Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

(Aleisha's POV)

Bigla akong napadilat sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Agad akong bumaling sa kaliwang bahagi ko para sana makatulog ulit ng maayos pero ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko si Devon na nakahiga sa tabi ko habang nakangiti at pinagmamasdan ako.




Napasinghap ako at susubukan ko na sanang umusog palayo nang bigla na lamang niyang hinapit ang baywang ko papalapit sa kaniya.






"Careful, baka mahulog ka." Marahan niyang saad sa akin bago niya ipinaglandas ang kaniyang kamay sa aking buhok. Nakagat ko ang labi ko nang makaramdam ako ng ginhawa sa haplos niya. "Sa akin ka lang dapat mahulog, Aleisha," nakangisi niyang saad.




"P-paano ako napunta dito? Sa pagkakatanda ko, sa sofa ako natulog kagabi." Sinubukan kong labanan ang titig niya pero agad din akong nag-iwas ng tingin matapos kong magsalita.




He lifted my chin. Mukhang ayaw niya talaga na umiiwas ako ng tingin tuwing magkausap kami. "I carried you."





Napalunok ako. "Magkatabi tayo na natulog?" tanong ko sa kaniya.



Mas lalong lumawak ang ngisi niya. "Yeah, and that was heaven."






Nanlaki ang mata ko at agad kong sinuri ang kabuuan ko, nakasuot pa naman ako ng damit at wala namang masakit sa akin.




Narinig ko ang marahan na pagtawa niya. "I know what you're thinking,  babe. But no, nothing happened." Parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. "Hindi ko ipipilit sa 'yo ang bagay na 'yon, Aleisha. I know you're not yet ready for that." He sighed. "I'll wait until you're willing to give yourself to me. But for now." Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. "I'll take your heart first." Pagkasabi niya no'n ay agad siyang bumangon sa kama na hinihigaan namin at umalis.





Imbes na matulog ulit ay napagpasyahan ko na lamang na mag-ayos at bumaba. Naabutan ko si Aling Emelda na nag-aayos ng hapag kainan.







"Good morning po, Aling Emelda," bungad ko sa kaniya. Sinuklian niya naman ako ng matamis na ngiti. "Naku! Magandang umaga din, Hija. Mukhang mas gumaganda ka sa umaga, ah." Napakamot na lamang ako sa batok dahil sa bola niya.





Inilibot ko ang paningin ko pero bigo akong makita ang hinahanap ng mata ko. "Nasa labas siya at kinakausap ang mga trabahante," biglang saad ni Aling Emelda.


Napatikhim ako. "P-po? Sino po?"






Ngumisi siya sa akin na parang nang-aasar bago umiling-iling. "Alam kong si Devon ang hinahanap mo. Miss mo na agad?" Bigla akong namula sa paraan ng pagtitig niya. Totoo namang si Devon ang hanap ko, pero bakit nga ba? Aish! No, hindi ko siya miss, hindi naman talaga. Siguro gusto ko lang talaga ng kausap.







"Ang mabuti pa, Hija, ipagtimpla mo ang master ng kape, mahilig siyang magkape sa umaga," saad niya na agad ko namang sinunod. Wala namang masama kung ipagtimpla ko si Devon ng kape di 'ba?






Damn! Bakit ba kinakabahan na ako sa mga ikinikilos ko para kay Devon?







Nang matapos ako sa pagtimpla ay agad kong hinanap sa labas si Devon. Naabutan ko siyang may kausap na dalawang lalaki na mukhang trabahante nila dito. Hindi rin nakaiwas sa akin ang mga babaeng kasambahay nila na malagkit na nakatitig sa kanila. May kung ano akong naramdaman sa pagtitig nila, para bang naaalibadbaran ako?







Tumikhim ako para kunin ang atensyon ni Devon. Nakakunot noo niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. "Pinagtimpla mo ako ng kape, really?" tanong niya sa akin at saka niya kinuha ang kape sa kamay ko.






Napayuko ako. Sa tono niya parang may nagawa akong mali. "Ahm, oo, masama ba?— I mean sorry, ayaw mo ba?" Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko na alam ang mga pinagsasabi ko. Sa tuwing kaharap ko siya, parang wala na akong maisip na sasabihin. This is not right!







Nginisian niya ako. "Yeah, this is wrong, Aleisha." He look directly into my eyes. "Damn! You're just giving me a reason to love you even more." Pagkasabi niya no'n ay nakangiti niyang ininom ang kape na ginawa ko. Para siyang bata na tuwang-tuwa at para bang ngayon lang siya nakainom ng kape.







Halos hindi na namin napansin ang mga tao sa paligid namin. Mabuti na lamang at biglang dumating si Aling Emelda. "Devon Hijo, hiramin ko muna si  Aleisha, ah? Naku, Hija! Halika ipapatikim ko sa 'yo 'yong mga bagong ani naming mangga." Bago pa ako tuluyang mahila ni Manang ay muli kong sinulyapan si Devon na ngayon ay nakangisi at nakatitig pa rin sa akin.





"Pakiingatan ang asawa ko, manang," dinig ko pang habol ni Devon. Bigla namang uminit ang pisngi ko. Siraulo talaga siya!





"Ayan, tikman mo ang mga 'yan," turo ni Manang sa mga manggang hilaw at hinog na wala ng balat at nasa mesa. Agad ko naman siyang sinunod. Napapikit ako ng malasahan ko na 'yong tamis ng hinog na mangga, ang sarap! "Oh siya, kumain ka lang muna diyan, ah. Sisilipin ko lang ang niluluto ko sa loob para makapag almusal na kayo ng kanin ni Devon." Tinanguan ko lang siya at tinuloy ko na ang pagkain.





Bigla naman akong napatigil nang mapadako ang tingin ko sa isang babae na mukhang nahihirapan na sa pagbuhat ng dalawang basket na may mga laman na prutas. Agad ko siyang nilapitan.




"Tulungan na po kita," alok ko sa kaniya. Akmang ibibigay na niya ang isang basket nang bigla na lamang siyang mapatingin sa mukha ko. Para bang may bigla siyang napagtanto na nagpasinghap sa kaniya.


"I-ikaw po 'yong magandang dalaga na kasama ng master Devon, hindi ba?" tinanguan ko siya. Nanlaki ang mata niya at mabilis akong inilingan. "Naku! Hindi na po, salamat na lang po. Mas gugustuhin ko pa pong mahirapan kaysa malagot ako kay sir Devon."

Nakakunot ang noo ko. Noong isang araw ko pa napapansin na iwas sa akin 'yong mga taong nakakaalam na kasama ako ni Devon. Magsasalita pa sana ako nang bigla na lamang kaming mapahiyaw dahil sa Motor na papalapit sa amin. Sumisigaw ang Driver nito na tumabi kami dahil nawawalan na siya ng kontrol



"Tumabi kayo! Nagloloko ang makina nito." Parehas kaming nataranta ng babaeng may hawak ng basket. Ang tanging nagawa ko na lamang ay ang itulak siya palayo upang maiwasan ang motor.




Napapikit na lamang ako nang makitang ilang agwat na lamang ang layo ng motor sa akin.





Inintay kong makaramdam ako ng sakit pero namalayan ko na lamang ang mga brasong pumalibot sa akin na para bang pinoprotektahan ako. Narinig ko rin ang malakas na sigawan ng mga tao sa paligid namin.




Dahan-dahan akong dumilat at natagpuan ko ang motor at driver nito na bumangga na sa puno na di kalayuan sa kinatatayuan ko. Nagkalat na rin ang mga prutas na karga nito.



Napatingin ako sa taong nakayakap sa akin at halos manlaki ang mata ko nang mapagtanto na si Devon pala ang nakayakap sa akin. "Devon?" sigaw ko at mas lalong nanlaki ang nga mata ko nang makitang dinudugo ang kaniyang braso,paa at maging likod na hula ko ay nahagip ng motor.




Madilim ang anyo niya at mukhang nagpipigil ng galit. Bumaling siya sa mga lalaking tauhan niya na nag-aalalang nakatingin din sa kaniya. "Kunin niyo ang lalaking 'yan, gusto ko siyang makausap mamaya!" Matalim niya akong tinitigan na nagpaatras sa akin. "He came dangerously close to hurting my wife, and I'm not going to let it slide!" he said dryly.



"P-pero lord, mukha pong wala ng malay ang driver at mukhang hindi niya naman po sinasadya—" Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya at pare-parehas kaming napasinghap nang bigla na lamang maglabas ng kutsilyo si Devon at itinutok niya ito sa ulo ng lalaki.




"You were saying something, Ismael?" Mabilis na umiling at yumuko ang lalaki. "Huwag niyo nang painitin pa lalo ang ulo ko kung ayaw niyong dumanak ng dugo dito."




Ramdam ko ang takot ng lahat ng mga taong nakapaligid. "D-devon," tawag ko sa kaniya na ikinalingon niya. "P-pwede bang hayaan na lang natin ang driver? Mukha namang aksidente lang ang lahat. Isa pa, nasaktan din siya," nanginginig kong paliwanag sa kaniya.



Imbes na sagutin ay nagbuntong hininga lamang siya bago muling bumaling sa mga tauhan niya. "I still want to talk to him!" Agad na tumango ang mga lalaki sa kaniya. Susubukan ko na sanang magsalita ulit dahil mukhang paparusahan niya pa rin ang driver pero agad din akong napatikom ng bibig nang bigla niya na lamang akong hinigit sa braso at kinaladkad papasok sa loob ng bahay.




"Are you okay?" marahan niyang tanong sa akin nang makapasok na kami at makaupo.


Nakagat ko ang labi ko. "Ahm, may first aid ka ba dito?" Narinig ko ang mahina niyang pagmura bago tumango at may kinuha kung saan.



Pagbalik niya ay may mga dala na siyang pang gamot. "Where is it?" tanong niya habang may kung anong hinahanap sa katawan ko. "H-ha? Ang alin?" tanong ko. "Nasaan ang sugat mo? Saan ang masakit?" bakas ang pag-aalala sa boses niya.


Napakamot ako sa batok nang maramdaman kong nagsitaasan ang balahibo ko. "Ahm, wala namang masakit sa akin. Gusto ko lang sana na tulungan ka na gamutin 'yong mga natamo mong sugat."



Narinig ko ang buntong hininga niya na para bang nabunutan siya ng tinik. "Pinagalala mo ako," wika niya at saka niya tinanggal ang pang itaas na damit niya. Napaiwas naman ako ng tingin dahil kitang-kita ko ang malaki niyang katawan.


Tumabi siya ng upo sa akin at nagsimula na siyang maglinis ng mga sugat niya. Parang wala lang sa kaniya ang mga natamo niya. Napailing ako bago ko siya dahan-dahang tinulungan.



Ilang saglit pa nang bigla akong matigilan nang may napagtanto ako. "Bakit mo 'yon ginawa, Devon?" tanong ko sa kaniya. Tinitigan niya ako ng may pagtataka. Siguro hindi niya naintindihan ang tinanong ko. "Bakit mo binuwis 'yong buhay mo para sa akin? Alam natin pareho na hindi lang ganito karaming sugat ang pwede mong matamo kung sakaling hindi nakaiwas 'yong motor, bakit mo ako iniligtas kahit alam mo na pwede kang masaktan?"







Mas lalong kumunot ang noo niya. "Isn't obvious, Aleisha? Ayoko pang mamatay."




Ako naman ngayon ang naguluhan sa sagot niya. Ayaw niyang mamatay pero hinayaan niyang ganito ang mangyari? "I don't get it. Kung hindi ka dumating at hindi mo ako niligtas edi sana ako lang ang nasaktan—"







"Kapag nasaktan ka o namatay hindi ako magdadalawang isip na sundan ka sa hukay," seryoso niyang sagot. Napaiwas ako ng tingin pero agad din niyang hinawakan ang baba ko at hinarap sa kaniya. "I'll do whatever it takes to save you, even if it means rotting in hell. Damn, I will."  He look at my eyes. "Assure me that you will always be fine. Co'z I'm damn scared, Aleisha. I'm scared to lose you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro