Chapter 24
MARGARITA
"MOMMY, games daw po!" Hinila ako patayo ni Garnet. Hinila din nito si Margareth at Aqua. "Sali kayo po,"
"ITO ANG PERFECT COUPLE!" Lumapit sa'min yung teacher na nagsasalita sa gitna. "MOMMY AND DADDY, DITO PO TAYO SA GITNA."
Napakamot naman ako sa ulo ko bago tumango. Inakbayan ako ni Aqua at dinala doon sa gitna. Yung dalawang bata naman ay naupo ulit sa bench habang pumapalakpak.
May ibang parents din na nasa gitna at nakisali sa games.
"OUR GAME FOR TODAY IS SACK GAME! IGU-GRUPO KO PO KAYO BY FIVE, PAUNAHAN LANG PONG UMIKOT SA UPUAN AT MAKATAPOS," paliwanag ni Teacher. "ANG UNANG MANANALO PO AY MAKAKATANGGAP NG PREMYO!"
Napatingin ako sa suot ko. Dapat pala nag pants na lang ako, mukhang hindi ako makakapaglaro–
Natigilan ako nang may naglahad ng jacket sa harap ko. "Here,"
Tiningnan ko kung sino ito. Bumungad sa'kin ang isang guwapong lalaki–Wait, ito yung lalaking naging customer ko. Yung may poging Anak.
"Ikaw yun." Nginitian ko siya. "Bumili ka ng alak sa shop ko,"
"Kaya pala familiar ka." Natawa ito. "Hiramin mo una itong jacket ko. Itali mo sa beywang mo para makapaglaro ka nang maayos."
"Salamat." Kinuha ko ito at itinali sa beywang ko. "Ibabalik ko din mamaya."
"Wait." Napatikom ako ng bibig nang yumukod ito at inayos yung pagkakatali ng jacket sa beywang ko. "Better,"
"T-thank you," naiilang na sabi ko.
"Magsisimula na yung game!" Napalingon ako kay Aqua dahil basta na lang ako nitong hinila palayo doon sa lalaking nagpahiram sa'kin ng jacket. "Tayo ang partner dito!"
"Sinabi ko bang hindi?" kunot noong tanong ko dito.
"Tsk." Halos mahigit ko ang hininga ko nang hapitin nito ang beywang ko. "Ang pangit nang pagkakatali niya, parang yung mukha niya."
Inis akong lumayo dito. "Kung singkit din siya, mas guwapo siya sa'yo!"
Lalong nagsalubong ang kilay nito dahil sa sinabi ko. Kita ko rin ang pagkuyom ng kamao nito, feeling ko rin anumang oras ay bubugbugin niya yung lalaki.
"Umayos ka nga, Aqua!" Sinamaan ko ito ng tingin. "Wag mong sirain yung pinakamasayang araw na'to para kay Garnet!"
"Yung pangit na yun ang sumisira!" Tinalikuran ako nito at nagsimulang pumila.
Buti na lang at hindi napansin ng iba na nagsasagutan kami.
Dahil kakampi ko si Aqua, pumila na din ako. Sa likuran niya ako pumila dahil siya ang mauuna, sunod naman ako.
Sa likuran ko ay isang babae and to my surprise, kakampi rin namin si Kuyang nagpahiram sa'kin ng jacket. Siya yung nasa pinaka-dulo.
"OKAY! GAME NA!" hudyat nung Teacher.
Sinimulan namang isuot ni Aqua yung sako sa paa niya at nagsimula nang tumalon. Mahina akong napatawa nang muntik na itong sumubsob.
Nang makalapit na siya sa'kin ay tinanggal niya yung sako at sinimulang isuot sa'kin.
"Bilisan mo naman!" frustrated na sabi ko dito dahil tumatalon na yung kalaban. "Aqua!"
"Damn! Mas mabilis ako sa pagdating sa hubaran," sabi nito.
Mahina ko itong tinampal. Buti na lang at mas malakas yung hiyawan ng mga tao kaysa sa bunganga niya.
Nang maisuot na niya ay tumalon na din ako. Sa huli, kami din ang nagwagi. Buti na lang ay nakahabol si Kuyang pogi.
"OKAY, PANALO ANG ATING TEAM 5!" Dinala kami nito sa gitna. "OKAY, PUMILI NA PO KAYO NG PRIZE."
May iniharap sa amin itong mga pagkain. Mango pie and cheesecake.
"MANGO PIE, PLEASE!" dinig kong sigaw ni Margareth kaya napalingon ako sa kaniya.
Nakanguso ito at halatang gustong gusto yung mango pie. Nilingon ko naman si Garnet na nag iisip. Favorite ni Garnet yung cheesecake kaya sure akong iyon ang gusto niya–
"MANGO PIE NA LANG PO!" sigaw nito.
Kinuha naman namin yung mango pie. Dahil dalawa kami ni Aqua, dalawa din yung price namin.
Nang matapos pumili ay binalikan na namin yung dalawang bata. Inabot namin sa kanila yung mango pie.
"Thank you for choosing mango pie," sabi ni Margareth kay Garnet.
Tumango lang si Garnet habang kumakain.
Napahawak ako sa beywang ko. Bigla kong naalala si Kuyang pogi nang mahawakan ko yung jacket. Tinanggal ko yung pagkakatali nito sa beywang ko at inilibot yung paningin ko para hanapin siya.
Nakita ko itong kausap yung Anak niya, sa gilid nito ay isang babaeng maganda. Ang ganda ng asawa niya.
Lumapit ako sa kanila. Natigilan pa ang mga ito nang makita ako.
"Ito pala yung jacket mo." Inabot ko dito yung jacket niya na agad naman niyang kinuha. "Salamat sa pagpapahiram ah? At congratulations pala kanina, ang galing mo!"
Natawa ito. Kingina! Pati yung tawa, pogi! "Sanay na ako sa mga ganon. I'm ex NAVY,"
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi nito. Kaya pala ang ganda ng katawan niya.
"Astig!" manghang sabi ko.
"By the way, I'm Clarken." Naglahad ito ng kamay.
"Margarita." Akmang kakamayan ko ito pero may kung sinong naunang nakipag-kamay dito.
"Aqua, pre." Napatingin ako kay Aqua. "Aqua Ching."
"Nice to meet you," nakangiting sabi dito ni Clarken.
Binitawan ni Aqua ang kamay nito at inakbayan ako.
"Salamat pala sa pagpapahiram mo ng jacket kay Misis," sabi dito ni Aqua. Ako? Misis niya? "Naunahan mo lang ako eh, hububarin kona sana itong polo ko para yun na lang ang gamitin niya. Kaso selosa si Misis, baka magwala."
Palihim ko itong siniko sa dibdib. Tanginang lalaki 'to!
"Parehas pala ng Asawa ko." Inakbayan nito yung babeng katabi niya. "But my wife is understandable, at malaki ang tiwala nito sa'kin. By the way, she's Amelia."
Ngumiti ito sa'min ng tipid. Nginitian ko lang din siya bilang tugon.
"Kaya naman pala ang guwapo nung Anak niyo. Ang ganda ng asawa mo, tapos ang pogi mo," sabi ko dito.
"Kapag hindi ka pa tumigil nang kapupuri sa lalaking 'yan, lalahian kita," bulong sa'kin ni Aqua.
"Kapag hindi ka pa rin tumigil diyan, paglalamayan ka namin!" inis kong sabi dito.
"Yeah, and my cause of death is pleasure." Ramdam ko ang ngisi nito. "Pleasure from the most beautiful woman in the world."
"Mauna na kami," paalam ko sa mag asawa. "Salamat ulit!"
Tumango lang yung dalawa.
Agad akong tumalikod at tinangay si Aqua paalis doon.
"Nakakairita ka!" mahinang singhal ko dito.
"Same feeling, babe."
Mahina ko itong itinulak at naunang maglakad. Nang makalapit ako sa dalawang bata ay pareho kong hinaplos ang buhok nila.
"Okay lang kayo?" sabay lang silng tumango.
Nagpatuloy ang program, nakisali pa din kami ni Aqua sa games at nananalo pa din kami. Palagi din kaming nagbabangayan ni Aqua dahil apura dikit niya sa'kin.
Natapos ang program ng bandang alas tres ng hapon. Kami ang naging best in family, nanalo din kami ng iba't ibang award na sobrang ikinasaya ni Garnet, ganun din ni Margareth.
"Anong gusto niyong kainin?" tanong ko sa dalawang banta.
Kumain naman kami ng tanghalian, kaso nga lang ay bitin at sigurado naman akong gutom din sila.
"MCDO!" sabay na sagot ng mga ito.
"Mcdo daw," baling ko kay Aqua.
Mukhang magkasundo yung dalawang bata ngayon. Sila yung nasa backseat, samantalang ako ngayon ang masa front seat.
"How about me? Hindi mo ba ako tatanungin?" tanong ni Aqua.
"Anong gusto mong kainin?" tamad na tanong ko dito.
Sasakyan kona lang ang mga trip niya. Ang hirap kayang makipagdiskusyon sa lalaking ito.
"You." Kunot noong napalingon ako dito. "Ikaw ang gusto kong kainin. I want to taste every part of your body."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro