Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8


MARGARITA

    "NASAAN tayo?" takang tanong ko kay Aqua.

Nasa isang village kami. Nakahinto ang isang sasakyan sa tapat ng isang brown na gate.

"Mom's house," sagot nito. "Let's go inside."

Bumaba ito ng sasakyan kaya bumaba na lang din ako. Nag doorbell si Aqua. Agad namang bumukas yung gate at iniluwal ang isang katulong.

"Sir Aqua, kayo ho pala." Nilakihan nito ang bukas ng gate. "Pasok ho kayo, nasa loob po si Senyorita Quazy."

Tumango lang si Aqua at pumasok sa loob, sumunod naman ako sa kaniya. Inilibot ko ang paningin ko sa garden habang naglalakad. Hindi gaanong malaki ito, kumpara sa bahay nila Aqua. Sakto lang rin yung laki ng bahay, pero maganda.

Dire diretsong pumasok sa loob si Aqua. Napangiwi na lang ako dahil sa naabutan namin sa loob nang makapasok kami.

"Mom," tawag ni Aqua sa babaeng nakakandong doon sa lalaking balbas-sarado.

Lumingon naman ito sa gawi namin. Mabilis na tumayo ang babae at nilapitan si Aqua.

"Bakit hindi ka nagsabi na dadalaw ka?" Niyakap nito saglit si Aqua. "Kumain kana ba? Halika sa kusina."

Umiling si Aqua dito. "Luai, told me about the wedding."

Napakagat sa ibang labi yung Nanay niya. Ang ganda nung Mommy ni Aqua, hindi maitatangging mag ina talaga sila.

"Hindi kona nasabi sa'yo dahil na-busy ako," sabi nito. "Sino itong kasama mo? Girlfriend mo?"

"Margarita Liam Apolo." Naglahad ako ng kamay. "Nililigawan po ako ng Anak niyo."

Tinanggap naman nito ang kamay ko at nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Aqua.

Hindi umapela si Aqua sa sinabi kong nililigawan niya ako, pero dinig kong pumalatak siya.

"Mom, let's talk." Lumabas si Aqua.

"Iha, maupo ka muna." Baling sa akin ng Mommy ni Aqua. Bumaling ito kay balbas-sarado. "Hon, saglit lang ako."

Sumunod ang Mommy ni Aqua sa kaniya.

"Maupo ka muna," sabi ni balbas-sarado.

Naupo naman ako sa harap niyang sofa.

"Yaya, kuha mo siya ng meryenda," utos nito sa isang katulong.

Tumango lang yung katulong. Napatingin ako kay balbas-sarado. Mukha siyang kriminal, pero mukha namang matino.

"Alam kong mukha akong hindi mapagkakatiwalaan." Natawa ito. "But trust me, I love my Quazy. She's the only woman who accepted me, I know Aqua doesn't like me, but I will work hard for his trust."

"Gusto ni Aqua ng buo ang Pamilya niya," sabi ko. "Ayaw niyang matuloy ang kasal ninyo."

"Kung ayaw pa talaga Aqua. Siguro hihintayin ko muna siyang tanggapin ako? Ayokong magkasira silang mag ina." I felt the sincerity from his voice. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal ang Mommy ni Aqua.

Hindi na ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko, ayokong sabihing tutulungan ko siya. Siguradong maiipit ako sa kanilang dalawa ni Aqua.

Dumating yung meryenda. Agad naman akong kumain at hindi na nagsalita.

Maya maya pa ay pumasok na ang Mom ni Aqua. Nagpupunas ito ng luha, siguradong hindi maganda ang naging usapan nila ni Aqua.

Tumayo naman si balbas-sarado at agad niyakap ito. Napatayo na din ako.

"Si Aqua po?" tanong ko.

"Umalis na," sagot nito. "G-galit siya."

"Iniwan niya ako." Napahinga na lang ako nang malalim. "Nasa kotse yung bag ko. Ano? Maglalakad ako?...Sige po, una na rin ako."

Lumabas ako ng bahay nila. Salubong na salubong ang kilay ko habang naglalakad sa kalsada.

Galit lang siya, tapos kinalimutan na ako?

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naglalakad bago ako huminto. Sumasakit na kasi ang paa ko, dahil sa heels na suot ko.

"Badtrip ka, Aqua. Pero type pa rin kita," bulong ko.

Napatalon ako sa gulat nang may bumusina mula sa likuran ko. Nilingon ko ito at bumungad sa akin si Aqua.

"Sakay na," malamig na sabi nito.

Agad naman akong sumakay. Padabog kong sinara ang pinto ng kotse at sinamaan siya ng tingin.

"Nakakainis ka!" singhal ko dito.

"I'm sorry." Pinaandar na nito ang sasakyan.

"Kumusta usapan niyo ng Mommy mo?" tanong ko pero hindi ito kumibo. "Huy!"

Nagpatuloy lang ito sa pag-da-drive, hanggang sa huminto kami sa condominium building nang kapatid niya.

"Bumaba kana," sabi nito. "Kunin mo yung kotse mo."

Kinuha ko naman yung bag ko, bago tahimik na bumaba. Mabilis nitong pinaharurot yung kotse niya nang makababa ako. Tumakbo ako palapit sa kotse ko at hinabol siya.

Malungkot siya. Kailangan ko siyang luhuran.

****************

AQUA

   I CAN'T believe her! She chose his man over me! She also slapped me. Do I deserve this broke family?

FLASHBACK

"Bakit hindi mo man lang kinonsulta sa akin, na inaaya kana niya ng kasal?" malamig kong tanong kay Mom. "Karapatan ko pa din yun, Mom. Anak mo rin ako!"

"Aqua, biglaan din yung proposal ni Giovan," mahinahong sagot nito. "Maging masaya kana lang."

"Paano!?" Hindi ko mapigilang hindi siya taasan ng boses. "Mom, umaasa pa rin ako sa inyo ni Dad. Alalahanin niyo naman ako, may Anak kayo."

"Aqua, wala na talaga kami ng Dad mo," sabi nito. "Nagkausap na kami ni Hua. Divorce na kami."

"Mom, mahal kapa niya. Alam ko yun, nakikita ko sa mga mata niya," pamimilit ko. "Please, Mom."

Umiling lang ito.

"Bumubuo ka ng kumpletong Pamilya sa iba, tapos ako ayaw mong bigyan." Natawa ako ng pagak. "Anak mo rin ako Mom, mas nauna ako kay Luai, mas nauna ako sa kanila."

Kita ko ang pagpatak ng mga luha nito. Parang pinunit ang puso ko nang makita ang pagluha niya sa harapan ko.

"I'm sorry." Hinawakan nito ang mga kamay ko. "Anak, sinubukan ko naman eh. Nagtiis naman ako sa Daddy mo, kaso hindi kona kinaya. Kahit naman ikasal kami ni Giovan, hindi naman magbabago ang pakikitungo ko sa'yo eh. Puwede mo ring maging Daddy si Giovan."

"I don't like him!" galit kong sabi. "Si Dad lang ang gusto kong maging Ama! Bakit kasi hindi niyo subukan ulit?"

"Aqua–"

"–Mas mapera ba yung Giovan na yun, kaysa kay Dad?" Malakas na sampal ang ibinigay nito sa akin.

"Aqua! Hindi pera ang habol ko sa kanila!" galit na sabi nito. "Minahal ko ang Dad mo! At mahal ko din si Giovan!"

"Eh ako?" Inilingan ko siya. "Sana naman isipin niyo ni Dad ang nararamdaman ko. Alam kong malaki na ako, pero kailangan ko pa din kayo."

Bago pa siya makapagsalita ay agad kona siyang tinalikuran. Dumiretso ako sa kotse at agad itong pinaandar paalis doon.

But I stopped when I realized something. Nilingon ko ang passenger seat ko, at napapikit na lang ako nang maalala ko si Margarita.

Nakalimutan ko siya sa bahay nila Mom.

Iniliko ko ang kotse at bumalik doon. Sabi ng katulong ay umalis na daw si Margarita, kaya nag drive na lang ako para hanapin siya.

And I saw her. Nakahinto sa side walk at nagtatanggal ng heels. Bumusina naman ako kaya agad itong napatingin sa akin. And she looks mad.

END OF FLASHBACK

Sunod sunod akong huminga nang malalim habang patuloy na nag-da-drive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hanggang sa matagpuan kona lang ang sarili ko sa vacation house namin sa batangas.

Sa Vacation house kung saan nagsimula ang Pamilya namin, sa vacation house kung saan din nawasak ang Pamilya ko.

Bumaba ako ng sasakyan ko at pumasok sa loob. Hindi madumi sa loob, dahil may mga tao 'kong pinapapunta dito para maglinis.

Nagtungo ako sa terrace at tumingin sa dagat. May mga tao sa dalampasigan at masayang naglalaro.

"Ito ba ang magiging bahay natin, Aqua babe?" Gulat akong napalingon sa likuran ko.

"What the fvck are you doing here!?" gulat kong tanong kay Margarita.

Paano siya nakarating dito?

"Aqua babe, asahan mo nang kung nasaan ka, nandoon din ako." Ngumiti ito at lumapit sa akin. "Ang ganda pala dito."

"This is our vacation house." Tumingin muli ako sa karagatan. "Dito nagsimula ang Pamilya namin at dito din natapos."

"Aqua babe, nararamdaman ko ang kagustuhan mong mabuo ulit ang Pamilya mo. Pero, anong magagawa mo kung hindi talaga yun ang tadhana?" Hindi ako nakasagot sa tinuran nito. "Kung ikasal man ang Mommy mo at yung bago niya, kasal lang naman ang nangyari eh. Hindi naman mababago nun na Mommy mo pa rin siya. At saka, hindi mo ba gusto na may dalawa kang Daddy? Yung isa laging busog, yung isa kamag anak ni Santa Claus."

Nilingon ko siya at tinaasan ng isang kilay. "Pinapagaan mo ba ang loob ko? O inaasar mo ako?"

"Wala sa nabanggit, Aqua babe." She smirked. "Dahil ang ginagawa ko ngayon ay pang aakit."

"Ganiyang uri ka mang akit?" nakataas ang isang kilay na tanong ko dito. "Ano yan? Sinasaniban ka ng Anghel habang inaakit ako?"

"Wag mong ipanalangin na dimonyo ang sumanib sa akin habang inaakit ka." Lumapit ito sa akin at pinalandas niya ang sarili niya sa panga ko. "Pagsisisihan mo, Aqua babe. Maniwala ka sa akin."

"Kung ibang klase naman ang hatid, bakit ako magsisisi?" Tumaas ang kabilang sulok ng labi ko. "It's better to regret, just to taste that punishment hell of yours."

"Mapagpatol kana ah?" Lumayo ito sa akin. "Maging badboy ka muna, Aqua babe. Para mas exciting."

Natawa na lang ako at napailing.

Hindi ko alam kung mabuti ba na nakilala ko siya o sumpa. Pero isa lang ang sigurado ko. Itong babaeng ito ang magiging sanhi nang mas malalang pagsubok ko sa buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro