men's order.

Napasinghap ako. Ang halos nagpaalinlangan sa bilis ko ay ang kauna-unahang pakawala nila ng bala. Mabuti't napigilan ko ang pagkakatiklop ng aking mga tuhod.

I ducked down at the same time covered my ears when another deafening shot was fired. I slightly swerved to the left as the flash of bullet whiz past my right, hitting straight the trunk of a tree ahead.

"Ayon! Nakikita ko!"

Another strike overlooked the kill.

"Sagarin niyo pa hanggang sa matamaan!"

More bullets were fired but I can always dodge them according to where my instinct takes me to go. May kinalaman din marahil ang bilis ko pero hindi ito madali, lalo na't hindi ko naman nakikita kung kailan sila aasinta at kung saang gilid ang dapat kong iwasan.

This is also probably just the same as reading people, and once I do, it would be easier for me to trick them.

"Fuck!" I carelessly exclaimed, hindi napigilan dahil sa bigla nang maramdaman ang hapdi sa kaliwang braso. Either it's the flash of bullet or an obstructing twig, who knows.

I had no time to check on it and just stayed on running, grateful that they didn't hit my leg or otherwise, I'm finished.

God, is this what I get for fooling people? I don't really believe in karma and such, pero hindi ko rin naman hinahamon ang katotohanan tungkol sa mga bagay na iyan. All my life I only believe in one or two things. My mother's words. And the most recent, the consequences of my actions.

I didn't even want to believe in fear until it was lay bared to me through  a sad news. I was a child then. Iba ang takot ko noon sa nararamdaman na sindak ngayon. I have never been this fearful for my life, not even when I'd been so aware that my life is shorter when I entered a dangerous kingdom. Lavish as it may have seem, but deep in the gut of that pristine manor I had once lived is up to now, an endless stream of gore hailed from the atrocious hands of greed of power.

Bolting faster and forward towards escape, my mind retreated back to the dark times of playing trophy wife of one of the most treachorous man in the country.

I call him Daddy. He calls me Sweet. Other times Dolcezza, and in silence, I call him puta. I intensely abhor it when he croons Cariño every damn time he sees fit to be brutal. Like each steel hand he lays on me, I think of so many ways to bestow him pain better than a bruise, worse than just a curse, all from the deeds of a fellow criminal.

Just last year, he's got the taste of my satisfying bitterness. Justice, and I was at the back seat with some people watching as the jail cell devoured him and all of his rotted sins.

Pero Mierda! I thought his punishment, by default, will accord to my implored deliverance! Pagkatapos ng isang taon na pananahimik ko sa inarkilang kubo sa lilim ng gubat, nagulantang na lang ako sa pagkasa ng baril isang oras bago ang pagsikat ng araw!

"Sonofabitch!"

Another freed bullet impaired the silence of the morning. I don't have a choice. Bago pa sila makaisa ng tama sa akin, kailangan ko ng panalag! I veered towards a huge tree and took cover.

I closed my eyes and breathed hard. The impact of the run hit me with a vengeance when the pain in my legs is felt better now that I stopped. Napayukod ako at sinapo ang dibdib, hinihingal. And when I swallowed, the dry ache in my throat is I swear, making me cry. Kahit ano yata ang tatambad na inumin sa akin ngayon ay papatulan ko, kahit pa ambon.

My head hung between my shoulders. Napatingin ako sa ayos ko. My white long nightdress has long been succumbed to dirt and drying sweat. Wala pa rin bisa pagpagin ko man ang dumi, madungis pa rin ako.

What a shame, Eda. All these years, you'd always really be that sad poor bitch who only gets a momentary sip of that old man's wealth.

I looked at my feet. But even without doing so, I can already feel them drenched in moist dirt from the wet grasses since the rain last night.

Last night's rain, I remember... ang panatag pa ng buhay ko kagabi. Ngayon ay parang Bagong Taon lang kung magpaulan sila ng mga bala, walang habas na alingawngaw. Tinatabunan ang tunog ng gangis at buhay ng kalakalan sa may kalayuan pang bayan. I smiled bitterly and thought about their determination in killing me. Not sure if they really want me dead, or just to cripple me enough to capture and bring me to their new boss or straight to my grave.

Napangiwi ako sa panibagong dagundong. They just wouldn't stop, huh? Mga gunggong!

To hear that sound again after almost a year of my desired repose is always never a good news. This morning just before the sun showed up, I was still lying on my bed and opened my eyes only to find a group of masked men surrounding me, the mouth of a gun already pointing at my head. Nanlaban ako at dali-daling pinulot ang iilan sa mga importanteng bagay.

I quickly shoved back the memories of my near capture. Fingernails buried on my skin, guns pointed at me, the smashing of plates as I tried to fight back... I realized by then that I may have been the very best at pretending, but I was never even half as good in hiding.

Halos ayaw kong paniwalaan na mahuhuli nila ako. How could that be? Well, aside from playing Judas since he always thinks he is Jesus effin' Christ, how come his disciples are still after me?

And how were they able to trace my location, I don't understand. For all I know, my dear old husband never invested a single property here in Negros, the reason why I chose it here to seek refuge from the first place. Or maybe he did, he just intended to leave me in the dark for it. Makes so much sense since one thing he is not is being stupid. A nutcase, yes, but never stupid.

In my case though, either it was pure luck on my side to survive inside his territory, or I was just extremely good at what I'm doing.

May narinig akong kaluskos sa damuhan dahilan para matigilan sandali at sa huli ay naisipan na tumakbo ulit. But the first I attempt I did, my knees shuddered and I couldn't feel my legs. Maglalakad na lang sana ako pero nang matanto ang papalapit na mga sigaw, walang pag-aalinlangan akong tumakbo!

This is just so unfair. These ugly goons can easily take me down with a gun while I ran out of time to get mine since there are atleast ten of them against me! I can't exhaust myself through just fighting each men so I had to bolt out and leave!

It only took this memory before I get to realize it myself why they are on a hunt for me. Bakit ko nga ba makakalimutan ito? I may not have a gun to shoot them one by one, but I am holding a disastrous tool that could destroy all of their master's useless lives!

Jeez! Kung hindi lang talaga ako hinahabol ngayon, kanina ko pa sila pinagtatawanan! I can just laugh at them in my mind because... why not? I will never let them take it from me. Mga estupido!

Ilang segundo na ang lumipas, my knees are about to abandon hope but I still don't want to stop. Kumaliwa ako nang matanaw na mas madilim sa bandang iyon. Kahit mataas na ang sikat ng araw, dahil sa dikit at siksikan ng mga puno at magulong likid ng matatabang ugat at sanga, hindi ito gaanong nasisilipan ng sinag.

Naisip ko rin na kung puwede nga ay akyatin ko ang isa sa mga matatayog na puno. But for sure it would take time to reach the top and before I know it, their hands would already be clawing at me.

Malapit na ako sa madilim na bahagi nang matanto ang kapansin-pansin na katahimikan. Bahagya akong natigil sa pagtakbo. Upon grinding to a complete halt, I can only hear my harsh breathing and that's all of it. No other unusual noise that doesn't belong to the forest. But the bizarre silence...

My body quaked caused by the violent pounding of my heart.

May pag-aalinlangan akong umikot, maingat at may paghahandang umilag sakali man na may nakaabang. Parang dinagdagan ng umaalog na bomba ang puso ko nang makita na wala na ngang tao. It was fully big trees beyond me, swaying and rustling. Kahit ang mga kaluskos at boses ay tila nagsilipana.

I strained my ears to filter the tiniest odd noise I could hear but there was nothing aside from the buzz of the insects and distant sound of vehicles.

Back when I was fourteen, I was once taught to not get easily fooled by this kind of oppressive silence for it mostly alludes to harm. Indeed, it is unbelievably peaceful, and I could never find it in myself to be relieved by it.

The cold comfort was redeemed only by the mild hush of the wind draping around me. Marahan akong napapikit at kumurap. I scanned the radius of the forest with what my eyes can only reach, watching out for the simpliest noise and sneaky swift movements. Bothered and confused, I walked towards the giant tree standing just near the dark region of the forest.

Isinandal ko ang likod sa puno at hinayaan ang sarili na makahinga. Tumingala ako sa langit. Mabilis nanliit ang mga mata ko sa pagtama ng sinag na sumisilip sa siwang gawa ng marahan na kiskisan ng mga dahon sa puno. Glaring back at the ray of sunlight in any sense, offers me salvation. And the momentary glimpses it did for me in some ways, was my long awaited sliver of hope.

Napahinga ako nang napakalalim sa panibagong takbo ng isipan ko. 

I wonder what's the worst that could happen if I didn't wake up? Dead, most likely. And staying alive in front of their eyes might have been the worst decision I'll ever have to live by for the last time...

Hindi ko itatanggi ang makailang beses na panunukso ko sa sarili na bumalik sa amin. Truth be told, but fulfilling it was rather tempting for it has been a long running plan of mine ever since I left home. But as someone who holds the key to dirty politics' downfall, going back would be a close call to impossible.

I can't even begin to imagine what could have happened had I stick to my original plan. I will jeopardize my family. And I would rather choose death if I ever see the fatal side of my consequences touch them in front of me.

"Mama, Tim, malapit na akong bumalik. Kaunting hintay nalang..." I whispered.

I told myself to come back, though I will not be as rich as what I have promised to be... an afterthought. Just to indulge myself a little more in this respite.

The wind picked up its pace. Ang maikli kong buhok ay tanging pisngi at batok ko na lamang ang kinikiliti. Closing my eyes shut, I allowed a ridiculous fantasy to play inside a dark setting in my mind...

I am some rich man's wife who was promised with not just a ring, but a journey to live the rest of her life in opulence. Natapos ko ang piniling kurso sa kolehiyo, pero ayaw ng asawa ko na makita akong naghihirap. He wants me to stay in our mansion and basked in the services of our maids and a mix of everything of what his wealth could offer. So I do endless shopping, drive around the premises of our estate, dip in the pool, sip some cocktails and wine, travel the world... napatayuan ko na rin ng bahay sila Mama...

And while waiting for my husband to arrive, I'd be waiting in our room. I'd be lying in the softest bed of dollar bills wearing only my silk lingerie and a cartridge revolver planted beside my head like he wants to, for precaution. Then my victorious laughter echoes around the four walls as I throw more cash above and watch them fall like slow rain all over me.

And my husband? Siyempre, binigyan ko na ng mukha ang lalakeng iyon. A little bit older than me but who cares? He is filthy rich as fuck that he can buy me an entire island!

Oh, what a fleeting dream it has been, Eda. But that was never your life. It may have happened once, but it was never the kind that I am willing to endure for a lifetime.

Now where should I go from here? Hindi ako mapapanatag ngayong natitiyak ko na kalat na ang mag tauhan ng dating asawa ko para dakpin ako. And probably not just his men. It's either that or the police!

Kung nandito lang sana si... Oh god why should I even think about him? Iniling ko ang aking ulo. I won't ask for his help. As if! Hindi rin naman ako ang priority niya kaya bakit ko pa siya aabalahin? At isa pa, kaya ko ang sarili ko. I don't need his charity, thanks. Sapat nang nasa pantasya ko siya, wala pa akong magiging problema dahil doon, nagugustuhan niya ako.

But then, he belonged to the few ones who could really see through me. In a worst case scenario, I know I can  always rely on him. Using different names to trick and catch bad people red handed, we have both been through it... together.

Pero ngayon, hindi ko na nga alam kung may maniniwala pa sa akin sa dinami-daming nilinlang ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan pa ba ako. He knows how I always excel at putting up a good show, and he can easily tell that I make use of all my assets to my advantage just to trick, to fool... to get what I want.

Sounds like an ambitious bitch, right? It's true though. I will always be that woman who knows what she wants. Money, power, you name it. The only sad part is, I never got to point where I figured out who I really am.

Because in every name that I carry, it holds a whole new different story. One day I am just Eda, a simple girl in a remote province. Next I am Zea, a beggar in the streets. At thirteen I became Bethany, an orphan from a well-off family, and the list goes on and on until it occured to me that I am just creating my own dangerous grand theatre braced by the lives of my chosen victims, fools, and sins. 

At matagal ko na ring natanto ang dahilan kung bakit ako ang pinili ni Mama, labag man sa kanya ang ginawa. She knew all this time that I can always find a way to survive. Alam niya na gagawa't gagawa ako ng paraan at mas alam niya na kaya ko higit pa sa mga kilala niya.

I pulled another deep breath and ordered myself to get ready. Nanlalambot pa rin ang mga tuhod pero kailangan ko nang makaalis. In light of the almost tragic incident this morning, I'd be the one to say that it isn't safe for me to stay in this place anymore.

Humiwa sa payapa ang pagkakadurog ng tuyo na dahon nang maapakan ko. Just as when I was about to take another step or two,  my foot got caught by a thin root. Nag-unahan na kumakapa ang mga kamay ko, umasa na makahagip ng sanga o ang puno pero huli na ang lahat.

Nanlaki ang mga mata ko habang unti-unting bumababa ang aking katawan at tiyak na babagsak ang mukha ko sa nakaabang na putik sa lupa! I quickly shut my eyes, already expecting the fall and the warm hit of mud in my face. Lumusob ang isang alaala sa kaparehong karanasan noong bata pa.

Madilim, dahil ito sa mga mata ko na sadyang kailangan ipikit dahil nakabaon ang mukha ko sa putik.

"Hanapin niyo! Siguradong hindi pa nakakalayo ang batang iyon!"

Mabilis kong naiangat ang aking ulo at naramdaman agad ang malapot na lupa sa mukha ko. Ang iba ay dumudulas pa na parang luha pababa sa aking leeg. Nakakadiri!

"Lagi na lang tayong naiisahan niyon, a? Nung isang araw pa iyan!"

"Ang bilis naman kasing tumakbo, parang hindi babae, e."

"Bata nga, 'di ba? At sino bang magnanakaw ang magpapahuli? Kaya malamang, matulin ang takbo niyan!"

Nanlaki ang mga mata ko pero mabilis ding naipikit dahil sa pumasok na lupa. Naririnig ang papalapit na mga kaluskos, lumala ang tulak ng kaba. Isinantabi ko muna ang silip ng takot na iyon at nag-ipon ng lakas para makatayo.

With only a single eye open, I searched and found the nearest tree to take cover. Maliban sa napupuwing pa ay hirap din akong makahinga sa putik na tumatabon sa mukha ko. Kaya naman nang maisandal na ang likod ko sa puno, gamit ang dulo ng shirt ay inalis ko ang makapal na putik na naninigas na sa aking mukha.

"Dito, parang nakita ko siya dito banda dumaan!" sila na naman. I wonder how will they be able to find me?

Pinadausdos ko ang likod hanggang sa makaupo na ako sa damuhan. Nagpatuloy ako sa paglilinis ng mukha pero ayos na rin kahit may natitirang dumi basta makahinga lang ako. Looking at the condition of my shirt, I couldn't help but to be sad. Luma na kung titignan at kupas na rin ang mukha ng nakangiting oso sa gitna ng damit, pero naging paborito ko ito dahil bigay ni Papa.

I smiled as I couldn't help myself to remember him again.

Bata pa lang talaga ako ay mahilig nang tumakbo. I'd say that I took it from my father who used to be a part of the Army. Every time he comes home from his work in the camp, he always brought me with him to jog every morning in the local parks. He taught me life lessons that wasn't suited for my age, so I'd never get to understand it back then.

He was a great man. A father that I could never ask for. Soft smiles, crinkles at the side of his eyes, his wisdom, the way he treats everyone around him, and the way he handles his family are just some of the traits that what made my mother helplessly fall in love with him. Those were the remarkable happy times, until a war ended his life. Mother has  never  been the same way ever since... and me.

Ang sabi nila, may matatanggap na tulong pinansiyal ang mga nawalan at naulila sa digmaan. I also learned about the benefits we should receive and the insurance, I tried to ask some people about it. Years passed, we received nothing. Sinubukan iyon na ipaglaban ng ina ko pero wala rin. We never understood why, and we didn't know who to blame, It must be my father's failure to sign the forms, the department, or an error from the government.

Simula noon ay pakiramdam ko, naging malupit na ang buhay sa amin ni Mama. I could barely count the number of times we move places, dahilan para makaapekto hindi lang sa pamumuhay namin pero pati na rin sa pag-aaral ko. No other relative would want to keep us under their wing so we have to make it on our own.

Until she met Tito Martin. I thought our life would completely change and it did, only for the worst. Lahat ng mga kinikita namin ni Mama,sa kanya napupunta at winawaldas lang sa sugal at alak kaya madalas ay umuuwi itong lasing.

To witness all of these loss and failures, I have to give it to my mother. She remained resilient, and I swore to myself right then that I have to be like her as well despite her bad decisions. Sa kanya ko naman natutunan na kahit ano pa man ang pipiliin kong landas, magkakamali talaga ako sinadya man o hindi. The pain I felt for my father's end, taught me to be afraid but as well as to fight that fear of the unknown. While the bad decisions I watch my mother made, taught me that lessons are made from mistakes and someday, I will only have to make it in this world alone.

Tumayo na ako at dahan-dahan na sumilip sa pinagtataguan na puno.

"Dito, dito!" asik nung isa at kita ko pang tinulak ang isa pa nilang kasamaha. 

Umangat ang sulok ng labi ko para sa isang pilyong ngisi.

"Mga hangal..." bulong ko at tahimik na umagik-ik.

Nang tuluyan na silang malamon ng kabilang parte ng gubat, tumulak na ako at tinahak ang usual na daanan pauwi sa amin.

Iyak ng bata ang bumati sa akin papalapit pa lang ako sa barungbarong. Dumiretso ako sa silid ni Mama kung saan ang pinanggalingan ng iyak na tumigil rin naman nang pumasok ako.

Big, innocent and round eyes greeted me. Nakaupo na si Timotheo sa ibaba ng higaan habang may nakasubo na laruan sa kanyang bibig. May bakas pa ng luha ang mapupulang pisngi niya. He stared at me as if shocked by my sudden presence.

"Ano? Nasaan si Mama? Ba't ka umiiyak?"

Awang ang bibig at sa nakakaawang mga mata, umiling siya. He never went back crying again.

"Huwag ka nang umiyak, Tim," sabay ngiti ko nang inangat ang dalang supot laman ang mga kailangan namin sa loob ng tatlong araw. "Magbibihis lang ako. Balikan lang kita."

Pagkatapos ilapag ang supot sa mesa, dumiretso ako sa likod ng bahay at pinulot ang hose sa may halamanan. I hit the burst of water on my face and rub it to get rid of the rest of the dirt. Sa shirt ko naman, wala akong choice kundi labhan ito rito bago pa makita ni Mama.

As soon as I turned he water off,  I heard distant voices of some people  nearing our house. Pinakiramdaman ko iyon at natanto na nasa tapat na sila ng pinto namin. Dali-dali akong pumasok sa bahay at nagbihis para naman presentable kong haharapin kung sino man itong mga bisita na kausap na ngayon ni Mama.

"... Oo, e. Baka rito dumaan iyon, Nang. Nung hinabol kasi namin ay parang alam ang pasikot-sikot sa kagubatan."

Natigilan ako at bumaling sa may bintana. I slowly resumed choosing a shirt to wear, at ganoon din ang pagpapalit ko ng damit.

"Anu-ano ba ang ninakaw ng batang iyan at mukhang nababahala kayo?" Si Mama.

"Marami-rami rin, sa magkaibang tindahan pa! Itlog, gatas, sardinas, tapos meron ding kinuha sa kalapit na botika. Isang tindahan din na malapit doon, nagreklamo dahil may bawas na raw sa kinikita niya nitong umaga lang. Kaya marahil ay may kinupit ring pera!"

Napanguso ako at iniwas ang tingin sa bukas na pinto ng aking kuwarto. I briefly contemplated about what I've done. It sounds wrong to me now that I heard how these people are stressed about it.

Pero mabuti naman ang intensyon ko, at wala akong pinahamak na ibang tao... Wala nga ba? Kinagat ko ang labi ko.

"... Baka namin nahagip niyo po na dumaan dito. Wala naman po kasing ibang tatahakin palabas ng gubat kundi dito lang."

"Nako, pasensiya na mga hijo, e kakagaling ko lang sa kapitbahay kaya malamang ay hindi ko nakita ang tinutukoy ninyo."

"Ganoon po ba? Ah, sige po. Pero matanong lang namin, nandiyan po ba ang anak niyo? Baka kasi kilala niya, kasi mukhang magkasing-edad lang sila nung hinahabol namin."

"Anak ko? Si Eda? Batang babae pala, ninakawan kayo?"

"Oo nga po, e. Iyon po ang nakakaasar!"

"Oh siya, sige. Tawagin ko lang pero hindi ko lang sigurado kung nakauwi na ba ang batang 'yon. Eda!"

Huminga ako nang malalim at hinanda ang sarili. Tinuwid ko ang aking tindig at siyang sa pag-ikot ko, gumanti ng titig sa akin ang sariling mukha ko sa mumurahin naming salamin.

I schooled my face into that innocent girl most people adore about me. I can always get away with anything for it. Inabot ko ang nakapulupot na goma sa ulo ko at nang matanggal ang nakapusod na buhok, bumagsak na parang agos ng talon ang makapal at brown kong buhok na huminto sa aking baywang.

"Eda! Nako, nandoon pa yata sa bahay ng kaibigan niya."

Halos ikutan ko ng mga mata ang sinabi ni Mama at tahimik na natawa. Ayos lang, hindi naman niya alam na wala talaga akong kaibigan.

At a young age, the girls already started to hate me. While the boys, they love what they can only see. And I can always bring them down to their knees.

Tinawag ulit ako ni Mama at sa tingin ko ay papasok na sa bahay para alamin ang pag-uwi ko. Bago pa mangyari iyon, lumabas na ako ng silid. .

"Ma? Bakit?" ganti ko pagkalabas ko sa hamba.

"Oh, andito ka na pala. Kanina ka pa nakauwi? Hinanap ka ng mga 'to, kilala mo ba raw ang nagnanakaw roon sa talipapa?"

I looked at the three men who chased me a while ago.

Kung kilala ko, bakit sa tingin nila ay sasabihin ko?  Posible naman kasi na pagtakpan ko kung sino man iyon.

Maintained my innocent front, I smiled sweetly at them. Bumagsak ang panga ng lalakeng nasa kanan, at kita ko naman ang pagkakatulala ng kasama niya.

"Hindi po, e. Hindi naman  po ako nagpunta roon..." I looked at my Mother. "Ma." Sa pinahinhin at malambing kong tinig.

"A-ah, e..." hilaw na tawa ng nasa gitna, parang napahiya. "P-pasensiya na po sa abala. Ah, sige po. Baka hindi nga po iyon dumaan d-dito..." muli nitong tawa at umalingawngaw naman ang pag-sang ayon ng dalawa.

My sweet smile widened. I can feel my tiny freckles stretched from the middle of my nose to each of my cheeks. Kita ko ang pagkurap ng huling nagsalita at pamumula ng mukha niya.

"Balik na po ako sa loob, Mama. Baka umiyak na naman si Tim."

Dala ang mahinhin na ngiti, marahan kong niyuko ang aking ulo bilang paalam kasabay na itinago ang takas na hibla sa likod ng tenga ko.  At sabay sa aking pagtalikod, unti-unting humugis ng talim ang mga mata ko. Now my face switched to cold, I smirked.

I marched back inside our house and went to my baby brother.

Hindi rin nagtagal ang mga lalakeng iyon. Umalis na rin sila pagkapasok ko sa bahay. Naalala ang dinala na supot, iniwan ko muli ang kapatid ko sa silid ni Mama at tinakbo ang kusina.

"Dapat na talagang palitan itong pinto natin. Dumadami na ang nababalitaan kong nakawan lalo na sa bayan. Ikaw, Eda, ha? Pag umaalis ka, huwag mong kalimutan ikandado 'tong bahay."

"Wala naman pong mananakaw sa 'tin," mahinang sabi ko, sinusubukang itago ang dinalang supot kanina sa ilalim ng damit.

"Aba'y kahit na. Malay ba natin, may tinatago pa naman akong pera diyan para hindi rin makita ng Tito Martin mo."

Kumulo agad ang dugo ko at napapabuo ng kamao sa inis Hindi ako sang-ayon sa pagsasama nila ni Mama pero dahil bata pa, wala pa akong magagawa. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ayaw pa siyang iwan  ni Mama.

Nakatalikod mula sa ina, hagip ko ang pagpasok niya sa silid at inaaliw si Timotheo. Mabilis kong nilapitan ang nahagip na kahon para pansamantalang taguan ng dala ko.

Aaminin ko rin naman kay Mama ang ginawa ko, pero hindi na muna sa ngayon.

"Eugenia!"  tawag ng kapitbhay namin na pinuntahan yata ni Mama kanina.

Pinagmamasdan ko ang pagpasok ni Manang Adring mula sa de-kahoy na mesa namin sa dirty-kitchen. Para sa akin, matatawag na siyang kapitbahay kahit na kinse minutos pa ang aabutin bago makarating sa kanila. Her shack is the only closest basepoint from our house. Thus, our only neighbor. She has always been that one friend who delivers my mother the freshest news.

"Oh ano, pumayag na ba 'tong  anak mo? Siya lang talaa ang nakikita kong nababagay na pumalit ngayong Sabado."

Kumunot ang noo ko , napapirmi ang pandinig dahil sa naging interesado sa usapan nila.

Lumagpas ang tingin ni Manang Adring kay Mama at tumutok sa akin, puno ng mangha. Tumabi si Mama nang unti-unti akong nilalapitan ng kaibigan niya.

"Tignan mo nga naman, ang ganda ganda talaga ng anak mo, Mare! Bagay na bagay siya maging sirena! Sigurado naman na malaki ang kikitain ninyo dahil dagsa panigurado ang mga tao sa ganap na pista! Maraming tatangkilik dito sa anak mo, Eugenia!"

Napabuntong hininga si Mama at napatingin sa akin. Nakikita ko na ang digmaan ng pagtutol at sang-ayon sa kanya pero kikita raw kami, bakit niya naman aayawan iyon?

"Kinakabahan ako, Adring. Marami akong nababalitaan na mga batang dinudukot tapos ay binibenta! Baka pagkainteresan pa 'tong anak ko!"

"Sus, ano ka ba! Wala ka bang tiwala sa 'kin? Minsan mo na ring pinabantay sa akin si Timotheo at sigurado ako na gayon din ang gagawin kong pagmamatyag rito sa panganay mo. Lalo na at may kapital din kami dahil sa rekomendasyon. Kaya hahayaan ba naming makawala ang alas? Pero siyempre... ang mas malaking kita ay sa inyo mapupunta!"

Napakagat ako sa ibabang labi at parang hindi mapakali. Basta pera na ang pag-uusapan, hindi maaring palalagpasin ko iyan!

I caught my mother's look that only means the ball is in my court now.

"Hindi ko lang alam dito pero kung ako ang tatanungin, iba na lang ang alukin niyo, Adring."

"Payag po ako," agap ko. "Ayos lang po sa akin basta malaki ang matatanggap kong pera."

Napapikit nang marahan si Mama. Huwag kang mag-alala, Ma, hindi ako mapapahamak. Ako pa ba? Ilang beses na ba akong tumakbo at hindi pa rin nahuhuli.

"Oh, iyon naman pala!" Manang Adring giggled like a young girl. "Para rin ito sa pag-aaral ni Eda at pagpapagamot sa bunso mo."

Napabaling ako sa loob ng silid na katapat lang din nitong mesa. Timotheo, my two year old half-brother is already fast asleep in the bed. Maagang naipanganak kaya masakitin at sensitive. Minsan ay takot nga akong hawakan siya dahil mukhang babasagin na figurine. Aside from his round downturned eyes that he took from our mother, his pale porcelain skin, rosy cheeks and dark curls are just some of the distinctive traits that are at odds with mine. Ang hugis ng mukha ay sa ama niya namana na hindi ko alam kung saan na naman nakikipagyaya ng inuman.

"Sigurado ka ba, Eda?" Hindi makapaniwala  si Mama at binalingan si Manang Adring. "Onse anyos pa lang 'tong anak ko, Adring. Baka kung anu-ano ang ipapasuot sa kanya."

"Naintindihan naman kita sa banda diyan, Mare. Sa sobrang ganda ba naman nitong anak mo, siyempre at takot kang ilabas ito." She looked at me lovingly. 

Puro lalake ang mga anak ni Manang Adring kaya hindi rin maitago ang pangungilala niya ng isang anak na babae.

"Lagi ngang gumagala iyan. May araw na nakaabot na sa kabilang baranggay. At may balak pa iyang magpaikli ng buhok! Ewan ko ba sa batang 'to at kung anu-ano ang naiisip."

"Uy! Iyan ang huwag na hugag mong gawin, eda!" Gigil na pagkakagulantang ni Adring. Kung malapit lang siya sa akin ay malamang ay kinurot na ako.

"Isa sa puhunan ay ang mahaba at maalon mong buhok! Napakakintab ng pagkaka-brown! At saka pansin ko, Mare, kitang-kita na ang tangos ng ilong! Mana talaga kay Henry, ano? May umaaligid na ba dito?"

"Bata pa iyan, hindi ko pa papayagan," aniya at binalingan ako. "Payag ka ba talaga rito, Eda?"

Maamo akong tumango.

May dalang pagsuko ang ibinugang hangin ni Mama. Binalingan niya muli ang kaibigan.

"Basta kung mapahamak man 'tong anak ko, ikaw ang unang-una kong sisisihin!"

Tinapik ni Manang ang braso niya. "Makakaasa ka sa 'kin, Mare. Aalagaan namin itong mabuti."

Doon na nga nagsimula ang mga pagtatanghal ko. Unang sabak ko sa ganitong mga mumurahing karera ay maging sirena sa perya. Kilala ni Manang Adring ang may-ari na dayo pa raw sa may kalayuang munisipyo. I accepted the offer because first, money. Pangalawa ay bukod sa kikita ng pera, sisiw lang din ang gagawin ko. Uupo sa bibig ng isang napakalaking aquarium laman ang malamig na tubig at pagbabatuhin ng maliit na lobo hanggang sa mahulog ako.

Ayos lang naman sa akin na batuhin, at least sa akin din naman napupunta ang mga pinambayad nila. Lugi sila kapag hindi ako babagsak. Kaya sa huli, ako pa rin ang nagwawagi!

I smirked again from that dearly simple memory.

Kapag wala naman ang perya na sa tuwing pista lang nagaganap, madalas ay kinukuha ako ng mga lokal na magtanghal sa maliit na teatro sa tuwing may okasyon sa baranggay o palipas oras nila tuwing hapon.

Sa dinami ng mga sinalihan kong pagtatanghal, akala ng lahat na ang dami ko na sigurong kaibigan. But I do these kind of things plainly not to gain friends.  I do it sometimes because right after the presentation, iniimbitahan ako ng mga magulang ng mga batang nakakasama ko para mag-snack sa bahay nila.

"Ate Rona, ang sarap po ng turon na gawa niyo. Puwede pa po ako kumuha ng isa?"  sabi ko.

"Kumuha ka lang diyan, Eda. Ginawa ko talaga iyan para sa inyong lahat."

Palihim akong pumuslit ng apat. Binalot ko sa manipis na supot at siniksik sa bulsa ng shorts ko. Tig-dalawa sila Mama at Tim. Wala para kay Tito Martin.

Pagkatapos ng kainan ay umuuwi na rin kami. Iyon lang naman talaga ang pinakahihintay ko maliban sa pera. Nagpatuloy ang ganoong takbo ng mga araw at may mga naiipon na rin ako sapat sa mga kailangan namin sa mga susunod na buwan.

"Isa kang taksil! Ganid sa yaman ng ama ko!"

I gasped loudly, exaggerating my shock with wide eyes. Tinakpan ko sa kamay ang bibig ko para makita nila na gulat na gulat ako sa paratang.

"H-hindi po, mali po ang iniisip ninyo..." Namuo ang maiinit na luha sa mga mata ko. Pinakita ko ang panginginig ng aking mga labi.

Dinig ko ang mumunting bulungan at impit na humyaw ng iilang tao sa ibaba ng stage.

"Maawa po kayo!" Sabay luhod ko at kumapit sa binti ni Eba. "Gagawin ko po ang lahat ng gusto ninyo, Senyora. HUwag ang mga anak ko..." humagulhol  ako.

Nagtayuan ang mga tao sa harap. Isang maliit na stage ang nilagay dito sa maliit na espasyo ng tuyo at mabatong lupa para sa aming simpleng pagtatanghal. Kahit ang mga naglalaro sa tila abandunadong basketball court sa tabi ay napapalingon na rin at ang iba ay napapatigil para manood.

I feel so proud and happy, but I have to keep my act going until the end of this amateur show.

"Ang galing mo talaga, Eda! Napapasaya mo ang hapon namin!"

Hinahabol ako ni Sergio, pamangkin ni Manang Adring at isang taon ang tanda sa akin.

"Oo nga! Mas magaling ka pa kesa roon sa napapanood ko sa TV," pagbuntot ng kaibigan niya.

Ngumiti lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nasaan na ba iyong magbabayad sa akin? Do they even realize? I'm doing this to earn money, not to collect their compliments!

"Ah, Eda, ayos lang ba sa iyo na bigyan kita ng bulaklak? Bagay kasi sa ganda mo..."

Napahinto ako at agad dumikit ang kunot noo nang hinarap ang tatlong bugok, lalo na ang leader nilang nasa gitna, si Sergio.

"Wuuy... 'di ka papatulan niyan. Sa ganda ba naman niyang si Eda, sa mayayaman lang iyan kumakabit. 'Di ba, mahilig ka sa mayayaman?"

Pinandilatan ko siya, "Bakit may kilala ka?"

Humagalpak siya at hinampas si Sergio. "Kita mo na? Kaya hindi ka sasagutin niyan. Tsaka 'di rin papayag si Nang Eugenia, bata pa kayo."

Umirap ako at nagpatruloy na sa paglalakad. Uuwi na nga lang ako, gumagabi na at kailangan ko nang magsaing.

"Liligawan kita, Eda, pagtuntong mo ng sixteen o dise otso!" determinadong deklara ni Sergio.

The people heard that and some of them were even cheering!

"Hanggang ligaw ka lang, 'di naman kita sasagutin!" ganting sigaw ko at binilisan ang paglalakad. 

Kinukutya na siya ng mga kaibigan niya pero ayaw talaga niyang papatalo at humirit pa ng isa.

"Makikita niyo pag yayaman talaga ako!" hamon niya."Ibibigay ko lahat sa 'yo Eda, kahit iyong lupa namin at babuyan ni Tatang!"

Napaikot ang mga mata ko sa langit. Hindi ako tumigil at patuloy rin naman sila sa pagbuntot sa akin.

"Kahit iyong mamanahin kong manok, iaalay ko sa 'yo, Eda."

Lumukot ang mukha ko at napailing. Hindi ko pa rin sila hinaharap.

"Kung ibenta mo na lang iyan at sa akin mo ibigay ang pera, tatanggapin ko pa. Aanhin ko iyang manok at baboy mo?" sabi ko.

"Inahin iyon kaya nagingitlog. Tapos benta mo mga itlog."

Napasingasing ako. "Ako pa talaga magbebenta? 'Wag nalang."

"O magpapatayo ako ng tindahan natin, ako ang magtitinda. Sa 'yo ang kita..."

Hindi ko na tinapos ang pakikinig at iniwan na sila roon. Nabuhay ang loob ko nang makita si Tita Rona na kakababa lang sa sinakyan na tricycle. She smiled when she saw me running fast towards her.

"Oh, Eda. Kamusta ka na? May sinabi na ba sa 'yo si Nay Adring?"

"Po? Wala po."

"Ah, kasi baka hindi pumayag ang Mama mo kaya hindi na rin siguro sinabi sa 'yo."

"Ano po iyon? Basta po may kikitain ako, kahit ano."

"Bakit ba atat ka na kumita?" naaliwng tanong niya. "Bata ka pa, Eda, ang makakabuti sa iyo sa ngayon ay ang mag aral nang mabuti. Gusto mo ay tulungan kita na mag-apply ng scholarship sa eskuelahan na pinapasukan ko bilang guro?"

"May sakit po si Tim. Hindi ko alam kung makakapag-aral pa po ako."

"Iyong Papa mo--"

"Hindi ko siya Papa," hindi sinasadyang pag-tahol ko. "Tsaka napupunta lang din naman sa sugal ang pera na kinikita niya sa pamamasahe," sumbong ko at naalala ang naunang usapan. "Ano po ba iyong sasabihin sana ni Manang Adring?"

"Sa Perya ulit at Sirena na naman. Hindi ko alam kung sawa ka na bang gumanap na lamang dagat pero kasi ay sa kabilang bayan na ito, Eda, at balita ko ay may malalaking tao raw ang dadalo. Kaya marami rin siguro ang pupunta, posible ang laki ng kikitain, 'di ba?"

"Talaga po? Sige, payag po ako!" halos tumalon ako.

"Pero ang Mama mo-"

"Ako po bahala kay Mama. Please po, Ma'am Rona..."

Hindi naging madali ang pangungumbinse ko. Lalo na at pinilit ko na rin si Ma'am na hindi na ipaalam kay Mama. It wasn't easy for her especially that she isn't that kind of person. Pero sa huli ay sinama niya ako papunta sa kabilang bayan sa pinakadulong bukid sa Cebu at totoo nga na mas malaki at marangya ang perya rito!

Sinuyod ko ang paningin sa kabuuan sa gitna ng perya. Mas malaki ang espasyo kaya mas marami rin ang nailagay na rides. Mas marami ring tao, mas maingay at mas makulay. Hindi ko napigilan ang mangha dahil ibang iba rito kumpara roon sa amin!

Tiningala ko ang tilian ng mga tao sa umiikot na Ferris Wheel.  My eyes flicked to the bright full moon beside it. Dahan-dahan akong humahakbang paatras para humanda sa pagpihit ko nang mabunggo ako sa matigas na haligi.

"Hala, sorry po," gulat na sabi ko. And I am also genuinely sorry.

"Tsk."

Yumukod ako para pulutin na sana ang cellphone pero nahagip na agad iyon ng kamay niya.

I lifted my eyes, ready for another apology, but he has already turned his back against me. Lumalayong likod na lang niya ang naabutan ko.

Hindi ko napigilan na pagmasdan ang kanyang paglalakad palayo. In a local setting like this, that guy just doesn't seem to belong. Sa kasuotan pa lang niya, tindig at marahil ay ang mukha rin, masasabi kong hindi siya nababagay sa ganitong lugar. Now that I thought about what Ma'am Rona told me, isa siguro siya sa mga dayo na malaking tao, o baka anak? If so, I also heard that his father is one of the sponsors to make the Baranggay Fiesta possible and grandiose, even better than the last years. Narinig ko rin sa mga kuwento ng mga kasamahan ni Ma'am na may binili silang lupa rito kaya napadayo.

Huh, as always. Grim intentions are mostly preceded by a charade of goodwill. I learned that at a  very young age, and from a personal experience as well.

"Eda! Tara na, magsisimula na, nak," tawag ni Ma'am Rona at hinila na ako sa likod ng tanghalan.

Adorned in pastel rainbow colors all over, hindi ko akalain na mag-iiba ang itsura ko. Kahit ang mga braso ko ay nilalagyan ng glitters. My hair is even sparkling in silver. Wala akong maalala na inayusan ako ng ganito noong unang sabak ko sa pagiging sirena!

"Ang ganda!" sabi ko at dinungaw ang kislap ng aking mga kamay at ang kumikinang na buntot ko.

Hindi lihim ang pagiging excited ko kahit na alam naming lahat na babatuhin lang din ako ng mga tao hanggang sa bumagsak. As I've said and as what I have always promised to myself, I remained resilient. Hindi ako nagpapatibag sa bawat pagbato nila sa akin at nanatili pa rin akong nakaupo sa dulo ng higanteng aquarium habang kinakawag ang maganda kong buntot. I even made a face and mocked one of the kids who failed to dethrone me.

A movement in the dark corner of the crowd caught my attention. Halos mapatigil ako at nanliit ang mga mata sa pagsubok na aninagin ang pamilyar na bulto. The tall figure, the atlethic built and the dark shirt he is wearing...

Mas nanliit pa ang aking paningin nang maalala ang nabunggo kanina. I wasn't sure of his face, so this guy couldn't also be him.

Two people parted as he tried to pass in between them. Hindi ko maintindihan kung bakit sa kanya nanatili ang tingin ko. He looks young and mature, so I didn't strike him as someone who enjoys shows like this.

Before I figured out what he is doing, nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang tingin sa hawak niya. Akala ko ay manonood lang siya, makikisali rin pala sa batuhan! How sad.

Nabigo ako, pero hindi ibig sabihin ay susuko na ako! I smirked at him when his first throw failed to bring me down.

But... at that time, I also learned that all good things always come to an end.

More people showed up. More of them wanted me down the water. Kahit anong gawin kong pagharang sa mga kamay ko ay may mga nakakalusot sa aking mukha. Hindi ito kasing rahan noong nauna, Each strike became heavy and painful that I could feel my eyes burning with tears!

"Tama na--" panibagong pagtama sa mukha ko kaya naudlot ang mahinang pakiusap.

May pumapasok na ring tubig sa aking tenga dahilan para mabingi ako sa nagaganap. All I could hear are the muffled cheers and laughters. Sa tuwing dumidilat ako, humahapdi ang aking mga mata at malabo na ang paningin dahil sa walang hanggan at marahas na pagbato nila sa akin.

Hindi ko na maingat ang ulo ko. Dumudulas na rin ako sa inuupuan at hindi nagtagal, sa makailang pag-ilag ay bumagsak ako sa nag-aabang na tubig sa ibaba.

The cheers, the voices... they are all muffled and distant to me as I let myself float underwater. It was a soothing cold against the hundred aches inflicted on me, kaya hinayaan ko na muna manatili ako nang ilang sandali sa ilalim ng tubig saka nagpasya na ipayagpag ang mga kamay, iniisip na sa paglaya ko mula rito, tatanggapin ko nang buong tapang ang aking pagkatalo.

"Mmmp..." 

Unti-unti kong inaangat ang sarili hanggang sa umahon na sa ibabaw ng tubig ang aking ulo.

A violent gasped came out from me as I felt a firm hand gripping on my leg.

"Bitaw! Bitawan niyo ako! Don't you ever fucking touch me!" I screamed.

Nakaangat na sa putik ang mukha ko. I kick with full force to keep any hands out of me then I slapped my hands on each side of my side against the muddy land, ready to stand up.

"Sabi nang bitawan niyo ako!" dagdag kong sigaw.

Tinanggal man niya ang hawak sa binti ko, nilipat naman niya sa aking braso. Malalaman agad ang sangkatutak na karanasan niya gamit ang kamay dahil sa gaspang at mariin na pagkakahawak sa akin.  At sa isang hila lang, naitayo na niya ako.

I turned around to fully chastise them!

"Ang sabi ko, bitaw! I can stand on my own. I don't need your--"

I almost choked as I gasped seeing who is infront of me. Ramdam na ramadam ko ang galit at gigil niya sa mas dumidiin pa na pagkakabaon ng kamay niya sa braso ko.

I tried to wipe my face with the botttom part of my dress. Baka nagkakamali lang ako dahil kakapantasya ko lang sa kanya kani-kanina lang.

Pero kahit anong linis ko ng aking mukha, siya pa rin. It's still the same dark and brood staring dangerously back at me.

"T-Thiago..." I whispered in disbelief, inaalog ako ng sariling pagkabog ng aking puso.

May napansin ako sa gilid at mas nagulantang nang makita ang nagkalat na katawan ng iilan sa mga tauhan na humabol sa akin kanina,  nakabulagta na sa damuhan.

I gasped. Halos mabali ang leeg ko sa bilis na pagbaling kay Thiago. Until my eyes went down and it started to dawn on me...

He is wearing the same black costume that Fazio's men were wearing. Ang magulo na buhok niya ay dahil sa kakatanggal na maitim na takip sa ulo, katulad din ng mga tauhan. And the dark mask... Meaning, he became one of them? Isa siya sa mga nagtangka na umatake sa akin kanina?

The hell?

I caught his hand holding a phone. Nanatili ang madilim na titig niya sa akin habang may pinipindot roon bago nilagay sa kanyang tenga.

We stared at each other, waiting for an answer on the other line as we both listened to the ring. Sa gitna ng pagtitig ay hindi ko maintindihan ang unti-unting pagkalma ng puso ko. I was just relieved that he is here, regardless of his true intentions.

This man who I've always fantasize when I'm alone, is now in front of me. I couldn't almost believe that I am really looking straight at his eyes. Oh those eyes that I have not seen for a year but still exudes the same steel menace, and his full-blast dominance that not even darkness could touch.

The only man I know who could offer anyone their filthiest desires and even the most pleasurable punishment.

Natigil ang daloy ng isip ko sa boses sa kabilang linya. It's a voice of a man.

"I found her..." he said as his dark stare remained on me while holding the phone in his ear.

Nanigas ako sa kinatatayuan. Naiiyak na pinagmasdan ang lalakeng akala ko ay magiging kakampi ko sa ganitong sitwasyon. 

"T-Thiago, bakit--"

His forefinger pressed firmly against my lips to put an end in my words.

Bumagsak ang mga luha ko. Nanatili siyang madilim at matigas sa aking harapan habang pinapanood akong nabibigo at nakikinig s akung sino man ang nasa kabilang linya.  His jaw move repeatedly as he is only watching me about to say farewell to my treasured life!

"But I have something to report to you, officer."

Tahimik pa rin akong lumuluha. Nanatili ang pagdaong ng dilim sa akin. I'm doomed.

"Aetheldreda Zephyrine Montalvo is dead."

My eyes widened at his decalaration. Why am I dead? I am fully alive right here in front of him!

Malala ang panlalaki ng mga mata ko. Amused by my shocked reaction, Thiago's lips that seem to be carved in hard stone, quirked up as if he knew a dangerous secret that I don't.

"Done. I set her house on fire and now... her body, in ashes..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro