Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

(Aleisha's POV)

"Mag-ingat kayo sa byahe, ah?" paalala sa amin ni Aling Emelda bago kami tuluyang makapasok sa sasakyan. Tinanguan namin siya at marahang niyakap.





Ngayon na ang balik namin ni Devon sa mansyon nila. Kung tutuusin mas gusto ko na manatili rito kesa sa mansyon. Mas panatag kasi ang loob ko dito, hindi katulad doon na para bang palaging may nakatingin sa akin.




"Are you hungry?" tanong sa akin ni Devon na inilingan ko lang. "Pwede kang matulog kung gusto mo, mahaba pa ang biyahe natin," paalala niya sa akin.



Hindi ako ulit sumagot at tumingin lang sa mga dinadaanan namin hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lamang ako nang sunod-sunod ako makarinig ng busina at mahinang nagmumura si Devon.




"Damn it! Bakit ngayon pa nagka-traffic, baka magising siya," rinig kong usal niya.




Umayos ako ng pagkakaupo dahilan para mapatingin siya sa akin. "You're awake? Shit! I'm sorry, traffic na kasi kaya nag- na 'yong iba."



Kumunot ang noo ko. "Bakit ka nagso- sorry?"




Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "It's kinda irritating, knowing na wala akong magawa para hindi maudlot ang tulog mo. Kung pwede ko lang silang sagasaan na lang lahat, eh." Para siyang bata na nayayamot.



Nag-iwas ako ng tingin. "H-hindi mo naman kasalanan kung traffic, saka nakatulog naman na ako."


"Are you hungry?"

Napatingin ako sa dashboard ng sasakyan niya. Malapit na pala mag 1:00. Halos madaling araw pa kami umalis kaya kung tutuusin, halos anim na oras na siya nagda-drive.



"Medyo, siguro dumaan na lang tayo sa drive thru or kahit saan na pwedeng kainan," sagot ko sa kaniya kahit hindi pa naman talaga ako nagugutom. Gusto ko lang na makapagpahinga siya kahit kaunti.



"Sure. Pero kung nagugutom ka na talaga, may sandwich ako na ipinagawa kay Aling Merdes, andiyan sa likod ng upuan mo." akmang kukunin niya na nang inunahan ko na siya. "Ako na, mag focus ka na lang sa pagda-drive." Napangiti naman siya sa sinabi ko.



Pagkabukas ko ng bag ay mayroon ngang dalawang sandwich na naka-pack. Binuksan ko iyon at itinapat sa bibig niya na ikinagulat niya. "Sigurado akong mas gutom ka kasi kanina ka pa nagmamaneho, kumain ka na muna para hindi ka rin antukin."




"You're doting me babe, baka masanay ako niyan," nangi-ngiti niyang saad habang marahan na kumakagat sa sandwich na hawak ko.



Hindi ko na siya sinagot pa at tinuloy ko na lamang ang paghawak ng sandwich para makain niya ng maayos.



Nang makarating kami sa isang drive thru ay agad siyang nag-order ng makakain namin. Sa sasakyan na rin kami kumain at nang matapos ay pinakiusapan ko siya na magpahinga na muna saglit.



He smirked at me. "How can you be so powerful? Kahit ang sarili kong Ama ay kinakailangan pa akong tutukan ng baril o takutin para lang mapasunod." Napailing-iling ito. "Just one word, one word from you and I'll be damn. Sh*t! Because of you I'm in a so much trouble."




Kinunutan ko lamang siya ng noo dahil wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Makalipas ang ilang minuto ay muli na niyang pinaandar ang sasakyan.



Nang makarating kami sa mansyon nila ay halos manlamig na naman ako lalo pa noong nakita ko ang mga katulong nila na nakapila kasama ang iba pa nilang mga tauhan na may hawak ng baril. Halatang inaantay nila kami.




Agad akong napapitlag nang hawakan ni Devon ang kamay ko. "Relax, babe, he's not here. Wala kang dapat na ikatakot dahil tinitiyak ko sa 'yo na kahit dulo ng mga daliri mo ay walang makakahawak na kahit na sino man."





Nang makapasok kami ay agad na yumuko ang mga katulong at masigla kaming binati. Tinanguan lang sila ni Devon bago niya ako inihatid sa silid niya. "I know you're tired. So just rest for awhile. And if you need something, magtawag ka lang ng katulong." He kissed my forehead. "I'll be back, okay? Now rest."



Hindi na ako nagtanong pa kung saan siya pupunta at humiga na lamang sa malaki at malambot niyang kama. Pero makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam ako ng matinding uhaw kaya agad akong lumabas ng silid niya.



Gusto ko sanang magpasuyo na lamang pero nakaramdam ako ng hiya kaya naisipan kong ako na lamang mismo ang kukuha ng tubig.




Dalawang beses na akong nakapunta ng kusina nila pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin maiwasan na malito sa laki ng mansyon nila.



Nakahinga ako ng maluwag nang kalaunan ay natagpuan ko rin ang kusina. Agad akong uminom ng tubig at umalis doon.





Akmang aakyat na sana ako para bumalik ng silid ni Devon nang makita ko ang isa sa mga tauhan niya na may baril habang palinga-linga sa paligid bago pumasok sa pinaka dulo at tagong silid na malapit sa garden nila. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa kong sundan ang lalaki.




Dahan-dahan akong naglakad at nang  nasa tapat na ako ng silid ay nakita kong nakaawang ito ng bahagya kaya agad akong sumilip. Nakita ko si Devon na may kausap na tatlong lalaki at isang babae.



"Masyado na siyang pumapalpak, Devon baka malagay lang tayo sa alanganin dahil sa kaniya," saad ng babae na katabi niya sa kanan.



"Then just kill him already. May utak kayo, alam niyo na dapat na kapag wala ng silbi... pinapatay na lang," malamig na saad ni Devon.



Tumango-tango ang lalaki na katabi niya sa kaliwa. "Nagkukulang na rin pala ng mga babae sa bahay aliwan."



Makikinig pa sana ako nang bigla na lamang may humawak sa braso ko. "Sino ka? Walang puwedeng pumunta dito. Gusto mo bang mamatay?" saad ng isa pa sa mga tuhan ni Devon. Sa sobrang taranta ay agad akong nagpumiglas dahilan para masagi ko at mabasag ang malaking vase na malapit sa kinatatayuan ko.



Naglikha iyon ng ingay na siyang dahilan para mapatingin sa gawi ko sina Devon at ang iba pa nitong mga tauhan. Tinulak ko ang may hawak sa akin bago ako tumakbo paakyat sa silid ni Devon.





Halos manginig ako sa kaba habang paulit-ulit na nagdarasal na sana ay walang nakakilala sa akin. Humiga ako sa kama at nagkunwaring natutulog.




Mayamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto at umalog ang kama, tanda na may umupo sa paanan ko. "I know you're awake, Aleisha," saad ni Devon na mas lalong nagpakaba sa akin.




Dahan-dahan akong tumayo at umupo sa kama. Alam kong mas magagalit siya kapag hindi ko siya kinausap ng maayos.



"Ayos ka lang ba?" dahan-dahan siyang umusog at tumabi sa akin. Halos mapapikit ako ng marahan niyang haplusin ang pisngi ko at ipinaharap niya ako sa kaniya. "Open your eyes, Aleisha. Let's talk," marahan niyang saad na para bang iniingatan niya ako.



Hindi ako umimik at tumingin lamang sa kaniya kaya napuno ng katahimikan ang kwarto niya, pero agad din niya iyong binasag. "Alam kong ando'n ka, alam kong ikaw iyong palihim na nakikinig sa amin."


Napalunok ako at muling nag-iwas ng tingin sa kaniya. "K-kung sasabihin kong totoo iyang sinasabi mo, p-papatayin mo na ba ako?" nauutal kong tanong sa kaniya.




Nagbuntong hininga siya at marahang ipinahilig ang ulo ko sa kaniyang balikat. "Sinabi ko na sa 'yo. Ayoko pang mamatay, Aleisha. Sa tingin mo ba kapag pinatay kita magagawa ko pang mabuhay? Damn, you have no idea how important you are to me." Tumingin siya sa mata ko. Halos magkadikit na ang mukha naming dalawa. "I know you want to ask something. Just ask me, Aleisha and I'll answer you honestly. Damn the freakin rules, I'll break everything just for you."




"Ang akala ko ba hindi ako pwedeng magtanong o makialam?" lakas loob kong tanong.



Saglit siyang natigilan bago muling sumagot. "Tama ka, ayoko na magtanong ka dahil kilala ko ang sarili ko Aleisha, kahit anong tibay ng mga pader na binuo ko, isang salita mo lang ay ako na mismo ang gigiba ng mga iyon. Ayokong magtanong ka dahil alam kong sa bawat tanong mo ay mas makikilala mo ang tunay na anyo ko." Muli itong nagbuntong hininga. "It's sounds gay but f*ck! Ayokong matakot ka at mas mapalayo ka kapag nakilala mo ang tunay na ako."





Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko kaya mariin akong pumikit.




"Kung mayroon man akong isang kinatatakutan... iyon ang lumayo o mawala ka. When it comes to you, I'm fucked up Aleisha!"




Naiyukom ko ang palad ko.

No! You're just lying Devon alam kong gusto mo lang na pagkatiwalaan kita ng lubusan and I won't never do that. You're a beast Devon and I shouldn't trust you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro