Kabanata 1
UNEDITED
(Aleisha's POV)
"At sa huli, masayang nagmahalan ang prinsesa at prinsipe sa kanilang sariling palasyo," nakangiti kong banggit sa huling linya ng story book na kasalukuyan kong binabasa sa limang mga bata. Mukhang mas nagustuhan nila ang napili kong kwento ngayon.
"Nakakakilig naman po 'yon, ate Aly!" sabi ni Yana, isa sa mga batang nakatira dito sa kumbento.
"Oo nga po, ate Aly, ang ganda po ng kwento. Sana po kapag malaki na rin ako, makita ko rin ang prinsipe ko," dagdag ni Lea na siyang pinakabata sa kanilang lahat.
Natawa na lamang ako sa kaniya-kaniya nilang komento. "Kayo talaga, ang kukulit niyo! Masyado pa kayong mga bata kaya huwag niyo na munang isipin 'yang mga prinsesa at prinsipe na sinasabi niyo, okay?" Sabay-sabay naman sila sumagot sa akin ng "Opo."
"Oh siya! Maghahating gabi na kaya matulog na kayo. Babasahan ko na lang ulit kayo bukas. Good night, kids!" masigla kong paalala sa kanila na agad naman nilang sinunod. Iisa lamang ang kama nila pero malaki naman ito kaya maluwag pa para sa kanila.
Pagkalabas ko ng silid ng mga bata ay naabutan ko si sister Remy. "Naku, Aly! Pagpasensyahan mo na lang ang mga bata, ah? Alam mo naman na gustong-gusto nila na kasama ka." Saglit niyang sinilip ang suot niyang relo sa kaliwa niyang braso bago nagbuntong hininga. "Inabot ka na tuloy ng gabi. Uuwi ka pa ba sa inypo, anak?" tanong pa niya sa akin. Para ko na siyang pangalawang magulang dito sa kumbento.
Nginitian ko siya bago sumagot. "Wala 'yon, sister Remy, masaya po ako na makatulong sa inyo at sa mga bata. Saka opo, uuwi pa rin ako. Baka po kasi may iuutos pa sa akin sila tita Riza, sadyang nagpalipas lang po ako ng oras dito."
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "Naku, anak! Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin ang alok ko na dito na lamang tumira sa kumbento? Kaysa naman sa tinitiis mo na lang palagi ang pagmamaltrato ng pangalawang asawa ng tatay mo."
Napaiwas ako ng tingin. Simula nang mamatay si Ina, napunta na kami ni tatay sa bahay ng pangalawang asawa niya. Isang kasinungalingan kung sasabihin ko na ayos lang ako sa bahay nila tita Riza dahil ang totoo, hirap na hirap na ako. Puro pang-aapi at masasakit na salita na lamang ang palagi kong natatanggap sa bahay, idagdag mo pa na hindi ako kayang ipagtanggol ng aking ama sa pangalawa niyang pamilya. Pakiramdam ko tuloy minsan, gusto ko na lamang maglaho na parang bula.
"Nakakahiya naman po kasi kila tita Riza, lalo na kay tatay kung basta ko na lamang po sila iiwan. Pero hayaan niyo po , sister, pag-iisipan ko po ang alok niyo," sagot ko sa kaniya.
Napailing-iling si Sister Remy. "Napakabuti mong bata, Aly. Sa kabila ng mga ginawa nila sa iyo, sila pa rin ang inaalala mo. Pagpalain ka nawa ng Panginoon."
Muli ko siyang ngingitian. "Kailangan ko na pong umalis, sister. Salamat po ulit sa pagkain na ibinigay niyo sa akin kanina. Iuuwi ko na lamang po sa bahay para mapagsaluhan namin nila tatay."
"Hay, Ikaw talagang bata ka! Nagpalipas ka na naman ng gutom para sa ibang tao. Anak, magtira ka naman para sa sarili mo Huwag naman na puro ibang tao ang mas inaalala mo."
Tumango ako. "Opo, sister. Paalam na po," paalam ko bago ako tuluyang umalis.
Mayamaya pa ay napahinto ako sa paglalakad nang bigla kong makita sina Emy at Kyla na ansa tapat ng isang magarang sasakyan at nakabihis ng magagandang damit. Kabilang sila sa mga kasamahan ko dito sa kumbento na may balak din na maglingkod sa simbahan. Ngunit sa pagkakaalam ko ay pinilit lamang sila ng kanilang kamag-anak.
"Aly?" sabay nilang bati sa akin nang mamataan nila ako.
Nilapitan ko sila. "Ang gaganda niyo naman. Mukhang may lakad kayo, saan ba kayo pupunta?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Doon sa- ay sandali! Pauwi ka na ba, Aly?" usisa sa akin ni Kyla na agad ko naman sinagot ng "Oo, bakit?"
Kumunot ang noo ko nang mapansin na nagtinginan sila bago ngumisi sa akin.
"Tutal pauwi ka naman na pala, bakit hindi mo na lang kami samahan. Right, Kyla?" wika ni Emy na agad naman sinang-ayunan ni Kyla.
"Tama, sumama ka na lang muna sa amin, Aly. Para naman makapag-enjoy ka kahit sandali."
Bago pa man ako makatanggi ay sapilitan na nila akong ipinasok sa sasakyan habang paulit-ulit nilang sinasabi na masaya raw doon at tiyak na magiging masaya ako.
Hinayaan ko na lamang silang dalawa at nang makaramdam ako ng antok ay hindi ko na napigilan pang ipikit ang mga mata ko.
"Aly? Gising na!" sabi ni Kyla habang niyuyugyog ang balikat ko.
Napahikab ako. "Pasyensya na, nakatulog pala ako. Medyo pagod kasi talaga ako ngayong araw."
Nginitian naman ako ni Emy. "Ayos lang, andito na tayo kaya mag-ayos ka na lang ng sarili mo para makapasok na tayo sa loob."
"Bakit nasaan ba tayo-" Biglang nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung nasaan kami. "Bakit tayo narito?" natataranta kong saad. "Seriously, Bar? Bahay aliwan? Nababaliw na ba kayo?" Tinitigan ko silang dalawa ng hindi makapaniwala. "Alam niyong pwede tayong maging madre balang araw at ano na lamang ang sasabihin nina sister Remy at father Rey kapag nalaman nila ito? Baka- hmpp." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang takpan ni Emy ang bibig ko gamit ang kaniyang isang kamay.
"Kalma! Wala namang makakaalam nito saka magsasaya lang naman tayo," ani Kyla.
Gusto ko pa sanang kumontra nang unahan na ako agad ni Emy. "Bes Aly naman, akala ko ba magkaibigan tayo? Andito na tayo kaya tumuloy na lang tayo, please? Ngayon lang naman ito."
I sighed. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? Siguraduhin niyo na lang na hindi na mauulit ito." Sabay naman silang tumango bago ako hinila papasok sa loob ng bar.
Bumungad sa amin ang malalakas na tugtugan at mga taong may kaniya-kaniyang ginagawa. Napapikit na lamang ako ng mariin nang mapansin na halos ang daming naghahalikan at gumagawa ng 'kababalaghan'
"Grabe ang saya dito! Tara Aly, sayaw tayo."
"Dalian niyo, mukhang mas masaya doon sa dance floor."
Napailing na lamang ako sa sinabi ng dalawa. "Dito na lang ako, sige na, hihintayin ko na lang kayo." Tumango naman sila at tuluyan na akong iniwan sa tabi.
What now?
Napasandal na lamang ako sa inuupuan ko ngunit ilang sandali pa ay napataingin ako sa mga lalaking nakaitim na unti-unting lumalapit sa akin.
"Siya ba 'yong bagong babae na ipapakita kay boss?" sabi ng lalaking may malaking katawan habang tinuturo ako. Naguguluhan man ngunit mabilis akong nakaramdam ng kaba. Parang may balak silang hindi maganda sa akin.
"Oo siya nga, ang sabi nakaputi raw kaya sige, dalhin niyo na siya kay bossing." sagot ng kasamahan nila na parang pinuno nila. Bigla akong napalunok nang mapatingin ako sa suot kong damit. Nakaputi nga pala ako. Ako nga ba ang tinutukoy nila?
"Maganda siya, tiyak na matutuwa si boss."
Biglang nanindig ang balahibo ko sa mga pinag-uusapn nila. Kahit napakalakas ng tugtog at napakaraming tao, pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Nginitian ko sila ng pilit at balak ko na sanang pumunta sa dance floor para sundan sina Emy nang bigla akong hilahin ng isa pa sa mga lalaki na nakaitim. "Saan ka pupunta, ha? Anong arte 'yan? Dalian mo na, hinahanap ka na ni boss," nakangising sambit niya sa akin.
"Teka, ano po bang sinasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan. Hindi po ako nagtatrabaho dito baka nagkakamali kayo!"
Halos mapangiwi na lamang ako sa takot at parang maiiyak na nang bigla nila akong higitin sa kung saan.
"Pakiusap, pakawalan niyo na ako! Sinabi ko na sa inyo, hindi ako nagtatrabaho dito. Hindi ako ang babaeng hinahanap niyo," halos mangiyak-ngiyak ko nang paliwanag ngunit para silang kampon ng demonyo na tawa lamang ng tawa sa kalagayan ko.
Mayamaya pa ay huminto kami sa napakatahimik at medyo madilim na lugar.
"Boss, heto na po ang bagong babae na ipinadala," wika ng lalaking may hawak sa akin habang napansin kong ang mga kasamahan niya ay puro nakayuko na, kahit ang inaakala kong pinuno nila ay nakakapagtakang nakaluhod na ngayon.
Sa sobrang takot ko ay napayuko na lamang din ako at taimtim na nagdarasal ngnit agad akong nanlumo nang makitang may pares ng paa ang biglang lumapit sa akin.
"Look at me, woman," malamig niyang utos sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro