Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5


(Aleisha's POV)

Tulala lang ako habang pinapanood si Devon na pinagsusuntok ang lalaki.


Nang mahimasmasan ako ay dahan-dahan akong tumayo at pinilit kong lumabas sa pintuan ng hindi nakakagawa ng kahit na anong ingay. Nasa lalaki ang atensyon ni Devon kaya't nakaalis ako agad ng kwarto na 'yon.


Nang tuluyan na akong makatakbo ay naabutan ko ang mga bata na pare-parehas na umiiyak at nagtatago sa labas ng van.

"Sumakay kayo sa loob, bilisan niyo." Agad naman nilang sinunod ang sinabi ko.


"Ate Aly, ano po ba talaga ang nangyayari, natatakot na po kami. Mamamatay na po ba kami?" garalgal na saad ni Cleo na nasa front seat ngayon ng van at katabi ko.


Inilingan ko siya. "Hindi 'yon mangyayari kaya tumahan na kayo. Gagawin ko lahat ng makakaya ko. Magiging maayos din ang lahat, Cleo," alo ko sa kaniya. Hinimas ko ang kanyang ulo. At saka ko nilingon ang iba pang mga bata na nasa likod ko at puro rin naiyak habang magkakahawak kamay at nakaupo. Nginitian ko lamang sila para maramdaman nilang ayos lang ang lahat

Nang medyo tumahan na sila ay agad kong inumpisahan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Laking pasasalamat ko na lamang at natatandaan ko pa ang mga minsang itinuro nina Kyla tungkol sa pagmamaneho.

"Ate Aly, saan na po tayo pupunta? Paano na po sila sister?" Nilingon ko si Cleo na ngayon ay mababakas ang pangamba sa kan'yang maamong mukha.


Ngumiti ako ng pilit. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung saan ba kami puwedeng pumunta. "H-hindi ko alam, Cleo." Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Cleo. "Don't worry, it's alright. Hindi ko kayo papabayaan. Susubukan ko ring gumawa ng paraan para mabalikan sila sister, okay?" Nakahinga ako ng maluwag nang tanguan ako ni Cleo habang nakangiti ng marahan.


Patuloy lamang kaming nagbyahe kahit pa wala na rin akong ideya kung saan na ba kami patungo. Mayamaya pa ay napatitig ako sa rear mirror nang mapansin ko ang isang itim na van na kasalukuyang sumusunod sa amin.

Bigla akong nanlamig. May kutob akong mga tauhan ni Devon ang nasa sasakyan na iyon.


Sinubukan kong mag-iba ng daan at saka ko binilisan ang pagpapatakbo pero mas lalo akong kinabahan nang mapansin kong mas dumami ang sumusunod sa amin.

Damn it! Anong gagawin ko?

"Ate Aly, may problema po ba?" tanong ni Cleo

Saglit ko syang sinulyapan at inilingan. "W-wala. Matulog ka na muna, Cleo."

Taimtim akong nagdadasal habang sinusubukan kong huwag kabahan. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong iligtas ang mga bata kahit anong mangyari.

Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa mayamaya pa napansin kong wala ng nasunod sa amin. Napabuntong hininga ako. Sana hindi na sila nakasunod.

Dahil sa pagiging balisa, hindi ko na namalayan na may sasakyan na pala sa harap ng kalsada.

"Ate Aly, may sasakyan!" Agad akong napapreno dahil sa sigaw ng mga bata. Nakita ko ang isang magarbong sasakyan na muntik ko ng mabangga at mula roon ay unti-unting lumabas ang isang matangkad na lalaki na labis kong kinatatakutan. Si Devon. Sumandal siya sa gilid ng sasakyan nya at kasabay no'n ang paglitaw ng iba niya pang mga tauhan na nakasakay sa tatlong van.


Pinalibutan nila ang buong daan na para bang hinaharangan nila kami. Ramdam ko ang panlalamig ko.


"Ate Aly, sila po ba 'yong mga bad guy sa kumbento?" tanong ni Cleo,nag uumpisa na ring mag iyakan ang mga bata.

Hindi na ako nag-abalang sumagot pa. Agad kong inikot paliko ang kotse para sana umiba ng direksyon nang mapansin kong parating na doon ang van na sumusunod sa amin kanina na hinaharangan na rim kami ngayon.


No! This can't be. Hindi puwedeng basta na lang ako sumuko. Kailangan naming makalayo, lalo na kay Devon.




Muli kong inikot ang kotse palikod at balak ko sanang bumalik na lang sa dinaanan namin kanina pero labis akong nanlumo nang makita kong may mga tauhan na rin si Devon sa likurang kalsada na dinaanan namin kanina.



Tuluyan akong nanginig sa takot at hindi ko na malaman kung anong gagawin ko. Kahit ang mga bata ay nagsisiiyakan na rin. Napapikit ako ng mariin para sana mag-isip ng puwedeng gawin pero agad din akong napadilat nang marinig ko ang sigaw ni Devon mula sa harap at hindi kalayuan sa kinaroroonan ng sinasakyan namin. Nakalapit na pala siya sa amin.




"Game over, Babe." He smirked. "Now choose, sasama ka sa akin sa maayos at madaling paraan..." Nagulat ako nang maglabas siya ng baril saka ikinasa at itinutok kay Cleo na nasa tabi ko at nasa front seat. "O gusto mong patayin ko muna 'yang mga bata na iyan? Don't f*ck with me, Aleisha. Trust me, I can kill everyone just to have you in my arms," He said firmly.

"N-no," mahina kong saad. Tinggal ko ang seatbelt ko at saka niyakap si cleo at sinusubukang sulyapan ang mga bata na nakaupo sa backseat.

"I'm waiting, Babe. Now choose!" Muli ko lang siyang inilingan at pumikit. Ilang minuto pa ang nakalipas at sabay-sabay kaming napatili nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril.

Agad kong tinignan ang mga bata para suriin kung ayos lang sila. Kahit paano ay nakahinga ako nang mapagtantong wala ni isa sa kanila ang nabaril.

"Alright. I'm done waiting," muling saad ni Devon at nagulat na lamang ako nang lumapit ang mga tauhan niya sa sasakyan namin saka binasag ang salamin ng kotse at sapilitang binuksan ang pinto.

"N-no! No pleasee!" natataranta kong saad nang makitang unti-unti nilang kinukuha ang mga bata.

"Ate Aly, tulong!" sabay-sabay na daing na mga bata. Hinigpitan ko ang kapit kay Cleo pero wala rin akong nagawa nang hatakin din siya ng isa pang lalaki. Dinala nila ang mga bata sa likuran ni Devon at pilit na sinasakay sa itim na van.

Agad akong lumabas at pilit na hinahabol ang mga bata hanggang sa mapunta ako sa harap ni Devon. "Leave them alone, p-please Devon. Please p-pakawalan mo sila," naluluha kong pakiusap sa kanya.

Nginisian nya ako at saka niya inilahad sa akin ang palad niya. "You want me to save them? Then come with me, Babe. Stay beside me and I won't harm them."

Muli akong napatingin sa mga bata na nakikiusap na tulungan ko sila. Gusto kong tumakbo, gusto kong lumayo kay Devon. Pero alam kong kapag tumakbo ako palayo, ako ang magiging dahilan ng pagkamatay ng mga bata.

I looked at him. "K-kapag ba sumama ako sa 'yo maipapangako mo bang h-hindi mo sasaktan ang kahit sino sa kanila?"

He nodded his head. "I'll give you my word, Aleisha. I'll keep them safe and in return... you'll stay with me forever."

Pinunansan ko ang luha ko at huminga ng malalim. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya saka ko iniabot ang kamay nya na kanina pa nakalahad.

"Please, huwag mo silang papabayaan, Devon," saad ko pero mala demonyong ngiti lamang ang isinagot niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro