Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

A/N: Baka malito kayo, flashback 'to ni Aqua. Okay? Mahaba haba po ito para yung talong-pasensiya niya.

AQUA

"BAKIT ho kayo biglang nawala?" Seryosong tanong ko sa mga magulang ni Margarita. "Nasaan ho si Margarita? Kayninong bata ho 'yang dala niyo?"

"Aqua, ayaw ni Margarita na malaman mo ito." Sunod sunod na tumulo ang luha ng Ina ni Margarita. "Umalis kami ng bansa dahil may sakit si Margarita. Kagaya ng Ate niya, mag cancer din siya. And now she's fighting for her life."

Hindi ako nakagalaw o nakakibo dahil sa mga katagang binigkas nito.

"She's in comma now," dagdag pa nito. "Lumala ang lagay niya, dahil hindi siya nakakainom ng gamot. Dahil mas pin-riority niya ang Anak niyo." Napatingin ako sa batang dala niya. "Aqua, ibibigay ko sa'yo ang Anak niyo. Hindi namin siya kayang alagaan ngayon dahil kailangan muna naming mag focus kay Margarita."

Lumapit naman ako sa kaniya. Lumuhod ako sa harap niya at dahan dahang kinuha sa kaniya ang Anak ko-Anak namin.

"My baby." Hindi ko namalayan ang sunod sunod na pagtulog ng mga luha ko. "Baby, baby."

"Possible din na magka-amnesia si Margarita." Napatingin ako sa Daddy ni Margarita. "Kung magigising siya."

"Ofcourse she will." Sabi ko dito. "Makaka-sutvive siya. Babalik siya dito. Babalikan niya kami ni baby. Diba baby?"

"Hihintayin namin ni baby, si Mommy niya. Maghihintay kami ni baby."

"She's Margareth." Ani Mommy ni Margarita. "Pinangalanan siyang Margareth ni Margarita, para daw lagi mo siyang maaalala."

Tumango lang ako habang nakatingin sa sanggol na nasa aking bisig.

"Mauna na kami Aqua, kailangan pa naming balikan si Margarita sa states."

"Can I have request?" Nilingon ko silang dalawa. "Can I talk to Margarita? Kahit video call lang, kahit hindi niya ako naririnig. I-I want her to know how I love her. Gusto ko sasabihin ko sa kaniya lahat ng ginagawa namin ni baby, gusto ko pinanonood ko sa kaniyang kung paano ko palitan ng diaper si Margareth at kung paano ko siya painumin ng gatas."

"Gagawin namin." Tinapik ako ng Daddy ni Margarita sa balikat. "Ingatan mo sana si Margareth."

"I will, promise."

They left.

Pinuansan ko ang luha ko bago tumayo. Parang may humaplos sa puso ko nang ngumiti sa aking ang sanggol na tulog.

"I'm your Daddy," sabi ko dito. "Mahal kita, Anak."

**

"AQUA? Kayninong sanggol yan?" Takang tanong ni Mom.

After my drama. Agad akong nag drive papunta kila Mom. I want to introduce my little Margarita to her.

"Mom, she's Margareth." Nakangiting sabi ko dito. "She's my daughter. Anak namin ni Margarita."

Bahagya naman itong nagulat sa sinabi ko. Pero maya maya lang ay masayang lumapit ito sa'kin.

"May apo na ako!" Tuwang tuwang sabi nito. "Pabuhat nga sa apo ko na yan."

"Mom, she's sleeping!" Saway ko dito. "Pasok muna tayo sa loob."

Tumango naman ito. Pumasok kami sa loob habang pinanggigigilan niya ang Anak ko.

Anak ko. Sounds weird but I felt I'm lucky.

"HON! MAY APO NA TAYO!" Mom shouted.

Biglang umiyak si Margareth na ikinataranta ko.

"Mom, what should I do!?" Tarantang tanong ko. "Kailangan niya ba ng Doctor? Mom, she's crying!"

"Kalma!" Sabi nito sa'kin. "Akin na, patatahanin ko."

Kahit ayaw kong bitawan si Margareth, ay inabot ko sa kaniya. Tinapik tapik niya ito ay sinayaw sayaw. Tumahan naman ito at natulog ulit kaya nakahinga ako nang maluwag.

"Kapag umiiyak siya. Kargahin mo at isayaw sayaw." She said. I nodded. "Kapag ayaw tumahan, padedehin mo."

Napatingin ako sa dede ko. "Mom, wala naman akong gatas."

Natawa si Mom. "Tanga! Bibili ka ng gatas, at saka bottled milk. Yun ang gagamitin mo para padedehin siya. Sa timpla ng gatas ay tansiyahan, maligamgam lang din yung tubig, yung kaya ng baby." Tumango ako. "Kapag naman hindi nadaan sa dede, baka puno na yung diaper. Palitan mo. Paarawan mo din siya tuwing umaga at lagi mo siyang kakausapin at lalaruin."

Tumango ako.

"Wag mong kaligtaan ang oras nang inom ng gatas niya," she added. "Kapag may problema, tawagan mo ako."

"Noted, Mom. Thank you."

Nakangiting lumingon ito sa'kin. "I'm so happy for you, Aqua. Proud na proud si Mommy sa'yo."

"I love you, Mom."

"Aqua." Napalingon ako sa Step Father ko. "Hindi madaling magpalaki ng bata, sana ay habaan mo ang pasensiya mo. Tawag ka lang sa'min kapag hindi mona kaya, okay?"

"I will. Thank you."

**

SUNOD akong nagtungo sa bahay. And I found my Dad sitting at his favorite chair.

"Dad!" Agaw pansin ko dito. "Look, may apo kana."

"Apo!?" Gulat na tanong nito. "Sino sa mga babae mo ang Nanay?"

"Dad!" Napasimangot ako na ikinatawa niya. "Si Margarita lang."

"I know, Son." Tumayo ito at lumapit sa'kin. "I'm so happy for you. Ingatan mo ang Anak mo, lalo pa ngayong wala yung Ina."

"Alam mo yung tungkol kay Margarita?-"

"-I know everything involved to you. Hindi ko lang pinapakita pero alam ko ang lahat, Aqua. Lahat lahat." Tinapik ako nito sa balikat. "Just be careful. Alam mo naman Tiffany baliw sa'yo."

"I will Dad. Thank you."

Nag usap pa kami nang kaunti. Binuhat niya din saglit si Margareth bago kami umuwi.

Inilapag ko sa kama ko, sa condo si Margareth. Nilagyan ko ng unan yung paligid niya. After that, kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Cideon.

"Really!? In the middle of my make love with my Wife!?" Inis na sagot nito. "What do you want!?"

"Tangina mo!" Singhal ko dito. "Magpadala ka ng mga gamit para sa bata dito sa condo ko. Like crib, clothes, kung ano ano pa. Samahan mona din ng gatas. Basta pambabae."

"What happened? Tatay kana?"

"Fvcking yes!" Masayang sagot ko. "Bilisan mo, baka magising yung Anak ko, wala pa itong gatas."

"Are you fvcking serious!?" Bulalas nito.

"Cideon, bilisan mona!"

"I'm on my way." Sabi nito. "With idiots."

Namatay ang tawag.

Sunod ko namang tinawagan ang secretary ko. I told him to contact a best architect and engineer. Magpapagawa na ako ng sarili kong bahay.

This is the best day of my fvcking life. Kung alam ko lang na ganito kasaya maging Ama, dapat pala ay noon pa lang gumawa na ako.

Pero buti na lang ay hindi ko itinuloy. Kasi kung ginawa ko yun, walang Margarita sa buhay ko. Walang babaeng nangungulit sa'kin at wala akong Margareth ngayon.

I will promise that I will be the best father for Margareth. I will spoil her sa paraang tama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro