Kabanata 4
(Aleisha's POV)
Nang imulat ko ang mga mata ko agad na bumungad sa akin si Sister Remy. Halata sa kaniyang mukha ang pag-aalala. "Mabuti at nagkamalay ka na, Aly. Nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipaghain kita?"
Tanging iling ang isinagot ko. Sinubukan ko ring tumayo ngunit napangiwi na lamang ako nang maramdaman ko ang kirot sa braso ko nang magalaw ko ito. "Huwag ka na munang gumalaw, Aly. Ang sabi ng doctor, wala ka naman daw bali sadyang natadtad lang daw ng pasa ang braso mo kaya kailangan mo lang daw ng pahinga. Ikaw talagang bata ka!Bakit ba palagi ka na lang nalalagay sa alanganin? Nag-aalala na ako para sa iyo."
Ngumiti ako ng pilit. "I-im fine, Sister. Sino po pala ang tumulong sa akin na makarating dito sa kumbento?"
Kumunot ang kanyang noo. "Hindi mo ba matandaan? Si Mr. Lavera ang tumulong sa 'yo, tumawag pa nga siya ng doctor para lang ipagamot ka, napakabuti rin ng binatang 'yon."
Nanlaki ang mga mata ko. "Si Devon?" Tumango si Sister sa tanong ko. Oh God! This can't be. Kailangan ko na talagang makalayo sa lalaking 'yon. "Sister, hindi ba't kada taon may mga Pari at Madre ang ipinapadala sa probinsya?"
"Ha? Oo, bakit mo natanong? Sa pagkakaalam ko nga bukas na ang alis nila."
Napabalikwas ako. "B-bukas na?" Napapikit ako ng mariin nang tumango si Sister. "Pwede ba akong sumama sa kanila, Sister?"
Tinitigan niya ako ng hindi makapaniwala. "Bakit naman biglaan?"
Napayuko na lamang ako. "Kailangan ko lang talagang makaalis dito, Sister. Masyado na po akong maraming problema dito, kaya sana payagan niyo na po ako na makasama sa mga aalis."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Kung talagang makakatulong ang pag-alis mo para mabawasan ang problema mo, sige susubukan kong kausapin si Father Rey para makasama ka sa aalis bukas."
Napangiti ako sa naging sagot niya. "Salamat po. Ang dami niyo na pong naitulong sa akin."
"Wag mong sabihin 'yan, ipinagkaloob kayo sakin ng panginoon para alagaan ko kayo. Para ko na rin kayong mga anak, kayo ng mga bata dito sa kumbento." Pagkatapos sabihin 'yon ni Sister ay agad ko siyang niyakap."Oh siya, masyado na ata tayong nagiging madrama. Magpahinga ka na ulit. Kapag nagutom ka, kumain ka lamang sa kusina, may natira pang pagkain doon para sa 'yo. Maiwan na kita para makausap ko na rin si Father Rey sa pag-alis mo." Tumango lamang ako bilang sagot saka bumalik sa pagkakahiga.
Kinabukasan ay hindi na gaanong sumakit ang braso ko kaya masaya akong nag-ayos ng mga gamit ko. Pumayag na kasi sila father Rey na sumama ako sa mga aalis papuntang probinsya.
"Aly anak, sigurado ka na ba dito sa desisyon na 'to? Paano ang mga bata?" saad ni Sister Remy na mangiyak-ngiyak pa.
Nginitian ko siya. "Sigurado na po ako, Sister. Isa pa, alam ko pong maiintindihan din ako ng mga bata."
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin saka ako mahigpit na niyakap. "Mag-iingat ka doon, ha? Saka bago ka umalis 'wag mong kalilimutang magpaalam sa mga bata para hindi sila gaanong malungkot." Tumango lamang ako bilang sagot at saka siya niyakap pabalik.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng mga damit ko ay agad akong pumunta sa k'warto ng mga bata. Para naman akong nanghina nang makita kong lahat sila ay umiiyak. "Bakit ba kayo umiiyak?"
"Ate Aly!" sabay-sabay nilang saad habang nag-uunahan sila sa pagyakap sakin.
Napabuntong hininga na lamang ako, para ko na rin silang pamilya kaya ang hirap para sa akin na makita silang umiiyak. "Shh! Tumahan na kayo, nasasaktan ako kapag umiiyak kayo."
"B-bakit ka pa kasi aalis, ate Aly?" humahagulgol na wika ni Yana.
"Kaya nga, ate Aly, dito ka na lang please!" sabat ni Lea habang mahigpit na hinahawakan 'yong kanang kamay ko.
Dahan-dahan akong lumuhod para makapantay ko silang lahat. "Guys listen to me, alam niyong mahal na mahal ko kayong lahat, di 'ba?" napangiti ako nang sabay-sabay silang tumango at sumagot ng 'Opo'
"Kahit naman wala na ako dito sa kumbento, hindi ko naman kayo kakalimutan. Kapag nagkapera na rin ako susubukan ko kayong dalaw-dalawin. Sadyang kailangan lang ni Ate na makaalis dito agad. Ang dami ko na kasing problema, eh." Isa-isa ko silang niyakap hanggang sa tumigil na silang lahat sa kakaiyak.
Mayamaya pa ay biglang sumulpot si Sister Remy. "Aly anak, and'yan na raw 'yong sasakyan niyong van papuntang probinsya. Mauna kana raw doon at inaayos lang daw nila father Rey ang mga dadalhin nila para makaalis na daw kayo."
Napangiti ako ng pilit bago muling sinulyapan ang mga bata. "Huwag na kayong malungkot. Magtatampo ako kapag umiyak na naman kayo. Saka dapat behave pa rin kayo kahit wala ako dito, ha?" saad ko sa mga bata habang pinipigilan ko na huwag maiyak. Pare-parehas naman silang tumango kaya dahan-dahan na akong lumabas at saka tumungo sa Van na sasakyan namin.
Agad kong inayos ang mga gamit ko habang hinihintay ko ang mga madre na makakasama ko sa pag-alis. Naisipan ko na rin munang humiga at magpahinga sa loob ng van pero hindi pa man lumalalim ang tulog ko nang makarinig ako ng isang malakas na pagputok ng baril.
"A-ate Aly, tulungan mo po kami." Nagulat na lamang ako nang makita ko si Yana na kinakatok ang salamin ng Van at humahagugol. Dali-dali akong lumabas ng Van at saka siya niyakap.
"Yana? Anong nangyari?"
"M-may mga lalaki sa loob, Ate Aly, may dala silang baril." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Yana, hindi magandang biro 'yan—"
"G-gusto nila kaming patayin, Ate!Tulungan mo po kami." Napalunok ako at tuluyan na akong kinabahan. Kaya ba may narinig akong putok ng baril?
"Nasaan sila Lea at ang iba pa?" tanong ko sa kaniya.
Dahan-dahan niya namang pinunasan ang mga luha niya bago ako sinagot. "Nandoon pa rin po sila sa kwarto. Ate Aly, tulungan mo po sila makalabas. Ayaw pa po namin mamatay." Tinanguan ko lang siya bilang sagot. Aminado ako na unti-unti na akong nilalamon ng takot. Sana walang nangyaring masama sa mga bata.
Nginitian ko ng pilit si Yana. "Makinig ka sa aking mabuti, dito ka na lang muna sa loob ng van, magtago ka lang muna. Babalik din ako kapag nailabas ko na silang lahat." Inayos ko ang mga takas niyang buhok. "Huwag ka na muna mag-isip ng kung ano-ano. Pangako, walang mangyayaring masama sa kanila." Hinalikan ko siya sa ulo at saka pinapasok sa loob ng Van.
Balisa kong pinasok ang kumbento. Nang makarating ako sa kwarto ng mga bata ay halos manginig ako, may isang lalaking nakabulagta at duguan malapit sa kama nila. Habang sina Cleo, Lea at ang iba pang mga bata ay kasalukuyan na nakasiksik sa isang sulok at umiiyak.
"A-ate Aly," garalgal na tawag sa akin ni Cleo. Napasapo ako sa bibig ko nang makita kong duguan siya.
"Cleo, Anong ginawa nila sa 'yo?"
Umiling siya sa akin at mahigpit akong hinawakan sa kamay. "Ayos lang ako, ate Aly, pero n-napatay ko siya." nanginginig na tinuro ni Cleo ang lalaking nakabulagta. "Naggugupit lang po ako ng mga papel tapos narinig kong sumisigaw sina Yana kaya pumunta ako dito sa kwarto namin. Nakita ko pong sinasaktan nila sina Yana k-kaya aksidente ko pong n-nasaksak 'yong lalaki ng gunting."
Napatingin ako sa kanang kamay niya at nakita ko ang hawak niyang gunting na may dugo. Inagaw ko sa kaniya ang bagay na 'yon bago itinapon sa kung saan. Muli kong hinapyawan ng tingin ang lalaki at hindi nakatakas sa paningin ko ang mabagal na pagtaas-baba ng tiyan nito. Humihinga pa siya.
Marahan kong hinarap at niyakap si Cleo. "Hindi pa siya patay, Cleo. At alam kong hindi mo sinasadya ang nangyari, aksidente lang ang lahat, kaya tumahan kana. Pangako, ilalabas ko kayong lahat ng ligtas." Pinaghawak-hawak ko sila ng kamay at saka kami dahan-dahang naglakad. Nang malapit na kaming makalabas ay bigla na lamang may lalaking hinigit ako ng marahas sa braso.
"Takbo!" malakas na sigaw ko sa kanila. Sinunod naman nila agad ang sinabi ko. Nang tuluyan nang makalabas ang mga bata ay pinilit kong magpumiglas pero sadyang mas malakas ang lalaki kaya't nahila niya ako sa isang kwarto at agad na ni-lock ang pinto.
"Tignan mo nga naman, totoo palang maraming magaganda dito. Ayos 'to! Tiyak na matutuwa si Boss. Pero syempre, hindi naman patas kung si boss lang ang makakatkim sa'yo," saad ng lalaki habang humahalakhak ng napakalakas.
Napalunok ako. Kailangan kong makagawa ng paraan para makalabas dito. Tinitigan ko ang lalaki at nakita ko ang ngisi na sumilay sa kaniyang labi. "Pakiusap pakawalan mo na ako. H-hindi ako magsusumbong sa mga pulis. Maawa ka na, kailangan ako ng mga bata—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang siyang lumapit at pinipilit niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Shhh! Huwag ka na umiyak, magugustuhan mo din ito kalaunan. Hayaan mo, pakakawalan kita kapag napaligaya mo ako." Tuluyan na akong napahagulgol habang patuloy na umiiling.
Pagod na pagod na ako.
Akmang hahalikan na ako ng lalaki nang bigla na lamang may madahas na nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking may napaka dilim na aura. Mas nakakatakot pa siya kaysa sa inaakala ko.
Ngumisi siya na dahilan para mas kilabutan ako.
"Wanna see hell, bastard?" Malamig na saad ni Devon at kita ko ang pag igting ng kaniyang panga.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro