Simula
Camilla Thraia Alcaraz
Simula
Being alone is not bad. I can do whatever I want and whenever I like. And in my case as an orphan, I can freely enjoy my life alone.
Last year my parents died in a car accident. Actually, I have an older brother --- half older brother. We're not close and we parted our ways since our parents died.
We divided all the things our parents left for us to survive. And here I am, living alone in a small apartment with my cat name Louie.
Habang dala-dala ang bag ko galing school, tahimik kong pinagmasdan ang mga kahon sa harap ng apartment ko. Lumipat ang tingin ko sa may pinto at nakita ang isang binatang lalaki.
He's older than me and looks like a college student. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang itsura niya. Pero halata sa tindig at pangangatawan niya ang pagiging binata pa.
Siguro ay siya iyong tinutukoy ng land lady na bagong tenant. Dalawang buwan na kasi simula noong umalis ang nakatira doon.
Nagkibit-balikat ako bago nagsimulang maglakad patungo sa apartment ko. Nagugutom na ako kaya kailangan ko nang magmadali, gagawa pa rin ako ng sandamakmak na Assignment galing sa mga matatandang teacher ko.
Gumilid ako ng konti para makadaan patungo sa pintuan ng apartment ko. Napakarami kasing kahon at iilang bag na nakakalat sa daan, parang wala nang alisan si Kuya.
“Ay sorry, Neng! Bagong lipat kasi ako kaya ang dami kong gamit sa daan.”
Hindi ko na natuloy ang pagpihit sa door knob nang biglang may nagsalita. Nilingon ko agad iyon at saka yumuko.
“Okay lang po,” ani ko bago nag-angat nang tingin. Ngingitian ko pa sana siya nang iba ang lumabas sa labi ko. “Puta, ang pogi.” Agad kong sinampal ang bibig ko. Bawal nga pala akong magmura.
Paanong hindi ako mapapamura, bukod sa Daddy ko, wala pa akong ibang nakikitang pogi. Hindi naman pogi si Kuya Rogue, he's a poop.
Tinitigan kong mabuti si Kuya. Mahaba ang kan'yang mga pilik mata na binabagayan ng mga mata niyang parang almonds. Kamukha niya ang mga napapanood kong anime characters sa laptop ko. Sobrang pula pa ng kan'yang mga labi, na mas lalo pang nakita sa puti niya. Matangkad rin si Kuya at ang buhok niyang parang korean actor na napapanood ko rin sa laptop ko.
May jowa kaya siya? Or kahit kapatid na lang na kasing edad ko para maging jowa ko after five years.
“Ha? Anong sabi mo?”
Bigla akong natauhan sa tanong ni Kuya kaya agad akong umiling. “Ah wala po,” ani ko na lang.
Ngumiti si Kuya na parang gusto ko na lang mahimatay sa sobrang pogi niya. Wala naman sigurong masama magkaroon ng crush kahit bata pa. At saka, crush pa lang naman, wala pa rin kasi sa isip ko ang pagkakaroon ng jowa.
Kailangan ko munang maging Architect bago ang pagbo-boyfriend.
Ngumiti na lang din ako pabalik at tatalikod na sana nang naalala kong tanungin ang pangalan niya.
“Kuya, ano pong pangalan niyo?”
Lumingon agad sa akin si Kuya na papasok na rin sana sa loob ng apartment niya. Likod pa lang ang --- bad 'yon. Bata pa ako para sa ganoon.
“Ah, Samuel. Pero p'wede mo na rin akong tawaging Kuya Sam, kung gusto mo lang naman.”
Tumango agad ako at ngumiti nang malapad. “Ah sige po, Kuya Sam. Ako po pala si Camilla. Thirteen years old na po ako, ikaw po?” sunod-sunod na sabi ko.
“Twenty-five,” tipid niyang sagot nang hindi inaalis ang ngiti.
“Oh...” mahinang sabi ko. “Handa po ba kayong maghintay ng five years?”
“Ha?” nagtatakang tanong niya.
“Ah wala po,” ngumisi ako at kumaway sa kan'ya. “Bye, Kuya Sam. See you later,” paalam ko pa na tinanguan lang niya. Agad akong pumasok sa loob ng apartment ko at tumalon sa tuwa.
“May first crush na ako!” sisigaw ko at lumapit kay Louie. “Beh, may first crush na ako! Andoon sa labas at ang pogi niya. Huwag mo akong aagawan, ah!” pagkausap ko sa alaga kong pusa.
Nag-meow lang siya dahilan para mas lumapad ang ngiti ko. Nagtungo ako sa sofa at pabagsak na umupo.
“Hay. Ano kaya ang sasabihin ni Daddy kapag nalaman niyang may crush na ako? Siguro magagalit 'yon, pero sana matuwa siya ngayon kasi mas pag-iigihan ko pa ang pag-aaral.” Sumandal ako sa sofa at tumingala. “Daddy, I miss you. Mommy, miss na rin po kita. Miss ko na po kayong dalawa...” bulong ko.
Mabuti na lang may naiwang bahay at pera sa bangko sina Daddy, dahil kung hindi baka mahirapan akong mabuhay ngayon. Hindi ko na rin alam kung nasaan si Kuya Rogue kaya mag-isa na lang talaga ako.
Kinaumagahan agad akong naligo at nagbihis para pumasok sa school. Doon na lang ako kakain sa canteen para hindi na ako mahirapang magluto. Mura lang naman ang mga pagkain doon, at saka madali akong mabusog kaya mas nakakapagtipid ako.
Sinakbit ko muna ang bag ko at nagpaalam kay Louie na papasok na ako. Hinanda ko na rin muna ang pagkain niya bago ako umalis. Mamayang hapon pa kasi ako makakauwi.
Pagkalabas ko ng apartment naabutan ko si Kuya Sam na naglalabas ng mga basura niya sa may tabi ng pinto.
Agad ko siyang binati nang may malapad na ngiti. “Goodmorning, Kuya Sam!” bati ko at kumaway.
Mukhang hindi niya ako napansin dahil halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nag-angat agad siya nang tingin at ngumiti nang makita ako.
“Goodmorning, Camilla. Papasok ka na?” bati niya pabalik sabay tanong.
I nodded. “Yes po, Kuya.”
“Nag-breakfast ka na ba?” tanong pa niya na nahihiya kong inilingan. Bawal magsinungaling. “Bakit? Dapat kumakain ka bago pumasok para may maisagot ka sa teacher mo. Halika dito sa loob, nagluto ako ng hotdog at pancake.”
Abot tenga ang ngiti ko sa anyaya ni Kuya Sam. Sabay kaming mag-a-almusal!
Tumango-tango naman agad ako at sumunod sa loob ng apartment niya. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok nang napapikit agad ako sa bango ng apartment niya. Amoy bulaklak na panglalaki. Ah, basta mabango!
“Pagpasensyahan mo na ang kalat, hindi pa ako nakakapag-ayos masyado.”
“Ayos lang po, hindi naman po ako maarte.” Ginala ko ang mga mata ko at nakitang hindi naman makalat ang mga gamit niya. Mas malinis pa nga ito kumpara sa apartment ko.
“Upo ka dito, Camilla. Sabayan mo na ako kumain.”
Nilingon ko si Kuya Sam at nakitang nandoon na siya sa tabi ng dining table. Maliit lang ang apartment niya katulad sa akin, pero nandito na ang lahat. May kitchen, sala, dining area, cr, at isang kwarto.
“Sige po. Salamat,” I smiled and come closer to him.
Nilabas niya Kuya Sam ang isang upuan at sinenyasan akong maupo na. Umupo naman agad ako at tiningnan ang pagkain.
“Mag-isa lang po kayo dito?” Nag-angat ako nang tingin at kuryoso siyang tiningnan. Ang dami kasi ng pagkain, parang hindi lang iisa ang kakain.
Tumango siya bago umupo. “Mas gusto kong maraming pagkain kaysa mabitin. Ikaw ba? Sinong kasama mo sa apartment? Bakit hindi ka muna nag-breakfast bago umalis?”
Umiling ako at binalik ang tingin sa pagkain. “Kain na po tayo...” ani ko.
Hindi agad nakasagot si Kuya Sam, pero ilang saglit lang ay nakita kong kinuha niya ang plato na may hotdog at saka niya ako nilagyan nito. Binigyan din niya ako ng pancake at juice pagkatapos.
Tahimik lang akong kumain para makaiwas na sa ilan pang mga tanong. Hindi naman sa ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa pamilya ko, ayoko lang na kaawaan niya ako.
“Kuya, tapos na po ako. Salamat po sa pagkain.” Tumayo ako at tiningnan si Kuya Sam na kumakain pa.
Bigla namang tumayo si Kuya Sam at nagmadaling lumapit sa akin. “Papasok ka na?”
Tumango ako. “Opo, baka po kasi ma-late pa ako.”
“Ah, oo nga pala. Teka lang, Camilla, may ibibigay pala ako.” Tinalikuran niya ako bago nagtungo sa may ref niya. Binuksan niya ito at parang may kinuha doon sa loob. Nilingon niya ulit ako at lumapit sa akin. “Ito pala, baunin mo na. Baka magutom ka sa klase mo.”
Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niyang may hawak na isang chuckie at fudgee bar. “Para po sa'kin?” nagtatakang tanong ko.
“Oo, kunin mo na, wala rin kasing kakain niyan dito.”
Nahihiya ko naman itong kinuha bago siya tiningnan at muling nagpasalamat. Ngumiti lang si Kuya Sam at hinatid ako sa may pinto. Pinagbuksan pa niya ako na nakapagpalaki ng ngiti ko.
“Mag-iingat ka, Camilla.”
Nilingon ko si Kuya Sam at kinawayan. “Opo, Kuya Sam.”
Ngumiti ako at tatalikuran na sana si Kuya Sam nang muli na naman siyang magsalita.
“Balik ka dito mamaya, kakain ulit tayo.” He smiled and waved back at me.
Ilang segundo pa ang lumipas at nanatili lang akong nakatayo habang pinagmamasdan si Kuya Sam.
After one year of being alone... I can say that now I need someone like him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro