EPILOGUE
MARGARITA
KAMI lang ng mga bata ang nasa bahay. Wala si Aqua kasi may importanteng meeting siya with some investors.
"Mommy, si Garnet nga!" Maktol ni Margareth at yumakap sa beywang ko. "Ayaw niya akong pahiramin nung tablet. Naglalaro na nga siya nung computer, ayaw pang ibigay sa'kin yung tablet."
"Garnet!" Tawag ko dito.
Agad naman itong lumabas ng playroom dala yung tablet.
"Inaaway mona naman si Margareth," sabi ko dito. "Pahiramin mo ng tablet."
"Mommy, kagagamit ko lang po eh!" Sumimangot ito. "Kahapon siya na yung gumamit, ako naman."
"Akin na yan." Inilahad ko yung kamay ko. Agad naman niya itong ibinigay. "Walang mag-ga-gadgets ngayon, okay?"
Napanguso naman yung dalawang bata at sabay na tumango. Parehong may sumpong kaya ayan, nag aaway na naman.
"Susumbong ko talaga kayo sa Daddy niyo," sabi ko sa kanila. "Para hindi na tayo tumuloy sa EK."
Pareho naman itong humagulgol nang iyak. Ang hirap talaga kapag sabay silang tinopak.
"Joke lang, tumahan na." Pareho ko silang niyakap. "Tutuloy na tayo, wag na kayong umiyak."
Agad naman silang tumahan. Kambal talaga. Pati sa topak, kambal na kambal eh.
"Anong gusto niyong snacks?" Tanong ko sa dalawa.
"Gusto kong bread pan," sagot ni Margareth.
"Pillows," si Garnet.
Nagtungo naman ako sa kusina at kumuha ng pillows at bread pan. Kumuha din ako ng dalawang chuckie para sa kanila.
Nang makabalik ako sa sala. Nakita ko yung dalawang bata na nakatingin sa cellphone ko.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.
"Mommy, may nagsend po ng picture." Tumingin sa'kin si Margareth. "Daddy is with someone. Magandang babae at sexy."
Nagsalubong naman ang kilay ko at agad kinuha yung cellphone. Tiningnan ko iyon. At halos madurog yung cellphone nang makita ko yung litrato.
Si Aqua. May katawanang sexy at magandang babae, na tanging bikini lang ang suot.
Nasa isang resort si Aqua, kasi may nakikita akong dagat sa picture. Company pala ah.
Agad kong tinawagan si Aqua. Agad naman itong sumagot. "Where are you?"
"Lunch meeting," tugon nito. "Natatandaan mo yung vacation house kako namin? Yung pinuntahan natin noon?"
Pinatay ko yung tawag at hinarap yung dalawang bata.
"Aalis na tayo." Seryosong sabi ko sa kanila. "Tara na."
Lumabas kami ng bahay at agad dumiretso sa kotse. Agad ko itong pinaandar palabas ng gate.
"Mommy, saan po tayo pupunta?" Takang tanong ni Garnet.
"Sa Daddy mo," sagot ko. Lulunurin ko lang naman yung kalandian ng Daddy mo. Pati Daddy mo, isasama kona.
Halos tatlong oras ang binyahe namin bago kami makarating doon sa lokasyon.
"Wow!" Agad bumaba ng sasakyan yung dalawa. "Mommy, bakit hindi mo sinabing sa dagat po? Hindi tuloy ako nakapagdala ng swimsuit."
"Okay lang 'yan." Hinawakan ko ang kamay nila. "Sakto lang yung itim niyong damit, para sa mangyayari."
Naglakad kami patungo doon sa bahay nila Aqua. Nang makapasok kami sa loob ay walang tao.
Nagtungo naman ako sa terrace at hinanap siya. Nakita ko itong masayang nakikipag usap sa babaeng kasama niya sa picture.
"Nakita kona ang Daddy niyo." Sabi ko sa kanila.
Bumaba ako kasama yung dalawang bata. Madilim ang mukha ko habang naglalakad kami palapit sa kaniya.
"AQUA!" Malakas kong sigaw kaya napatingin siya sa'kin.
Pati ang iba pang taong nandoon ay napatingin sa'kin.
"Babe!" Naglakad ito palapit sa'kin. "You're here."
"Talagang pupunta 'ko!" Sinamaan ko siya ng tingin. "Sino yung babaeng yun? Gusto mong lunurin ko kayong dalawa?"
Natawa ito. "Relax, babe." Nilingon niya yung dalawang bata. "Good job, kids."
Humagikhik yung kambal bago tumakbo sa isang gilid. Nagtaka ako dahil nandito din sila Mommy, pati ang mga magulang ni Aqua.
"Babe." Hinawakan ni Aqua ang kamay ko. "It's part of the plan. Wala akong ibang babae." Dahan dahan itong lumuhod. "Babe, 'diba sabi ko noon na hindi kita liligawan? Totoo yun. Because I'm planning to marry you."
"Margarita, alam kong nasaktan kita nang maraming beses. Ilang beses kitang pinagtabuyan, ilang beses kong pinaramdam sa'yo na wala kang halaga. Pero, Margarita. Mahal na mahal kita. Oo na, kinain kona lahat ng mga sinabi ko, na hindi kita magugustuhan at hindi ako maghahabol sa'yo."
"Ikaw lang yung tanging taong nandiyan para sa'kin, noong mga panahong sobrang nanghihina ako at may problema ako about sa family ko. Maragarita, sa harapan nang lahat ng taong narito, sa harapan nang Pamilya mo, sa harapan nang mga Anak natin. Gusto sana kitang ayain ng kasal." May inilabas itong box. Binuksan niya iyon at bumungad sa'kin ang isang makinang na singsing. "Margarita, just like liqour, I'm addicted at you too. Will you marry me?"
Napangiti ako at dahan dahang tumango. "Yes!"
Dinig ko ang palakpakan ng mga tao. Napangiti naman si Aqua bago isuot sa'kin yung singsing at tumayo.
"I love you, babe." Sinapo nito ang pisngi ko at hinalikan ako. "I love you."
"Mahal na mahal din kita, Aqua." Tugon ko dito.
Hinalikan muli ako nito bago yakapin.
"YEHEY!" Napalingon kami sa dalawang bata, na ngayon ay tumatakbo palapit sa'min.
Natawa si Aqua bago buhatin ang dalawa.
I can't believe this! I'm happy because I have my own family now. I'm happy because I'm with my two children. And I'm with the man of my life. Aqua Ching.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro