Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23


MARGARITA

   "GARNET, bangon na." Tinapik ko ito sa braso. "Male-late kana."

"Ayaw ko po pumasok," inaantok na sagot nito. "Mommy, friday naman po eh. Sa Monday na ako papasok,"

"Hindi puwede," tugon ko dito. "Bumangon kana diyan,"

Umiling lang ito at nagtalukbong nang kumot. Sinusumpong na naman siya.

"Garnet, sino bang masusunod sa ating dalawa?" tanong ko dito.

"Ikaw po," sagot nito. "Pero ngayon, ako po."

"Garnet!"

"Ayaw ko nga pasok eh!" inis itong naupo sa kama. Kita ko ang panggigilid ng luha nito. "Program lang din naman meron sa school namin ngayon po eh!"

"Bakit ba ayaw mong pumasok?" mahinahon kong tanong dito. "Sabihin mo kay Mommy."

"Program nga po," sagot nito. "Tapos yung program dapat kasama mo yung Mommy at Daddy mo. Eh, Mommy lang mayroon ako, kaya ayaw ko po pumunta."

"Garnet." Naupo ako sa kama. "Ano naman kung Mommy lang ang mayroon ka? Pwede ka pa rin namang pumunta doon."

Umiling ito. "Ayaw,"

"Maligo kana." Nginitian ko ito. "Tatawagan ko si Aqua, siya ang magiging Daddy mo ngayon."

Lumiwanag ang mukha nito. "Totoo po?"

"Opo,"

Mabilis naman ito bago tumakbo papasok ng banyo. Napasapok na lang ako sa ulo ko nang mawala ito sa paningin ko.

Himala, pumayag maligo mag isa.

"Bakit ba sinabi kong si Aqua?" Napahinga ako nang malalim. "Tatawagan ko siya? Hindi ko nga alam yung number niya eh."

Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa sala. Nadatnan ko doon sila Mommy na mukhang papaalis na kaya agad ko silang nilapitan.

"Mommy, may number po ba kayo ni Aqua?" tanong ko dito.

"Bakit?" takang tanong niya.

"May program po kasi si Garnet sa school, kailangan daw ng Mommy at Daddy. Naisip kong si Aqua muna ang Daddy niya, tutal malapit naman silang dalawa sa isa't isa," mahabang paliwanag ko. "Wala na akong maisip eh, ayaw pumasok ni Garnet tapos malungkot pa."

Nagkatingin sila ni Daddy.

"Ito yung calling card niya." May inabot sa'king papel si Daddy. "Diyan mo siya i-contact."

Kinuha ko iyon. "Salamat po,"

"Mauna na kami," paalam ni Mommy. "Mag enjoy kayo mamaya."

"Ingat po kayo." Tumango lang sila bago tuluyang lumabas ng bahay.

Umakyat naman ako sa kuwarto dala yung calling card. Naupo ako sa kama at tinawagan yung number ni Aqua.

Nakaka-dalawang ring pa lang ay may sumagot na agad ng tawag.

"Hello?" Napalunok ako nang marinig ko ang malalim nitong boses. "Who's this?"

"A-Aqua?" Bakit ba ako nauutal? Si Aqua lang yan!. "Si Margarita 'to,"

"Hey, babe." Nakarinig ako ng kalabog mula sa kabilang linya. "Miss me?"

"Miss mo mukha mo!" Napairap ako. "Busy ka ba?"

"No," mabilis na sagot nito. "Margareth have no class today, why?"

"Uhm, may parang family day kasi si Garnet sa school. Kailangan daw nang Daddy, pwede ka ba?" Napakagat ako sa ibabang labi. "Ano?"

"Babe, stop bitting your lips." Paano niya nalaman? "Wala ako diyan, okay? Wala ding CCTV. You just always do that."

"Wag mong ibahin yung usapan," masungit nasabi ko dito. "Payag kaba? Kung hindi, manghihila na lang ako nang kung sinong lalaki d–"

"Babe, don't do that!" inis na sabi nito. "I'm on my way, naliligo na nga si Margareth eh."

"Sige, salamat."

"No, babe. Thank you."

Binaba kona ang tawag. Sakto namang kalalabas lang nang banyo ni Garnet. May tapis itong tuwalya sa kaniyang katawan.

"Mommy, ako na magbihis mag isa po." Hinila ako nito patayo. "Mag-shower kana po, mabagal ka maligo eh."

Mahina ko itong tinampal sa puwitan niya bago dumiretso sa CR. Saglit lang akong naligo dahil apura ang katok ni Garnet sa pinto.

"Hindi ka excited 'no?" tanong ko dito nang makalabas ako. "Mali mali pa suot mo ng damit mo."

Sumimangot lang ito na ikinatawa ko.

Nagtungo ako sa closet ko at nagsimulang magbihis. Nang makapagbihis ako ay nilapitan ko ang Anak ko at inayos ang damit nito.

Nakasuot ito ng blue polo at pants. Ako naman ay violet dress.  Sinuklay ko ang buhok ko at naglagay ng light make up.

"Mukha lang tayong magkapatid," sabi ko kay Garnet habang naglalakad kami pababa ng hagdan. "Ganda ng Mommy mo 'no?"

Tumango lang ito.

Pagbaba namin sa sala ay nadatnan namin doon si Aqua at Margareth na naghihintay. Nakasuot ng polong itim si Aqua at pants. Si Margareth naman ay naka-violet dress.

"You're so pretty, Margareth." Nilapitan ko ito at hinalikan sa pisngi. "Favorite mo din ba yung Violet?"

Tumango ito. "Opo, feeling ko po kasi mas pretty at sexy ako kapag violet ang suot ko."

"Same mindset."

Natatawag nag-apir kaming dalawa.

"Hey, babe. You're beautiful." Napatingin ako kay Aqua. "You need to be arrest because of your beauty."

"Tigilan mo ako sa pambobola mo." Inirapan ko siya. "Halika na nga, si Garnet nauna na sa kotse."

Lumabas kaming tatlo nang bahay. Tama nga ang hula ko, nasa front seat na si Garnet. Salubong ang mga kilay nito.

"Masyado kang excited," sabi ko dito nang makasakay kami sa sasakyan.

Tahimik lang kami buong biyahe. Kita ko pa ang paglingon lingon sa akin ni Aqua mula sa rearview mirror. Siraulong 'to ah?

Nang makarating sa school ay agad kaming bumaba. Halos lahat nang atensiyon ng mga tao ay nasa amin.

Humawak sa kamay ko si Garnet, habang si Margareth naman ay buhat ng Daddy niya.

"Hirap talaga maging guwapo,"

"Hirap talaga magin maganda,"

Halos magkasabay na sabi ni Garnet at Margareth.

Dumiretso kami sa court doon at naupo sa isang bench, kung nasaan yung mga classmates ni Garnet.

"We look expensive," hagikhik ni Margareth na nakakandong kay Aqua.

"READY NA BA ANG LAHAT?" tanong nang isang teacher na nasa gitna at may hawak na microphone. "OKAY, LET'S START! TODAY IS OUR FAMILY DAY, MAY MGA GAMES AT QUESTION AND ANSWER PORTION TAYO. AND MAYROON DING BEST IN FAMILY."

"DAPAT PO MAKIPAG-PARTICIPATE SI MOMMY AT DADDY SA MGA GAMES, PATI NA DIN ANG MGA BATA!" dagdag pa nito. "SO, WHAT ARE YOU WAITING FOR? LET'S START!"

Nagpalakpakan kami, yung mga bata nama ay naghiyawan na halatang mga excited.

"Babe, can you sit properly?" bulong sa'kin ni Aqua. "Your legs is exposing."

"Manahimik!" pabulong kong saway dito. "Masyado ka kasing nag-fo-focus sa legs ko,"

"Babe, yung mga nasa likuran natin ay tinitingnan din yan," madiing bulong nito. "Kapag hindi mo inayos yan, huhubarin ko ang polo ko at itatakip diyan. Ikaw din, ma-e-expose ang katawan ko."

"Aba, ede maghubad ka." Inirapan ko ito. "As if naman may pakielam ako?"

Umakma itong tatanggalin yung butones nang polo niya, kaya malakas kong hinampas yung kamay niya.

"Mahiya ka naman!" inis kong sabi dito. "Ayan na! Aayos na!"

Ngumisi naman ito bago prenteng naupo sa bench.

"Peste!" inis kong bulong.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro