Kabanata 3
Dedicated to Bameeeh sobrang nakakataba ng puso yung pag vote and comments mo 😊 thank you.
UNEDITED
(Aleisha's POV)
"A-anong ginagawa mo rito?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.
Tinitignan niya ako ng diretso sa mata. "What do you think, Aleisha?"
Natigilan ako bigla. "P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" Patuloy lamang siya sa paglapit sa akin kaya mas napaatras ako. Pero napasinghap na lamang ako ng bigla niyang hawakan ang bewang ko at hinigit niya ako papalapit sa kaniya.
He slowly touch my cheek. "Because you're mine, and I know everything about my property."
"I-im your what?"
Dumistansya siya sa sakin ng kaunti. "You're shaking." Tukoy niya sa kamay ko na halos manginig na sa kaba. "You don't have to be afraid, sweetheart. As long as you're with me, no one can hurt you or touch you."
Pinilit kong patatagin ang sarili ko saka ako nakipaglabanan ng tingin sa kaniya. "Ano ba talaga ang gusto mo? I don't even know you. Sinabi ko na rin sa 'yo na hindi ako ang babaeng hinahanap niyo." Saglit kong iniyukom ang palad ko. "Hindi ko na alam kung paano kita tatakbuhan. Hindi ako ang babaeng tinutukoy niyo, simula pa lang nagkamali na kayo. Sinamahan ko lang 'yong mga kaibigan ko sa bar noong gabing 'yon. Maybe it was merely a case of mistaken identity. M-maybe—"
Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay agad niya na akong pinutol. "You don't have to explain, Aleisha. You're not the girl that we're looking for. Pero mali mo rin na nagpakita ka sakin. Didn't I told you to run? Sana ginalingan mo pa sa pagtatago. But since you're here in front of me, maybe this is the right time. This time..." Muli nya akong hinapit sa bewang. "I'll never let you go, babe," bulong niya sa kaliwang tenga ko.
Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa boses, ramdam ko na rin ang panginginig ng mga tuhod ko.
"You look shock." Naramdaman ko ang kanyang hininga sa kabilang tenga at leeg ko. Nanatili lamang ako na walang imik at yumuko ng dahan-dahan. "Because you didn't make it difficult for me to find you, I'll allow you some time to consider and pack your things."
"A-anong ibig mong sabihin?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakakalokong ngisi nya ang muling bumungad sakin.
"Isn't it obvious, Aleisha? Whether you like it or not... you'll move in with me." Pagkasabi niya no'n ay agad siyang naglakad papalayo sa 'kin. Ngunit bago pa siya makalabas ng pintuan ay muli nya akong tinignan."I wouldn't dare to hide any longer if I were you. You may run, but you can't hide. Don't let your energy go to waste. As you can see, I'm trying to be nice, binibigyan na kita ng konting panahon para magawa mo ang gusto mo pang gawin at makapag-impake ng mga damit mo sa maikling panahon. I just hope that you won't push me to my limit. See you soon, my Aleisha."
Naiwan lamang akong tulala habang hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko o dapat kong gawin. Mayamaya pa ay biglang pumasok si Sister Remy na nag-aalalang nakatingin sa akin.
"Diyos ko! Anong nangyayari sa 'yo, Aly? Bakit sobrang putla mo, ano ang masakit sa 'yo?" tanong niya sakin.
Nginitian ko lamang siya ng pilit, ayoko ng madamay pa si sister Remy. "I'm fine, Sister"
"Sigurado ka ba dyan, Aly? Pwede ka namang magpahinga na muna. Asan na nga pala si Mr. Devon Lavera?"
Napaiwas ako ng tingin nang marinig ko ang pangalan ng lalaking 'yon. "U-umalis na siya, Sister. Kung pwede po sana, dadalawin ko na lang muna ngayong araw sila tatay."
Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha. "Bakit pupunta ka na naman sa bahay na 'yon? Baka saktan ka lang nila ulit doon, Aly!"
"Dadalawin ko lang sila Sister, ngayon lang naman po," pilit ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang tumango sa akin. "Oh, siya! Gabayan ka nawa ng Diyos, mag-iingat ka doon."
"Opo, Sister."
Pagkadating ko sa bahay namin, bumungad sa akin ang malakas na sigawan nina Tita Riza at Tatay na halatang nagtatalo.
"Oh, asan na 'yong anak mong walang kwenta? Sinasabi ko na nga ba, walang maitutulong ang babaeng 'yon," sigaw ni Tita Riza kay Tatay, alam kong ako na naman ang pinag-aawayan nila.
"Para namang may naitutulong ka sa bahay na 'to? Mabuti pa nga 'yong si Aly, kahit papaano nakakagawa ng paraan para may makain tayo. At sino ba ang nakaisip na patirahin natin siya dito, hindi ba't ikaw? Noong una pa lang, sinabi ko nang ibenta na lang natin si Aly sa mga mayayaman para wala na tayong iintindihin pa pero mapilit ka at sinabi mong mapapakinabangan din natin siya kapag lumaki siya!"
Napapikit na lamang ako ng mariin at hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Agad ko namang inayos ang sarili ko saka ako dahan-dahang pumasok, hindi ko na talaga kayang makarinig pa ng kahit anong salita nila. Pagkatapos nito, hindi na ako babalik pa dito.
"Tay, Tita Riza andito po ako. May pagkain po akong dala." Agad silang napatigil sa pagtatalo at napatitig sa akin.
"May balak ka pa pa lang umuwing, P*ta ka!" sigaw sa akin ni Tita Riza.
Hindi ko na lamang siya pinansin at inilapag ko sa lamesa ang pagkain na hiningi ko pa kay Sister Remy. "Kung nagugutom po kayo may dala po akong—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla na lamang akong nawalan ng balanse at napaupo sa lapag dahil sa lakas ng sampal ni Tita Riza.
"Sa tingin mo madadala mo ako diyan sa pagkaing baboy na yan?" Napangiwi ako ng bigla na lamang niyang hilahin ng marahas ang buhok ko. "Napakawalang kwenta mo talaga!" Pinaghahagis niya sa mismong mukha ko ang pagkain na dala ko. "Hindi namin kailangan ng basura na ito."
"Tita tama na, nasasaktan na po ako!" hiyaw ko nang bigla na lamang akong hilahin patayo ni Tita saka dali-daling sinakal. Pilit akong nagpupumiglas pero halos hindi na ako makahinga at nanlalabo na rin ang paningin ko.
"Kung wala rin naman kaming mapapala sa 'yo, mabuti pang mamatay kana lang!" Mas lalo pang diniinan ni Tita ang pagkakasakal sakin.
"Riza, tama na!" awat ni Tatay. Itinulak niya ako papalayo kay Tita Riza. "Gusto mo bang makulong tayo?"
Habol hininga kong hinawakan ang leeg ko na alam kong magkakapasa na naman. Hindi na 'to bago sa akin, ilang beses na nila akong sinubukan patayin.
Tinitigan ako ng matalim ni Tita. "Huwag mo na munang paalisin ang babaeng iyan. Tuloy ang plano, nakauwi na 'yong kapitbahay nating sundalo. Kursunada siya, napag-usapan na namin na sampung libo ang isang gabi. Ihanda mo na ang babaeng 'yan. Kinakailangan na magmukha siyang kaakit-akit para makakuha pa tayo ng ibang lalaking pwedeng pagbentahan sa kaniya!" pagkatapos 'yon sabihin ni Tita ay agad na siyang umalis.
Napalunok ako at napatingin kay Tatay "A-anong plano? Anong gagawin niyo?"
"Napagpasyahan na naming ibenta ka sa kapitbahay nating sundalo na matagal ka nang gustong ikama," seryosong saad ni Tatay.
Napanganga na lang ako at hindi makapaniwala na mismong ama ko ang nasa harap ko ngayon. "Balak niyong ibenta ako?" Tinitigan ko siya sa kanyang mata. "Naririnig mo ba 'yang sarili mo, Tay? Pati ikaw na kadugo ko, ikaw na sarili kong ama gusto ding ibenta 'yong kaluluwa ng sarili niyang anak para sa pera?"
Mariin akong napapikit. Ramdam ko ang sunod-sunod na pag-agos ng mga luha ko. "Sabihin mo nga Tay, bakit? Bakit pati ikaw, hindi mo ako magawang mahalin bilang anak mo? Ginawa ko na lahat, tiniis ko na lahat. Kulang pa rin ba 'yong mga pagkakataon na ilang beses niyo na akong sinubukan patayin?"
Sandali siyang nanatiling walang imik. "Tama ang tita Riza mo, wala kang silbi. Kaya kung sakali mang makatakas ka dito ngayon, huwag ka nang babalik pa. Pero kapag nabigo kang makaalis nagayon dito, sundin mo na lamang ang plano ng Tita Riza mo, baka sakaling matuwa pa siya sa 'yo." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad siyang naglakad palayo saka ini-lock ang pintuan sa labas.
Ilang oras lamang akong nakaluhod at umiiyak ng paulit-ulit hanggang sa tuluyan na akong napagod. Mayamaya pa, natawa na lamang ako ng mapakla. Tama na nga siguro, sobra na. Siguro nga kailangan ko ng umalis sa impyerno na 'to!
Nanghihina man pero pinilit kong tumayo at naghanap ng pwede kong daanan palabas. Saktong nakita ko ang bintana sa k'warto ni Tatay na nasa ikalawang palapag namin na pwede kong basagin at talunan palabas. Agad akong pumunta ng kusina at kumuha ng itak pagkatapos no'n ay dali-dali akong bumalik sa kwarto ni Tatay saka nag-umpisang sirain ang bintana. Nasa gano'n akong kalagayan nang marinig ko ang boses ni Tita Riza at ng isang lalaking hindi ko kilala, na alam kong nasa baba lamang sila.
"Pagpasensyahan mo na Leo at makalat. Si Aly lamang kasi ang naiwan dito, 'yong batang iyon pa naman, ayaw mapagod at gusto lagi na buhay prinsesa," saad ni Tita Riza sa kausap nito.
"Mas mabuti na ang gano'n aling Riza, para mas may lakas siya sa kama at sa mga gagawin namin mamaya," sagot ng lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, malamang siya na ang lalaking sundalo na tinutukoy nila Tita.
Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo at panginginig ng katawan ko dahil sa takot. Pero mas pinag-igihan ko pa ang pagpukpok sa bintana na siyang naging dahilan para tuluyan na itong mabasag. Bago pa ako tuluyang makatalon sa bintana ay bigla na lamang sumulpot si Tita Riza sa likuran ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?Huwag kang magkakamaling—" Hindi ko na siya pinatapos pa, walang pag-aalinlangan kong tinalon ang bintana.
Dahil medyo may kataasan ito kaya mukhang nabali ko pa ang kaliwang braso ko na siyang pinang tukod ko sa pagbagsak ko.
"Punyeta kang babae ka! Bumalik ka rito bago pa kita mapatay!" nanggagalaiting sigaw ni Tita habang sinusubukang ilabas ang kanyang paa sa labas ng bintana para makatalon.
Wala na akong sinayang pa na pagkakataon, pinilit kong makatayo kahit para ng bibigay ang katawan ko ano mang oras. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa kalsada na malapit na sa kumbento.
Napatigil lamang ako nang bigla na lamang akong magsuka ng dugo at ramdam ko na rin ang pagikot ng paningin ko. Damn! Huwag naman ngayon, kailangan kong makaabot sa kumbento.
Sinubukan kong muling humakbang ngunit hindi ko na kinaya pa, nawalan na ako ng balanse at namalayan ko na lamang ang isang braso na sumalo sa akin.
"Fuck! Don't worry... I got you, babe." Iyon ang huli kong narinig bago pa ako mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro